Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

ONE-ON-ONE WITH ANDANAR

$
0
0

Kinapanayam natin si PCOO, Press Secretary Martin Andanar sa ating pang umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit 10-11am sa Radio Station DzRJ 810khz.
Iba’t ibang tema ang aming napag usapan, naririto ang ilan sa mga issueng na may kinalaman sa ating pang araw-araw na gawain na kinakailangan ng karagdagan paliwanag.

CURRENT ACTIVITIES

Sec. Andanar: Opo sunod-sunod po yung mga proyekto ng ating Gobyerno, at alam naman po natin na ang PCOO ay taga cover po ng mga programa ng Gobyerno. Si Secretary Judy Taguiwalo ay andun ho sa sunog ho na naganap sa Mandaluyong at binibigyan po ng assistance yung mga nasunugan, ganundin po yung nasa womens correctional para sa isang outreach activity. ahh at yung atin po namang isang grupo ay nag co-cover din ng mga proyekto ni Health Secretary Pau Ubial, napaka dami po talaga ka-Rey lalung-lalo na pagpasok ng Dec.1, itong buwan ng Disyembre ay sunod-sunod narin po ang Christmas outreach programs.

Sa Dec.5 magkakaroon po tayo ng lighting ng Christmas tree sa Malacañang and they are also inviting kids within this week, within this month para po makadaupang palad para makausap po ng ating Pangulo at marami pa pong iba Sir.Rey, from time to time I can up date you on other programs.

andanar-and-rey

OUTREACH FOR BUTIG

Pinag usapan namin ang kalagayan ng mga kababayan natin sa Lanao Del Sur na naipit ng naganap na sagupaan ng maute group at ating kasundaluhan.

REY: Secretary alam po nating nabulabog po ang mga mamamayang na ninirahan po sa Butig, noong kasagsagan ng exchange ng fires sa pagitan ng AFP at MAUTE group. I supposed yun pong mga nag evacuate na residence ng Butig ay naalalayan din ng ating DSWD.

Sec Andanar: Opo ang buong puwersa po ng Gobyerno, andoon ang DSWD, DOH ofcourse ang Arm Forces of the Philippines at yung kanilang Civil Relation Office ay nandun po sa Lanao Del Sur, para alalayan yung mga kababayan nating na displace. At ito po ay mahalaga dahil kailangan po nating suportahan ang ating mga civilians dahil sila po ang pinaka apektado dito.
Now the Government does not want to war, the President already mention that as much as possible ayaw nya ng gyera that’s why he is calling the attention of MAUTE group to cooperate to the Government and to stop what they are doing at nakikiusap po ang Presidente sa mga residence ng Lanao Del Sur sa Butig, to also cooperate to the authorities and para hindi po lumala ito.
Now, kapag hindi po nag stand down ang MAUTE group then the Government will be force to come up with harsh decision, eh ayaw naman po natin na maging madugo so as much as possible the President wants to have a peaceful settlement with every insurgent and in any group of our society.

ALERT LEVEL 3 ON TERRORISM

Pinaliwanag ni Sec. Andanar ang hingil sa alert level 3, nang pag usapan namin ang mga bomb threats at incident na nangyari malapit sa US Embassy.

REY: Yung mga nahuling nag tanim ng IED sa Roxas Boulevard malapit sa US EMBASSY, na kinilala sa mga pangalang Rashid Kilala at Jiaher Guinar, ito raw ay mga meyembro ng IALSAR ALCALIFA group. Kasunod ng pag papalabas ng Alert Level No. 3, saan saan ba ang sakop ng Alert Level na ito? Metro Manila ba kasama?

Sec. Andanar: I was with Gen.Espiron and Gen.Retana last time at ang pagkaka intindi ko po ang paliwanag sakin ang alert level 3 is implemented already in Cotabato Zambuanga and Davao. Alert level 3 is calling the security forces to act agents terror, now yung pag tawag po ng alert level 3 in Metro Manila and NCR was a suggestion it was a recommendation one of the recommendation, if approve or not hindi ko pa alam kung na approve pero as of last night nag usap po kami ni Gen.Espiron it was a recommendation by the Philippine National Police National Capital Region yun po, but our country is already on full alert. Ang full alert po ito po yung trabaho ng kapulisan sila po yung naka alerto para sa mga check point para sa pag check nung lugar kung saan pwede mag simula ang isang gulo, which was result of the… yung ina-announce po ng pangulo after the Davao Bombing.

screenshot-2016-12-05-08-58-22

OUT OF FRUSTRATIONS

Amin ring napag usapan ang hingil sa naging pahayag ng Pangulong Duterte sa mga human rights advocate.

Sec. Andanar: Yung sinabi ng pangulo that was out of frustration, it was figure of speech parang sinasabi mo sa anak mo halimbawa sa probinsya lalo na mag darasal kayong lahat sa altar naka luhod kayong lahat tapos merong isang matigas na ulong kapatid mo, halimbawa ang pangalan ay Michael sasabihin ng nanay “panginoon sana kunin mona ito si Michael dahil matigas ang ulo” parang ganun lang. Na alala mo siguro yan nung bata ka pa? Na meron ganung klaseng pag papaalala sa mga matitigas ang ulo,so sinabi ng pangulo na sige pabayaan natin yan pabayaan natin yang mga drug lord mga drug pusher pabayaan natin sige. Pag dating ng panahon yun nga eliminate na yun isama na natin ang Human Rights. You know it was a figure of speech it was out of frustration, it wasn’t really meant to understood literally but it was a sense of frustration. I do believe that Filipinos would understand that dahil ganun nga tayo mag salita lalong-lalu na dito sa kabisayaan. I just remembered the one that was announce and stated the lawless violence, kilala mo yun?

REY: ohh yes…

Sec Andanar: O diba, in-announce yun after the Davao resulted to full alert of the Philippine National Police around the Philippines and yun ay trabaho po ng police yun to ensure that there is no inorder. Yung alert level naman is calling the security forces including the Arm Forces of the Philippines to ensure that terrorist are held na mahahanap sila at hindi sila maka execute ng kanilang mga plano.

MYSTERY CALLER

Nang bangitin ni PNP Chief General De La Rosa na may tumawag sa kanya mula sa Malacañang para ma retained sa puwesto si Chief Superintendent Marvin Marcos, at dahil hindi tinukoy ang pangalan ng tumawag, marami na ang nag speculate.

REY: Dahil nga po rito pati yung kaibigan po nating si Bong Go ay nababangit. May attribution si Senator Delima, pati siya ay nakikihula na rin.

Sec. Andanar: Nag kausap po kami ni Special Assistant of the President Bong Go, and ang sinabi niya sa akin walang kinalaman ang special assistant of the President sa mga appointments dyan sa Philippine National Police it is the soul authority of the Chief of the Philippine National Police, and I think General Bato as also answered that question already na about sa appointment about re-instatement of General Marcos, so wala pong kinalaman si Special Assistant of the President Bonggo sa mga appointments o kung ano man mga desisyon ng Hepe ng Philippine National Police, and we leave it to the Chief PNP to clarify the issue kasi sya naman ang pinaka boss dyan sa pnp.

ADVICE BY AN EX-PRESIDENT

May pahayag si dating Pangulong Fidel V. Ramos na hindi raw dapat pinapatay ang mga User at Pusher ng illegal na Droga. Dinidisable lang daw, mas magandang binubuhay ang mga iyan para makuha pa ang karagdagang impormasyon ayon sa pahayag FVR.

REY: Paano naman po nagreact ang malacanyang doon po sa panawagan na iyan ng dating pangulong FVR?

Sec. Andanar: Lahat po ng sinasabi sa atin ni FVR ay tinatanggap at nirerespeto natin, we consider it as valueable, whatever FVR tells us lahat po ng kanyang mga holistic advice ay sineseryoso po namin. Coming from an ex-president, malalim po ang kaalaman ni FVR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles