Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

KATAS NG SAUDI

$
0
0

Bigkis ng pamilya, hindi nasira ng distansya. Hindi biro ang inabot na hirap ni Mang Arnulfo sa Saudi. Matinding diskarte ang ginawa nya upang kumita ng sapat para sa kanyang pamilya na, napagtagumpayan naman nya. Alamin natin kung paanong nalampasan ng isang OFW ang lungkot at hirap ng pagtratrabaho sa ibang bansa.

Itoy isa lamang sa mga espesyal na episodes na pang OFW na aming ibinahagi sa “Kasangga Mo Ang Langit” television program na inyong palagiang napapanood tuwing Biernes ng alas diyes ng gabi (10pm) sa PTV4 kasama ang ating Kasanggang si Jr Langit. Ang kabayanihang nagawa ni Arnulfo Martinez Sr., isang OFW, ating alamin. Taon taon, nagbibigay ng parangal ang OWWA o Overseas Workers Welfare Administration sa mga ulirang pamilya ng OFW.….ito ang MOFYA o Model OFW family year award.

UNSUNG HERO

Bayani sa mata ng kanyang pamilya si Mang Arnulfo.

Arnulfo: Biro mo dalawang taon, mainit kung sa init sobrang init,. Sobrang lamig,.pag higa mo iniisip mo yung pamilya mo, ano kaya ang nangyayari , may kinakain kaya ang pamilya mo napakahirap po ang maging isang OFW. Bagong bayani hindi lang para sa bansa kundi sa mata ng kanyang pamilya at kapwa OFW’s.

Arnulfo: Kasi mahilig akong makialam sa buhay ng may buhay at sa problema ng may problema ng mga kaibigan ko lalo na dun sa Saudi, kasi ang katwiran ko, ang problema mo problema ko rin, kaya nung pabalik balik kami sa loob ng tatlong taon sa Philippine embassy, kada pupunta kami doon, walang maisagot na positibong bagay man lang ang mga taga embassy, tapos nung umuwi ako nung September 1997, sa loob loob ko hindi ako titigil hangga’t hindi ako nakararating kay Mr. Rey Langit sa program nya noon na “To Saudi with love.”

Alamin natin kung paanong nalampasan ng isang OFW ang lungkot at hirap ng pagtratrabaho sa ibang bansa. Sa parangal ng OWWA o Overseas Workers Welfare Administration sa mga ulirang pamilya ng OFW, ang MOFYA o Model OFW family year award ay nag kalaoob ng pagkilala kay Arnulfo. Isa rin ang pamilya ni Arnulfo Martirez ng Binangonan Rizal sa mga finalists para sa land-based OFW na mabigyan ng parangal bilang ulirang pamilya.

Arnulfo: yung OWWA under nun ang MOPIA yung model OFW Family year award, taga Binangonan po ako so sakop po ako ng region 4-A, nung nakaraang 5 po nitong buwan na ito ay pinalad po natsamabahan lang po siguro yun na ako ang nanalo.

20 YEARS CHALLENGE

Napili si Mang Arnulfo sa award matapos nitong malampasan ang mga pagsubok bilang padre de pamilyang nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng dalawampung taon.

JR Langit: Sa tagal ninyo sa Saudi, hindi ba kayo nangngulila sa inyong pamilya, paano ninyo ito natagalan?

Arnulfo: eh ayun yun na lang pag higa ko lagi kong hawak ang novena, Diyos lang talaga, dasal dasal puro dasal lang na sana dumating ang panahon na makapiling ko yung pamilya ko, actually ngayon na nalagpasan ko yung 20 years dapat sa isang ofw tama na yung 10 years sa 10 years dapat makaipon ka ng konti para magkaroon ka ng sariling negosyo dito, dahil alam nyo ang isang ofw lalo na sa middle east napakaliit po ng sweldo paguwi mo dito dalawang buwan kang magsstay dito minsan nakakapangutang pa ko ng 5.6 para nandito, kapos na yung pera, magpapasukan syempre kailangan sumugal ka, mahirap po, napakahirap.

Isa sa malaking pagsubok para sa mga OFW’s ang pagkakawatak watak ng pamilya kapag malayo ang isa sa mga magulang. Pero kahit malayo, napanatili ni Mang Arnulfo ang mahigpit na bigkis ng kanyang pamilya. Arnulfo: Inumpisahan ko ng pagsisikap, sinundan ng misis ko at sinunod ng mga anak ko wala pong ibang nararating ang pamilya ko mula bahay, eskuwelahan, simbahan lang ang pinupuntahan kumbaga hindi nila naranasan yung isang tunay na layaw ng mga bata lalo na sa isang ofw kumbaga para bang talagang tiniis nila.

ENTERPRISING

Hindi biro ang inabot na hirap ni Mang Arnulfo sa Saudi. Matinding diskarte ang ginawa nya upang kumita ng sapat para sa kanyang pamilya na napagtagumpayan naman nya. Maliban sa regular na kita bilang tire-man o sa vulcanizing, ginamit ni Mang Arnulfo ang iba nyang oras para kumita ng extra.

JR Langit: Sapat naman ba ang inyong kita para sa inyong mga pangangailangan?

Arnulfo: Nung una 1300 lang ang mahal ng bilihin dun, ang nangyari po kasi doon hindi ako tumigil ng pagkayod nagsideline ako doon, naglako ako ng ballot, nagtinda ng tilapia, nagdaing ako ang dami kong nadaing na bangus doon, siguro mga 3 toneladang bangus siguro ang nadaing ko dun, isinusupply ko dun sa mga kumpanya ng mga Pilipino, bibigyan ko ng freezer o kaya mo ba kakong magbenta ng 50 kilos a month ipapautang ko sa iyo tapos pagdating ng sahod akin na yung pera ko bigyan kita ng paninda, nagtagumapy naman ho yun, pero nung 2002 may nakilala akong Thailander na magasawa, nagumpisa kami sa pag-gawa ng palima limang kilo ng meatballs hindi tinanggap ng mga Pilipino, so sabi ko let’s start with the squidballs also, so nagstart kami ng palima lima pasampu sampu hanggang sa umabot ng mga walong buwan halos ng iisandaan kilo na yung mga ginagawa namin talagang nagustuhan na ng mga Pilipino na, paglipas ng isang taon naisupply ko sa market mayroong Pinoy supermarket sa Riyadh na mga pinoy talaga ang mga empleyado, may ari, kung hindi ako nagkakamali taga san juan batangas eh,. dun ako nakapag supply, pagkalipas ng mga isang buwan, buong city center dun sa Riyadh nabigyan ko na.

SUCCESS STORY

Ang kabayanihang nagawa ni Mang Arnulfo sa kapwa OFW at kasalukuyang lagay ng kanyang pamilya, ay hindi nasayang. Naging tagumpay ang kanyang pag papakahirap.

Arnulfo: yung sideline ko po na yon kumikita po ako ng mababa na yung 1500 rials a month, cash advance pa nga ang ipinapadala ko sa misis ko hindi pa sinasahod naubos na kaya pag sumahod yung sinahod mo ibawas mo sa cash advance mo mangungutang ka ulit.

Bayani sa mata ng kanyang pamilya si Mang Arnulfo Martinez. Ang tatlong anak ni Mang Arnulfo ay nagtapos ng Pharmacology, Architecture at Seaman na ngayon ay mayroon na ring trabaho sa ibayong dagat.

JR Langit: Kailan po kayo nakabalik sa Pilipinas? Finished contruct na ba kayo o may plano pa kayong bumalik?

Arnulfo: Kakauwi ko lang po galing Saudi, nagtrabaho po ako bilang arkitekto po for around 4 years din po, ngayon umuwi po kami pati po yung kapatid kong seaman, para po magkaroon din po kami ng oras para alagaan yung nanay po naming maysakit. But later on plano ko pa rin pong umalis ng bansa para po makabawi naman po at makatulong sa mga magulang ko, especially po sa tatay ko na nagtrabaho ng 20 years kasi ako po isang taon pa lang po hindi ko alam kung kakayanin kong tumagal pero sya 20, sya 20 years hindi po biro biro yung 20 years po na yun.

Hindi lamang bayani ng ating bansa at ng kanyang pamilya si Mang Arnulfo. Naging bayani rin sya sa buhay ng isang kapwa OFW na natulungan nya sa pamamagitan ng ating programang “To Saudi with love.”

TO SAUDI WITH LOVE

JR Langit: Ano naman iyon sinasabi ninyong naitulong sa inyo ni Mr. Rey Langit?

Arnulfo: Nainterview po ako ni Mr. Rey Langit sa kanyang To Saudi with love, ikinuwento ko po kung ano ang nangyari. Ang pangalan po nong aming tinulungan ay Danilo Fabia, bicolano rin, ikinuwento hanggang sa na contact si Amb. Espaldon noon, talagang pinakiusapan ni Mr. Rey si ambassador na bakit ang tagal na nitong kasong ito, hindi nalulutas, sabi sakin ni ambassador noon nakakarating ka ba dito sa Philippine Embassy mr. Arnold? Sabi ko ilang tsinelas na ang napudpod namin jan kakapabalik balik jan, naglalakad lang kami papunta jan dahil minsan walang pamasahe, wala naman kaming sasakyan doon, minsan nakikisakay lang kami, kaya maraming salamat kako sa programa ni Mr. Rey Langit noon, sana makalaya yan, sabi naman ni Mr. Rey noon talagang hindi ako titigil hangang hindi nakakalaya yan, kasi kababayan natin yan, kaya po nung pangtatlong balik ko ibinalita po sa akin ng to “Saudi with love” na yung tseke tapos na makakalaya na po si Mr. Fabia

FEELING SAD

Sa ngayon ay narito na sa bansa si Mang Arnulfo. Pero isang pagsubok pa rin ang kanyang kinakaharap dahil may sakit na ang kanyang asawa.

Arnulfo: Ngayon nasa bahay na lang may tubo po sya tapos may oxygen,.yun po ang isa sa nagpapahirap sa amin,. Ako wala na akong ibibigay sa kanila kahit piso wala na po akong trabaho eh, yung mga anak ko,. Yung manugang ko na talagang hindi ibinilang na biyenan nya lang yung maysakit talagang, kaya pag minsan magkasama kami tinatanong ko sya anak kailan ba kako magbabago ang ano mo? Kasi baka pagdating ng araw bitiwan mo kami. Ang sabi nya hindi ho magbabago yun kasi ang sabi nya sa isang pagpapakasal ho lahat ng problema nun, lahat ng suliranin pinakasalan mo na rin, napakabait po ng manugang ko.

Sa kabila ng karamdaman ng kanyang asawa, itinuturing ni Mang Arnulfo na maswerte sya dahil inaani na nya ang bunga ng kanyang paghihirap, ang mapagtapos ang kanyang mga anak.

Arnulfo: Nagpapasalamat ako sa magulang ko. Sa magulang ko kay mama at papa, at katulad ni papa na lumaki kaming malayo sa kanila, nagtatrabaho sya, nagsasakripisyo sya para sa amin nagpapasalamat talaga kami sa kanya, kasi wala ako sa kung anumang narrating ko ngayon kung hindi dahil sa paghihirap niya, yung pagtitinda nya ng squid balls sa Pinoy supermarket sa Riyadh, pagbabagsak nya ng mga daing, na marinated sa Riyadh kundi dahil dun hindi na kami napagtapos so nagpapasalamat ako ng malaki sa papa ko,. Nagpapasalamat din ako sa mama ko kasi kahit wala yung papa ko napalaki nya kaming may takot sa Diyos na marunong makisama sa mga tao, so ayun sobrang thankful po ako kung ano po yung pamilyang inabot ko po,.nagpapasalamat po ako sa kanila.

SUMMATION

Ang kwento ni Mang Arnulfo ay isang patunay na hindi hadlang ang distansya para magkawatak watak ang isang pamilya. Isang patunay rin si Mang Arnulfo na pwedeng magtulungan ang mga pilipino na pare parehong nasa malayong lugar. Nalaman natin ang kakaibang kabayanihang nagawa ni Arnulfo Martinez Sr, na isang OFW.

Ang kwentong ito ni Mang Arnulfo ay isang patunay na hindi hadlang ang mga naranasan niyang pagsubok. Lalupang nagpatibay sa kanyang hangarin na mapag tagumpayan niya ang lahat ng challenges sa buhay alang alang sa kanyang pamilya. Nawa’y maging inspirasyon ang karanasan ng Pamilya Martinez sa libo libong pamilya ng OFW sa bansa.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles