Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Samahan ninyo kaming bisitahin sila. Ito’y hango sa lingguhang programang pang telebisyon sa PTV4 tuwing 10:45pm. Tampok natin ngayon ay si Alfred Ysrael ng Guam, isang Filipino!
REMARKABLE ESCAPADE
Taong 1951 nang lisanin niya ang Pilipinas at magtungo sa Guam. Accountant ng mga bowling alleys na pagmamay-ari ng US Air Force ang una niyang naging trabaho sa Guam. Makalipas ang ilang taong pamamasukan, nakapagpatayo rin siya ng sarili niyang bowling alley.
Graduate ng kursong Bachelor of Science in Commerce sa La Salle College sa Pilipinas si Alfred. Panganay sa pitong magkakapatid.
Si Alfred Ysrael, itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na Pinoy ngayon sa Guam. Siya ang tumatayong Chairman at President ng Tanota Partners. Isang malaking organisasyong konektado sa real estate.
TARGET MARKET
Taong 2015 nang buksan niya ang Dusit Thani Hotel sa Guam. Mayroong mahigit apat na daang kwarto ang nasabing hotel at nabibilang na isa sa pinakasikat na 5-star resort ngayon sa isla.
JR: Mostly, all of your customers are coming from different countries?
Alfred: Predominately, its Japanese and Korean. I would say about 90%. That hotel has 600 rooms
Kakulangan ng matutulugan para sa mga turista, nagbigay ng oportunidad sa kanyang mag negosyo at umasenso sa Amerika…
Taong 1968, nang maitayo niya ang Fujita Hotel.



SUCCESS IN BUSINESS
Nagtuloy tuloy ang magandang karera ni Alfred sa pagpapatayo ng mga naglalakihang hotels sa Guam. Nagsimula sa Hilton Guam Resort and Spa kung saan siya ay may kasosyo.
Sumunod ay ang Ocean view Hotel, Bayview Hotel, Outrigger Hotel na mayroong anim na daang kwarto.
JR: What else can we see here in your hotel?
Alfred: Some facilities like swimming pool. If you notice, we have miniatures slides. Very popular with the children. So we got most of the families here because children are safe. This area that we build up is a times square of Guam. People from the hotel comes to this area.
Dahil dito kinilala ang kanyang galing sa pagnenegosyo. Nung 2006, pinarangalan siyang Executive of the Year ng Pacific Daily News.
THE BEGINNING
JR: Paano nag simula ang idea ninyo at interest sa Hotel business?
Alfred: Noong bagong dating kami rito sa Guam, walang hotel na bukas sa madaling araw. I remember ang mga tourist kapag they arrive here ng 12 o’ clock, 1 o’clock sarado na ang mga hotels. Ang mga hotels dito sa Guam until 12 midnight lang, at yung iba, sinasara na nila alas-diyes ng gabi. Kadalasang ang mga Hapones dumadating dito ala-una ng umaga. So ang mga Japanese tourists, natutulog dun sa benches hanggang bumukas ang hotel ng alas sais in the morning na. So, binuksan ko itong bagong hotel dito, motel lang muna. 63 units open 24 hrs.
AN ENTREPRENEUR
Hindi nagtagal pinasok rin ni Alfred ang mundo ng real estate, kung saan nagsimula siyang bumili ng maliliit na lupa sa Guam.
Malaking hotel sa Guam, pagmamay ari na ng ating kababayan…
Alfred: In all our business, we never put our family name. None of our business, enterprise has a name on it. And I’ve thought, after I die, some of my businesses will be sold so there will be no trace of my name in Guam. So ask why I’m using my name, the name of the family into the buildings that I am helping. Like in one school, the high school is really fine arts buildings. And all the highschool is real athletic crew. In saint John’s, it’s real sports center which include swimming pool. And another school in Sta. barbara is a two-storey science school. So, every school has its own name. and we do one school at a time every year.
GENEROUS FILIPINO
Ang swerte niya sa Amerika, ibinabahagi ngayon sa mga nangangaylangan. Bukod sa kanyang negosyo, naging misyon na ni Alfred ang tumulong sa mga kabataang kapos sa pananalapi at nagnanais makapagtapos ng pag-aaral.
Alfred: Here in Guam I am focused on the Catholic schools. In elementary level, the Catholic schools don’t get any more support from the Vatican in Rome. So I’m helping them out to build their new rooms. There are 2 rooms I’ve been 60 years old in those two schools and 60 year old room are leaking all over. Another school was building for science. Another catholic schools has a room for fine arts and these helps a lot.
Itoy nai-ibang kwento ng kababayan nating Milyonaryo na, Pilantropo pa.
REY: Mr. Alfred, madagdag ko lamang po. I know, you’re very generous gentleman and up to this moment, sige pa rin po ang inyong scholarship para po doon sa mga nag-aaral, qualified na mag-aaral po sa Lasalle?
Alfred: Two criteria: must be poor, must need financial help. Second, they must be very bright. So, as a result of sponsoring 24 college scholarships, there shall be available as long as there is a Lasalle in the Philippines, to the 24 brightest and most deserving financial student.



EX-ATHLETE
Aktibo siya sa larangan ng sports sa Pilipinas, nag basketball, soccer at football, subalit pagdating sa Guam, buhay niya bilang atleta, pansamantala niyang kinalimutan.
Naging maganda ang takbo ng karera ni Alfred bilang negosyante sa Guam. Ngayon ang tagumpay na tinatamasa sa Amerika, ibinabalik niya sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.
Nilisan man ni Alfred ang Pilipinas, subalit ang pagmamahal sa kanyang mga kababayan ni minsan, hindi na waglit sa kanyang isipan.
Ito marahil ang dahilan kung bakit siya patuloy na umaangat sa buhay. Sapagkat kapalit ng kanyang tagumpay maraming kabataan ang nabibigyan niya ng magandang kinabukasan.
Hanggang sa susunod na paglalakbay ito po si Pareng Rey, kasama ang BL team sa pangunguna ni JR Langit siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa walang sawa niyong pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.