Paano nalampasan ni Mark Anthony Fernandez ang mga pagsubok sa kanyang buhay, ating alamin. Ito po si Pareng Rey Langit.
Mga leksyon ng buhay sa bawat pagkadapa, sama-sama nating isa-puso. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.
Gumawa ng exclusive na pakikipanayam ang Kasangga Team upang makuha natin ang puno’t dulo ng mga pangyayari. Sa aming programang pang Telebisyon na “Kasangga Mo Ang Langit” na napapanood sa PTV tuwing Biyernes ng alas diyes ng gabi aming inalam ang kanyang damdamin sa mga pangyayari.
Kilalang kilala ang pangalang Mark Anthony Fernandez sa mundo ng showbusiness, hindi lamang dahil sa sariling tatak kundi dahil mga sikat na artista ang kanyang ama na si Rudy Fernandez at ina na si Alma Moreno. Kaya naman buong buhay nya ay para syang nasa aquarium na pinanunood ng lahat.
D’ INTERVIEW
Mark: Ang pinagpapasalamat ko ngayon na kay God yung binigyan ako ng second chance sa buhay binigyan ako ng second chance in life ah binigyan ako ng isa pang pagkakataon and freedom.
Mahigit isang taong nakulong si Mark matapos arestuhin sa Angeles, Pampanga dahil sa pagdadala ng marijuana. Para kay Mark, isang malaking bangungot ang kanyang karanasan sa loob ng bilanguan. Dalawang beses nang napaulat na na-rehab si Mark subalit iginiit nito na hindi sya isang addict na tulad ng pinalalabas sa mga balita.
ANG PAGTATAPAT
Mark: Jr unang una, never ako naging addict. Actually galit din ako sa mga shabu na yan, cocaine galit ako dyan. Talagang marijuana lang po ako nung araw.
Ang masasabi ko sa kanila, wag na wag silang hahawak nun dahil masama ito sa kalusugan, masama sa health. Tapos mauubos pa pera mo walang maidudulot na mabuti. Ang dapat is get high with God not with drugs. Seek first the kingdom of the Lord and all shall be added on thee mag enjoy sila sa toys kesa sa vice.
JR Langit: Ano ang masasabi mong experience na hindi malilimutan simula nang harapin mo ang mga akusasyon at trials mo?
Mark: Yung buong trial process yung yun ang pinaka ah talagang takot na takot ako. In layman’s terms yung yung eggs ko nandito na sa leeg ko. For one year and four months yung experience na pinaka mabigat para sakin yung natatakot ako. Yun, pero sa awa ng Diyos na surpass namin po yun.
Kaya naman ang bawat tao ay nangangailangan ng magandang support group tulad ng pamilya at mga kaibigan. pamamagitan ng taimtim na pagdarasal at sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ay nalusutan ni Mark ang mabigat na pagsubok sa kanya.
ANG PAGSUBOK
JR Langit: Paki kwento samin Mark kung papaano ka nakabangon magmula dito sa matinding pagsubok na dumating sa buhay mo.
Mark: Ano, maraming maraming maraming maraming prayers and salamat sa mga taong napaka bait na tinulungan din talaga ako katulad ni Claudine barreto, ni boss Vic del Rosario, jingoy Estrada, ah si vandolf, si jen quizon, si jen asnar. Ang dami nong mga taong tinulungan ako.
JR Langit: Papaano mo mailalarawan yung pagmamahal na ipinakita ng pamilya mo habang nasa loob ka ng piitan lalong lalo na ng mother mo?
Mark: ah talagang ano po, puspusan talagang sagad at talagang sinusuportahan nila ako every week nandun sila. Words of encouragement, prayers yun po.
Ang pagbangon ni Mark mula sa isang matinding pagsubok.




UNANG-UNANG GINAWA
JR Langit: Ano yung unang una mong ginawa pagkalaya mo?
Mark: ah nag simba nag simba, nag dasal tapos. Tinignan ko ang kalangitan, tinitigan ko din yung mga stars. Nakita ko ang ganda ng kapaligiran ang ganda ng buhay sa labas, langhap ko ang fresh air. Appreciate ko ang ganda ng normal na buhay.
Mas tumibay ang pananalig ni Mark habang sya ay nahaharap sa isang matinding pagsubok. Naisalaysay din ni Mark nang siya ay nasa loob, hindi siya nawalan nang pag asa. Malaki ang naitulong sa kanya ng pana langin upang maging matibay. Hindi nawala ang kanyang tiwala sa itaas. Lalong naging matibay ang kanyang pananalig sa poong lumikha. Buo ang kanyang tiwala na diringin ng Panginoon ang kanyang mga dalangin.
Mark: Never never akong nag-doubt kasi alam kong sasagutin yung prayer ko. I never doubted nabasa ko kasi sa bible. So mula ng mabasa ko yun, that made me more stronger. Nsa dreamed ko na makakalaya ako, its just a matter of time kung kelan.
POWER OF PRAYER!
Sa ngayon ay ina-ani na ni Mark ang mga sagot sa kanyang mga dasal.
JR Langit: Ano ba yung mga pinagkaka abalahan mo ngayon? Ano yung mga pelikula mo. May bago ka bng tv show ngayon?
Mark: Yes, bale napasali po ako sa telenobelang Probinsyano at nagpapasalamat din po ako don, tapos may dalawang pelikula po akong gagawin, abangan po nila yun under viva films.
Mundo pa rin ng showbusiness ang binabalik balikan ni Mark.
IMPORTANT LIFE LESSON
JR Langit: Ano yung masasabi mong natutunan mo sa father mong si Rudy Fernandez nung nabubuhay pa sya?
Mark: Ang natutunan ko sa kanya na lagi nyang hilig sabihin sakin, mahalin mo ang trabaho mo para mahalin ka rin ng trabaho mo. Yan yung paborito nyang sinasabi sakin dati.
Nang tanungin ni Kasanggang JR kung na miss ba ni Mark ang pag-aartista. Hindi nag atubiling sinagot na “sobra sobra, talagang na miss ko.” Mababasa sa kanyang mukha ang naging pananabik niya sa kanyang iniwanang trabaho. Hindi lang daw ang acting o pag bibigay buhay sa ginagampanang papel, na miss din niya ang mga crew, staff, yung direktor at mga kasamahang Artista.
Mark: Marami akong na miss, everything about showbiz. Kaya laking pasalamat ko, ngayon magkakasama na po kami uli, yun po.
AFTER A LONG BREAK
Binalikan ni Mark ang lahat nang kanyang dating routine laluna ang kanyang paboritong sports na Basketball at ang kanyang Gym na nagbigay sa kanya ng sigla, lakas ng katawan at talas ng pag-iisip. Binigyan ni kasanggang JR Langit nang pagkakataon si Mark na ipahayag niya ang kanyang mensahe para sa kanyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.
Mark: Ang masasabi ko sa kanila, mahal na mahal ko sila. Maraming salamat sa prayers na binigay nila sa akin at asahan nila na gagawa ako ng maraming proyekto para sa kanila. Subaybayan nila ang Probinsyano at yung dalawang upcoming movies ko subaybayan nila, mahal na mahal ko kayo. I love you so much!
SUMMATION
Lahat tayo ay hindi makaka iwas sa mga problema na susubok sa ating katatagan. Kaya naman ang bawat tao ay nangangailangan ng magandang support group tulad ng pamilya at mga kaibigan. At syempre, pinaka da best na support group ang Diyos na nakaka alam kung paano natin lalampasan ang bawat pagsubok na ibibigay nya sa sa atin. Maituturing na ikalawang pagkakataon ito sa kanyang buhay. Lahat tayo ay hindi makaka iwas sa mga problema na susubok sa ating katatagan.
Isa sa mga natutunan ni Mark sa loob ng bilangguan ay ang tanggalin ang pagdududa na ma a-alpasan mo ang isang problema. Sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal at sa tulong ng pamilya ay natawiran ni Mark ang mabigat na pagsubok sa kanya. Hindi matatawarang ang suporta ng pamilya at mga kaibigan. At syempre, pinaka da best na support group ang Diyos na nakaka alam kung paano natin lalampasan ang bawat pagsubok na ibibigay nya sa sa atin.
Marami ang mga taong umakay sa kanya upang makabangong muli. Hindi lang mga taong kilala niya, marami ang nag-malasakit upang siya ay makatayong muli sa pag kakarapa. Mga taong sa kanya ay may paniniwala na siya ay mayroon pang inaharap na nag ihintay sa kanyang pag bangon. Sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal at sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ay nalusutan ni Mark ang mabigat na pagsubok sa kanyang buhay.