Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

2015 Year of the Sheep Forecast

$
0
0

ASTROLOGICAL FORECAST

Wood Sheep ang Year 2015. February 19 ng bawat taon ang pagpapalit ng Zodiac sign sa Chinese calendar.

Rey Langit, 2015 Year of the Sheep Forecast, Sheep, December 31 2014

Hindi lamang sa mga mahilig sa astrology, marami na sa ating mga kababayan ang nag-aabang sa astrological forecast taon taon upang malaman kung ano ang naghihintay nilang mga kapalaran laluna sa larangan ng Kabuhayan, Kalusugan, Career at Love Life.

Hinihintay din ang pagbasa sa kapalaran ng mga celebrities na nakaugalian na ng mga Pilipino na alamin. Ito’y binubungkal at pinaguusapan. Ganito ang tema na tatalakayin ng ating column ngayon.

Nakapanayam natin ang kilala at batikang psychic na si Maricel Gaskell sa ating palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit (6-7AM) sa DWIZ 882khz na napapakingan din sa mga himpilan ng radyo ng RPN nationwide.

ENDING AND THE UPCOMING

REY: Ms. Maricel, ngayong malapit na ang paglisan ng Year of the Horse ano ang inyong nakikita?

MS. GASKELL: Usually ho pag paalis yung isang taon, which is the Year of the Horse, medyo magkakaroon ho ng kahirapan kasi usually meron hong mga unforeseen events or unexpected events. So medyo yung pa-end ng February na Year of the Horse may mga inaasahan tayong hindi masyadong magandang pangyayari tapos papasok yung Year of the Sheep. Kadalasan po ang mas maswerte po sa Year of the Sheep ay ang Year of the Horse. Kailangan pong magingat.

It is a very general forecast. Nasa tao pa rin po yun kung ano po ang kanyang dapat gawin kasi pwede naman maiwasan ng Year of the Rat at saka ang Year of the Ox yung malas na pwedeng maidulot ng being Year of the Sheep.

PRESIDENT NOY IN THE YEAR OF THE SHEEP

REY: Okay sa relasyon ng Rat at Sheep, halimbawa ako ay Year of the Rat at si President Noynoy Aquino ay Year of the Rat din.

MS. GASKELL: Okay po. Pero kasi kayong dalawa ay magkaiba po ng element. Si Pres. Noy ay 1960 kaya Metal Rat siya kaya kahit sabihin natin na malas siya, meron pa ring swerte kasi yung metal chops wood. Wood ho yung sheep so that means malakas pa rin ho siya for 2015 kasi nga metal siya. Ngayon sa inyo naman po kasi being Year of the Rat nga ho iba yung element niyo. Pwedeng sabihin natin na mas mahina kayo ng konti pero it doesn’t mean naman po na malas naman ho kayo.

Yung Metal Rat katulad ng ating presidente ang kailangan niyang pagingatan ay yung kanyang health. Pero in terms of power, profession niya, wealth niya very okay ho siya. Si Pres. Noy kahit mahina meron tutulong sa kanya na mga tao kaya okay pa rin siya for the year 2015, kahit sabihin natin na medyo kalaban niya yung taon.

LOVE LIFE IN THE YEAR OF THE SHEEP

REY: Tinanong ko nga kay Pangulong Aquino nong nasa Busan, Korea kami, medyo muntik na siyang malaglag sa kanyang kinauupuan.
Dahil from the usual issue ng politics at discussion sa ASEAN Summit ay love life ang pinakialaman ko.

MS. GASKELL: Mahirap po sa kanya, sa kanyang ginagawa po mahirap po na ma-involve with someone.

REY: Parang distraction, ganoon ba?

MS. GASKELL:Oho distraction ho yun sa kanya at saka hindi nya ho yun priority kasi ho ang Metal Rat napakatapang niyan, mas inuuna nila yung kanilang trabaho. Sini-set aside po nila yung pag-ibig, for them kasi love and their profession ay di nila pinagsasabay.
Ang nakikita ko kay Presidente kung sakaling ma-inlove siya talaga or ma-involve with somebody it will come after his term.

IN SEARCH OF THE RIGHT ONE

REY: Nang tanungin ko ang Pangulo sa media forum kung failure siya pag dating sa love life, hindi siya nag-admit. Umibig daw siya at inibig din, wala pa lang daw ang tamang babae sa kanyang buhay.

MS. GASKELL: Oho sa kanya kasi hindi niya priority yun sa ngayon. Para sa kanya nandyan naman ang kanyang mga kapatid na babae, masaya na siya sa kanyang present status na ganoon, so ok lang ho yun.

VP HORSE VS. SHEEP

REY: Dako tayo sa another political personality. Si VP Jejomar Binay na ang kanyang Chinese zodiac sign is Horse, kumusta ang relasyon ng Horse at Wood Sheep?

MS. GASKELL:Si VP Binay po ay kalaban niya ang Rat sign, so mahirap po yan kasi alam po natin na ang presidente is Year of the Rat. Pero sa Year of the Sheep, yan naman ang best friend niya. So kahit sabihin natin yung mga nakapaligid sa kanya ay yung mga kalaban niya, kontra niya, dahil naman Year of the Sheep, best friend, mas maganda yung taon niya 2015. Pero isipin din po natin ang Year of the Horse mabilis magtiwala, yan ang isang trait nila na dapat nag-iingat sila, kasi pag masyadong nagtitiwala, pag minsan yun po ang nagbibigay sa kanila ng kapahamakan. So even if okay ang Year of the Sheep, dapat sa kanya kung ang mga nasa paligid niya kalaban niya, mahihirapan po siya.

REY: So wag maging complacent sa mga nakapaligid sa iyo.

LUCKY MONKEY FOR SEN. GRACE POE

photo-4

REY: Ang isa pa ay may zodiac sign ay Virgo at Monkey ang kanyang Chinese animal zodiac sign, Sept 3 1968 ay si Sen. Grace Poe.

MS. GASKELL: They’re very very good. Lucky ho yang mga Monkeys talaga. Pero alam ho niyo ang Monkeys kasi, in general, they suffer for 12 years! Sila ho yung nagdadala ng hirap sa pamilya, pero once naman na naka-recover sila, tuloy tuloy naman ang swerte nila. Sa Year of the Sheep okay naman po sila, wala pong problema. They’ll continue to be very good lalo na si Sen. Grace Poe. Nakikita ko ho sa kana na talagang outstanding ang hinaharap niya.

ERAP THE OX

REY: Dako naman tayo sa Ox, relationship ng Ox sa Sheep. Si Mayor Erap Estrada is an Ox.

MS. GASKELL: Ang problema ho sa Ox ay kalaban ng Sheep yan na best friend naman po ng Year of the Rat. So ang mangyayari po sa mga taong Year of the Ox, sila ho yung talagang kailangang mag-ingat lalung lalo na po kay Mayor Erap kasi yung health niya, no. 1 yan. Tapos no. 2 po yung mga gagawin ho niya, sisiguraduhin lang ho niya na hindi makaka-affect sa mga tao kasi ang Year of the Sheep po believes sa kaayusan, ayaw talaga nila ng magulo. So pag may nagawa po si Mayor na feeling ng mga tao ay parang nakakadistract sa kanila, talagang magkakaproblema po siya.

LUCKY YEAR FOR KRIS

REY: Medyo show biz naman, isama na natin si Kris Aquino, ano nga ang Chinese animal zodiac sign ni Kris?

MS. GASKELL: Ah si Kris Aquino ay Year of the Pig.

REY: Aquarius siya, Pig pala siya.

MS. GASKELL: Opo, ang Year of the Pig is very very good connecting year niya is next year 2015 so maganda po ang taon ni Kris. So more of happy events sa kanyang buhay.

REY: Meron ka bang nakikitang very specific pagdating sa love life?

MS. GASKELL: Meron akong nafefeel na someone talaga sa buhay ni Kris na darating talaga po, pero feeling ko parang meron na rin siya ngayon eh.

REY: Talaga ha? Feeling mo meron na?

MS. GASKELL: Opo.

REY: How about health naman?

MS. GASKELL: Well sa health okay naman siya basta she continues to travel dahil ang kaligayahan ng Year of the Pig ay people, travelling, so as long as she’s travelling okay naman siya. Yan ang kaligayahan ng Year of the Pig.

REY: Kamakailan na-hospitalize ata siya sa pagkakamali ng pag-inom ng gamot. Gamot ata ni josh?

MS. GASKELL: Pero okay naman po siya, lalo na sa 2015 magiging masaya siya.

LOVE CONFLICT

Rey Langit, 2015 Year of the Sheep Forecast, Chiz Escudero, December 31 2014

REY: Ano ang zodiac sign ni Sen. Chiz?

Ms. Gaskell: Year of the Rooster po siya at si Heart ay Year of the Ox. Kaya magkasundo sila kasi they belong in one group. It was good at ikakasal sila before the Year of the Sheep.

REY: Bakit?

Ms. Gaskell: Gaya po nang alam natin ang Year of the Ox ay kalaban ng Sheep. So buti ikakasal sila bago ang Chinese New Year kasi kung hindi ay baka hindi pa matuloy ang Kasal.

REY: Aba pag nagkataon yan ang pinakamalaking loss.

MS. GASKELL: Oo nga po, matter of days lang.

REY: Malamang gumamit na rin sila ng psychic o nagpa-feng shui.

MS. GASKELL: Gaya po nina Marian who got married, Rat and Monkey. Noon pong nakausap ko si Marian few weeks back, sinabihan ko talaga siya na talagang mapupunta sa kanya si Dingdong kasi yon signs nils na magkaibigan talaga, Rat and Monkey. Si Marian po ang Year of the Rat tapos si Dingdong ang Year of the Monkey.

REY: What about, for example, ng magkalabang zodiac signs sa relasyon?

MS. GASKELL: I-analyze po natin yong nangyari kay Vicky Belo at Katrina Halili, Ox and Sheep yan. Kaya diba nagkaroon sila ng problemang dalawa kay Hayden, kasi magkalaban talaga ang signs nila.

SUMMATION

Ang readings na tinatawag hindi man lubusang paniwalaan, laluna kung hindi talaga maganda para sa inyo ay makatutulong naman upang pag handaan ang inaharap.

Tulad ng aming tinalakay ni Maricel Gaskell sa interview, base sa Chinese animal Zodiac Signs ng mga celebrities, may pumapabor at mayroong hindi. May mga kaibigan ang zodiac sign na Sheep sa mga signs ninyo at mayroon ding hindi kasundo. Wala namang masama kung paniwalaan ang ibang reading, at pag handaan upang masagkaan at hindi na matuloy ang masamang forecast.

Ang mga forecast na hango sa pag aaral ng mga Feng Shui experts, psychic, seer o visionary ay gabay lamang upang mabigyan tayo nang pangunang babala at puweding maging sandata sa pakikibaka laban sa negative vibes.

Maaaring maingatan ang kalusugan at well-being kung kayo ay magiging conscious. Tulad ng accidente na hindi natin alam kung kailan darating ngunit kung laging handa ay may panlaban tayo.

QUOTABLE QUOTE

In it’s highest and purest form, good feng shui signifies perfect alignment between inner and outer worlds. ― Lada Ray


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles