Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

TRIBUTE TO JOE TARUC

$
0
0

Tulad nang naging tradisyon sa Industriya ng Broadcasting, ang mga nagpapaalam ng tuluyan at permanente sa himpapawid ay naririnig pa hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay. Ganyan ang kanilang pagmamahal sa Radyo at sa pag lilingkod sa Bayan.

Si Johnny De Leon, na aking nakasama sa ABS CBN, isinugod sa hospital mula sa kanyang pagbo-broadcast. Si Tiya Dely Magpayo na aking kinumbinsing sumama sa akin sa DZRH ay nasa recording ng RH Drama Studio noon ng abutin ng kanyang atake. Si Tita Betty Mendez na akin ring ni-recruit sa DWIZ ay nagta-trabaho pa hangang sa huling sandali bago maisugod sa hospital.

Si Joe Taruc ay binawian ng buhay sa hospital alas-3am nang umaga ng Sabado September 30, 2017. Pumanaw sa edad na 70yrs old. Isinilang ng September 17, 1947. Dalawang beses na naatake si Joe noong mga nakalipas na taon, ngunit hindi ito naging dahilan upang tumigil siya sa pagbo- broadcast.

Nito lamang nakalipas na biernes September 29, sa 5th Shell Media Golf Tournament na ginanap sa Manila Golf & Country Club ay napag usapan namin si Joe Taruc, dahil kasabayan kong naglaro ng Golf ang mga naging malapit din sa kanya at Champion sa tournament na sina Jun Nicdao ang President ng Manila Broadcasting Co. Station DZRH at President ng KBP National, naroroon din si Deo Macalma na akin ring ne-recruit noon sa DZRH, sa kasama sa grupo sina Anthony Suntay at Jr Langit na pawang mga Award winning sa Media Golf tournament na yon at ang topic namin sa discussion ay si Joe Taruc.

Nang kumustahin ko si Joe dahil ilang Linggo na rin siyang hindi nagbo broadcast, nabangit nga sa amin ni Ginoong Nicdao na nag undergo siya ng heart by pass.

Hayaan ninyong sariwain ko ang ilang kaganapan kung papaano naging bahagi ng DZRH si Joe Taruc. Ito ay Trivia ng nakaraan at bahagi na rin ng Philippine Broadcasting history.

Flashback:

Balikan natin ang nakaraan ng si Joe Taruc at Noli de Castro ay nag tatrabaho pa kasama ng yumaong Rod Navarro.

Si Joe at Noli ay nagsisilbing mga reporters Rod Navarro. Noon ay nagka problema si Rod Navarro sa KBP o Kapisanan Ng Mga Broadcasters sa Pilipinas sa ilalim ng leadership noon ni Atty. Eduardo Montilla.

Dahil sa mga violations sa broadcast ethics ni Rod, nakatangap ito ng mga sanctions muna sa KBP, bagamat hindi lahat na implement noon ng RPN dahil sa influence ni Rod Navarro. Siya ay malapit kay dating unang ginang Imelda Romualdez Marcos at matalik na kaibigan ni dating AFP Chief of staff General Fabian Ver.

Sa problema ng KBP kay Rod Navarro, isa ako sa mga nakonsulta ni Atty Ed Montilla, noong panahong yon na siya ang General Manager ng Manila Broadcasting Co. – Station DZRH.

Joe is at the extreme left, second row, beside me .

 

Hindi payag si Atty. Montilla sa idea ko na mag-head on kami sa aming mga komentaryo laban kay Rod Navarro. Sa consensus namin sa DZRH, ako bilang News Director, kasama sina Caloy Castro at Ric Radam naganap ang mga umuusok na palitan ng mga maahang na salita sa Radyo.

Marami ang mga namagitan, upang matigil ang On the Air WAR na ito na hindi maawat- awat, at si Rod Navarro ay hindi natitinag. Sa init ng issue ang mga taga-pakinig ay humalo na rin. Isang araw may confidential na tawag akong tinangap. Sa telephone, siya ay nagpakilala na may mga substantial na ibidensiyang tangan-tangan na siyang magwa wakas sa mainit na usaping ito.

Aking vinalidate ang impormasyong ito, kunuhanan ko ng affidavit at tape recording ang nag-volunteer. At nagpa reproduce ako ng mga kopya at pinamahagi kina Deo Macalma, Aya Yupangco at ibang mga reporters. Binilin ko na ilabas at isahimpapawid ang tape recording na ito kapag may nangyari sa akin.

Sa On the Air (DZRH) nilatag ko ang mga akusasyon, bagamat hindi ko pa tinutukoy kung sino-sino ang involved. Inonde-Air ko ang bahagi ng tape conversation namin ng witness, pinuputol ko ang tape bago sabihin ang pangalan ng involved. Ang sabi ko, ang buong taped coversation na ito ay aking isasahimpapawid sa Radyo kinabukasan upang makapag handa ang lahat, mai-tape ng mga listeners at makasagot ang mga inaakusahan.

Nang araw na yon ay nakatangap tayo ng mga tawag sa telephone. Isa rito ay mula kay General Eduardo Ermita, na siyang head ng CRS ng AFP noon na eventually naging Executive Secretary. Siya raw ay napakiusapan ni General Fabian Ver na kung puwede ay huwag munang e-On the Air ang tape recording.

Ang naipaliwanag ko kay Gen. Ermita na isa ring kaibigan, na ang bahagi ng recording ay nai-sahimpapawid ko na at hindi ko na mai aatras pa. Makailang beses siyang tumawag, at sa huli nasabi niyang si General Fabian Ver na ang tatawag sa akin dahil ayaw maniwala si Gen Ver na ayaw kong pumayag.

General Ver: Rey Langit, ito nga si General Ver. Makiki usap sana ako syo kung puweding huwag mo na munang ilabas sa On The Air ang tape recording na yan. Baka naman bukas makalawa ay ikaw naman ang mangailangan ng tulong at makatulong rin ako syo.

Rey Langit: Sir, may naisip na po akong paraan upang hindi e-On Air ang tape conversations na ito. Ang sasabihin ko bukas sa Radyo, Sorry mga kaibigan hindi ko muna maisa-sahimpapawid ang controversial na TAPE na ito dahil ang taong inaakusahan ay nasa “intensive care” sa hospital at hindi makasasagot sa mga bintang sa kanya.

Gen. Ver: Ang ibig mong sabihin hindi na muna siya magbo-broadcast si Rod Navarro sa Radyo?

Rey Langit: Ganoon na nga po sir.

Kinabukasan ay hindi na muling narinig sa himpapawid si Rod Navarro.

Makailang beses na naki usap si Joe Taruc sa akin na payagan na namin si Rod Navarro na maka balik sa himpapawid. Incidentally matagal na kaming magkaibigan at magka- kilala ni Joe Taruc, dahil magka sama kami sa ABS CBN sa 1st Generation (unang batch) ng Radyo Patrol.

Maganda naman ang paliwanag ni Joe sa akin na kung hindi raw muling makababalik sa Radyo si Rod Navarro ay hindi rin sila makapag o-On the Air. At paano na ang kanilang pamilya.

Kina usap ko si Atty Ed Montilla, at aking mga kasamahan sa DZRH. Hindi sila sang ayon, dahil hindi sila nakasisiguro sa naging pahayag ni Rod Navarro.

Muling bumalik si Joe sa akin at sinabing kung hindi na nga papayagan si Rod na makabalik sa himpapawid ay baka naman siya ay pwede sa DZRH.

Nataon na ako ay due for promotion noon para maging Station Manager ng DZRH, at mababakante ang position ng News Director.

At knowing naman ang capability ni Joe Taruc sa pamamahayag siya ang aking nire-commend sa nabakanting position na DZRH News Director.

And the rest is history.

Paring Joe mananatili sa aming ala-ala iyong mga iniwang aral sa pamamahayag. Sangalan ng KBP Metro Manila Chapter na aking pinamumunuan, ang aming taos pusong pakikiramay sa buong pamilya, sa DZRH at pagpapaabot syo ng…

May you rest in peace forever!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles