Isang bansang matatagpuan mula sa Silangang bahagi ng Europa at Hilagang bahagi ng Asya. Itinuring na isa sa pinaka-malakas na katunggali ng Estados Unidos noong panahon ng Cold War. Kinikilala bilang pinaka-malaking bansa sa mundo-Ang Russia.
CITY OF DOME
Mula sa siyudad na kung tawagin ay ‘City of Dome’ o Moscow, na nagbigay ng inspirasyon sa maraming manunulat at makata. Sama-sama nating libutin ang capital ng bansang Russia habang sinasariwa ang makulay na kasaysayan at mayamang kultura nito. Binisita namin ang makasaysayang lugar na kung tawagin ay Red Square. Malaking bahagi ang ginampanan nitong papel para sa bansang Russia noong unang bahagi ng 20th century, sapagkat dito karaniwang isinasagawa ang mga demonstrasyon at parada ng hukbong militar ng bansa na sumisimbolo at nagpapahayag ng lakas militar nito.
EIFFEL TOWER OF RUSSIA
Isa ang St. Basil’s Cathedral sa mga gusali na matatagpuan sa Moscow. Ito ang pinakatanyag na gusali sa bansang Russia. Kilala rin ito sa tawag na “Pokrovsky Cathedral” or “The Cathedral of Intercession of the Virgin by the Moat”.
Ang sabi nga kung may Eiffel Tower ang Paris, may St. Basil’s Cathedral ang Russia.
Full packed na aktibidad. Mga naging aktibidad ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Moscow Russia, ating sinundan. Ako si Pareng Rey Langit. Mas mahigpit na kapit-bisig ng dalawang bansa. Tunghayan ang limang araw na pagbisita ng Pangulong Duterte sa Russia… Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.








FIGHT AGAINST TERRORISM AND VIOLENT EXTREMISM
A-dos ng Oktubre nang dumating ang Pangulong Rodrigo Duterte dito sa Russia. Ang Pangulo ay inimbitahan mismo ni Russian President Vladimir Putin. Ang kanilang bilateral meeting ang ika apat na pagkakataon na mag uusap ang dalawang lider.
Ang bilateral meeting ng Pangulo at President Putin ang naging highlight ng limang araw na pagbisita sa Russia ng Pangulo. Pinag igting ng dalawang lider ang kooperasyon sa larangan ng security and defense, paglaban sa terorismo at violent extremism. Nagkaroon rin ng hiwalay na pulong ang Pangulo kay Russian Prime Minister Dmitry medvedev at sa head ng kumpanya na top Oil Producer ng Russia. Kabilang sa mga bilateral agreements na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Russia ay may kaugnayan sa kultura, kalusugan at basic research.
MUTUAL ADMIRATION
Isa sa malaking ipinagkaiba ng Pangulo sa iba pang naging Pangulo ng Pilipinas ang pakikipaglapit nya kay Russian President Vladimir Putin na tinatawag nyang Idol.
At natuklasan nating, may paghaga at respeto ang bawat isa sa kanila. Isang mutual admiration sa isa’t isa. Sa pamamagitan nga naman ng ating mga bagong kaibigan ay mas maisusulong natin ang potensyal ng pagkakaruon ng tinatawag na mutual cooperation.
Natuloy na rin ang naudlot na lecture ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Moscow State Institute of International Rlation, isang unibersidad kung saan nagsasanay ang mga Russian diplomats. Kasama sa mga nakinig sa lecture ng Pangulo hinggil sa bilateral relations ang mga estudyante mula sa ibang Russian universities. Matatandaan na hindi natuloy ang pagsasalita ng Pangulo sa unibersidad nang mapa aga sya ng uwi sa Pilipinas dahil sa Marawi siege.
SOCHI, RUSSIAN FEDERATION
Nagtungo rin ang Pangulo sa Sochi kung saan naimbitahan syang magsalita sa Valdai Discussion club. Ayon sa ginawa nating pakikipanayam kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, ito ang kauna unahang pagkakataon na naimbitahan sa club ang isang Philippine President. Mahalagang makita ang bagong istratehiya ng Pangulo sa foreign relations na kasabay ng pagpapahalaga natin sa mga matatagal na nating partners…..hindi naman masama na buksan ang pinto ng pakikipag kaibigan sa mga hindi nakasanayan tulad na lamang ng Russia.





Mapapanood ang ating ginawang pagbisita sa Bansang Russia at mga ginawang pakikipanayam sa ilang mga miyembro ng opisyal delegation ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Bansang Russia tulad nina:
TOP GUNS
House Speaker Allan Peter Caytano, Senator Christopher Bong Go, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Labor Secretary Silvestre Bello III, Trade Secretary Ramon Lopez, Environment Secretary Roy Cimatu, Presidential Communications Secretary Martin Andanar, presidential spokesman Salvador Panelo, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta at ang exclusive interview natin kay PRRD.
Abangan ang …..
“MISSION ACCOMPLISHED: FROM RUSSIA WITH LOVE”
Ang kabuan ng istorya ay mapapanood sa aming Programang pang telebisyong…
KASANGGA MO ANG LANGIT
Na napapanood na tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.
Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.
Ang Father and Son tandem nina Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood sa mga sumusunod:
RJdigiTV via cable and satellite Television
Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
Cignal – Channel 28 – Nationwide
RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox