Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

KING OF 110 TRIBES

$
0
0

Isandaan at sampung tribo ang pinag-isa. Teritoryo ng King of Philippine islands sa Bukidnon, aming pinasyalan. Aming sinaksihan ang tradisyon ng ating mga kapatid na katutubo sa Bukidnon. Aming pinaunlakan ang paanyaya ng Hari ng 110 tribes sa Pilipinas na si King Kuluban o Datu Constancio Salvo Jr.

Ang Kasangga team, sa paanyaya ni King Kuluban ay nagtungo sa Manolo Fortich Bukidnon sa teritoryo nito. Dito aming nakita ang kanilang pagpapatibay sa mayamang kultura ng ating mga Indigenous People, at nasaksihan ang koronasyon ng mga Hari.

Sa kabila ng hangaring kaunlaran, napakagandang pagmasdan na marami pa ring mga lumang kaugalian sa ating mga katutubo ang kanilang napapanatili at pinagyayaman.

THE AUXILIARY KINGS

Ang koronasyon ng labing anim na bagong auxiliary King ay aming nasaksihan. Ito ay aming ipinakita sa palatuntunang “Kasangga Mo Ang Langit” sa PTV4, alas diyes ng gabi noong isang Biernes. Labing anim na datu mula sa 110 tribes, sila ay ibat ibang tribo sa Philippine islands ang kinoronahan bilang bagong auxilliary kings. Naniniwala ako na kapag napagyaman ang kultura at mayroong pagkakaisa, mas madaling abutin ang pagbabago na pinapangarap.

Isang magandang kaugalian rin na ikalat ang kapangyarihan upang mas lalo pang magabayan ang ibat ibang tribo na nasa ibat ibang bahagi ng ating bansa.

INTERVIEW WITH THE KING

Si Constancio Salvo Jr. ang Royal Highness King Datu Kuluban ay aming kinapanayam.

KING: ito po ang ginawa namin na buohin namin ang buong Pilipinas na 110 tribes kaya po ginawa namin ng bawat tribo pinupuntahan namin at saka yung leaders nila nag iisa sila na ako ang tinuturo na maging king ng mga tribo sa buong Pilipinas.

Ito nga kinukuha namin bilang leader ng tribo ginawa naming king so complish na ang 110 tribes king, meron na tayong tinawag na additional king yung Auxiliary King na humawak ng bawat area for implementation sa tribes on peace and unity.

Ang mga auxilliary kings ang magsisilbing lider ng mga tribo sa ibat ibang panig ng bansa na kabilang sa 110 tribes.

JR LANGIT: Tama po ba na ang mga King nang bawat tribo ang siyang mag papatupad ng mga batas na dapat sinusunod din ng ating mga katutubo?

KING: Ganyan talaga yung ginawa namin para wala ng gulo sa bwat territory kasi meron kaming leadership management , mayroon kaming protocols, mayron kaming guidelines from generations down to this day. Kailangan mayroon tayong batas na sundin so lahat na kingship management mayroon kaming leadership pagkatapos meron kaming guidance for support peace and order, peace and unity among the tribes in whole Philippines and the one archipelago, in the seven continent. Ito po ay yung binigay namin na guidelines o rules para sa mga tribo po.

THE CHALLENGE

JR LANGIT: Ano po yung pinaka mabigat na pagsubok na kinakaharap ninyo bilang isang hari?

KING: Sa amin ngayon sir ang mabigat na pag subok namin itong pag gawa ng peace and order kasi ngayon palang alam natin na nandyan padin tayo sa Marshall law, patuloy na ginagawa naman naming peace and order hindi lamang sa Mindanao, kung hindi sa buong Pilipinas sa ating mga tribo.

Sa loob ng mahabang panahon, ipinaglaban ni King Kuluban ang pagpapatupad ng matagal nang batas na kumikilala sa mga karapatan at pag aari ng mga katutubo sa bansa.

KING: Ang gusto namin po na mag iisa tayo ng mga leaders na mag gawa tayo ng EPIC between president to president the IPs and republic 7160 the local implementation for local law na republic act 7160 ah tungkol yan sa local code kami po ay nandyan po sa republic act 8371 the self governance and empowerment intended for the tribes from generation down to generation.

Mag gawa tayo ng EPIC tradition between the president of kingship management na ang purpose ay peace and order o peace and unity for the Philippines.

THE RECOGNITION

Matapos ang mahabang panahon at paglilibot sa ibat ibang tribo sa Pilipinas, nakamit na rin ng 110 tribes ang hinahangad na pagkilala.

KING: Ngayon nalaman na ni President Duterte meron na tayong recognitions ng buong pilipinas, binigay na namin ang information yung mga document namin sa PNP, police at saka sa AFP para malaman nila na established na itong batas natin na Republic act 8371 mayroon na tayong Kingship Management sa buong pilipinas. Ngayon mataas na sir hindi na yung nandyan sa baba kasi hindi na tayo ngayon indigenous lang kailangan nating tumayo sa ating rights, mayroon ng mataas na leader na mag gawa ng paraan para yung mga indigenous natin mapataas na ngayon kasi nandyaan na tayo mag bigay ng impormasyon ng buong pilipinas.

DATU, NOW AN AUXILIARY KING

Si Datu Kusgano Mangal ang kinoronahang auxilliary king para sa Lapu Lapu City Cebu. Isa anya sa kanilang pinagtutulungan sa 110 tribes ay makamit ang tunay na kapayapaan at kaayusan para umunlad naman ang mga katutubo.

Datu Mangal: Highness King Kuluban sana po matupad rin ang lahat para maging ang pilipinas natin wala ang gulo, mawala na yung away away, mawala na yung mga gutom na nangyayari, kumbaga crime din yung hungry eh, yung poverty, kase ilang tao lang talaga ang naka ano yung no, nagpahimulos kumbaga, yung naka nakakapera yung iba naman yung mahirap lalong nasa mahirap na talaga nang dahil malayong malayo na na marating nila yung buhay na medyo nasa middle class nang dahil sa corruption nangyari atsaka yung drugs talaga yung ma, problema nang pilipinas natin.

HER MAJESTY QUEEN

Si Majesty Queen Angela Espaltero, isa sa mga asawa ni King Kuluban ay nagiging emosyonal kapag na alala ang mga sakripisyo at hirap nila upang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang mga katutubo.

Majesty Queen Angela: Sana ah, magkaroon na nang ahm, katuparan ang lahat nang mga sakripisyo namin kase matagl tagal na ring panahon na nakipaglaban kami para sa mga tribo so, ah yun lang yung ah, naiiyak kase ako. Sorry pasensya na kase ano, kung iisipin yung hirap atsaka sakripisyo na pinagdaanan naming, hindi ma, walang walang makakapagsukat sa sakripisyo tsaka sa kung gaano kataas ang pinagdaanan namin maisakatuparan lang ang batas na naka misyon sa kanya. Kase hindi po natural na tao ang nagbibigay sa kanya nang diktasyon kundi mula po sa itaas. Yan po yung ah, yung tinatawag namin na naging soul po nang aming, ah soul power po nang aming pagiging metatag ngayon sa pakikipaglaban

THE RITUAL

Aming sinaksihan ang mga ritwal at iba pang kaugalian ng mga katutubo sa ginanap na koronasyon ng mga hari.

Labing anim na datu mula sa ibat ibang tribo sa Philippine islands ang kinoronahan bilang auxilliary kings ng 110 tribes.

Sa kabila ng makabagong panahon, hindi nawala sa araw ng koronasyon ang mga ritwal at kaugalian ng mga katutubo. Nagsimula ang koronasyon sa formation ng royale guards.

Isang Baka o cow para sa kada hari ang kinatay upang gamitin ang dugo nito sa pagpirma ng kontrata at ang bawat hari ay kailangang magbigay ng dalawandaan at dalawampung mamiso at coins sa tribal king of babaylanon na syang nanguna sa ritwal.

Katulad ng mga sinaunang katutubo at royalties, napanatili sa tribo ni King Kuluban ang pagkakaruon ng mga titulo.

THE CLAN

JR LANGIT: Majesty Queen Angela Espaltero pwede bang malaman kung ilan po kayong lahat na maybahay ni King Kuluban?

Queen: 42 kami lahat, may sampung majesty, may seven ladies queen, tapos may four ladies queen. By rank kase kami eh, tapos may flag bearer, administrative. Seven yan, seven silang lahat, tapos 24 ladies. Oo tsaka Ecclesiastes queen.

JR LANGIT: Ikaw po, Sa anong level ka? As her majesty?

Queen: ah majesty, Majesty kami. Sampu kami. Yes, Isa ako sa mga majesty’s.

PRINCESS DIVINE

Mga Principe at prinsesa naman ang mga anak ni King Kuluban na sa ngayon ay umaabot na sa dalawamput isa.

Isa na rito ay si Princess Divine Salvo.

JR LANGIT: Princess Divine, Ano ang pakiramdam nang pagiging isang princess nang king nang Philippine Island?

Princess Divine: Syempre po ano, yung sa una ano, masarap sa pakiramdam. Pero yun na nga sabi nang majesty angel kanina, masarap sa pakiramdam pag ano, ganyan, may mataas yung posisyon mo, mataas yung level mo hindi katulad nang mga ordinaryong tao pero yun nga may mabigat na tungkulin naman sa likod nito. Pero ayun, kinakaya naman. Bilang suporta sa ama ko, at para din sa pilipinas. Para sa karamihan, hindi naman yan para lang sa pamilya namin o sa sarili ko lang. Sa pakiramdam ko, masaya, masarap yung daming ano, may respeto sayo. Ganun. Hi ano, hinihirang nka nang mga tao, iniidolo ka nila. Masarap sa pakiramdam.

CULTURE AND TRADITION

Sa kabila ng kaunlaran, napakagandang tignan na marami pa ring mga lumang kaugalian lalo na sa mga katutubo ang nananatili. Isang magandang kaugalian rin na ikalat ang kapangyarihan upang mas lalo pang magabayan ang ibat ibang tribo na nasa ibat ibang bahagi ng ating bansa. Dahil kapag napagyaman ang kultura at mayroong pagkakaisa, mas madaling abutin ang pangarap na pagbabago.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles