32 degrees celsius yung dinatnan namin, around negative 10 or minus 14 pag dating namin sa South Korea, nakakapanibago talaga. Ang mga Koreano sopbrang workaholic umaabot ng 2 o’clock hanggang 3 o’clock ng umaga sa pag tatrabaho. Natatanong ko sa aking sarili, “hindi na ba sila natutulog!?” Ito ang pagtatapat ng isang OFW. Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino samahan niyo kaming bisitahin sila ito po si Pareng Rey Langit . Mapa-disyerto o bansang may yelo ala-ala namin kayo, ito po si JR Langit.
Tampok namin ang pagbati sa inyo ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
BIYAHING LANGIT SA MAY YELONG BANSA
Sa aming paglilibot sa iba’t ibang mga bansa ay nasusumpungan namin ang maraming challenges sa Biyaheng Langit. Ang palatuntunang Biyaheng Langit ay konsepto ng aming Kasangga sa Langit na si Reyster. Ipinakikita namin sa inyo tuwing Sabado, alas dos hangang alas tres ng hapon 2:00-3:00pm sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.
Sa pagsalubong natin sa bagong taon, sama-sama nating kilalanin ang isa pa nating kababayan sa South Korea, isang Pilipino na sa kabila ng pagiging abala sa trabaho ay nakuha pang magbahagi ng kaalaman at magbigay ng payo sa mga kapwa niya OFW- ‘Yan ay sa pamamagitan ng ginawang ‘blog’ ni Arwin Bueno.
Arwin: Noong nag open yung for Korea sinubukan ko lang mag apply kasi medyo startup yung company na pinag tatrabahoan ko. Sanggol pa ang panganay ko noon, kaya medyo mahirap ang buhay naisip ko pwede ako mag apply.



SHARED EXPERIENCE
Ang ‘buenas’ na kanyang minsang ninasa, paano nga ba niya natamasa?
Arwin: Honestly nagkaroon ako nang good work experience, pero kulang ang kinikita para magkaroon ng isang magandang kinabukasan ang pamilya. Nung nasa negosyo po ako parang lalo’t startup kami halos wala kaming kinikita noon for a year so parang umaasa ako sa misis ko. Pagdating dito sa Korea ang trabaho nila usually natatapos ng 9 o’clock.
Higit sa walong oras kung magtrabaho, ngunit may panahon pa rin siya para tulungan ang kapwa Pilipino. Nakapaloob sa kanyang adbokasya ang pag tulong sa kanyang mga kapwa OFW, kung papaano nila mapaghahandaan kapag dumating na ang oras ng kanilang pag babalik sa Pilipinas.
Arwin: Nagbibigay rin po ako ng seminar financial literacy from personal finance hanggang stock market investing.
Usong-uso sa panahon ngayon, lalong-lalo na sa mga kabataan ang pagkakaroon ng video blog o vlog.
MR. BLOG
Mayroon pa nga na may sariling facebook page o youtube channel, kung saan ibinabahagi nila ang video clip nila o ng kanilang mga karanasan sa madla. Taong 2006 nang makarating ng tubong Tanauan, Leyte na si Arwin Bueno ang South Korea.
Arwin: Tubong Tanauan ako, Tanauan Leyte kung maalala niyo yung sa Yolanda taga-doon po ako pero medyo malayo kami sa dagat kaya hindi naman ganon kalakas, hangin lang ang naka-ano sa amin. Buhay ko sa Pilipinas, hindi ganon kahirap pero medyo nakakasurvive ng kaunti kasi nakapagtrabaho naman po ako sa electronics company. Sa lugar ng Busan, siya dinala ng kapalaran bilang isang machine operator sa kumpanyang Hung Jin Industry.
Arwin: Mas preferred ko pa rin kasi sa Pilipinas, kung may income akong ganito sa Pilipinas ay preferred ko pa rin doon. Mas gusto ko lang kasing i-share sa Pinoy yon aking nalalaman…kung may pera lang doon na lang ako sa atin, yun ang nasa isip ko.
Naging malaking tulong kay Arwin ang pagkakaroon ng positibong pagtingin at imahe ng mga Koreano sa mga Pilipino. Kung kaya’t kahit na hindi niya natapos ang kanyang naunang kontrata ay bukas-palad siyang muling tinanggap ng kanilang kumpanya nang magbalik siya ng South Korea.
PINOY PREFERENCES
JR Langit: Ano ang masasabi mo sa pananaw ng mga banyaga sa atin?
Arwin: Gusto nila ang Pinoy mayroon kasi akong nabasang textbook dati na doon sa training center nakalagay ang Pinoy daw ay maasahan sa trabaho alam ang ginagawa, hindi mo kailangang turuan pa, o i-supervise alam na nila ang kanilang gagawin. Noong 2010 kasi nahirapan sila kumuha ng Pilipino so kumuha sila ng ibang lahi after non nakasubok sila parang sabi nila sa susunod hindi na sila kukuha ng ibang lahi. Actually doon sa napagtrabahuhan ko sa unang kumpanya kung pwede lang ang Pinoy, Pinoy na lang ang kukunin nila….hindi mo na kailangang i-supervise alam na kung ano ang gagawin.
Sa kanyang higit na walong oras na pagtatrabaho bilang machine operator ay kumikita si Arwin ng halagang higit sa isa o dalawang milyong Korean won na katumbas ng 45,000 to 60,000 pesos.
Arwin: Sa ngayon umaabot ng 1.2M won sa peso, sa palitan that will be around 46k to 47k per month. Kapag wala kang overtime nasa 1M. Kadalasang kinikita ng karaniwang EPS worker 1.5M to 1.8M yun ang mga nasa average. May mga kumikita dito na umaabot ng 2M. Yun lang, pagod na pagod nga lang.
PROFITABLE PORTFOLIO
Kung kaya naman, nakapagpundar na rin siya ng sariling bahay at mga negosyo sa Pilipinas.
JR Langit: Kamusta naman ang pamilya ninyo ngayon?
Arwin: Ah ok naman sila, hindi man angat na angat ang buhay ko sa ngayon, atleast kahit papano marami na akong natulungan. Noon una hirap talaga, lalo nung time na nagkakasakit ang anak ko lalapit ako sa tatay ko “tay wala talaga.” Tapos nong tumagal, hindi man ako present at least yung pera ko naitutulong ko doon hindi lang sa pamilya ko kundi maraming taong natulungan.
UNSELFISH ACTS
Dahil sa naranasan at pinagdaanan, ninais ni Arwin na magbahagi ang kaalamang na kanyang natutunan sa kapwa, sinimulan niya ang isang blog.
JR Langit: Pag usapan naman natin ang blog na ginawa mo para sa mga Pilipinong naninirahan sa Korea, papano ba nagsimula ito?
Arwin: Actually yung una is parang lang siyang blog na pansarili, ilalahad ko doon kung ano yung mga naging trabaho ko, at tsaka kung anong hirap ang malayo sa pamilya. Sa FB maraming nagtatanong… papano ba ang process papunta diyan, magkano ang magagastos, mga ganitong tanong. Sabi ko kung iisahin pagdating sa FB matagal, sabi ko gawin ko na lang blog para pag may tanong na ganito ibibigay ko na lang ang link alam na nila, yung iba kasi maggo-google tungkol sa pag-apply sa Korea, sabi ko kung hindi magtanong sa FB magtanong kay Mr. Google o edi pwede makatulong ang blog ko**, so ganon lang.
JR Langit: Naibabahagi mo rin ba sa mga baguhan ang experience mo, hirap na dinanas dito nang ikaw ay nag sisimula palang?
Arwin: Oo, tyagain nila ang trabaho kahit mahirap sa una na halos gusto mo na sumuko kasi may time nga noon actually naisulat ko siya sa blog ko ang plano ko noon is after 6 months uuwi na ako makaipon lang ako ng kaunting pera para maipang-apply ko sa ibang bansa dahil sa hirap ng trabaho dito. Noong una after 4 months, 5 months parang yung mahirap noon parang madali, na wala na yun unang sabi ko noon, lalot yung mga bagong dating dito maraming naninibago talaga. Mahirap yung mga Koreano palasigaw, na normal naman sa kanila. Its like parang alam mo yung magulang sa anak ganon ang treatment nila dito, pag pumasok ka kasi sa kumpanya nila hindi ito organization lang, kung baga pamilya.
Machine Operator sa umaga, blogger sa gabi- ‘Yan ang kababayan nating si Arwin Bueno, na hindi lamang pagkakataong magtrabaho ang natagpuan sa Busan, South Korea, kundi maging ang pagkakataon na makatulong sa kapwa.
Arwin: Ang isang goal ko ay makapaginspire sa mga Pilipino na maging maganda ang ipakita natin dito.
Isa rin sa naging adbokasiya ni Arwin ang makapagbahagi ng kaalaman tungkol sa financial literacy na karaniwang nagiging problema at nakakaligtaan ng mga gaya niyang OFW. Para naman ang perang kanilang pinaghirapan at pinuhunanan ng pawis at kalungkutan ay hindi masayang at may mapuntahan.
Arwin: Nagbibigay rin po ako ng seminar financial literacy from personal finance hanggang stock market investing yung ano lang intro lang sa investing kasi hindi naman ako nagte-train. Nakakasama ko ang OWWA, volunteer ako sa kanila pag sa seminars.


ADVICE at GUIDANCE
JR Langit: Anong advice ang iyong maibibigay sa ating mga televiewers at readers lalong lalo na sa mga gustong sumubok na mag-trabaho dito?
Arwin: Ah sa mga gustong pumunta ng Korea unang una alamin muna natin kung kaya ba nating magpagod ng husto. Kasi ang usual na trabaho dito ay 9-12 ng gabi, hindi karaniwang 8 hour job lang. Katulad ng napasukan ko dito bakalan may kabigatan ang trabaho lalot pag baguhan ka maninibago ka. Uutusan ka ng ganito kung kaya ninyong lunukin ang mga utos, pangalawa siguro kung nandito na kayo alamin niyo ang goal niyo sa buhay kung gusto niyo talaga makaipon kung gusto niyo talagang iangat ang buhay ng pamilya niyo…kasi ang nagiging problema pagdating dito bili ng gadget dito, gadget doon, gadget para sa pamilya. Hindi namamalayan matatapos na yung kotrata na 5 years, so after five years lalo kung over age ka mag-ttnt na nakakasira sa image ng Pilipinas. Binababa ng HRD ang quota ng mga aplikante papuntang Korea so apektado hindi lang tayo na nag tnt dito kundi apektado pati kapwa nating Pilipino.
Sa pag salubong natin sa panibago na namang Taon nawa ay bagong pag-asa ang matagpuan ng bawat-isa. Sa panibagong mga pakikipagsapalaran at pakikibaka na maaring kaharapin ay taglayin natin ang biyayang laan ng Maykapal sa atin. Pag-ibig at pagmamalasakit sa ating kapwa ang patuloy na ipamalas natin.
Hanggang sa susunod na pag lalakbay, siguradong hindi kayo mauubusan ng kwentong Pinoy, sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit na napapanood tuwing Sabado 2-3 ng hapon sa:
- RJdigiTV via cable and satellite Television
- Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
- Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
- SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
- Cignal – Channel 28 – Nationwide
- RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox
SUMMATION
Hindi maitatanggi na sila pa rin ang ating modern heroes – ang ating mga Overseas Contract Workers. Mula pa noong taong 2002 sila ay tinanghal nang makabagong mga bayani ang ating mga OFW.
Ang malaking kontribusyon nila sa ating ekonomiya sa pamamagitan ng mga remittances ay napakahalagang kontribusyon para sa lahat. Alalahanin natin na mahigit sa 2 Milyon OFWs sa iba’t ibang dako ng mundo ang patuloy na nagsasakripisyo hindi lamang dahil sa kanilang pamilya o sa kanyang kinabukasan, kung di para rin sa bayan.
Madalas natatanong sa amin kung di ba raw kami napapagod sa aming pag lilibot at pag hahanap ng mga OFW na makaka-panayam. Ang sikreto namin ni JR Langit, hinahaluan namin ang trabaho ng dagdag na sangkap. Tulad ng aming ginawang Ice Ski-ing Challenge sa Elysian Gangchon Ski Resort na nakaaaliw, nakamamangha, at tunay na nakakatuwa na skiing experience ng Biyaheng Langit team sa South Korea, na pampatanggal ng pagod.
** Arwin Bueno 010.5149-7774 or visit his blog at http://epsinkorea.blogspot.kr/