“Bawat nanay nga po ay kulang sa budget, gumagawa kami ng paraan, example po within Tondo area, may Zumba for a cost nandudun po kami nag benta ng pagkain, ng tinapay, ng leche plan, kung ano yung pwedeng maibenta. Kaya nag kakaroon kami ng funding, mula rito sir nakakabuo kami ng Project alang- alang sa aming mga anak, alang- alang sa mga special kids, all about critical care for special kids.” Ang kuwento ng mga special nanay sa proyektong para sa mga ispesyal na bata, ating alamin. Ako si Pareng Rey Langit.
Ispesyal na edukasyon para sa mga ispesyal na mga bata. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit. Ang mga istorya na ating ibinabahagi sa inyo ay napanood sa aming Programang pang telebisyong “Kasangga Mo Ang Langit. Sumasa inyo tuwing Sabado, alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.
THROWBACK
Ako po na si Pareng Rey Langit ay pinanganak at lumaki sa Manuguit Tondo. Alam ko ang buhay at kakulangan ng karamihan sa mga Kababayan natin sa Tondo. Pinag kakasya nila ang kanilang mumunting kita sa mag hapon upang matugunan ang pangangailangan ng buong Pamilya. Kita sa pag ta tricycle, kita sa pag pasada ng Jeepney biyaheng Quiapo-Monomento. Pag titinda sa talipapa ng Hermosa. Pag bubunot ng ligaw na damo sa garden ni Phoa, dyes sentimos na bayad sa bawat kama ng pananim. Konting buhos ng ulan baha na, dapat sagupain mo ang hangang baywang na tubig baha para makarating sa eskwela o sa trabaho. Dito nag simula ang mga katagang “isang kahig isang tuka!”
Kinapanayam namin si Mary Jane Jacinto Founder ng Project SpEed for Kids with Special needs:
SPECIAL KIDS CARE
MaryJane: Hindi po nawawala ang biyaya at hindi po nawawala ang sponsor na nakakaintindi kung ano yung adboksiyang ginagawa ko, struggle in a sense.
Tatlong taong gulang ang anak ni MaryJane Jacinto nang lumabas sa pagsusuri na mayroon itong ADHD o Attention Deficit Hyperactivity disorder. Maraming ispesyal na pangangailangan ang isang may ADHD habang sya ay lumalaki at isa na rito ang kanyang edukasyon.
Upang makatiyak ng magandang edukasyon para sa batang may ispesyal na pangangailangan, kailangan ay ipasok ito sa isang ispesyal na paaralan. Gayunman, Ayon kay Ginang Jacinto, aabutin ng isang daang libong piso kada buwan para sa isang pribadong special school.




ADVOCACY
MaryJane: Doon nag simula yung adbokasiya na makatulong sa lahat ng public school, makatulong to the extent na baguhin ang lahat ng bawat room maging cater po sya sa lahat ng batang nakaloob po doon katulad po dito ngayon sa nakikita ninyo this is Autism class of Rizal elementary school which is dito po ako naging focus since 2015-16 until now.
Nakitaan ko po ng pangangailangan tong eskwelahan, npaka rami pong special kids na kailangan ng tulong lalo na yung therapy, hindi lang yung tuition ang pinag uusapan natin sa Speed, were also doing the therapy, lalo na yun autism at ADHD sir ang OT nila tsaka ang speech, no joke 700 per hour per day per session so how can a mom or a family na mababa yung income makakasustain, makakapagbigay ng ganung halaga.
HOME STUDY PROGRAM
Doon po nag start yung pag aaral na kaming mga nanay mag karoon kami ng session na tuturuan ko sila pano nila ithetherapy yung kanilang anak mismo kahit na sa bahay, kasi dun po talaga nag simula yung adbokasiya para sa mga autism ADHD kids.
Noong 2014, inilunsad ni Ginang Jacinto ang Project SpEed Mom kung saan sa tulong ng mga kung tawagin nya ay special nanay at mga donors, ay sinusuportahan nila ang SpEd center sa isang paaralan.
MaryJane: Ipopost ko po yun sa face book gumawa po ako ng page, I have three different facebook account kasi sir ang gusto ko is malaman ng mga tao all about special kids matanggap sila ng wala na pong side notes, na ano ba yang batang yan.
FOR A CAUSE
Kami na rin ang gumagawa ng paraan. Kami ang nag start, ginawa ko sya as livelihood. Kasi bawat nanay nga po is kulang sa budget kulang sa income, so kahit anong pwede pong maibenta po namin binebenta po namin, for example lahat po ng kayang ibenta within Tondo area ibenebenta po namin. For example sir may Zumba for a cause nanduduon po kami nag bebenta po ng tinapay, nag bebenta po ng leche plan, kung ano yung pwedeng maibenta sir. From that nag kakaroon po kami ng funding, from that funding din sir nabubuo yung pakikipag usap ko sa ibat ibang mga tao na all about special kids, all about critical care for special kids.
Maliban sa kanilang mga donors, walang tigil ang mga special nanay sa paggawa ng paraan upang makalikom ng pondo para sa edukasyon ng mga batang may ispesyal na pangangailangan.
JR Langit: Meron po ba kayong mga katuwang na mga private or public na partners sa adbokasiyang ito?
MaryJane: Ang talagang tumulong ng sobra sobra po sa amin ay ang mag asawang Rio at Tj Manotoc, from the time na nagkaroon po kami ng fun run for a cause. Year 2016 dun ko po sila na meet so diniscuss din po nila samin yung tungkol sa pano tuturuan ang magulang mag benta ng produkto, bakit kailangan nila yun bakit po dapat po kami mag tinda, kasi sa amin po bawat segundo, bawat minuto counts.
TIME IS OF THE ESSENCE
JR Langit: Bakit naman ?
MaryJane: Hinahabol po namin yung development ng mga bata so kailangan po namin talaga po maayos na pag aaral, para makaabot po sila dun sa edad nila na minimithi ng teacher na madevelop sila ng mas maaga.
JR Langit: Sa ngayon mga nasa ilang mga bata po ang under po sa proyektong ito?
MaryJane: Actually dito po sa Rizal sir ang cover po ng SpEd is 563 po kalimitan dun gifted and talented. Ang talagang nabibigyan ng attention is yung special kids na merong mental disability, yung nacocover ko na.
MaryJane: Sa Philippine General Hospital, sa National Children’s Hospital tsaka sa PCMC po sila nag papa check up meron din po sa loob ng PGH na naka critical care meron din po sa NCH. Nag-out patient din po, pumapasok for chemotherapy, kalimitan ay hydrocephalus.


WISH KO LANG!
Hindi tumitigil ang mga special nanay upang mapalawak pa ang project SpEd Mom. Target na rin nilang makipag ugnayan sa mga Local Government units at National officials para sa dagdag na SpEd centers.
JR Langit: Ano po yung inyong pangarap at wish ninyo para sa future ng mga batang kamukha nito na may mga special needs?
MaryJane: Actually sir ang pangarap ko mag karoon ng magandang SpEd center, tulad noong SpEd Center sa Valenzuela. Dahil State of the Art ang Valenzuela SpEd Center , I’ve been asking para maka usap yong Gatchalian team.
Ang iba’t ibang istorya na ating ibinabahagi ay napanood sa aming Programang pang telebisyong “Kasangga Mo Ang Langit na
napapanood tuwing Sabado ng alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.
Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay simulcast sa mga sumusunod:
- RJdigiTV via cable and satellite Television
- Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
- Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
- SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
- Cignal – Channel 28 – Nationwide
- RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox
SUMMATION
Ang SpEd center ay mistulang paaralan sa loob ng isang paaralan na nakatutok sa mga batang may ispesyal na pangangailangan. Sa isang pag aaral noong 2018, lumalabas na mahigit sa tatlong milyong pilipino ang maituturing na special. Ngunit nasa halos pitong daan lamang ang SpEd Center sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.
We really need more hospital na magke-cater sa mga critical care kids may mas maganda pasilidad, mas kaaya aya at mas mabilis po silang mabibigyan ng magandang tulong.
Isa pang problema na aming nakikita sa ngayon ang mga lumalaking bata at na dedevelop ang kaisipan, lumalabas sa SPEED Center na wala pa ring mapasukang trabaho.
Kamakailan may 22 na lumabas sa SpEd Center, kalimitan ang naging problema is intellectual delay, ang tanong saan sila ngayon magta trabaho?
Sa pagtulong hindi na rin magpapahuli ang “Kasangga Mo Ang Langit Foundation at sa pamamagitan na ng ating mga kaibigang bukas palad sa pagtulong.
May naisip kaming paraan upang ang mga batang ito ay mag kapag trabaho at mabigyan ng kanilang pangkabuhayan, para sa kanilang kinabukasan.
At ito ang aming tatalakayin at ibabahagi sa inyo sa ating muling pagtatagpo dito sa ating Column na ito, ”Ang Inyong Kasangga!”
Hanggang sa susunod na Kwentuhan siguradong hindi kayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit. Sa ngalan ni Reyster ito po ang inyong Father and Son tandem, Pareng REY at JR Langit, lagi nyong tandaan sa ano mang laban, ““Kasangga Mo Ang Langit!”