“Noong una po lahat inaway ko, lahat sinisi ko even yung sarili ko nag commit nga po ako ng suicide, ganoon ka grabe yung ginawa nila sa pamilya ko.”
RECRUITED
Kamakailan ay napaulat ang di umanoy pagkawala ng ilang mga estudyante sa iba’t-ibang paaralan sa Metro Manila. Sa pamamagitan ng pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous drugs ni Senador Ronald Dela Rosa, nabunyag na nire recruit ng mga maka kaliwang grupo ang mga nawawalang estudyante.
Alamin ang kwento ng mga di umanoy nawawalang estudyante na sumapi sa mga maka-kaliwang grupo. Ako si Pareng Rey Langit. Alin nga ba ang mas mahalaga, ang idelohiya o ang pamilya? Ating timbangin. Ako naman ang inyong Kasangga, JR Langit.
Ang episode na ito ay hango sa aming Kasangga Mo Ang Langit TV Program ni JR Langit sa PTV4 na napapanood ganap na 10:30 tuwing Biyernes ng gabi. Ang weekly public affairs at public service program na ito ay nasa kanyang 21th year na sa national television.
Makabuluhang 21 taong na paglilingkod sa bayan. Ang tunay na Public Service ay naihahatid ng Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit na siyang nagbibigay nang pag-asa sa tao, na ultimate mission namin para sa inyo.
PARENTAL CONSENT
Kapwa disi-sais anyos sina Alicia at Trisha at nasa senior highschool. Sa kanilang murang edad, wala na sila sa poder ng kanilang mga magulang dahil sa pagsunod sa kanilang paniniwala.
Relissa Lucena: kung wala kang pagmamahal sa anak ko o meron akong propaganda o intension na masama, anak ko yung eh pinaglalaban ko yung anak ko kahit hanggang kamatayan ipaglalaban ko yung anak ko.
Sa aming ginawang exclusive na pakikipanayam rin kina Jovita at Junior Antoniano.
Jovita: Hanggang 16 years naming yan hinahatid doon sa eskwelahan.
Junior Antoniano: Ni sugat ho o magalusan, pag natumba o nadapa mapapatayo po kayo para kunin niyo yung anak niyo, sana po makita na namin siya at makapiling na muli.
GONE WITH THE WIND
Jovita Antoniano: dahil sayang yung mga pangarap ng anak namin. Matatalino yung mga anak namin
Mga nangungu-lilang magulang:
Relissa Lucena: Ngayon itong pagdating niya doon syempre excited syang ikwento sakin kwinento niya na sumali sya sa Anak Bayan syempre may palagay ako doon sa school yon, kung bakit sya makakahanap ng ganoong club kung di sya mangagaling sa school i mean walang paraan para mag hanap sya ng club sa labas ng school sa loob talaga yun nangaling so masaya po ako kasi nga atleast kaya nga nandun sya sa University.
Jovita Antoniano: Bali ang anak ko po nawala May 7 pa po 2018 pero sya po nag start po mag-aral ng PUP nang 2016 tapos bali 2017 bali continuous po sya nag aaral sa senior high then 2018 May, akala ko po sya ay makaka graduate na ng senior high kasi continuous yung aming padala sa kanya, tiwala kami sa anak namin.




EXAMPLE OF INDEPENDENCE?
Nuong una ay pauwi uwi pa umano ang dalawang kabataan. Hanggang sa tuluyan na silang nahila sa paniniwala at idelohiya ng grupong sinamahan.
Jovita Antoniano: Kasi samin sa probinsya tas ngayon ano na August 5 hanggang sa tumagal na ng tumagal nag sabi sya na Nay desidido na ako sa pinili kong gustong buhay, pero di ko naman, wala naman akong ideyang sa ganoon doon ko nalang inistall yung fb ng anak ko nakita ko yung mga ano niya nakita ko yung akala ko normal lang yung may mga plackards may nag wewelga sila at akala ko part ng kanilang Stand, dahil dati ang anak ko kasi Journalism during junior highschool sa probinsya kasi alam ko ganoon lang kasi normal sa ano ganyan ganyan hindi ko po alam na ganoon kalawak na pala ang nasalihan niya.
Relissa Lucena: Sumama sya, nanuod sya ng SONA pero hindi naman niya sinabi sakin na kasama syang nag rally, sabi niya lang nanuod lang sya ng SONA so when you say nanuod ano yun parang ano lang nanuod ka lang nag masid ka lang so nung time na po na yun, pero yung hindi ko pa sya masyadong nakitaan kasi po first sem niya is top 2 sya sa HUMSS sa school nila, so first sem niya talagang magaling kasi sya eh talagang persuasive sya sa gusto niyang mangyari sa buhay niya at kung ano yung alam niya kung ano yung gusto niya.
APPEAL
Samantala, galing naman sa mahirap na pamilya si Trizia. Sa katunayan, kasama ang kanilang pamilya sa 4P’s o yung nakakatanggap ng allowance mula sa pamahalaan.
Jovita Antoniano: Bali nakita ko na po yung mga ano niya, anak bayan nag rarally sila tapos pinakita ko sa mga kaibigan ko tinanong ko sa isang dswd, dahil 4ps kami sabi niya sakin ma’am ang anak mo NPA ganoon, pero hindi po kami nagkalakas ng loob na hanapin siya kasi sa time na yon wala kaming kakampi wala kaming malalapitan tapos kulang din kmi sa financial.
Rey Langit: Kung sakali pong napapnood po tayo ngayon nung anak po ninyo o makarating sa kanila itong usapan natin, ano pong mensahe naman ang gusto niyong iparating sa anak po ninyo?
Junior Antoniano: Sana ay malinawagan siya ng isip at gusto lang namin umuwi po siya kung ano man ang kanyang kalagayan, sanay makaalala siyang may pamilya siya kasi po lahat po ng komunikasyon baliwala po sa kanya nagtataka po kami.
CONFUSED
Dati namang magaling at mabuting estudyante sa Alicia pero matapos sumapi sa organisasyon at mawala ng tatlong araw, nagsabi ito sa kanyang mga magulang na ayaw na nyang mag-aral.
Jovita Antoniano: yung changes nasa anak ko e unang una yung after 3 days niyang mawala pagbalik niya biglang sasabihin mo ayaw mo ng mag-aral ma fufull time ka, na isipin mo di mo na ako anak nung parang tinuturing niya na akong kalaban. Kasi against ako sa ginagawa niya. Normal bayun sir parang sinayang niya yung buong pagkakataon na magkasama kami simula nung bata siya simula nung nasa sinapupunan ko siya ngayon lang siya nagbago. Normal ba yun sir doon palang sir alam ko na may mas malalim pa siyang gagawin. Doon palang po nung time na ang salita siya sakin ng ganoon hindi na ako napalagay. Sabi ko sa kanya hindi ako magagalit sa conversation natin pinaliwanag ko na sa kanya nilatag ko na lahat, eh sabi ko anak hindi lang naman yun yung paraan para makatulong sa bayan o makatulong sa masa.
Ang pagpapatuloy ng kwento nina Alicia at Trizia sa pamamagitan ng salaysay ng kanilang mga magulang. Sila ang mga kabataan na nagpasyang mamundok sa edad na disi-sais.
IDEOLOGY, A TERM OF ABUSE
Relissa Lucena: Yun din ang sinabi sakin ng anak ko e siya daw ay dumaan lang sa amin at siya ay para sa masa, dahil anak siya ng masa. Tama ba yun? Wala daw Diyos! Sabi ko sige anak kung gusto mo talaga diyan basta mag-aral ka lang papayagan na kita. Kung anong gusto mo basta mag-aral ka lang.
Para sa mga magulang, mahirap paniwalaan na sa napakamurang edad ng kanilang mga anak ay mayroon na silang malalim na idelohiya. Kumbinsido sila kasama ng ilang senador na maaaring na brainwash lamang ang mga ito para sumapi sa mga makakaliwang grupo.
Ayon mismo kay Senador Bato dela Rosa, kalimitang palatandaan ng mga na brainwash nang sumapi sa maka kaliwang grupo ay ang pagbabago sa kanilang ugali.
Junior Antoniano: yung pagka Diyos niya napaka religious po niya mula pagkabata po niyan tuwing linggo niyan magsisimba yan mag aalarm pa siya na ganitong oras mag sisimba siya meron siyang mga activity sa simbahan nawala po lahat ang nag taka nalang po yung kapatid ko na tinitirhan niya sa Muntinlupa nag tataka silang lahat pag niyaya siyang mag simba hindi na siya sumasama bakit nagkaganoon siya dahil lang po doon sa nalaman po namin sumasama na siya sa rally rally anung kaugnayan niya bakit nagkaganyan.
A CHERISHED ASPIRATION
Rey Langit: Pero doon po sa pagiging aktibo po niya sa eskwelahan nung mga panahong yon, yung relative po ninyo hindi ba siya nakaka usap o walang direktang naishe-share itong anak po ninyo at walang advice ding ibinibigay yon relative ninyo?
Jovita Antoniano: Wala po, as in wala po talaga kaming alam.
Junior Antoniano: May tiwala po kami sa kanya nun dahil napaka buting bata po nya.
Relissa Lucena: Inantay nga lang nila mag 18 e actually sa kanila na nga nag-18 yung anak ko. Alam mo yung pangarap mo diba lalo na kayong mga tatay gusto niyo yung mga anak niyo makapag birthday ng 18 niya kasi yung 7th birthday nag kotilyon siya. Pag 18 iniisip ko, lalo na sa tatay, parang gusto niyang pag birthday-an yung anak niya tapos mawawala. Ayoko po dumating yung anak ko sa tulad nila ma’am na walang hirap na kung saan yung anak nila di ko nga alam kung nakakatulog pa sila.
DOCTRINE
Hindi lamang ang pag uugali ng mga kabataang lumahok sa maka kaliwang grupo ang nakitaan ng pagbabago, damay na rin ang buo nilang pamilya.
Jovita Antoniano: Apat pa po yung anak ko nag aaral din doon as ngayon napapabayaan ko sila kasi dalawa kami talagang lumalakad sa manila hirap po para samin hirap sakripisyo lang talaga sir makakuha lang kami ng ano nag salaysay siya nakita ko sa facebook, doon lang kami nakahawak ng kakampi naming nagbukas yung isip namin para kahit paano maipaglaban namin ang anak namin di basta hayaan nalang namin, dahil anak naming yun.
Relissa Lucena: Nung una po lahat inaway ko. Lahat sinisi ko even yung sarili ko. Nag commit nga po ako ng suicide ganoon ka grabe yung ginawa nila sa pamilya ko. Kumabaga iniisip ko hindi lang si Alicia ang tatanggalan nila ng nanay pati yung dalawang anak ko. Anong gagawin nila sa dalawang anak ko. Kaya lang naisip ko mabait talaga ang Diyos pina realize niya sakin hindi yung anak ko yung kaaway ko, kundi yung sinamahan niya. Kaya po sana maayos na ang problemang ito. At sila nagtatago, ako lumalabas kasi hindi ako takot na harapin ang totoo. Sila anong totoo sa kanila eh nagtatago sila.
WISHFUL THINKING AND SEEING
Hindi napapagod ang mga magulang na tulad nina aling Relissa, Aling Jovita at Mang Junior sa pagsisikap na maibalik sa kanila at magkaroon nang normal na buhay ang kanilang mga anak.
Junior Antoniano: Trisha kung naririnig mo kami ngayon o napapanood sana naman umuwi kana pakiusap lang namin sayo ito. Para din sa lahat ng kabataan para sa mga magulang na may ganito ring nangyayare sana naman po makiisa kayo sa amin dahil para rin ito sa ating mga anak. Trisha umuwi kana, masakit sa aming kalooban hindi namin alam kung ano na ang kalagayan mo, kung muka ka ng dugyot hindi ka ganyan date ibang iba na mga iitsura niyo binura nila lahat ng mga kagandahang asala sainyo lahat ang mga pangarap mo natatandaan mo gusto mong makarating ng ibang bansa pero wala mas ginusto mo pang umakyat ng bundok at mapahamak nako anak umuwi kana.
PAIN and NIGHTMARE
Relissa Lucena: Huwag nyong ipamuka samin na parang may karapatan kayo sa mga anak namin. Dahil kung merong may karapatan sa anak namin kami yon, dahil kami yung mga magulang, kami yung bumuo sa kanila, di ka parte doon wag kang tumayo na parang isang anghel o isang hero sa mata ng kabataan, harapin mo ko harapin mo kami. Harapan ayoko ng dialogo tapos na ako eh nakiusap na ako sa mga kasamahan niyo na ibalik niyo yung anak ko tantanan niyo kami, tantanan niyo yung pamilya ko. Hindi niyo ako inintindi kasi nga naman simpleng tao lang ako e, kapag ang anak natanggalan ang ina tinanggalan ng anak kaya namin baligtarin ang mundo para sa anak namin tandaan mo yan ipaglalaban ko yung anak ko. Kasi para mo na rin akong pinapatay ganoon din inuunti unti mo din ako ganoon din kalalabasan ko ilalaban ko yung anak ko sa inyo gusto kong ipakita sa kanya kung ano ang tama at ano yung totoo.
SUMMATION
Pamilya kontra idelohiya, ano nga ba ang mas mahalaga. Ito ang karaniwang dilema ng mga kabataan na nakabuo na ng sarili nilang paniniwala sa buhay. Subalit maraming uri ng pakikipag laban at pagtindig sa isang paniniwala o idelohiya. Kayat hindi natin kelangang mamili o iwan ang ating pamilya.
Sa isang bansang mayroong demokrasya na tulad ng Pilipinas, iginagalang ng estado ang paniniwala ng bawat Pilipino. Bakit natin kelangang iwan ang ating mga pamilya kung tayo naman ay malaya sa kahit anong paraan ng protesta na nais natin.