Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

YEAR OF INDIE FILMS

$
0
0

Isa sa mainit na pinag uusapan ngayon ay ang MMFF kung bakit hindi napasama sa finalist ang mga Pelikulang may malalaking pangalan sa showbiz at mga “indie films” ang pumasok sa magic 8.

Kinapanayam ko si Ms. Boots Anson Roa sa ating Program (10-11am) sa DzRJ eight trimedia at sa aming television show sa PTV4 (10:30pm Linggo) na Kasangga Mo Ang Langit.
boots-anson-roa-01

 

MARKETING STRATEGY

Rey: Kumadre I understand ikaw ay executive committee member ng Metro Manila Film Festival.

Ms. Boots: That’s correct, Oo.

Rey: Parang merong attribution na mukhang nanawagan ka dahil mayroon kang apprehension na sa pagkakataong ito ay maaaring lumiit ang revenue ng MMFF ngayong Christmas dahil nalimitahan ang mga selections ng entry sa mga Indie Films.

Ms. Boots: ah.. nagsimula Kumpadre yang panawagan na yan at panawagan ito ng lahat ng nasa Execom. Noong mga nakaraang araw, mga nakaraang Linggo maraming humuhula, may hakahaka na dahil nga walang mga box office stars sa walong napili ay siguradong guguho ang kikitain ng Manila Film Festival, as compared to the years past and so ang panawagan naman namin ay subukang panoorin ang lahat nitong walong ito, at masipag na masipag na ginagawa ngayon ng MMFF Execom sa pamamagitan ng public relation committee ng marketing booking and distribution committee ay ipakilala sa audience ang mga walong pelikulang ito. Parang kumbaga sa Advertising diba Pare, pag meron kang produkto ay i-promote mo, if you know you have a good product ipo-promote mo itong maigi para makilala ng consumers para ma enganyo silang ether tikman ito or in this case panoorin ito.

boots-anson-roa-03

MAGIC 8 LIST

Rey: All right, itong magic 8 na ito Mare meron kabang listahan o kabisado mo sila?

Ms. Boots: ahhh.. despite my senior moment, itong walong ito ay pinili ng selection committee from 27 entries na puro finished product.

Ang isang pinag bago ay noong mga nakaraang taon script lamang ang pinag babatayan ng mga pinag pipilian nung walo. Ngayon kailangan finished product na ang walong ito. Ang “Die Beautiful, Sunday Beauty Queen, Oro, Kabisera, Vince & Kath & James, Saving Sally, Ang Babae Sa Septic Tank 2, Forever Is Not Enough, Seklusyon”, iba-iba ang genre ng mga pelikulang yan at merong comedy merong horror may drama may action drama. Ang kapuna-puna to the first time merong documentary story, at ito yung “Sunday Beauty Queen” tungkol sa mga overseas workers natin sa Hong Kong at ang kanilang buhay buhay at kung papano tuwing linggo ay pwede silang mag fantasies o managinip na pwede silang maging Beauty Queen parin o pwedeng bigyan ng beauty queen treatment and then after a long time meron din silang animation yung “Saving Sally” which is very heart tagging nab ago ang treatment pero pwedeng pwede pang bata, and the others are the usual genre na nabanggit ko nga sayo kanina.

boots-anson-roa-04

INDIE vs. MAINSTREAM

Rey: Madre, kapag kina-classify ang Indie Films kadalasan ang understanding ng iba ay dahil madaliang ginawa ito at mura lang. Tama ba ang understanding na ito?

Ms. Boots: ahh unang-una siguro isaad natin Pare, na siguro ang taon na ito ay pinag sama ang Indie Films at ang tinatawag na mainstream films sa selection, ngayon ang understanding natin pag mainstream gawa ng malalaking produksyon pag Indie ay gawa ng maliliit na produksyon.

Ang executive committee ng MMFF Metro Manila Film Festival ay na isip nila na bakit natin ipapairal yung distinction between the two? samantalang we are talking one medium and that is film ang technology nyan ay iisa lang.

Ahh so bakit may ganoong diperensya?

In the past years merong category na tinatawag na new fade na para Indie Films talaga pero tinanggal nayun pinagsama na ang both mainstream at Indie Film.

CLARIFICATION ON SELECTION

Rey: Doon sa magic 8 na yun Madre, bakit puro Indie films lang at hindi napasama itong mga mainstream?

Ms. Boots: ahh siguro kailangan iwasto natin yan ano, ang Start cinema ay mayroong Vince & Kath & James, ang Regal ay distributor at partner nung Die Beautiful and then ang Quantum films ay malaki narin ngayon, at yung mga producers ng English Only Please, yung producer ng General Luna yang mga entries ng mga yan, yung Babae Sa Septic Tank na ang producer ay nag gagraduate na from Indie to mainstream kasali narin. Nag halo talaga this is not the case ngayung Indie. As in Inding Indie lang ang nandyan.

boots-anson-roa-05

SHOWING ON CHRISTMAS MONTH

Rey: At least ngayon ay klaro sa atin lalo na sa ating mga taga subaybay kung ano ang difference nito sa mainstream na lagi nilang na papanood kapag malapit na ang kapaskuhan. Ahh tama din ba yung understanding natin Madre na ang buong Metro Manila ay mag papalabas lang ng puro locally produce movies nitong buong December?

Ms. Boots: Yes, mula pa ito noong 1974 when there was executive order that was release declaring the Christmas period, December 25 to January 3, as an exclusive for Filipino Movies in all theater in Metro Manila , except for example hindi kaya ng format ng theater yung format ng Filipino movie and this is to give the Filipino movie industry a chance to reproduce expenses para kumita naman para ma corner naman ang market at para makagawa at makapag palabas naman ng mga pelikulang mag a-appeal sa sensibilities ng mga Pilipino at medyo mas mataas ang pamantayan when it comes to quality and global appeal, the class industry, technology and the creativity.

Rey: Aside sa magic 8 na ito, sa mga mainstream movies maipapalabas din ba… mayroon ba silang space sa mga theaters ngayon?

Ms. Boots: Actually yung tatlong malalaking mainstream movie ay nag simula na noong November 30, at yung isa ay ipapalabas starting December 14,. Ngayon pagkatapos nung Film Festival which this year ends on January 3, pwede namang makipag ugnay o magiging regular exhibit din for the movies.

boots-anson-roa-02

MS BOOTS ANSON AS AN ACTRESS

Rey: Ikaw ba Madre kahit na miyembro ng executive committee ng MMFF ay meron karing pelikula rito na napasama?

Ms. Boots: Hindi na, I have to turn down the offers Pare, at hindi pa naman sigurado kung mapipili at that time, but this two movies where intended na mag apply sa MMFF. They would be among the 27 entries na pagpipilian ng walo so for purposes of delicadesa para makaiwas sa conflict of interest, eh dahil Execo member ako hindi ko na tinangap yung dalawang alok nay un. Kahit na ang result ay hindi napili yung dalawa but then that time they where being posted as applicant.

BOOT’S LOVE LIFE

Rey: And lastly Mare, bagaman itoy ibang tema sa pinag uusapan natin, pero hindi ko maaaring hindi itanong syo ito maraming nag tatanong sa akin dito at nag tetext na “paki tanong mo nga sa Kumareng Boots mo kung masusundan pa ng kapatid ang anak niyang si Chiqui?

Ms. Boots: hahaha … yan ang ano, miracle of the century. Pag nag bibiruan nga kami ni King, 77yrs. old siya, ako 71yrs.old eh sinasabi nga namin na ito ay magiging pang Guinness of World Record kung sakali or imaculate concepcion or miracle of the century.

But we are very happy with our respective ages with our married life when we are the blessings of each other that just given us.

Rey: Well said Mare, I’ll see you after my program.

Ms. Boots: Yes Padre, I will wait for you with Jr, my ina-anak para sa Tv Show ninyo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles