Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

The Love Story

$
0
0

Dalawang puso na sadyang laan para sa isa’t isa. Ito ang Love story nina Liza at Aiza Seguera. Larawan ng masayang pag-sasama sina Liza at Aiza Seguerra, lalo na kapag sinasariwa kung paano nabuo ang kanilang pag iibigan. Noong nakalipas na Linggo nakapanayam ng aming Kasangga Team sa pangunguna ni JR Langit sina Liza at Aiza SEGUERRA.

Ang istorya ng pag mamahalan ng dalawa ay hindi biglaan, bagamat na feel na ng Dalawa ang kakaibang damdamin sa isa’t isa sa unang encounter pa lamang.

Aiza and Liza02


The Anxious Feeling

At bagamat may nararamdamang kakaiba sa isat isa, bunga marahil ng kabataan ay nahirapan silang maipaliwanag o matanggap ito sa kanilang sarili.

Liza: I know that, I only have to really accept muna na I am really falling in love with him regardless kung ano ang gender niya.
Napigilan pa nila ang simbuyo ng kanilang mga damdamin, marahil siniguro muna na
hindi balat-kayo ang kanilang mga damdamin. Dahil masakit ang mag mahal sa isang taong nag kukunwari lamang ang kanyang Pag-ibig.

Liza: Alam ko na nandun na ako sa point na alam kong gusto ko siya. Kaya lang siguro, ang laki ng takot ko in pursuing a relationship. Siguro kasi ako, kung siya, alam niya na lesbian siya simula ng bata siya or hindi niya lang alam na transman pala siya, all my life I know that I am woman. I’m straight.


Gender Identity

Nasaksihan ng lahat ang paglaki ni Aiza bilang isang child star. Subalit sa kanyang murang edad nuon, alam na ni Aiza sa kanyang sarili kung ano talaga sya.

JR: Nung naging kayo Aiza, meron ka na ba talagang pagtingin sa babae?

Aiza: Hindi pa kami nagkakasama, may pagtingin na ako sa babae.

Liza: 3 years old palang siya may pagtingin na siya sa babae.

Aiza: Fetus palang ako, may pagtingin na ako sa babae (laugh).

Liza: I just realized na being a lesbian homosexual, it’s not a choice. It’s you were born with it. It’s in you…

Aiza: All the time, all the while akala ko din that I was a lesbian. ‘yun pala, hindi rin. So, i’m a transman. I mean, for everyone who do not know, so yah, ever since I can remember, as in talagang not just in preference pero like how I moved, kung paano ako nag-iisip……

Flashback

Balikan natin sumandali ang simula ng kanilang encounter. 1998 nang magkakilala sila sa set ng isang taping. Ganoon na lamang ang pag kakatitig ni Aiza nang unang makaharap si Liza.
Sa kanilang unang pag kikita napag usapan nila ang balak ni Aiza na pumasok sa UP, dahil si Liza ay sa UP na noon nag aaral. Mula noon ay pinupuntahan na ni Liza si Aiza sa set ng taping. Tinatanong siya kung ano ang kanyang gustong kainin… “mcflurry ng mcdo” pala ang gusto ni Aiza…..kya ng sabihin niya Ito, dinadalhan na siya ni Liza. That time, wala pang 24 hrs na mcdong bukas.
Nagbi-breakfast sila together. Friends na sila, sinusulatan siya ni Liza ng mga love poems.


After 13 Years

Magkaiba na ang estado nina Aiza at Liza nang muling magkita pagkatapos ng labing tatlong taon.

Liza: Wow, grabe. Gwapo mo. The moment I decided to tweet, matanda na ako. Alam ko na pwedeng may puntahan ‘yun. Alam mo ‘yun. Na parang ok, kung halimbawang magre-reconnect kami at lumabas ulit kami, kayak o na bang pangatawanan namin going to be with someone na same sex. I didn’t know kung ano magiging future namin. Alam ko lang na if I choose to be in this relationship, I am a lot more ready to take kung ano ang mga kailangang tanggapin at things that I have to be with. To pursue and create something beautiful out of that relationship. So I was living in the US at that time, I was already set. May bahay ako, may kotse, I had work, my daughter is there. Hiwalay na ako dun sa daddy ng daughter ko but I was already set in my ways doon.

Aiza: She is super set…

Liza: But love came. A lot of people spend their lifetime, looking for a person you wanna be with and hindi nila nahahanap ‘yun. And ako, I was very fortunate na nahanap ko yun kay Aiza. And I knew—

Aiza: Kaya naman ayaw na niya akong pakawalan.


LGBT Sharing

Pero mabilis nilang nalampasan ang mga panghuhusga dahil tanggap sila ng mga taong mahal nila at nagmamahal sa kanila.

Liza: She’s amazing. How she took all of this. Parang kung paano niya tinanggap, napaka bukas. Walang panghuhusga. This is our daughter, Amara. What can you say about our family?

Amara: Weird and loud

Liza: So napaka swerte namin kasi talagang tanggap na tanggap niya ‘yung pamilya namin. Isa sa mga tinuro ko sa kanya kasi a lot of parents right now, a lot of families, choose to shield their children from ito, ‘yung reality kung ano ang LGBT. Ang parati ko naririnig ‘yan, naku hindi dapat naririnig ‘yan ng mga bata. Dapat ano. No! Especially to those who are allies of LGBT community, if you really see youselves or if you really see an LGBT brothers and sisters, as who they are. We recognized them. Hindi dapat natin sila kinakahiya.


D’ Relationship

Batid nina Aiza at Liza ang hirap ng relasyong tulad ng sa kanila.

JR: Nung nagpakasal na kayo, meron bang nagbago sa buhay niyo?

Aiza: Siguro ang pinaka nanibago lang ako is ‘yung talagang total disclosure. Kasi syempre, ako sanay ako na ‘pag may problema ako, sa akin lang. Kahit sa barkada, hindi ko masabi ang problema. Ang tendency ko is when I have a problem, I shut up. I shut down. So, ‘yun ang medyo nabago. ‘pag may malaking problema like financial, ganyan. Hindi ko sinasabi ‘yun eh. So ‘yun ang binago ko because now, magkatuwang na kami. Problema ko, problema niya. ‘yun pala ‘yun. So talagang I tell her everything. Syempre at first, it wasn’t easy because hindi lang ako sanay. Pero noong medyo nakasanayan ko na, sobrang ok na.Aiza and Liza03


Most Unexpected

Naisalaysay ni Liza ang ang hindi niya makakalimutang Proposal na ginawa Aiza sa kanya.

Liza: I had the best proposal ever. I don’t think anybody can beat that.
Nagproduce daw si Aiza ng isang buong theatre production, mayroon pa talagang Screenplay at gusto ni Aiza na isama dito sa play si Liza. Kinausap ni Aiza ang Dean of communication sa UP, sinabi ni Aiza ang kanyang Plano. Kinuntsaba ni Aiza yung buong UP.

Nagpa print ng mga tickets, nagpagawa ng poster, kumpleto. May nagpost sa instagram. May mga pumila talaga, kahit na ito ay isang Private event.

Nasabi pa nga ni Liza kay Aiza, “Grabe ito, mahal na mahal tayo talaga ng mga friends natin and family.” Naganap ang PLAY, nahalata ni Liza na may mga Adlib si Aiza sa kanyang dialogue. Feeling ni Liza na hindi na nasusunod ang Script……

Nang bangitin ni Aiza ang pangalang Liza sa PLAY, parang natulala si Liza dahil hindi naman ito Ang Pangalan niya sa Play.

Liza: Naku, feeling ko parang carried away si Aiza, sa kanyang sinasabi. Nag-iisip pa rin ako ng sasabihin. Tapos nung sinabi na niya na 13 years na tayong naghiwalay at simula ngayon hindi ko na palalampasin ‘tong pagkakataon na ‘to.
Sabay tingin ni Liza sa kanyang Mommy na nasa audience, na nonood.

Liza: Pagtingin ko sa mommy ko, iyak nang iyak ‘yung mommy ko.
Sabi ko, oh my god! Ano to?
Parang iba na yata ‘to. So, grabe!


Twist Of The Story

Ang tanong sa kanya ni JR Langit,

JR: Liza ano naman ang ginawa mo noon?

Liza: So hinanap ko agad si direk, akala ko talaga ginawa niya ‘yun nang walang pahintulot ng director. Promise, Sabi ko, oh my god, baka hindi alam ng director ito. Tapos nakita ko nalang ‘yung buong audience may mga kandilang hawak. So grabe talaga. Iba ‘yun. Ikaw na pinaka-sweet na taong nakilala ko.

JR: Papaano, sumagot ka naman kaagad?
Liza: Syempre,

Pero sumabat agad si Aiza…..

Aiza: Hindi, ang tagal nga niyang umoo eh. Sumigaw pa ‘yung kaibigan naming, si Tom. Say YES! Tapos ‘di parin umo-oo. Ang Tagal kong nakaluhod.

Aiza and Liza04


Summation

Pinagtibay ng panahon at mga pagsubok, yan ang love story nina Aiza at Liza.
Larawan ng masayang pamilya na kayang labanan, anuman pa man ang pagsubok na darating. Lumipas man daw ang panahon hindi magbabago ang pagtingin nila sa isa’t isa.

Tulad na rin ng sumikat na awitin ni Aiza Seguerra na “Pagdating ng panahon” kung saan nakapaloob sa lyrics ng awitin ang mensahe ng kanilang buhay.
Ang Love Story na inyong natunghayan ay hango sa Palatuntunang pang television, “Kasangga Mo Ang Langit” na napapanood sa PTV4 tuwing Linggo ng 10:30 ng gabi.


.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles