COA REPORT
Sa ipinalabas na 2013 audit report ng Commission on Audit (COA) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), may inay-dentify ang COA na red flags sa implementation ng Pantawid Pampamilya Pilipino Program (4Ps) ng ahensiya. Ito’y flagship poverty-alleviation effort ng administrasyon na kinapapalooban ng conditional cash transfers (CCTs).
May nakita ang COA na mga double entries at data errors sa record ng DSWD, sa pagkakaantala sa mga releases ng cash para sa mga beneficiaries at sa liquidation issues.
Sa report ding ito ng COA sinasabing hindi nakumpleto ng DSWD ang P2.57-billion shelter program para sa typhoon victims, pati na sa mga biktima ng Tropical Storm Sendong noong 2011.
THE ANSWER
Kinapanayam namin si Sec. Corazón “Dinky” Solíman ng DSWD sa aming pang umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit sa DWIZ at napapakinggan din sa mga RPN provincial radio stations nationwide.
REY: Mukhang kakaiba ang pasalubong sa inyo ng 2015, malalimang imbestigasyon ang balak ng House at gusto ng ibang congressman na mag resign kyo.
SEC. SOLIMAN: Kami naman po ay handa namang sumagot kung ito po ay may kinalaman sa COA report. Unang paliwanag ko po diyan, ito pong mga COA report bago po nila inihahayag nagme-meeting po kami at pinapaliwanag sa amin nila kung ano yung nakita nila, so nung una ho 364,000 names ang binabanggit nila ng pamilya na sabi nila ay wala sa listahan ng National Household Targeting System at hindi raw ho mahirap.
REY: Paano po ba ang sistema ng audit nila?
SEC. SOLIMAN: Karaniwan ang ginagawa po nila ay binibigay po sa amin ang listahan ng pangalan at saan po nila yun nakita, anong field office? So nung tiningnan ko yung aming sagot sa COA tungkol sa observation na yan, kasi nais ko pong ipaliwanag na 2013 operations po naming yan hindi po 2014, audit po nila ng 2013 na binibigay nila sa amin sa taon ng 2014 at makikipagugnayan kami sa kanila so
yung 364,000 plus names, nuong ibinigay napo sa amin ang listahan 134,000 plus names lang po ang ibinigay at yung 134,000 names na yan, vinalidate na po namin, hinanap na po namin, tiningnan na yung listahan 92% ay totoong tao nasa listahan at talagang mahirap.
DOUBLE ENTRIES
REY: Secretary, ang isa po sa na-highlight dito sa Pantawid Pamilya Pilipino Program, yung 4,300 na double entries po sa listahan ng mga beneficiaries.
SEC. SOLIMAN: Opo, yun naman ho ay aming tiningnan na double entry po ang ibig sabihin dalawang pangalan parehas nandun at yan nga ho ay aming vinalidate na at nakita ho na hindi lahat binibigyan dahil kapag nakikita po ng aming sistema na doble na pangalan aming inaalis at aming ini-erase so sa aming pagtingin, sa aming record yung 4,000 plus na yan nalinis na po namin yan at binigay na po naming yang ulat na yan sa COA. Kasi ito pong report on 2013 ibinibigay ho sa amin nga ng 2014 tuloy- tuloy yung meeting, nagmeeting nung June yung huli naming report na ibinigay at paguusap sa kanila November 2014 so hindi po ito isang report na ibibigay sa amin one time, ito po ay binibigay nila ng pira-piraso…well in batches po kung sabihin dahil meron silang observation, sasagutin namin, babalikan nila ho kami, sasagutin naming ulit, ganun po yung proseso ng COA.
WHERE IS THE P46-MILLION PLUS?
REY: Ma’am, assuming na hindi nga nag-reoccur o naulit yung pagkakamali na 4,300 na double entry pero ang lumilitaw doon sa computation ng COA meron 46 million plus na nakapaloob sa 4,300. Saan na po ngayon napunta yong 46million na yun?
SEC. SOLIMAN: Nabalik po yun sa National Treasury po.
REY: So walang double payment na nangyari dito?
SEC. SOLIMAN: Alam nyo po pag na-doble yung pangalan hindi ibig sabihin ho bigyan po sila ng doble kasi yung sistema ng payroll namin na dedetect kung parehong tao. Ang madalas nga hong complain hindi natatanggap nung isang tao yung kanya kasi kapangalan nya yung isang tao so hindi ho binibigay ang difference nila usually yung middle name pag hindi ho nakalagay sa computer yung middle name, kunwari Rey Langit. Rey Langit, isa lang ho yung mabibigyan kung totoong may pangalawang Rey Langit na may ibang middle name hindi po siya mabibigyan kaya yung observation ng COA tinatawag yung pansin namin yung double entry at amin nga sinagot na yung double entry na yun nilinis at ang tanong kung saan napunta yung pera na nakalaan doon hindi ho yun naibibigay kasi yung land bank ho yung nagbibigay at ang dalawang sistema ng IT may duplicate check kung tawagin, may duplicate check ang LandBank.
DELIST OR DEACTIVATE
REY: Sec. what about yung sinasabing more than 2 billion ng conditional cash transfer program? Totoo nga ba na hindi nakarating sa ibang mga qualified recipient, either nagsilipat ng bahay o nag bago ng mga addresses?
SEC. SOLIMAN: Yun nga ho, amin hong ililipat yan. Yun hong mga binabanggit na mga bilang na yun ang hinihiling namin na listahan at gaya po ng sinabi ko po, hindi ho. Lahat ho ng binigay sa aming listahan, nabaybay namin at nakita namin kung sino po ang wala na talaga doon o na delist kung tawagin o na-deactivate yung kanilang pangalan sa listahan at sila po ay hindi na nabibigyan so yung pong kanilang
listahan na ibinigay sa amin, nakumpleto na po yung validation, kailangan lang namin ho ng dagdag na pangalan na galing sa kanila kung saan nila nakitaan ng problema po, yun ho ang kailangan naming makuha sa kanila.
LINGERING QUESTIONS
REY: So sa 2013 ay liquidated na kyo bagamat may pahabol na question pa, at sa Sendong naman?
SEC. SOLIMAN: Ngayon ito hong sa Sendong, ito nga ho yung hindi ko pa makita, ano ho ang kanilang pinagbabatayan at anong pondo po ang kanilang binabanggit dahil wala nga po sa Central, at least doon sa files na meron ako sa COA report na kahapon ko ho tinignan, wala po doon sa files ko, tinawagan ko ho ang aming finance, tinignan din nila, hindi rin nila makita yang observation na yan, baka ho nasa, kagaya po ng sinabi ko baka ho nasa Region 10 kasi sa Region 10 ho nangyayari yung pagsasagawa ng ano, mga local government unit, baka observation ho sa Region 10, malalaman ko ho ngayong araw dahil pinapasok ko po yung mga tao na may kinalaman diyan para masagot dahil may presscon nga po ako dahil gaya nga ho ng sinabi ninyo, ito ay laman ng pahayagan kahapon at laman ng pahayagan na naman ngayon, so kailangan ho naming ipaliwanag yan sa mamamayan at dahil nga declared holiday ho yun magmula noong 24, hindi ho lahat ay maabot namin kaagad, pero mamaya makikita ko na yung mga responsable dito sa report na ito at aming babaybayin itong Sendong, yung pantawid ho ay nabaybay ko na dahil ibinigay na sakin yung report namin sa COA at sagot sa COA doon sa mga kanilang sinabing observations doon.
ANOTHER ISSUE ON SHELTER
Maliban sa aming tinalakay na, mayroon pang tinutukoy na P2.57-billion na pondo na hindi raw nakarating sa mga biktima ng Bagyo upang ipagpagawa ng kanilang matitirhan bagamat ang sinasabi ni Sec. Dinky Soliman ay wala silang nakikitang COA report sa Central Office hingil sa Sendong Funds.
Dapat lamang review-hin at busisiin ng ahensiya ang kanilang naging report sa Region 10 sa Cagayan De Oro. Ang mga bahay na kailangang itayo at tapusin dito ay in partnership sa LGU. At isa sa sinasabing problem area ay ang Iligan City na tumangap ng mahigit sa 250 million peso na hindi pa na-illiquidate hanga ngayon.
Sa mga question na walang malinaw na tugon, mananatiling “Sword of Damocles” na nakaumang ito sa bunbunan ni Sec Dinky Soliman at nang tangapang DSWD.
QUOTABLE QUOTE
Sword of Damocles – A feeling of impending doom that a massive problem is about to hit you.