Isang masakit na katotohanan na maraming buhay pa rin ang nalalagay sa peligro dahil sa kagat ng lamok na may dalang virus ng Dengue. Sa panahon ng ganitong klase ng kalamidad, maasahan ang mabilis na pagresponde ng PAGCOR. Naanyayahan kami ng Pagcor kamakailan upang saksihan ang turn over ceremony ng pamamahagi nila ng mosquito nets sa siyudad ng Maynila. Sa kabila ng patuloy na pag unlad ng teknolohiya sa buong mundo, isang masakit na katotohanan na maraming buhay pa rin ang nawawala at nalalagay sa peligro dahil sa kagat ng lamok ito po si Pareng Rey Langit.
Samahan nyo kami sa panibagong serbisyo publiko na handog ng PAGCOR. Ako ang inyong kasangga, JR Langit. Ito’y hango sa aming Programang pang telebisyong Kasangga Mo Ang Langit. Mapapanood na ngayon tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.
Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.
Ang Father and Son tandem nina Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood na sa mga sumusunod:
- RJdigiTV via cable and satellite Television
- Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
- Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
- SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
- Cignal – Channel 28 – Nationwide
- RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox
- Hindi naman kaila sa inyo na malapit sa aming puso ang pag tulong sa mga nagiging biktima ng Malaria at Dengue. Sila ay mga biktima dulot ng kagat ng lamok.
TRUE TO LIFE STORY
Sumandali nating sariwain ang sinapit ng aming Kasangga at anak na si Reyster Langit. Isang very courageous young journalist na nagsakatuparan ng mission sa Palawan upang i-document ang mga nangyayari sa mga kabataan, young kids dying of unknown decease sa bahaging yon ng Singnapan, Rizal sa Palawan.
Ang kanyang magandang intention ay upang malaman nang lahat, ang dahilan ng nagiging sanhi ng kamatayan ng mga bata. To unfold the cause of death of these young kids and call the attention of the authorities. Nag tagumpay man sila na malaman ng lahat ang nangyayari sa Singnapan, Rizal, Palawan hindi naman sila nakaligtas, tulad ng iba sila ay tinamaan din ng karamdaman.
Bagamat tinangap ni Reyster ang CMMA “SERVIAM” Award. Award for serving God and the Filipino people by promoting human values through mass media. Ang ending ay tragic. Silang lahat ay nasawi dulot ng “Celebral Malaria.” In honor of Jaime Cardinal Sin, the Catholic Mass Media Awards grant Reyster Langit a Serviam Award for outstanding service to mankind.





LAMBAT PANLABAN SA LAMOK
Malugod na tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang libong kulambo mula sa PAGCOR. Nakatakda itong ipamahagi sa mga lugar kung saan mataas ang insidente ng dengue.
Ganito ang naging paliwanag at ibinahagi sa atin ni Yorme-Isko Moreno:
“Ang isa sa pinaka challenges ng syudad ng Maynila ay ang ating mga kababayan na namumuhay sa tabing ilog at ang ilog katulad halimbawa ng Magdalena, Muwelle De Binondo at kung saan saan pa na ilog sa looban ng Maynila ayan ay madalas na bahayan ng lamok sapagkat most of this ilog are stagnant water, that’s why we would like to also ask Mmda through the office of the President, DPWH again office of the president at PRRC office of the president at ang ating mga kawani sa city govrenment of Manila, sa City engineering, tuloy tuloy ang pag sasaayos ng ating ilog para maiwasan na itoy pamahayan ng lamok pero kung hindi natin mapigilan ang pag dami ng lamok o maregulate man lamang yung pag kagat ng lamok sa pamimigay nila ngayon ng lambat lambatin natin lahat ng lamok.”
19,000 MOSQUITO NETS
Si PAGCOR VP Jimmy Bondoc ang aming kinapanayam:
JR Langit: Gano po karami itong idodonate niyong mga kulambo sa siyudad ng Maynila ?
VP Jimmy: Currently meron po kaming 1000 dito sa city of manila and we have 18 thousand more its a total of 19,000 and of course we are also challenge by the procedures of procuring sa government sa pag bili kaya hindi basta basta, so yung tumaas palang yan nag prepare na kami pero ngayon palang kami na kakag turn over dahil mahirap talaga bumili, nataon pa naman na unfortunately hindi pa tumigil yung outbreak ng dengue.
JR Langit: Pag katapos po dito sa Maynila san naman po yung next na target niyo na pag bibigyan ng mga mosquito nets?
NATIONWIDE THRUST
VP Jimmy: I believe our next stop ay sa iloilo because yun ang number one. Actually wala namang order of preference yan nag kataon lang kung san yung unang mag respond na City official wala naman tayong pinipili so after iloilo i think meron pa kaming Pasay at dyan sa Paranaque tapos meron sa Cebu, Davao, nationwide yung roll out. Ang isang libong kulambo na ibinigay sa Maynila ay bahagi lamang ng libo libong kulambo na ipinamamahagi ng PAGCOR sa ibat ibang lugar kung saan mataas ang insidente ng dengue.
Maliban sa mga kulambo, pinasalamatan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang PAGCOR dahil sa tuloy tuloy na pagtulong sa mga ospital sa syudad. Sila po ay nag aambag sa lungsod ng Maynila sa kaban ng lungsod ng salapi bwan buwan na sya namang katulad nung nakaraang buwan, appropraited additional 9million pesos para sa mga gamot sa Ospital ng Maynila.
VP Jimmy: Sa Pagcor ay talagang ibabalik lang sa inyo ang perang galing sa inyo and the benefits that you’re suppose to receive you will receive it untainted and untampered.



PAGCOR AND SEA GAMES PARTNERSHIP
Kinapanayam rin ni JR Langit si PAGCOR VP Twinkle Valdez:
Bukod dito sa mga kulambo na ito itoy maliit kung ikukumpara mo sa mga ibinibigay ng pagcor sa ating sambayanan katulad ng mga school buildings. Ngayon meron kaming ipapatayo na multi purpose evacuation centers itoy ilalagay sa ibat ibang parte ng ating bansa para dun sa mga calamity prone areas, meron na silang mapupuntahan o masisilungan sa araw ng mga kalamidad, ito kumbaga state of the art na evacuation center multi purpose ito bukod pa rito nagbibigay pa tayo sa ating sports katulad nitong dadating na Sea games.
JR Langit: Gaano kalaki ring support ang naibigay ng Pagcor sa Sea Games?
VP Twinkle: Sa sea games meron tayong binigay na mahigit 1 billion pesos na pondong galing sa ating PAGCOR para dito sa ating mga sport events katulad ngayon meron tayong tatlong mga venues na pinapagawa ng PAGCOR. Nagbigay tayo ng eight hundred forty-two million pesos para sa renovation nitong Rizal Stadium at itong ULTRA. So pinapagawa po natin yan para dito sa ating SEA Games na magaganap dito sa ating bansa ngayong Nobyembre. Bukod pa dyan meron pa tayong pinamimigay na mga relief, sa mga Relief operations tuwing meron tayong mga kalamidad.
SUMMATION
Kung Public Service ang ating pag uusapan mula sa malalaki hanggang sa maliliit na pangangailangan ng ating mga kababayan ang sinasagot ng PAGCOR. Sa katunayan, pitumpung porsyento ng kita ng ahensya ang nakalaan para sa public service. Sa larangan pa rin ng Public Service bagamat tinangap ni Reyster ang CMMA “SERVIAM” Award. Award for serving God and the Filipino people by promoting human values through mass media.
Masakit na wakas ang sinapit nila at sa aming pamilya. Mahapdi, mistulang sugat na hindi nawawala tuwing nagugunita ang kanilang sinapit.
Ilang taon na rin ang lumipas, ngunit hangang sa panahong ito ay sariwa pa rin sa aming ala-ala ang Tragic ending ng kanilang mission kung saan silang lahat ay nasawi dulot ng “Celebral Malaria.”
In honor of Jaime Cardinal Sin, the Catholic Mass Media Awards grant Reyster Langit a Serviam Award for outstanding service to mankind.