Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

BORACAY COUNTDOWN

$
0
0

Islang dapat sagipin…

Rehabilitasyong hindi dapat mabinbin,

dito sa Boracay island, ating alamin.

Ito po si Pareng Rey Langit.

Ang tanong, paano napunta sa kasalukuyang estado.

Alam nang lahat Boracay ay Paraiso!

Ito naman ang inyong Kasangga JR Langit.

BORACAY REVISIT

Muling binalikan ng Kasangga mo ang Langit team ang Boracay Island bago pa man maganap ang inaabangang pag sasara nito. Hindi tulad nang dati, hindi na puno sa pasahero ang PAL flight na aming nasakyan patungong Caticlan. Kung iyahambing sa mga nakalipas na pag bisita namin ni JR Langit sa Isla, higit na marami ngayon ang mga maliliit na sasakyang pang dagat, tulad ng makabagong speed boat at makulay na sina-unang bankang de-motor na nag ihintay sa pang- pang na walang mga pasahero.

JOURNEY BY WATER

Lulan kami ng speed boat patungo sa Isla ng Boracay. Sa bilis ng aming sinasakyan, malakas na tilamsik ng tubig dagat ang tumatama sa amin na siyang nagpapasigla sa aming damdamin, bagamat may saya at ngiti sa paglalakbay ang aming grupo dama ko parin ang kalungkutan para mga taong mawawalan ng pag kakakitaan sa pag sasara ng Isla.

Mabilis kaming nakarating at nakadaong sa Isla, bitbit namin ang aming mga sapatos na lumusong sa tubig at nag lakad sa mala-pulbos, at malamig na buhangin ng Boracay. Wala kaming oras at panahong sinayang, isa isa na naming kinapanayam ang lahat ng may kinalaman sa Isla.

SEARCH FOR TRUTH

Ilan sa aming kinapanayam ang nag mamay ari ng Hotel at restaurant kung ano ang kanilang hakbang para sa kanilang mga empliyado. Mga epliyado na malungkot na babalik na sa kanilang mga lalawigan. Ang mga establisemento na tinamaan ng 30meter easement law mula sa shore, ang mga nag simula nang mag-self demolished sa kanilang mga gusali.

Aming kinapanayam ang mga pang karaniwang tricycle driver, ang grupo ng masahista sa dalampasigan, mga operator at driver ng mga private van na nag hahatid at sumusundo sa mga tourists. Mga operator ng motor banka.

Magkahalong lungkot at tuwa ang kanilang pahayag. Lungkot sapakat hindi nila alam kung saan nila kukunin ang kanilang pangastos sa loob ng anim na buwan. Kung papaano nila pakakainin ang kanilang mga pamilya. Tuwa dahil nauunawaan nila ang pakay na lalung mapaganda ang Isla at maiwasto ang mga kamalian sa Boracay.

Aming kinunan at nag-dokyoment kami ng mga self demolition sa main road ng Boracay. Ang pag giba nila sa mga concrete, iniwanang debris at makakapal ng ginibang semento sa bangketa ng lansangan. At iniwanang bukas na mga manhole.

INTERVIEW WITH TOP GUNS

Pinilit din naming makakuha ng mga pakikipanayam sa mga matataas na opisyal. Naging matagumpay ang Kasangga Team na ma-exclusive interview sina kay Mayor Ceciron S. Cawaling ang Alkalde ng Malay town na siyang nakakasakop sa Boracay Island. Gayon din sa kanyang lalawigan, isang exclusive na pakikipanayam ang aming ginawa kay Provincial Governor Florencio Miraflores ng Aklan Province.

Hindi dito nagtatapos ang halos walang tulog at pahingang ginawa nang aming Kasangga team upang makumpleto ang documentary story ng makasaysayang “Boracay Countdown” sa kaganapang ito sa Isla ng Boracay.

FLASHBACK

Muling nanumbalik at nag flashback sa aking alaala ang ginawa kong media coverage sa Hong Kong Countdown noong July 1, 1997 na naging makulay at makasaysayan na handover ng Isla ng Hong Kong sa mainland China makalipas ng mahigit isang daan at limampung (150 years) taong British rule. Ang event na ito ay dinagsa ng napakaraming mamamayan galing sa ibat ibang bahagi ng Mundo.

Samantala sa panahong ito (April 20) sa lalawigan ng Aklan ay hindi pa malinaw sa local media kung ano ang guidlines na susundin sa media coverage at sa accreditation ng mga mamamahayag.

MINOR CONFUSION

Iba’t ibang versions ang nagsipag lutangan. Naririyan na ang media ay restricted sa movement at media coverage sa isla. May nag sasabing mula lang 8am hangang 5pm lamang sila pahihintulutan. At may version na ang coverage ay escorted pa ng otoridad.

Kaya ang re-action ng ilang media, baka mayroon mga isasakatuparan sa loob ng isla na ayaw ipakita sa media tulad ng pag tatayo ng Casino na nauna nang napa balita. Upang mapawi ang agam-agam ng mga kapatid sa Media dagling lumikas kami (Ang Kasangga Team) mula sa Isla patungo sa mainland ng Kalibo.

Sa paanyaya sa atin ng kinikilalang Patriarch ng Media sa lalawigan na Ginoong Johnny Dayang dagli kaming nag-biyahe ng 15 minutes sa karagatan via speed boat at isa at kalahating oras sa by land upang marating agad ang Kalibo Aklan.

CLARIFY MEDIA DILEMMA

Si KBP Chairman Apple ng Kalibo Aklan chapter ang masigasig na malaman ang katatayuan ng covering media sa mga kaganapan sa Boracay Island. At bilang Chairman naman KBP Metro Manila Chapter aking tinawagan si Tourism Asec Ricky Alagre hingil sa mga katanungan ng media.

Sa pamamagitan ng speaker phone naipaliwanag ni Asec. Alegre ang lahat, ang naging pagbabago ng guidlines sa media coverage na walang restrictions na magaganap sa media sa coverage, walang 8am to 5pm na limit ang coverage. At kung kinakailang pa nang matutuluyan ng mga National Media at foreign media mag po-provide pa ang tourism dept. ng kanilang matutuluyan. Binigay din ni Asec Alegre ang contact person sa accreditation ng media. Dito na napawi ang agam-agam at confusion ng local media na magko cover ng event sa Isla ng Boracay.

MEDIA FORUM

Kinabukasan (April 21, 2018) tayo ay naanyayahan ng triMedia na umupo bilang moderator sa kanilang linggohang “KAPIHAN SA AKLAN” media forum. Si Mayor Ceciron S. Cawaling ang Alkalde ng Malay town na nakasasakop sa Boracay ang kanilang guest resource person. Dito lumutang ang mga katanungan na may kaugnayan sa magiging katayuan ng mga mangagawa na mawawalan ng hanap buhay.

Dagli akong nakipag ugnayan kay Labor Secretary Silvester Bebot Bello at sa pamamagitan ng speaker phone ay naka dialogue siya ng Provincial Media at naipaliwanag naman ang lahat kaugnay ng mga mangagawa na mawawalan ng trabaho. Para sa kabatiran na rin ng ating mga mamamayan, sa loob at labas ng Pilipinas, mapapanood sa PTV4 Biyernes, alas diyes (10pm) ng gabi ang aming ginawang coverage sa countdown bago ipasara pansamantala ang Boracay Island.

Bahagi ng aming commitment sa ating mamamayan aming susubaybayan ang mga kaganapan sa mahal nating Boracay Island upang mabatid ng lahat ang mga magaganap dito.

SUMMATION

Paraiso kung ituring ang Isla.

Nararapat lamang maibalik ang Kinang at Sigla,

na sa buong mundo’y kinikilala.

Nakilala dahil sa walang katulad na puti at kinis ng buhangin sa dalampasigan,

at ganda ng kanyang karagatan.

Hindi pa huli upang maibalik,

pansamantalang naglahung karigtan!

Isang malaking leksyon sa mga tourist Destination.

May aral at mensahing dito’y napulot.

Bagamat sa Isla ngayon dama ang lungkot,

Sa pagbabalik sigla at tuwa ang

sukling dulot!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles