Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

EXCLUSIVE: INSIDE STORY NG USAPANG DUTERTE AT XI JINPING!

$
0
0

Pagkakaibigang pinag tibay ng panahon ang ugnayan ng dalawang bansa, Pilipinas at bansang China. “Hindi nila kikilanin ito at hindi sila susunod dito, so yun ang hindi natin pag kakaintindihan pero hindi naman iyon ang kabuuan ng ating relasyon sa China, meron yung mga larangan na wala tayong pinag aawayan.”

Misyon ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte Duterte sa China ating tuklasin, ito po si pareng Rey Langit. Sa kabila ng pag kakaiba ng paninindigan sa Arbitral Ruling nagka sundo naman sa marami pang makabuluhang usapin, ako ang Inyong Kassangga JR Langit.

FATHER AND SON TANDEM

Hindi namin inaksaya ang pagkakataon, kami ni Kasangga JR Langit ay nag sakatuparan ng exclusive na pakikipanayam kay Ambassador Jose Chito Santa Romana ang ating Philippine Ambassador to China.

Ito’y hango sa aming Programang pang telebisyong Kasangga Mo Ang Langit sa aming isinakatuparang Biyaheng Langit sa China. Mapapanood na ngayon tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit. Ang father and son tandem nina Pareng Rey at Kasangga-JR Langit ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

USAPING ARBITRAL RULING

Sa ika-limang beses na pagtungo ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China, sa kanyang pakikipag pulong kay Chinesse President Xi Jinping kanyang binuksan ang hinggil sa arbitral ruling ng United Nations na pumapabor sa Pilipinas kaugnay ng pinag tatalunang teritoryo sa South China Sea. Ayon kay Philippine ambassador to China, Chito Santa Romana, napakaganda ng ginawa ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil inayos muna nya ang pundasyon ng pagkakaibigan ng dalawang bansa bago binuksan ang isang kontrobersyal na usapin.

Sa ngayon ang relasyon ng Pilipinas sa Tsina ay masasabi mong may dalawang bahagi, sa isang banda nandun yung hindi pag kakaunawaan. Kung saan tayo hindi nag kakasundo, sa tingin natin pag aari natin yung Kalayaan Island Group, sa tingin ng Tsina bahagi yan ng Spratlys na inaangkin nila. Sa tingin natin atin ang Scarborouh Panatag Shoul, sa tingin ng Tsina kanila yun.

Sa arbitral award sa tingin natin ito ay isang malaking bahagi ng International Law at major legal victory for us that we uphold, sa tingin ng Tsina hindi sila nakilahok dito hindi nila kikilanin ito at hindi sila susunod dito. So yun ang hindi natin pag kakaintindihan pero hindi naman iyon ang kabuuan ng ating relasyon meron yung mga larangan na wala tayong pinag-aawayan – trade, investment, culture, science and technology in other words hindi dahil hindi tayo nag kakasundo ay hindi na tayo pwedeng mag kalakalan na hindi na tayo pwedeng mag karoon ng tourism. Mga tourista galing sa China pag ka pinag halo mo yan minsan nag kakagulo yun ang nangyari dati, kaya ang ginawa ng presidente hiwalayin muna natin at dito matagal na usapan kasi yung hindi pag kakasunduan yung hidwaan natin, madaming naapektuhan na larangan na pwede naman tayong mag kasundo.

STRATEGY GAME

Maituturing na isang magandang istratehiya ang ginawa ng Pangulo, ayon kay Ambassador Santa Romana dahil mas natutuldukan ang ibang larangan tulad ng kalakalan kung saan magkasundo ang dalawang bansa.

Amba Santa Romana: Kaya yun ang kanyang sinalang, trade, tourism, investment, economics, in other words plus yung anti terrorism pareho ang ating adhikain sa bandang ito, so in doing that for the first half of his term na kagawa sya ng masasabi nating isang malalim na reserve war goodwill and friendship at mas nagka panatag ang loob sa kanya ngayon ni President Xi Jinping.
Kasi sa pag uusap nila they developed a certain rapor and friendship so dahil dito at lalo na ng matapos ni presidente ang kanyang SONA marking the first half of his term dun niya na pag pasyahan na the time has come na pitong beses na silang nag kausap, this is actually quiet open in terms of meeting top leaders of China and the Philippines. So because of this sa tingin niya pwede ng pag usapan and he is coming to China not to provoke but to explain and to understand why there is a different views.

PRESIDENT XI’S REACTION

Bago pa man magtungo sa China ang Pangulo, pinaghandaan na nila ang pag bubukas ng usapin ng Arbitral tribunal kay Chinese President Xi Jinping

Rey Langit: At papaano naman po nag react si President Xi sa naging statement ng ating Pangulong Duterte?

Amba. Sta Romana: Well batay na rin sa sinabi ng presidente at batay na rin sa nilabas ni spokesman Panello President Xi Jinping showed some understanding and showed and listen intently but then after the Presidents turn, ang istilo kasi dyan mag salita ka muna tapos ako naman, so hindi cinut off hindi sya umalis at nag walk out kung hindi na kinig pag katapos.

Rey Langit: Yun ang pinaka magandang gesture, yung willingness to listen.

Amba. Sta Romana: Yes, he also explained why, tapos mahalaga pa ang pinaliwanag ni President Xi Jinping he said he understand that both the president and President Xi Jinping have to deal with their constituencies and presidente Duterte kailangan niyang ipaliwanag to the Filipino People about the Arbitral award and the position ni President Xi din kailangan niyang ipaliwanag sa kanyang…?

Rey Langit: Iyan ang pananagutan niya sa kanyang mga kababayan.

AGREED TO DISAGREE

Amba. Sta Romana: Oo, sa kanyang mga constituents kung bakit ang China takes this position, ano yan. Ito yung clash ng tinatawag nating the Chinese view of historic rights and our view of own clause and international law kasi nga hindi nila tinanatanggap yung arbitral award kaya hindi pa rin sila sang ayun dun sa position natin sa ilang isyu at tayo din kung bakit hindi sang ayon so meron pa ring pagitan. So what did they do they agreed to disagree for now. Pero kailangang ituloy itong pag-uusap na ito kasi hindi naman sila mag memeet araw araw. It will go now to the working groups yung meron tayong bilateral consultative mechanism sa DFA.

Sa unang araw pa lamang ng pag dating ng ating Pangulong Duterte sa bansang China anim na kasunduan na agad ang nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa na sinaksihan ng ating Pangulong Duterte at pangulo ng China na si Xi Jinping.

Isa ring mahalagang usapin sa larangan ng kalakalan ang mga OFW’s sa China at ngayon ay ang mga Chinese na narito sa pilipinas .

SPIES IN THE PHILIPPINES?

Rey Langit: Sa sinasabi na baka mga spy ang mga Chinese National na nasa Pilipinas.

Amba. Sta Romana: Yun na nga. Ito ngayon ang lumalabas that is totally baseless ang gusto nga nila mawala na yan lahat it is not state sponsored, yun ang paliwanag nila from our point of view daw we have to be vigilant you know this is the price of liberty, vigilance on our part ating problema yan pero ngayon mas malinaw ang position ng China, they don’t even want them to exist.

Rey Langit: Mabuti at binuksan natin ang temang ito, upang ganap na maintindihan ng ating mga mamamayan.

Amba. Sta Romana: Gusto pa nga nila na tapusin na nila ang problema, yon lang kapag ginawa nila yun tayo naman ang apektado economically. Unti unti alam natin yung gusto nilang mangyari we have to do it in our on way as the song goes we we will do it our way.



WANTED ENGLISH TEACHERS

Pagdating naman sa mga manggagawaang Pilipino na nasa China, numero uno pa rin ang mga Filipinong Guro. Sa katunayan, ayon kay Ambassador Santa Romana, kina-iinggitan ang mga Chinese families na may Pinay na kasama sa bahay dahil natututo silang mag salita ng English.

Amba. Sta Romana: Ang mga Pilipino dito generally speaking, law abiding. Ang problema nga natin because of the rise of the China economically, ang Chinese families ngayon ang middle class family. The elite families are willing to pay double the price, the whole salary sa Hongkong to get anong gusto nila. Nai-inggit sila sa mga Chinese na nasa Hongkong natututong mag English. Kasi yung katulong marunong mag English at gusto nila ganun din mag karoon sila ng panahon para maturuan ang mga anak nila at mag alaga ng kanilang pamilya.

Rey Langit: In demand talaga ang ating mga English teachers, specially sa bahagi ng Southeast Asia.
Tulad na rin ng aming na feature na mga English teachers sa Busan South Korea, ayaw man nilang umalis sa Pilipinas, sa ganda ng offer sa kanila mahirap tangihan.

Amba. Sta Romana: Para sa ating mga English teachers nag hahanap ang China and there are agreeable they have an agreement they want to hire 2,000 Filipino teachers who can teach English at the Chinese Universities starting this year, para next year yan. On going ngayon, nag hahanap sila ng mga teachers kailangan lang of course merong college degree ,merong board exam ,certification ,merong experience of a two years or more and they offer ang free housing free board and lodging general salaries.

SUMMATION

Pagkakaibigang pinag tibay ng panahon. Bagamat bumilang na ng mahabang panahon sa ugnayan ng dalawang bansa, ang Pilipinas at bansang China. Bagama’t mayroon pang mga balakid at challenges ang maaaring kaharapin, damana na at nag sisimula nang matanaw ang liwanag sa dako pa roon.

Kung gaano pa kalayo ang ating lalakbayin para masilayan ang ganap na liwanag, sa ngayon ay wala pang makapag sabi.

Ngunit ang patuloy na pagtahak sa isang landas, may balakid man basta’t may hangaring marating, ay ma-aachieve mo rin.

Ang mahalaga ay may pagtangap, willingness na makinig at mag isip para sa ikabubuti ng mag kabilang panig.

Abangan sa September 14, 2019 sa RJdigitalTV Sabado 2-3pm ang ka buoan ng Inside Story ng usapang Pangulong Duterte at President Xi Jinping.




Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles