Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

GANG RAPE SA KUWAIT

$
0
0

DUTERTE SINISIKAP NA PROTEKTAHAN ANG MGA OFW

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na pupunta siya sa Kuwait para saksihan ang paglagda ng kasunduan na magbibigay ng proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho doon.

Ayon sa Pangulo, nagdesisyon siyang magtungo sa Kuwait dahil sa pagpayag nila sa mga kahilingan ng Pilipinas para sa pangangalaga ng mga OFW. Kabilang sa mga hiniling ng Pilipinas, ang hindi pagkumpiska ng mga employer ng pasaporte at cellphone ng mga OFW, isang day off kada linggo, maayos na pagkain, pitong oras na tulog at iba pa.

THROWBACK

Naalala ko tuloy ang istorya ng isang OFW na domestic helper na hinalay ng mga kalalakihan sa Kuwait. Ang istorya ay hango sa People’s Tonight na na-follow up nina Reyster at JR Langit, at ipinalabas sa aming “Kasangga Mo Ang Langit” na programang pang television napapanood tuwing biyernes alas diyes (10pm) ng gabi sa PTV.

Ika-16 ng Enero noong aming kapanayamin si Monica (hindi ang kanyang tunay na pangalan). Siya ay 32 taong gulang at mayroong 15 taon gulang na anak na lalaki. Sa pagnanasang maka-ipon para sa kinabukasan ng kanyang anak siya ay nag-abroad upang magbakasakali.

Taong 2000 umalis ng Pilipinas, namasukan bilang isang domestic helper sa Kuwait. Ang kanyang unang amo ay isang Kuwaiti teacher. Apat na buwan siyang namasukan dito. Pinakita niya ang kanyang sipag bilang mapagkakatiwalaang kasambahay. Maka-ilang beses siyang nakakapulot ng pera sa sahig at nakakalimutang pera sa tukador na Kuwait dinar ng kanyang amo na kanyang sinasauli.

Ngunit ang ina ng kanyang amo ay kakaiba sa pakikitungo sa kanya. Kung pakainin si Monica ng ina ng amo ay Isang pirasong tinapay at tiyaa lang sa maghapon. Gutom talaga ang inaabot niya sa maramot na ina ng kanyang amo.

USUAL WAGE-EARNING PROBLEM

Noong taong 2000 ang kanyang contract bilang isang domestic helper ay $200 kada isang buwan, base na rin ito sa regulasyon ng POEA noon. Ngunit ang binibigay lang sa kanya ay 45 na Kuwaiti dinar (Arabic: دينار , code: KWD) o $150 sa isang buwan. Dahil na rin sa hindi na niya matiis ang gutom sa araw araw, umalis siya nang walang paalam at nag tuloy sa tangapan ng OWWA sa Kuwait.

Kinabukasan ay pinuntahan siya ng kanyang amo upang pakiusapang bumalik na sa kanila. Apat na beses na nagmakaawa sa kanya, hindi na siya pumayag pang bumalik. Namasukan siya bilang receptionist sa isang restaurant sa recomendasyon na rin ng OWWA sa kanya.

GANG RAPE SA KUWAIT

Isang gabi na may balak siyang bilihin sa tindahan, lumabas ng kanyang bahay ganap na 10:30pm. September noon, taong 2001, apat na lalaki ang sapilitang isinakay siya sa isang kotse.

Nagsisigaw siya at nagpupumiglas ngunit wala siyang nagawa sa apat (4) na Kuwaiti. Nakatikim siya ng matinding sampal upang siya ay patahimikin. Tinandaan niya ang kanyang dinaraanan. Naaalala niya ang Block 3, 2nd floor at room 4 na pinagdalhan sa kanya. Sapilitan siyang binuhat sa loob ng kuwarto, hinubaran at pinagsamantalahan.

Habang ginagamit siya ng isang lalaki ay kumakatok na ang pangalawa.

Monica: Habang may ginagawa sa akin yong isa, walang tigil naman sa kaka-katok yon isa sa labas ng kuwarto. “Attani, attani,” yon next naman sabi niya. “Anatql” sabi ng kumakatok, na ibig nyang sabihin, lumabas ka na. “Thikfa,” enough na.

Hindi raw siya ginalaw nung pang apat na lalaki. Nang maramdamang tulog yon ibang kasamhan, tinulungan na siya.  Madaling araw pinagbihis siya at sinamahang makalabas. Isinakay sa kotse at ibinaba sa isang lugar na may masasakyan.

HUSTISYA

Kinabukasan Oct 1, nagtungo siya sa tangapan ng OWWA sa Kuwait upang maghain ng pormal na reklamo. Kaso ang naging problema niya ay ang kanyang pasaporte at civil ID ay nasa custody ng unang employer. Sa Kuwait hindi ka makakapag-file ng complaint kung wala kang document o pasaporte.

Tinawagan ni Col. Sultan Almutari ng Paluania Police ang unang employer ni Monica para isauli ang pasaporte nito. Isinailalim sa medico legal si Monica at kasunod nito hinanap nila ang mga suspects sa pinangyarihan ng krimen. May palatandaan si Monica sa pinagdalhan sa kanya sa Sabria, isang Pakistani laundry shop ang naaalala niya. Ganoon pa man may apat na oras din silang naghanap hanggang sa ma-identify niya ang pinasukan nilang driveway matungo sa flat o bahay na pinagdalhan sa kanya at dito natagpuan ang apat na lalaki na nakilala sa kanilang mga civil IDs na pawang mga Kuwaiti nationals. Sinusuhulan si Monica ng mga suspects, hindi niya ito tinangap.

Monica: “Hustisya ang hanap ko, Justice ang kailangan ko sa kanilang ginawang kalapastanganan sa akin.”

TEMPORARY SETBACK

Napa deport si Monica pabalik sa Pilipinas dahil nag expire na ang kanyang visa. Habang nasa kulungan naman ang mga lalaking humalay sa kanya at sinimulan na rin ang kaso sa hukuman.

October 2001 nakabalik si Monica sa Pilipinas. Hindi niya pinaalam sa kanyang mga magulang na siya ay nakabalik na. Pansamantalang naki panuluyan muna siya sa kanyang kaibigan.

Tinulungan namin siyang makadulog sa OWWA at mabilis na tumugon naman si Administrator Wilhelm Soriano, ang namumuno sa OWWA noon. Tuluy-tuloy na follow up ng KASANGGA TEAM ang kaso at napag-desisyonan na siya na ang humarap sa husgado sa Kuwait bilang vital witness.

Monica: “Gusto ko na ako na ang humarap sa husgado upang ipa-mukha ko sa mga Kuwaiti na hindi lahat ng Filipino ay kayang bayaran ng salapi.”

Nasentensiyahan ang mga nang rape kay Monica ng mahabang taong pagkaka-kulong.

MEANINGFUL MESSAGE

Monica: “Ang masasabi ko lamang po, nagpapasalamat ako sa lahat nang mga nakatulong sa akin, at mensahe na nais kong iparating sa kapwa ko na gustong makipag sapalaran sa ibayong dagat, kung pinapahalagahan pa ninyo ang inyong buhay dito na lamang kayo maghanap buhay sa atin, konting tiyaga lang at kapiling pa ninyo ang inyong mga mahal sa buhay.”

HILING PARA SA MGA OFW

Sa totoo lang wala pa ring makapagsasabi kung ano ang maaaring maging kinabukasan na nag ihintay sa isang OFW sa Kuwait. Alalahanin natin na ang mga bansa sa Middle East ay kakaiba at malayo sa ating kinagisnang kultura.

Ang mga kundisyon na ating hiniling sa bansang Kuwait tulad ng hindi pag susurrender ng pasaporte sa kanilang employer, bigyan sila nang isang araw na day-off sa loob ng isang linggo, huwag gugutumin ang ating mga domestic helper, bigyan nang wastong oras sa pag tulog. Ang mga ito ay makatutulong sa ating mga OFW sa mga bansa kung saan kakaiba ang trato sa mga manggagawa. Pero ang lahat nang ito ay hindi prebelehiyo kung hindi karapatan talaga ng mga mangagawa. Ito ang wasto at dapat na itrato sa isang tao.

Kung sasabihin natin na ito ay garantiya na hindi na muling mangyayari pa ang tulad ng malagim na sinapit nina Joana Demapelis, traumatic na experience ni Monica at sinapit ng iba pa, nagkakamali tayo. Ito ay isa lamang panaginip na matagal na nating inaasam-asam.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles