Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

BIYAHING LANGIT SA CHINA

$
0
0

Ito’y hango sa aming programang pang telebisyong Kasangga Mo Ang Langit sa aming isinakatuparang Biyaheng Langit sa China.

Mapapanood na ngayon tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.
Ang Father and Son tandem nina Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

Isang napakalaking hamon para sa Gilas ang pagsabak na ito sa Fiba World cup dahil mga higante ang kanilang kalaban, Pero hindi ito dahilan para mawalan ng lakas ng loob dahil ibinigay sa kanila ng buong buo ng deletasyon ng Pangulong Duterte.

FEARLESS FORECAST NG PANGULO

Ganito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa aming interview sa kanya.

Sec. Panelo: Well Gilas Pilipinas will decidedly winning result why? Because the president is there watching and you know when the president said talo tayo sa Italy that was actually a reverse pschology of this is it to inspire them and to challenge go them into winning.

Hindi man natin alam kung ano ang kahihinatnan noon ng laban na yon ng Gilas Pilipinas, pinakita pa rin natin ang moral support at pakikiisa ng mga Filipinong bumisita kasama ng Pangulong Duterte at ng mga Filipinong naninirahan sa China ang hangad na sumoporta at makatulong.

At sa mga larangang ito, muling ipinakita ng Pangulo ang kanyang gilas na matiyak na hindi madedehado ang Pilipinas sa pinakitang suporta sa ating pambansang koponan.

SPEAKER’S INSPIRING MESSAGE

Ang message ni House Speaker Allan Peter Cayetano para sa Gilas nang exclusive naming kapanayamin sa China:

Speaker Cayetano: Well unang una buong suporta ng sambayanang Pilipino ay nasa Gilas di ba at nakilala nga sila sa puso kasi despite the odds talagang lumalaban at in the past may mga victories tayo na di inaasahan minsan may heart ache din diba at ito po maganda ang biling natin at lahat po ng dasal lahat po ng suporta isipin niyo pangulo mismo Pangulong Duterte pa mismo ang pumunta dito para lang makapamakanuod at magcheer on, so sa lahat ng nag mamahal sa Gilas at Basketball country na Pilipinas were all behind you Gilas .

Kinapanayam namin ni Kasangga JR Langit ang delegasyon ng Pangulong Duterte kaugnay ng laban na yon ng team ng Gilas Pilipinas.

ANG FORECAST NI SENATOR BATO

Isa pa sa nakuhanan namin ng reaction ay sì Senator Ronald Bato Dela Rosa

Sen. Dela Rosa: The more that we support them the more we show our support to them the more they are inspired to play. Well ang forecast ko is matinding labanan ito ang masasabi natin, bilog ang bola kahit na masasabi natin na malakas yung team ng kalaban.

Aking kinuhanan ng pahayag si Chairman emeritus Manny V. Pangilinan ng Samahang Basketball ng Pilipinas:

MVP: Well it was a rather this, point in game but we should not give up, continue to support our team and give them all are prayers in the next two games, so Laban Pilipinas – Puso. Thank you.

MAKALIPAS NI MVP ANG NAGING MENSAHE NI EL PRESIDENTE

Kinapanayam rin namin ni Kasangga JR Langit sa China si Commissioner Mon Fernandez

Comm. Fernandez: Well unang una gusto nating pasalamatan yung mga kababayan natin na nag punta rito para suportahan yung game natin sana suportahan pa natin hopefully makabawi tayo in the coming games im looking forward na makakaya natin ang Angola, ang third game nitong Italy at Serbia talagang near to impossible na madadali yan but anyway lalaruin pa rin naman yan we can never really tell but of course dehado tayo we have to accept that hopefully we just get a win against angola and then will be ok.

Naka daupang palad naman rin ng Pangulo ang pinaka sikat na artista ng China na si Jackie Chan, isang libro at jacket ang nairegalo ni Chan sa Pangulo ng Pilipinas at syempre tinapos nila ang kanilang pag tatagpo sa isang picture taking kasama si Senator Bong Go na naka fist bump.

Sa kabila ng mahigpit na schedule nang Pangulong Duterte sa China, talagang isiningit ng Pangulo at ng kanyang delegasyon ang panunuod at pagbibigay ng suporta sa Gilas Pilipinas.

Bagamat alam na natin ang naging resulta ng laban ng Gilas Pilipinas sa Italy at maging sa Serbia, wala na marahil pang hihigit sa ipinakitang suporta ng Pangulong Duterte nang mismong sya ay manuod sa kanilang laban.

SUMMATION

Makabuluhan ang naging pag bisita ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China, sa kabila ng pag kakaiba ng paninindigan ng dalawang pangulo tungkol sa sa Arbitral Tribunal nag kasundo naman sila na ipag patuloy ang magandang relasyon ng Pilipinas at Tsina sa ibang area, kabilang na rito ang larangan ng trade, investment, culture, science, technology, tourism at hindi kinalimutan ang SPORTS.

Tulad nang naging paliwanag ni Sec. Sal Panelo ng amin siyang kapanayamin sa China, bago pa magtungo ang Pangulo sa China, tatlo ang layunin na kanyang binangit. Una bubuksan niya ang usapin sa arbitral rulling na kanyang ginawa. Ang i-facilitate the passes of the code of conduct sa south china Sea and third yung joint exploration. At on the side ang sports, ang pinadama niyang alalay sa ating mga manlalarong Filipino, sa Gilas Filipinas na hindi man nagwagi, maipag mamalaki pa rin ang kanilang sportsmanship at gilas na pinamalas sa harap ng Pangulong Duterte at sa delegasyon ng mga Filipino.

Abangan sa Sabado, Setyembre 14, 2019, sa RJdigitalTV 2-3pm ang ka buo-an ng usapang 2019 FIBA World Cup at suporta ng Pangulong Duterte sa Gilas Pilipinas.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles