Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

DARK HORSE, NEXT PNP CHIEF

$
0
0

Maka ilang beses nang nagpaunlak ng pakikipanayam si PNP NCRPO Director Oscar Albayalde sa aking “Kasangga Mo Ang Langit” radio program sa DzRJ 810khz (10am) at “Insider Exclusive” ng PTV4, tuwing Miyerkoles ng alas otso ng gabi (8pm-9pm).

Pahapyaw na binangit ng Pangulong Duterte noong Huwebes, April 5 sa kanyang talumpati sa Malacanang ang pangalang NCRPO Director Oscar Albayalde na magiging susunod na PNP Chief. Pangungunahan na ni Police Director Oscar Albayalde hindi lamang ang mga Police ng National Capital Region kung hindi ang kabuoan ng may 190,000-strong Philippine National Police, PNP.

Ayon pa sa Pangulong Duterte napili niya si Albayalde dahil nakarating sa kanyang kaalaman na ito ay competent at istriktong police officer.

CUM LAUDE GRADUATE

Si Albayalde ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1986, cum laude graduate, Masters in Public Administration, 1996 at mistah ng kasalukuyang PNP chief, Director General Ronald dela Rosa. Magreretiro siya pag sapit sa edad na 56 nang susunod na taon, November 2019. Si Gen. Bato Dela Rosa na dapat ay nag-retiro noong Enero nang taong ito, 2018 ngunit ito ay na-extend sa naging kautusan ng Pangulong Duterte.

Samantala, kinagulat naman nang marami ang pag sulpot nang pangalang Albayalde bilang isang “dark horse” at ang napaagang pagriritiro ni PNP Chief Dela Rosa na inaasahang tatagal pa sana hangang katapusan ng taong 2018.

Hindi tulad ni Chief Dela Rosa, si Albayalde ay hindi nadestino sa region ng Davao bago sa kanyang assignment bilang NCRPO chief at ngayon bilang PNP Chief. Naging executive officer ng Directorate for Plans sa Camp Crame. Dating Pampanga provincial police chief. Siya ay tubong San Fernando City sa Pampanga.

PART OF HIS ACHIEVEMENTS

Malaki ang kanyang naging bahagi sa naging mapayapa at matagumpay na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Pilipinas. Ang puspusang pag tugon sa naganap na pamamaril sa Resorts World Hotel Casino na kinasawi ng may 38 biktima at pagkakasugat ng may 67 iba pa. Kilala sa kanyang madaling araw na surpresang pagbisita sa ilang police precinct na nasasakupan, kung saan nahulihan ng mga natutulog na on duty na pulis at iba ay nag-iinuman pa.

Bahagi ng kanyang commitment bilang PNP Chief, ipag papatuloy niya ang government’s war on drugs, ang patuloy na paglilinis sa mga police scalawags at internal cleansing program ng police organization.

SOMETHING TOTALLY UNEXPECTED

Ayon kay Albayalde bagama’t isang surpresa para sa kanya ay galak na galak siya sa naging pahayag ng Pangulong Duterte. At kanyang mariing pinahayag na hindi niya sasayangin ang pag titiwalang ito na ipinagkaloob ng Pangulong Duterte na pamunuan niya ang Philippine National Police. “I will continue and fully support the advocacy of the administration of our President.”

Inamin niya na malaki ang naitulong na endorsement ng kanyang classmate sa PMA na si General Dela Rosa at ang naging accomplishments niya bilang NCRPO Chief.

MEDIA COMMUNICATIONS

Wala raw mag babago, magpapatuloy pa rin ang nakasanayan na niyang pakikipagtalastasan sa media. “Nothing will change except my rank and my position.”

Ang may 190,000 na kapulisan, uniformed at non-uniformed personnel ay ipinag kakaloob ang kanilang pagtitiwala at full support sa leadership ng bagong itatalagang PNP Chief, pahayag ng PNP spokesman na si Chief Supt. John Bulalacao. Ang kanyang proven track record of service ang isang palatandaan na ang polisiya ng gobierno sa public order and safety ay mananatili.

ENLIGHTENING DISCLOSURE

Samantala, hayaan ninyong ibahagi ko ang liham na ito mula sa isang respetadong colleague sa industriya ng Media. Ang liham ay nag mula sa isa nating nakasama na noon pa sa Abs Cbn Network nang ako ay nasa Radyo Patrol (1st Generation) at siya ay nasa Radio and Television na. Nagsimula ang pag liham niya sa atin makalipas na ma experience niya ang disappointment sa natuklasan niyang pag uugali ng ilang Police.

Pinayuhan ko siya at ipinakilala kay NCRPO Director Albayalde, at pinag usap ko sila sa telephone.

(Letter to Rey Langit re: Gen. Oscar Albayalde)

Dear Pareng Rey,

I just want to share with you my very pleasantly surprising experience with Gen. Albayalde, which you may want to share with others.

As I have explained when I called you I was utterly disappointed to find out last year about this malpractice of asking for honoraria by those from the police, fire protection, rescue and other government agencies that are involved in the holding of public events in Pasay City.

I need to mention here though that people from the Mayor’s Office that are involve in approving permits for such events do not engage in such despicable practice. However, no permits can be approved without having to pass or coordinate with the agencies mentioned above, where such demands for honoraria are expressly made prior to the clearance that they submit to the Mayor’s Office.

When I talked to Gen. Albayalde, thanks for your kind referral, to confirm if there was indeed a need for such honoraria, he was incensed to find this out and blurted out that there is absolutely no need for such. He immediately declared that the police and the other mentioned personnel are already being paid salaries and even allowances for their job to serve the public and they should not be asking or even be receiving voluntary honoraria.
The good general promised to firmly remind those involved about the long existing policy against the illegal practice and advised me not to give any honoraria.

I’m sharing this with you for two purposes. First and foremost is for the possibility to inform event organizers through you about this incident to help stop the abusive malpractice and second to give credit to the good General.

Magaling yung mama, partner. Very decisive.

My warmest regards,
Butch Gamboa

Ito’y isa lamang sa iba pang mga public services na tinugunan ni General Albayalde na nai refer natin sa kanya.

SUMMATION

Hindi nagkamali si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili kay General Oscar Albayalde. Isang taong maaasahan at mapag kakatiwalaan. Nasa puso niya ang pag lilingkod sa mamamayan at committed sa kayang propesyon.

Sabi nga nang ating Kasanggang JR Langit: “Dad walang ka-ere ere ang opisyal na si Gen. Oscar Albayalde. Humble, modest, straight forward sa mga sagot sa interview mo at mapag kumbaba kapag may mga kamalian at pag kukulang ang kanyang mga tauhan. At pag dating sa pag disiplina ng kanyang mga pulis, maaasahan na decisive at firm sa kanyang mga desisyon.”

Mr. PNP Chief Oscar Albayalde, we congratulate you and for displaying great dignity and nobility in your profession. We Salute you sir!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles