Apat na taong gulang pa lamang pero apatnapung bundok na ang na-akyat. Walong buwan pa lamang si Wyatt Maktrav nang maranasan ang unang pag akyat sa bundok ng Pico de Loro kasama ang kanyang mommy Kaila at Daddy Ed.
Maging ang pangalan ng kanilang baby na Wyatt Maktrav ay halaw sa pagiging mahlig nila sa pag akyat sa bundok. Isang magandang pamana sa ating mga anak ang pagmamahal at pag appreciate sa ating kalikasan. Saan sila dadalhin ng kanilang hilig na makita ang ganda ng kalikasan? Isang nakalakhang leksyon sa buhay at karanasang …tunay namang AMAZING.
WYATT ADVENTURE
Si Mommy, Daddy kasama si baby, sama-sama sa pag akyat sa ibat ibang kabundukan sa bansa. Kabilang na ang apat na pinakamatataas na bundok tulad ng Mount Apo, at Mount Pulag. Sa murang gulang ni Wyatt marami na itong ine enjoy pagdating nya sa Itaas ng bundok.
Isang pamana na maaaring maipasa sa mga susunod pang henerasyon ng kanilang pamilya. Mga adventures ni Wyatt Maktrav, ang pinakabatang mountaineer sa bansa, ating alamin.
KASANGGA STORY
Ang Amazing storing ito ay halaw sa feature story na napanood na ninyo sa ating “KASANGGA MO ANG LANGIT” tuwing Linggo 10:30pm sa PTV4.
Daddy Ed: Ito ‘yung sa Mt. Ulap. Marami siyang pine trees eh. Tapos ayun, ang daming takbo ni Wyatt dyan. Kasi ‘yung trail, hindi siya ganun kadelikado. Although may bangin, ok lang.
Tinitake advantage lang namin yung opportunity na talagang nasimulan na namin, nakaya naman namin dalhin yung anak namin sa bundok. So yun yung way namin makapag bonding. Yun yung way na lahat kami masaya sa ginagawa namin at saka one with ourselves, one with family, one with nature din. Parang one with God na rin yun eh. Kapag ganun.
Walong buwan pa lamang si Wyatt Maktrav nang maranasan ang unang pag akyat sa bundok ng Pico de Loro kasama ang kanyang mommy Kaila at Daddy Ed.
OBSERVATION
Sumama ang Kasangga team sa pamilya sa pangunguna ni Jr Langit upang saksihan at makapanayam ang pamilya ni Wyatt.
JR: Hirap na hirap si Daddy nito kasi buhat na buhat mo siya eh
Kaila: tapos may part na ano, talagang mahirap daanan. Yung dalawang gilid
bangin talaga.
JR: Tapos pag maputik paano yun?
Kaila: Oo, inulan kami sa ano eh, ito
yung Kinatanglad. ‘yung sa mindanao kasi, hindi masyadong napupuntahan.
Ang hirap aakyatin.
10 MAJOR CLIMB
May mga akyat sila ng bundok na isang araw lamang at meron ding kinakailangan nilang mag overnight.
JR: Anu-ano na yung mga mountains na naakyat na ni Wyatt?
Kaila: Marami-rami na eh. Sampu na
yung major climb niya eh. Yung pinaka mahirap is Mt. talomo, Apo, Mt. Kitanglad, Dulang-dulang, Mt. Amuyao, Mt. Ugo tapos Mayon. Pero sa mayon hindi kami nag summit syempre delikado masyado eh. Hanggang camp 2 lang. then, mt. ulap, mount… ano pa ba? Basta mga 10 na.
TIRELESS
JR: Tapos sa mga akyat niyo, ano to, overnight?
Kaila: depende. Minsan overnight lalo na yung malalayong bundok tapos major climb pa, overnight talaga. Pero, yung pinaka matagal namin, yung mt. Talomo Apo, 5 days and 4 nights kami.
Eduardo: yun yung pinaka mahirap na climb namin na kasama siya.
JR: ilang hours na minimum na pag-akyat niyo ng camp?
Kaila: pag minor, minimum na ang 2-3 hours. Pero kung major climbs at multi-days pa, mga 10-12hrs ka maglalakad.
Eduardo: Per day
JR: Kaya naman ba ni Wyatt? Napansin ko yung pagiging active niya, parang walang kapaguran eh
Kaila: Totoo, Kapag kami nagpapahinga, sasabihin niya “c’mon let’s go” ayaw niya magpahinga. Pero syempre napapagod din siya. Kapag napagod na
siya ng sobra pag major climb, nagpapabuhat naman siya.
MUTUAL INTERESTS
Parehong mountaineering ang hobby ng mag asawang Ed at Kaila. Sa katunayan, bundok sila unang nagkita na nauwi sa pagpapakasal.
JR: Nung wala pa ba si wyatt, Ito na talaga ang hobby niyo?
Kaila: oo
Eduardo: Separately, nagka-climb kami. Nagka-climb siya, nagka-climb ako tapos nag meet nalang din kami sa bundok eh
JR: ah ok. Maganda pala ang lovestory niyo. Parehas kayong hilig mag bundok
Eduardo: actually iniisip ko nga, siguro kaya kami successful sa pagdala namin sa kanya sa bundok it’s because parehas naming hilig. Parang kailangan din eh. It takes two to tango eh. Kasi otherwise parang hindi siguro matutuloy yung pag-akyat namin kasama siya kung isa laang yung may hilig sa ganitong hobby.
MEANING OF WYATT MAKTRAV
Maging ang pangalan ng kanilang baby na Wyatt Maktrav ay halaw sa pagiging mahlig nila sa pag akyat sa bundok
JR: napansin ko yung pangalan niya, kakaiba. Bakit siya pinangalanang wyatt maktrav?
Kaila: yung wyatt kasi ano meaning nun, strong. Before kasi, nahirapan ako mag conceive. So we consider him as a miracle baby. Then without knowing umaakyat pa ako ng bundok na may ano na pala, pregnant na pala. Hindi siya nalaglag so parang ang lakas ng kapit niya. nagrereflect naman sa personality niya yung strong.
Then yung maktrav, shortened ano siya ng makiling traverse, yung mt. makiling. Kaya naman maktrav kasi yun yung sabi ko umaakyat pa ako ng bundok. Nagka climb pa ako sa makiling that time na buntis na pala ako na hindi ko alam.
ADVANTAGES
Napansin rin ng mag asawang Ed at Kaila ang napakalaking bentahe ng pagiging aktibo ng kanilang anak sa mountaineering
JR: Ano ang magandang naidudulot sa inyo at kay wyatt sa pag-akyat?
Kaila: kay wyatt, nakikita kasi namin na lumakas yung stamina niya. nareresist niya hindi naman lahat pero unlike kasi other kids or baby, madalas nahohospital, si wyatt never been hospitalized pa since birth then bihirang bihira siya magkasakit kahit sipon, ubo, talagang for the whole year parang once lang siya, ganun. Minsan wala. So, malakas siya. Samin naman, magandang nadudulot niya yung sabi ko kanina na nakakatanggal ng stress although nakakapagod paakyat pero
Eduardo: Sabi nga ng doctor ni wyatt
sa kanya, parang it’s been a year na hindi niya nakikita si wyatt na bumisita sa kanya. So it means, hindi siya nagkaroon ng major illness. So bilib na bilib siya kay wyatt. Actualluy maganda ring ishare yung nagsisimula pa rin kami kasi parang maraming against dun sa ginawa namin.
PREPARATIONS
Inalam ng Kasangga team kung paano pinaghahandaan ang pag akyat sa bundok kasama si baby….
JR: *sinuot ang bag* mga ilang pounds ‘to?
Kaila: usuan na dalawa namin mga 18 to 20
JR: 18 to 20 kilos?
Eduardo: Magaan na yung 18.
JR: Tapos mga ilang hours niyong dala-dala to.
Eduardo: Minsan 5 hrs. minsan 8 pag masyadong matagal. At dahil kasama ang kanilang anak sa pag akyat sa kabunduan, hindi rin simple ang ginagawa nilang paghahanda.
JR: Ano ang mga kailangan dalhin ‘ pag umaakyat ng bundok?
Eduardo: kapag hindi siya day hike, yung overnight saka multi-days, need natin ng shelter so ‘yung tent. Then kapag may cold mountain, like sa Mt. Ulap, kailangan natin ng mga ito, ‘yung insulation
JR: Ah kapag sobrang lamig na
Eduardo: Oo. Insulation at saka sleeping bag. At saka meron tayong extrang shelter na icocover mo sa tent para hindi siya ganun kalamig. Then, meron tayong hook set. Meron tayong stove, ito yung cook set. Meron tayong fuel butane. Meron tayong stove
JR: Yung insulation, saan kinakabit yan?
Eduardo: ilalatag mo lang siya sa floor bago mo ilatag ang sleeping bag. Saka magdala ka rin ng mga kumot. Kapag pinapack natin yan, hindi tayo dapat mag ano, mag rely sa bag- Yung water proof na bag. Dapat meron tayong malaking plastik. Kasi hindi natin alam kung ano mangyari, baka umulan ng malakas. Ang mahalaga kasi, kung basa ka, ang gagamitin mo pag matutulog ka, dry pa rin siya. Isang tent lang, kasya na kami dyan family.
FULFILLING
Wala sa plano ng mag asawang Ed at Kaila na itigil ang pag akyat sa mga bundok,
isang passion at pagmamahal sa ganda ng kalikasan na nais nilang dalhin ni Wyatt hanggang sa kanyang paglaki.
JR: narerelax ba kayo?
Kaila: Oo. Nakakatanggal ng stress
Eduardo: Actually yung way paakyat, iba-iba. Minsan maaraw, minsan maraming puno- merong cover tapos merong masyadong matarik, merong gradual, merong mahabang lakarin. Pero kahit ganun yun, nakikita mo yung ibat ibang tanawin so naaapreciate mo yung nature. Naaapreciate mo yung creation ni god. Pag ganun pakiramdam mo you’re not doing the routine, youre not doing the ordinary. Meron kang sense of fulfilment na nasa ibang lugar ka. And then, para sa sarili mo naman, meron kang sense of fulfilment din na nakayanan mo yun, natapos mo yun, di ka nag give up. Umakyat ka tapos bumaba ka or minsan kapag ano, yung hindi talaga kaya kapag bumagyo, yung required ka talagang bumaba na rin agad kahit papano so ano naman siya, no regrets naman. Kasi syempre respect na rin with nature. So ayaw ka paakyatin eh so dyan ka lang, ok lang yun. Ang mahalaga, meron kang the journey na na-walk mo yung trails nun.
Kaila: Syempre, bukod sa masaya, parang yun na yung pinaka bonding namin as family eh. Si wyatt, nakikita namin na ang saya saya niya sa labas kasi kapag nasa bahay wala siyang kalaro, wala ring ka-socialize sa kapitbahay. So kapag umaakyat, ang saya saya niya. so masaya rin kami.
Then nakakarelax yung stress na stress ka na sa city life, trabaho. Kapag umakyat ka parang maiiwan kasi yun. So ang focus mo lang, dun sa ginagawa mo. Tapos nakaka-refresh lalo kapag nasa summit ka na, nasa taas ka na. ayun, ang saya lang sa pakiramdam.
SUMMATION
Apat na taong gulang, apatnapung bundok na ang na-akyat. Talagang kamangha mangha. Walong buwan pa lamang si Wyatt ng unang pag akyat niya sa bundok. Isang magandang pamana sa ating mga anak ang pagmamahal at pag appreciate sa ating kalikasan.
Isang pamana na maaaring maipasa sa mga susunod pang henerasyon ng kanilang pamilya. Isang nakalakhang leksyon sa buhay at karanasang tunay namang AMAZING.