Kakakaibang experience ang aming sinuong nitong nakalipas na May 15-16, 2018 ng aming tahakin ang karagatan ng Benham Rise na ngayon ay Philippine Rise.
Buhay na saksi ang “Kasangga Team” upang ilahad ang kakaibang karanasan sa makasaysayang “takeover ng Benham Rise” ang underwater plateau na nasa layong 250 km east ng northern coastline ng Dinapigue, Isabela ang deklaradong bahagi ng ating continental shelf. Mayo 16, 2017 nang nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 25 na pinangalanan na itong “Philippine Rise.”












JOURNEY
Isang oras mula sa Villamor Air Base, Pasay City lulan ng C130 kami ay lumipad patungong Casiguran, Aurora sa Central Luzon. Sinakay kami sa Navy boat at inihatid sa gitna ng karagatan at pinalipat sa isang dambuhalang barko.
Mahigit sa sampung oras na paglalayag ang aming ginawa mula Casiguran patungong Benham Plateau lulan ng BRP DAVAO DEL SUR (LD602). Makapigil hininga, magkahalong excitment, may kasamang agam-agam at pangamba ang aming nadarama. Kami ba ay makararating sa paroroonan? Paano kung may dumating na unos o sama ng panahon sa Pacific Ocean, paano kung may humarang at pumigil sa aming paglalayag na ibang bansa?
HANGING QUESTIONS
Sapat ba ang kakayahan ng barkong aming sinasakyan na BRP DAVAO DEL SUR (LD602) ng Philippine Navy Sealift Amphibious Force kung ihahambing sa makabagong sasakyang pang dagat ng kalapit na mga bansa?
Ano ang pagkaka iba ng aming sinasakyan sa mga maka-bagong Amphibious Assault Vehicle ng ibang bansa na may interest rin sa Banham Rise. Maihahambing ba natin ang ating kakayahan sa panahon ng makabagong generasyon kung saan ang mga bansa ay may mga “large amphibious assault vessels” na siyang nagpapalakas sa kanilang Navy upang kilalanin na may dominant role ang mga ito at power o lakas sa karagatan.
Tulad ng giant warships ng kalapit nating bansa, tulad halimbawa ng Type 075 amphibious vessels na may aircraft carriers ng kanilang Navy. Ilan lamang ito sa maraming katanungang sumagi sa aming isipan habang kami ay nag lalayag patungo sa Philippine Rise, ang dating Benham Rise na kinumpirma ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) bilang bahagi ng Extended Continental Shelf (ECS) ng Pilipinas. Kinilala ng United Nations na ito’y exclusive zone ng Filipinas.








THE ARRIVAL
Sa aking pakikipag usap kay Congressman Cesar Sarmiento na taga-Catanduanes, kinagisnan na niya na ang tawag sa Benham Rise na ito nang mga matatanda sa kanilang lugar ay “Kalipung-Awan.” Ang Philippine Rise ay bahagi ng ating Continental Shelf.
Makalipas ng ilang oras na paglalayag, ganap na 3:50pm (hapon) araw ng Martes – May 15, 2018 lulan ng Chopper ang Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay lumapag sa aming sinasakyang barko habang nasa nasasakupan ng Benham Rise na may lawak na 24 Million hectares o katubas na laki ng buong Luzon o higit pa.
Nasaksihan namin ni Kasanggang Jr Langit ang pagtungtong ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Rise, nang makalapag ang kanyang sinasakyang helicopter sa helipad o landing platform ng BRP DAVAO DEL SUR (LD602).
SINCERITY OF INTENTIONS
Habang kami ay nag lalayag patungo sa sentro ng Philippine Rise ay nag bigay ng speech ang Pangulong Duterte. Sa kanyang naging talumpati ay ibinahagi ang kanyang naging karanasan ng unang bumisita sa Bansang China. Nagsimula ang lahat nang unang magpahayag ang China na ang buong China SEA ay kanilang pag-aari.
Sa kanyang speech sinalaysay ng Pangulo ang unang pag dalaw sa China at kung paano niya sinabi sa Pangulo ng China na si Xi Jinping ang plano ng Pilipinas upang mag sakatuparan ng research at pag uhukay ng Gas, Oil at mineral sa bahaging ito ng Benham Rise. Dito na wika ni Xi Jinping na magkakaroon ng ibang pag kakataon upang pag usapan ng masinsinan ang mga bagay na ito.
Ibinahagi rin ng Pangulong Duterte ang principyo ng Geopolitics sa ginawa niyang hakbang na ito. Siniwalat ng Pangulo ang interest sa Benham Rise ng ibang mga bansa sa Asia, hindi lamang ng China kung hindi pati na ng bansang Japan, Malaysia, Indonesia at Viatnam. Ang intention ng Pilipinas na send-off o paghatid ng may 50 Filipino na pawang mga UP Scientists para sa kanilang masusing pag aaral, scientific research na gagawin tungkol sa marine resources o yaman ng Philippine Rise.
Bahagi ng kanyang talumpati, binanggit nya ang lawak ng nasasakop ng Benham Rise na landmass. Ang Benham o Philippine Rise ay nasa Central Basins Fault at isang tinaguriang micro-continent. Tinawag na “Protected food supply exclusive zone.” Binigyan niya ang pag papahalaga ng ating ‘sovereign right’ to explore and exploit the oil, gas at ibang mineral resources sa Benham Rise, pati na ang sedentary species tulad ng abalone, clams at oysters. Noong una bilang protected area, hindi pinapayagan ang Mining at oil exploration sa Benham Plateau o Philippine Rise.
Ang usapin ng sinasabing Right Of innocent Passage. At binigyan niya ng Authority ang mga Filipino scientists para gamitin ang ating resources sa kanilang pag aaral at pananaliksik sa Philippine Rise.
UNSUNG HEROES
Bagamat may mangilan ngilang mga barkong pandigma ang aming namataan at ilang Jet fighters ang sumubaybay sa aming Journey. Hindi pa rin agad napawi ang agam agam ng grupo, nairaos ang mga mahahalagang bahagi ng programa. Ang simbolikong pag wagayway ng bandilang Filipino, ang makabuluhang mensahe ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang pag wagayway sa Philippine Flag nina Sebastian “Baste” Duterte at SAP Christopher “Bong” Go sakay ng Jet Ski.
Sa laki ng Barko na aming sinakyan, halos hindi nagkita kita ang marami. At hindi napansin ng covering Media ang mga officials na kasama sa Barko. Marami ang mga function rooms, at kung ilang palapag ang leyers ng Barkong aming sinakyan.
Ang Kasangga team ay napa-grupo sa Top Officials ng Duterte government. Habang nag lalayag, ilan sa mga nakasama at nakapanayam namin sa barko ni Kasanggang JR Langit ay ang mga sumusunod:
- UP Scientists at top Biologists,
- Mga medical doctors, nurses, Deep-sea exploration experts at mga volunteers.
- National Security Adviser
- Sec. Hermogenes Esperon, Defense Department
- Sec. Delfin Lorenzana,
- Spokesperson Sec. Harry Roque
- SAP Christopher Bong Go,
- Energy Sec. Alfonso Cusi,
- DOTr Art Tugade,
- DENR Sec. Roy Cimatu,
- DOST Sec. Fortunato Dela Peña,
- Senator Sherwin Gatchalian,
- Sec. Francis Tolentino,
- Cong. Cesar Sarmiento,
- Cong. Jericho Nograles,
- Cong. Ruffy Biason,
- Cong. Leopoldo Bataoil,
- dating DILG Sec. Raffy Alunan,
- Airforce CG Galileo Kintanar Jr,
- Marines Lt. Gen. Emmanuel Salamat ng NOLCOM.,
- At mga support team ng iba’t ibang line agencies.
Mapapanood sa susunod na Biernes, May 25, 2018 ganap na alas diyes ng gabi (10pm) sa PTV4 ang aming ginawang pakikibahagi sa Inside Story ng “Takeover of Benham Rise!”










SUMMATION
Bagamat naging success ang pangkalahatang event na aming dinaluhan, hindi rin naging smooth ang Journey dahil marami rin ang nakaranas ng pagka hilo at vomiting. Hindi lahat ng mga volunteers ay nakapag dala ng Bonamine (Meclozine) na panlaban sa Motion sickness o dahil sa lakas ng alon at galaw ng barko. Kakaibang experience rin naman ang aming naranasan, bagamat nakatutuwang isipin habang mahimbing na natutulog sa doubled deck na kama sa iyong cabin gigisingin ka na lamang ng sumayaw, gumalaw na mga mesa, upuan, mga dalang maleta at nag lalaglagang gamit dulot ng alon sa karagatan.
Sa huling gabi (May 16, 2018) ng makabuluhang paglalakbay sa Philippine Rise, sa paglalakbay pabalik ng Casiguran ay nagkaroon ng fellowship, munting salo-salo ang lahat ng mga participants. Dama ang lubos na kasiyahan ng bawat isa. Victorious ang pinadama ng bawat isa sa gabi ng salo-salo. May Marines live band, mga kantahan at sayawan na aming nasaksihan na sumisimbulo ng moral harmony, dama ng bawat isa ang sense of fulfillment sa pakikibahagi sa makasaysayang Benham Rise takeover na once in a life time lamang maaaring maganap.
Saludo ako sa katatagan ng ating kasundaluhan. Sa tapang, lakas ng loob at paninindigan ng mga sibilyan na nakibahagi sa makasaysayang event na ito. Marami ang lumuha ng awitin ni Renz Verano ang patriotic song na “Ang Bayan Ko.” Hindi napigilang humagulgol ni UP Prof Clarita Carlos, ang kilalang Political Analyst. Hindi pinahalata ng bawat isa ang pangamba, sa kanilang pakikibahagi sa simboliko at makasaysayang event.
Bagamat alam ng marami kung gaano kapanganib ang kanilang sinuong, upang itaya ang kanilang buhay sa ano mang konsikwensya na maaaring mangyari dulot ng daring at simbolikong hakbang na ito. Na ang hangad ay maipadama sa buong mundo ang ating marubdob na hangaring ipag tangol ang sobrenya ng Pilipinas.
Ang Kabayanihan ng bawat isa kailanman ay hindi malilimutan ng ating SALING LAHI !