Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

ICE SKIING CHALLENGE

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Samahan ninyo kaming bisitahin sila, ito po si pareng Rey Langit. Mapa-disierto o bansang may yelo, ala-ala namin kayo. Ito po si JR Langit.

Tampok natin ngayon ang ice-skiing challenge at ang pag bati sa inyo ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

Sa aming paglilibot sa iba’t ibang mga bansa ay nasusumpungan namin ang maraming challenges sa Biyaheng Langit. Ang palatuntunang Biyaheng Langit ay konsepto ng aming Kasangga sa Langit na si Reyster, kung saan ipinakikita namin sa inyo sa telebisyon (tuwing Sabado, alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel) hindi lamang buhay-buhay ng ating mga OFW, bagkus ibinabahagi na rin namin sa inyo ang mga destination na maaari ninyong bisitahin sa iba’t ibang panig ng Mundo.

FATHER & SON CHALLENGE

Bahagi ng aming adventure ngayon ay isang Pamaskong handog 2019 ng ating palatuntunang Biyaheng Langit. Binisita ng father-and-son team ang Elysian Gangchon Ski Resort, ito ay sa bansang South Korea.

Ang Elysian Ski Resort na ito ay kilala sa skiing, snowboarding, sledding, at sightseeing. Sa mga nakaranas na ng ice ski, ang Elysian Gangchon Ski Resort ay kilala sa pagkakaroon ng mga slopes. Hindi nagpahuli ang inyong lingkod pinilit nating sabayan ang ating Kasangga na si JR Langit sa pag ice-skiing.

IT IS NEVER TOO LATE

Sabi nga “AGE is just a number and it’s never too late.” May nag sasabing ang Sport na ito ay mapanganib, may nababalian, may nababagok, may nadidisgrasya at natutuluyan. Totoo nga bumungad sa amin ang ilang naka saklay, dulot nang maling bagsak sa pag iiski ngunit hindi ito dahilan upang umatras ang inyong lingkod sa Biyaheng Langit Ice challenge of the year.

Sa panimula, nararapat na matutunan ang ilang basics, upang ma survibe mo ang sport na ito. Una dapat lakas ng loob, lakas nang inyong tuhod, at marunong mag balanse upang matutunan ang pag lalakad sa yelo ng pasulong at paatras. Kung gusto mo ng sumulong o umandar dapat naka sub-sob o favor ang yong katawan sa inyong harapan.

BACK TO THE BASICS

Sa mabilis na pagdalusdos ipantay ang dalawang paa, na medyo naka baluktot ang iyong mga tuhod. Kung gusto mong mag daan-daan sa pag takbo, pag salubungin mo naman ang iyong dalawang paa. Huwag kalilimutan ang preno, upang tumigil ng tuluyan sa pag islide gumawa ka ng isang malaking letrang-A sa kina tatayuan at kina-papatungan ng iyong dalawang paa, at ikaw ay unti-unting titigil.

Asahan na may pag kakataon na maaari kang bumagsak o tumumba, dapat protektahan ang inyong ulo gamit ang helmet. Katawan ninyo at pagtagilid ang ipanlalaban sa pag bagsak.

Kapag nasundan na ninyo ang mga tips na ito maaari na rin kayong sumabay sa ice-skiing ng Biyaheng Langit.

LESSONS IN LIFE

Ang challenge na ito ay maihahambing sa buhay natin, ilan beses akong tumumba, 3 hangang 4 na beses ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi ituloy at tapusin ang challenge, ngayon ito’y dagdag na achievement na para sa akin ang ice-skiing challenge.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay simulcast sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

Ang ice-skiing challenge namin ay naging exciting, habang isinasakatuparan namin ang ice-skiing naranasan namin ang 80cm Snowfall na naunang ni report ng Alps, ang heavy snowfall forecast, ito ay nag simula sa Alps, Dolomites at Pyrenees habang ang bagyong Elsa ay nanalasa sa Western Europe ito ay nag papa-ulan naman ng yelo sa aming Biyaheng Langit “Ice-Skiing Challenge”.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles