Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

HOPE AND FAITH

$
0
0

Pinagdikit ng tadhana. Ayon sa datos, isa sa bawat dalawang-daang libong ipinapanganak ang may posibilidad na maging conjoined twins. Pitumpung porsyento ay karaniwang mga babae at pareho ng kasarian. Silipin natin ang kalagayan nina Hope at Faith, ang kambal na isinilang na magkadikit o conjoined twins. Ako si Pareng Rey Langit

Malaki na ang iniunlad ng mga ospital dito sa Pilipinas para mag opera ng conjoined twins, Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

Ang istorya nina Hope at Faith ay hango sa aming Programang pang telebisyong KASANGGA MO ANG LANGIT.
Mapapanood na tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

Ang Father and Son tandem nina Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

FAITH

Apat na taon ang inantay ng mag asawang Jessamen at Edwin Garcia bago muling nagka anak matapos na mamatay ang kanilang panganay na anak.

Si Jessamen Garcia, ang nanay ng conjoined twins. “Apat na taon din po namin hinintay na mabuntis po ulit ako kaya yun po, kaya lang kahit masaya po yung naramdaman namin eh. Siyempre ganun po yung situwasyon nila magka-dikit.”

JR Langit: Si Faith at tsaka si Hope ang una niyo pong anak?

Nanay: Opo sila na po. Nanganak na po ako dati kaya lang hindi po na buhay kaya sila po ang panganay namin.

JR Langit: Nung nag bubuntis po kayo, siguro masayang masaya po kayo nang malaman ninyong kambal ang Anak ninyo.

Nanay: Opo, kasi matagal na apat na taon din po namin hinintay na mabuntis po ulit ako. Kaya lang syempre ganun po, nung nalaman na magka dikit.

JR Langit: Hindi ninyo inaasahan yung binigay ng Panginoon

Nanay: Inisip na lang po namin hindi naman ibibigay po ng Diyos yun sa amin kung hindi naman namin kaya.

NEVER LOSE HOPE

JR Langit: Hindi po kayo nawalan ng pag asa?

Nanay: Hindi naman po pero syempre po talaga dati lagi po akong umiiyak talaga, kasi hindi ko po alam kung saan talaga kami kukuha ng ipapa opera sa kanila tapos mahina po kasi si hope, yun ho laging dinarasal namin sana po kayanin nila para ma operahan po silang pareho.

Alam ng mag asawang Jessamen at Edwin na magiging kumplikado ang buhay ng kanilang kambal paglabas ng mga ito sa mundo. Kaya naman habang nagbubuntis, pinaghahandaan na rin ng mag asawa ang kanilang mga dapat gawin.

WONDERFUL CHOICE

JR Langit: Ang ganda po ng mga pangalan ng mga anak ninyo? Sino pong pumili ng mga pangalan nila.

Nanay: Ako po, kasi nung nag bubuntis pa po ako talagang ano tinitignnan ko yung mga ano dati po na nunuod ako sa youtube kung anong nangyayari dyn sa mga mga conjoined hindi ko lang po talaga inisip na magiging ganyan sila na ttaagal sila ng ICU, kasi may nakita naman po ako ng conjoined na nauwi naman po sa bahay pero sila po talaga ganyan nandito lang po sa ospital.

JR Langit: Gustong gusto niyo po bang iuwi si Faith at si Hope?

Nanay: Opo sana, pero syempre ho mas gusto po namin na maoperahan po muna sana sila para po maging normal naman po yung buhay nila.

SHARE WHAT YOU BELIEVE

Si Edwin Garcia, ang tatay ng conjoined twins ay aming kinapanayam.

JR Langit: Nung nalaman po ninyo na medyo sensitibo po yung kalagayan ni Faith tsaka ni Hope ano po yung naramdaman niyo?

Tatay: Unang una na lungkot po ako sir eh wala akong magawa yan yung binigay ng Diyos samin eh.

Miyembro ng SAF o Special action force ng PNP ang ama nina Hope at Faith samantalang plain housewife naman ang kanilang ina. Kaya naman maliban sa kalusugan ng kanilang kambal, ang perang ipantutustos sa operasyon ang naging problema ng mag asawa.

JR Langit: Ok, pagka tapos binangit din po sa inyo kung mag kano po ang magagastos dito sa operation na gagawin kay Faith tsaka kay Hope.

Nanay: Opo kasi ang sabi po nila na sa 2 milyon daw po ang kailangan para lang daw po yun sa operasyon ng dalawa, pero bukod pa po dun yung yung bill na dati pa po namin hindi pa po kasama yung bill nila ngayon na hindi pa po sila na ooperahan.

SERIOUS PREDICAMENT

JR Langit: Ano po yung reaksyon niyo nung sinabi yung ganung kalaki ang halaga?

Nanay: Syempre hindi po namin alam kung san namin kukunin yun, kasi magkano lang naman ang sweldo ng asawa ko tapos yung pang araw araw namin na pangangailangan, syempre antagal na po namin dito sa hospital syempre hindi po namin talaga kayang bayaran yun.

JR Langit: At meron na hong tumutulong sa kanila?

Nanay: Opo tinutulungan po kami ni Sen Bong Go na ma operahan po sila yung mga kailangan din po nila sya din po nag bibigay.

Rey Langit: Buti naman at mayroon po tayong katulad ni Senator Bong na generous at mapagkawang gawa.

JR Langit: Oo nga, kaya hindi tyo dapat mawalan ng pag asa talaga. Gano raw po ba ka sensitibo yung magiging operation ni Faith tsaka ni Hope ano po yung chances?

Nanay: Ang sabi samin ng doctor pareho po silang binibigyan ng chance na mabuhay hindi po sila pipili ng isa lang kaya po gusto nila gumaling lumakas po muna si Hope Bago sila ma operahan.

Plano sana ng mga doctor sa PCMC o Phil Childrens Medical Center na paghiwalayin sina Hope at Faith pagka panganak pa lamang. Gayunman, may panganib na hindi mabuhay ang isa sa kanila kung hindi sila parehong malusog.

EXPERT OPINION

Sa ginawa naming exclusive na pakikipanayam kay Sheila Ann D. Masangkay, Head Division of Neonatology.

Dr. Masangkay:Si Hope at si Faith po ay ipinanganak noong November so 10 months old na sila as of today. Sila ay twins pero conjoined twins kung tawagin namin. Ang connection po nila dito sa torax at tsaka sa may pusod so from the start nung sinuri sila ang kanilang connection ay sa parang membrane lang na nag envelope sa heart, plan napo talaga sana e separate sila kaya lang si Hope very stormy ang course from the start meron syang lung problem, series of infections as of now po actually na ka incubate na naman na ka hook sya sa respirator kasi my difficulty of breathing na naman sya so yun po ang minamange as of now hindi naman sila pwedeng iseparate na unwell yung isa kailangan well sila para ma separate.

JR Langit: Gaano po ka sensitive yung magiging operation?

Dr. Masangkay:Very sensitive po yun stage ng operation po at kung ma operahan man sila madaming specialista na kailangang nanduon sa operating room to take care of them.

JR Langit: So may posibilities po ba talaga na involve ang high risk sa operation ho?

Dr. Masangkay:Very risky kasi po. As of now, kailangan well sila ibig sabihin matanggal muna yung respiratory support ni Hope na halos wala na syang oxygen requirement bago sila ma separate.

TECHNOLOGICAL ADVANCEMENT

Kung dati ay sa Taiwan lang ang may expertise at pinakamalapit na bansa para operahan ang katulad nina Hope at Faith, malaki na ang iniunlad ng ating mga ospital dito sa Pilipinas tulad ng PCMC para mag opera ng conjoined twins.

Dr. Masangkay:Ito si Hope, at ito si Faith gising na gising na sila today.

Rey Langit: Ganda ng kanilang Pangalan, wala pa lang si Charity.

Dr. Masangkay:Ito po yung connected sa machine helping them to breath.

Rey Langit: Sino po sa kanila yung weak at sino po yung energetic?

Dr. Masangkay:Ito, until we are able to remove this hindi po sila ma seseparate pa.

JR Langit: Malikot ho yung mga kamay nila, kaya naman noong nakakabit sa kanila.

Dr. Masangkay:Oo, kaya naka gapos so hindi matangal yong mga naka kabit sa kanila. They have been occupying this room since birth, 10 month old na sila today

JR Langit: Hindi na pala sila na uwi ng magulang nila?

Dr. Masangkay:Never, mula nang sila ay mapanganak. Kasi meron kaming high risk center na pinag lalagyan sa kanila. Actually di naman ganun ka dikit na dikit yung kanilang katawan and na gawa na yung skin flopped sa kanila.

Rey Langit: Doctora they have their own body organs…. complete ang mga organs ng bawat isa sa kanila?

Dr. Masangkay:They have their own

Rey Langit: Oh, Ok pala….

Dr. Masangkay:Wala po silang common

Rey Langit: Wala po palang common, kasi ang pinaka difficult sa conjoined twins ay kapag may part ng body ay common.

Dr. Masangkay:Opo, wala silang common

JR Langit: Kaya pwedeng pwede mong iseparate sila talaga.

PAST EXPERIENCE

Rey Langit: Yung isang natulungan namin several years ago nung hindi pa po kaya ng ating mga surgeon ang operation ng mga conjoined twins sa Pilipinas. That was 1970s pa, one of the first conjoined twins. Modesty, isa po ako sa mga benefactors noong Lastimosa twins during that time, pero kahit na sa Taiwan nahirapan silang iseparate dahil mula sa gitna ng katawan, sa may tiyan common na ang kanilang body. Mula sa kanilang stomach down iisa lang yun, kaya nahihirapan sila, parang letter-Y, kaya tinawag silang Y babies.

JR Langit: 10 months old na pala sila ngayon.

Dr. Masangkay:10 months pero very small ang kanilang combined weigth, is just a little over 9 kilos 9.4

JR Langit: Premature po pala yung pag papanganak sa kanila.

Dr. Masangkay:Premature sila at birth

JR Langit: Ang ganda ni… ano, si Hope?

Dr. Masangkay:Si Faith siya.

Napakagandang kwento ng pag asa at pananalig ang dala nina Hope at Faith.

SUMMATION

Pagasa at pananalig ang simbolo ng kanilang mga pangalan dahil nasa sinapupunan pa lamang sila ay alam na ng kanilang mga magulang ang malaking pagsubok na kanilang haharapin sa paglabas nila sa mundong ito. Sila sina Hope at Faith, ang kambal na ipinanganak na magkadinig o tinatawag nating conjoined twins. Isang patunay na hindi pagsuko ang sagot sa mga laban ng buhay , gaano man ito kabigat.

Ang pag subok ay dumarating sa bawat isa sa atin na dapat nating harapin na may katatagan. Gaano man ito kabigat huwag mawawalan ng pag asa, manatiling nananalig sa kanya sa itaas at makakamtan rin sa gawing dulo ang ligaya.

Naway magsilbing inspirasyon ang kwentong ito ni Hope at Faith sa iba pang dumadaan rin sa matinding pagsubok na mayroong pag-asa habang tayo ay nabubuhay.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles