Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

INSIDE STORY: TAKEOVER OF BENHAM RISE PART 2

$
0
0

Ito ang ikalawang bahagi ng paglalahad ng “Kasangga Team” ng kakaibang karanasan sa makasaysayang “takeover ng Benham Rise” ang underwater plateau na nasa layong 250 km east ng northern coastline ng Dinapigue, Isabela ang diklaradong bahagi ng ating continental shelf.

Ang bagong BRP DAVAO DEL SUR (LD602) ng Philippine Navy ang aming sinakyan patungong Benham Rise. Mayo 16, 2017 nang nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 25 na pinangalanan na itong “Philippine Rise.”

Kina panayam namin si Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay ng paglalakbay na ito.

Sec. Roque: Ang event na ito na dadaluhan ng Pangulo at ating sasaksihan ay napakahalaga, importante po iyan, yan ay gawain ng isang soberenyang bansa. At bukod pa po yan may singkwentang mga dalubhasa na magsismula ng kanilang mga pag aaral para sa Benham, sa Philippine Rise.

Benham Rise Journey

Mga ala-una ng hapon (1pm) pagka pananghali ay tumulak na kami patungong Philippine Rise. Makalipas ang halos 3 oras (3:50pm) na paglalakbay sa karagatan ay lumapag na sa aming sinasakyang Barko ang helicopter ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Inikot nang Pangulo ang mga exhibit na may kinalaman sa Benham Rise, isa isa itong ipinaliwanag sa kanya ng mga opisyales ng Philippine Marines sa pangunguna ni Marine Lt. Gen. Emmanuel Salamat ng Northern Luzon Command (NOLCOM).
Makalipas pa ng ilang sandali ay sinimulan na ang programa at kanyang talumpati kaugnay ng Mission sa Benham Rise habang kami ay naglalayag.

Sa pangunguna ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ating sinaksihan ang unang taong anibersaryo ng Philippine Rise na dating kilala sa tawag na Benham Rise. Aming kinapanayam si Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Sec. Lorenzana: That is where our wealth will come the future, yung ating lupa eh limitado naman di naman tayo makapagdagdag bagkus nga nawawalan nga tayo ng lupa dahil sa erosion, pero sa dagat nandyan palagi yan at we hope that this sea will provide us with a sufficient foods for everybody in the future.

Mga nakatagong kayamanan na kailangang saliksikin. Ang Philippine Rise ay rehiyong nakalubog sa karagatan o talampas benham kung tawagin. Mga nakatagong yaman na kailangang saliksikin ang isa sa mga Mission.

50 Scientists

Ngayon sinimulan na ang seryosong pananaliksik rito sa Philippine Rise ng may limampung mga scientist sa kanilang research. Halos lahat ng ahensya ng pamahalaan ay tinipon ng Pangulong Rodrigo Duterte upang sama samang pag aralan ang yaman ng Philippine Rise. Ganito ang salaysay ni DOST Sec. Fortunato “Boy” T. Dela Pena ng aming kapanayamin.

Sec. Dela Pena: This year 2018 ang DOST ay nag set aside ng 38 million pesos para ituloy yung research, atleast yung aming part na research, but I understand because of the interest that is generated im sure na ang bureau of aquatic resources, ang department of environmental and natural resources, even department of energy, to them mahalaga ang research na ito kaya itong marine expedition na ito is already compose of several experts from different disciplines, hindi lamang sa biology or marine life, hindi lamang sa potential minerals kundi pati na yung mga may kinalaman narin sa iba pang physical characteristics.

Documentary Episode

Aming ipinakita sa inyo ang ginawa naming pananaliksik sa pamamagitan ng aming documentary episode na inyong napanood sa palatuntunang “Kasangga Mo Ang Langit” sa PTV4 alas diyes ng gabi (10pm) araw ng Biyernes. Pormal nang sinimulan ang scientific research sa Philippine Rise na isasagawa ng may limampung mga scientists, karamihan mula sa University of the Philippines.

Aming hinalungkat ang mga importanteng kaalaman na dapat nating malaman kaugnay ng Benham Rise. Tulad ng dalawamput apat na milyong hektarya na lawak nito na isang sea plateau na kinikilala na ngayong pagaari ng pilipinas. Halos lahat ng ahensya ng pamahalaan ay tinipon ng Pangulong Rodrigo Duterte upang sama samang pag aralan ang yaman ng Philippine Rise.

UNCLOS And Sovereign Rights

April 2012 nang bigyan tayo ng UNCLOS o United Nations Convention on the laws of the seas ng sovereign rights sa Benham Rise at nuong nakaraang taon, bininyagan ito ng pangalang Philippine Rise. Kinapanayam ng Kasangga nating si JR Langit ang National Security adviser, na dating AFP Chief Of Staff na si Secretary Hermogenes Esperon.

Sec. Esperon: Importante ito dahil unang una sarili nating ito, wala tayong claimants na iba dito. Walang nang aagaw at walang claimants at naibigay na sa atin ito ng United Nations. Kaya dapat nating pagtibayin ito. Kaya ang gusto ng Presidente yung ating sovereign rights ay talagang mailagay at maidiin ang ating pagiging sovereign dito sa lugar na ito. Sa Asean hindi masyadong apektado but in terms of principles it simple, means that what has been awarded by United Nations UnClos, by the convention of the laws of the sea should actually be followed by the State. While dito kasi sa West Philippine Sea, sa loob ng 200 notical miles ay may mga ibang claimants na tulad ng Vietnam, of course China, dahil nakapasok nga yung 9 bushline nila, na sinabi ng Tribunal Ruling na walang basehan.

Sec. Esperon: We hope that this will encourage our commercial fishermen as well as our small fishing vessel to go and get their cuts alam nating na napaka yaman dito sa West Philippine Sea but this are alternative fishing grounds para sa atin ito.

50 Meters Below Sea Level

Halos kasing laki ng Luzon at Mindanao ang Philippine Rise. Isa itong talampas na nakalubog sa tubig at ang pinaka mababaw ay 50 meters below sea level na aming pinuntahan. Ganito naman ang salaysay ni DENR Sec. Roy Cimatu na amin ring nakasama sa paglalakbay na ito, at sa ginawang pakikipanayam sa kanya ng Kasangga team.

JR Langit: So far ano naman po ang inyong pananaw at nakikitang kakaiba dito?

Sec. Cimatu: Well this is really new ano, new environment for DENR because untop, unexplored kaya this is really exciting. Kasama natin ang mga scientist, ating mga personnel na makakita naman ng something very different from sa nakikita natin and this becomes also an educational sa amin because we have been exploring our environment naman in the land. Specially, marami naman tayong impormasyon na tumataba yung mga reefs, mga corals pero dito is something very different baka makakita tayo rito ng di pa natin nakita noon.

Extinct Volcanic Ridge

Samantala kinlaro naman namin kay Defense Sec. Delfin Lorenzana ang hingil sa sinasabing extinct volcanic ridge na Benham Rise.

Rey Langit: Sec. Lorenzana sir, meron ba ho tayong exact research kaugnay ng claim na seismically active undersea region at extinct volcanic ridge ang benham?

Sec. Lorenzana: Yes.

Rey Langit: Hindi ba delikado ito?

Sec. Lorenzana: Ah mukhang extinct na ito Rey. Kasi kung tignan mo yung compression na ganun parang bundok na ganun isang plateau so ang sabi nung taga-philvocs na si rene, ah si rene solidum. Sabi niya baka walang oil dyan pero maraming minerals na lumabas noong pumutok yun many many thousands of years ago, pumutok yung under sea volcano na yan sumama yung mga minerals nandyan ngayon. Nung nakaraang taon naging sentro ng mga balita ang Benham Rise matapos pangalanan ng china ang ilang under sea features sa Philippine sea. Dahil dito, nagpasya ang Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin ang pagbibigay ng permit sa anumang bansa o organisasyon na gustong magsagawa ng marine scientific research sa Philippine Rise.

Ang mga kontrobersyang kinaharap ng Philippine Rise at ang pagsisimula ng makasaysayang pag aaral sa yaman nito ay patuloy naming inalam sa pamamagitan nang aming Kasangga Mo Ang Langit team.

Iba’t-Ibang Chinese Names

Pinaniniwalaang ang Philippine Rise ay mayaman sa marine resources, natural gas, oil at minerals. Nuong nakaraang taon, naging sentro ng mga balita ang Philippine Rise matapos pangalanan ng China ang ilang undersea features sa Philippine sea ng ibat ibang chinese names.

JR Langit: Secretary Esperon sir, noong araw po ba meron nang controbersya ang Benham, nung panahon nyo as AFP Chief OF Staff?

Sec. Esperon: Walang masyadong lumalabas noon. Nagkataon lang na meron kasing mga Chinese ships naman na walang permit may nag research dyan pagkatapos nagpa ngalan pa sila ng ibang lugar ng Chinese names. Hindi naman masyadong dapat pagtalunan iyon tulad ng Haley’s Comet diba, so, pinangalan yun sa scientist na naka diskubre.

JR Langit: Hindi naman po ba unahan ito?

Sec. Esperon: May permit lahat yan sub committee on unnamed features dun sa United Nations yung timing lang samantalang nagkakagulo dito ay magpapangalan ka ng mga sea mounts dyan lubog kasi lahat yan eh. Ang pinaka mababaw na parte nyan from ang pinakamalalim ay nasa 5 thousand, limang kilometro pero meron parang naka akyat na ganun yun yung Philippine Rise, Benham Bank, mga forty pinaka mabababa. o 48 meters na lang galling sa taas, na parang 10 kilometers by 10 kilometers maluwag pero naka ganun lang yun. Makikita mo dun sa ten kilometers by 10 kilometers yaman. Ang diversity BIO diversity corals, isda, at in the future malalaman pa natin, madiskubre natin kung ano pa yung na nandyan . Alam nating, meron frozen petrified nightrates na pwedeng gamiting fuel pero mahirapan pa tayo. Yung technology para sa pag kuha niyan ay hindi pa masyadong naiaayos at mahal pa para gawing alternative fuel, ngunit sigurado nating maraming mga yaman nandyan sa dagat na yan. Isda na lang kung alagaan natin ang ating isda dyan sa Cagayan pababa hanggan palanan isabela, aurora, Infanta Real Quezon, tapos Atimonan, tapos bikol na, napakayaman ng isda. Sa Camarines nga Camsur sa Atimonan yung magaganda ang mga isda dyan. So, kung maalagaan natin yan makaka dagdag talaga sa ating kikitain galing sa fisheries.
Limampu ang mga siyentipiko kasama ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan ang nagkapit bisig upang pag aralan ang yaman sa ilalim ng Philippine Rise.

Rey Langit: Secretary Lorenzana sir pag sinabi pong food supply, exclusive zone, ibig sabihin tayo lang ang pwedeng mag-fishing doon?

Sec. Lorenzana: Oh yeah. Oo tayo ang pwedeng mag-fish dyan. Sabi nga ni presidente kung yung ating continental shelf ay umabot sa San Francisco USA, e di atin lahat yan. Pero hindi naman ganon ang sakop.

Rey Langit: Pero noon last year dineclare na natin ito na Philippine Rise, pero pinayagan pa rin nating mag-research ang bansang china.

Sec. Lorenzana: Oh yeah. We always do that sa mga Amerikano pero ang kasunduan alam natin kung anong gagawin nila at meron tayong mga scientist na sasakay sa barko nila. So last year merong nag-apply na Chinese so they want to go, we put our people there sa ship nila. Yung French, kasi yung French ship na di-nenay natin na sinasabi nilang tayo ay very biased tayo against them or biased towards the Chinese hindi totoo Rey.

Sa BRP Davao Del Sur, LD602 kami sumakay, ang grupo ng Kasangga team hangang makarating sa sentro o pinaka gitna ng Philippine Rise at ito rin ang barko na magdadala sa mga siyentipiko sa lugar na kanilang pag aaralan.

One Batallion

JR Langit: ito po yung gagamitin po natin pa-punta sa Benham Rise.

Sec. Lorenzana: Oo, lalabas tayo mamaya. Makikita natin ang itsura nya.

JR Langit: is this, gamit po ba itong pangdigma?

Sec. Lorenzana: No this is only a transport ship, transport lang ito. It can accommodate mga 500 o isang battalion with all equipment too.

Rey Langit: Ito po ay newly acquired ?

Sec. Lorenzana: Oo, dumating lang itong BRP Davao del Sur LD602 last year, 2017. Yung isa, yung vessel na ang pangalan ay Tarlac arrived the year before 2017, 2016. Ito yung ginawa ng Honda Indonesia, ginawa nilang dalawa. So I hope we can add more siguro, kahit dalawa pang ganito, maganda ito. Tignan naman niyo.

Rey Langit: Nila-landing-an po ng chopper ang Barkong ito?

Sec. Lorenzana: Chopper, oo. Kung meron kang katulad nito kailangan meron siyang kasamang chopper na para pwede siyang mag-patrolya sa taas, Oo Maganda siya. This is very good ah, very useful halimbawa pag dikit-dikitin mo lang ito meron kanang malaking hospital ship. Pwede maghakot ng mga pagkain meron din siyang boat na meron siyang speed boat sa baba, meron na siyang hangar para sa helicopter so that’s very easy na makatugon sa emergency.

Summation

Pagpapakita ito sa buong mundo na ang Pilipinas ang mayroong karapatan sa Philippine Rise. Pinaniniwalaang ang Philippine Rise ay mayaman sa marine resources natural gas oil at mineral.

Isang magandang hakbang ang ginawa ng Pangulong Duterte na magsagawa ng scientific research sa Philippine Rise.
Pagpapakita ito ng kahandaan na handang ipaglaban ng pamahalaan ang mga karapatan ng Inang bayan.
Panahon na para pakinabangan naman ng mga Pilipino ang likas na yamang bigay ng kalikasan at legal na puedeng ariin ng Pilipinas.

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles