Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

The ISIS

$
0
0

SECURITY NIGHTMARE

Umugong ang balitang maaaring magsakatuparan ng terroristic act ang grupo ng ISIS sa pagbisita rito sa Pilipinas ni Pope Francis sa Enero 2015.

Mabilis na tumugon si PNP spokesman General Wilben Mayor sa ginawa nating pakikipag-usap sa kanya. Sinabi niya na sa hanay ng kapulisan ay wala silang natatanggap na ganitong uri ng balita at wala ring intelligence report ang PNP na may ganitong threat.

Kinausap rin natin si AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang. Sa ating pakikipanayam sa DWIZ, natanong ko sa kanya kung kinukunsidera nilang “security nightmare” ang pagbabantay at pangangalaga sa seguridad ng Santo Papa sa kanyang
pagbisita sa bansa. Sa tugon niya sa akin, wala raw dapat ikabahala si Pope Francis at ang Vatican dahil kaya ng ating kasundaluhan na siya ay i-secure.

BACKGROUND

Ang grupong ISIS ay nagsimula bilang Al Qaeda splinter group. Kilala sa Islamic State ng Iraq at Syria ang hangarin ng ISIS na makabuo ng Islamic state hangang Sunni areas ng Iraq at Syria.

Sila’y kilala sa kanilang mga ginagawang public executions. Sinakop ng ISIS ang malawak na bahagi ng Northern at Western Iraq. Walang kinikilalang international borders, ramdam sila mula Mediterranean coast ng Syria hanggang timog ng Baghdad. Ang kinikilala nilang batas ay Sharia Law.

Noong una, ang kinabubuhay ng ISIS ay extortion at robbery. Ngayon, ito ay sa pamamagitan na malawakang pag-atake at pananakop ng teritoryo. Hindi sila nakapaglingkod sa bagong Iraq government. Ito’y makalipas na buwagin ang militar ni Saddam Hussein. Sinasabing ang dating mga sundalong Iraqi ang naging ISIS fighters.

isis

CLASH

Samantala, wala pang isang linggo ang nakalilipas ay may 20 na ang namatay. Kasama dito ang ilang civilian sa mga sagupaang nangyari sa Mindanao.

Sa naunang report, 15 ang tinatayang namatay sa naging sagupaan ng mga sundalo at Al Qaeda-linked militants sa bulubunduking bahagi ng Jolo island sa Southern Sulu archipelago. Lima sa panig ng mga sundalo at 10 sa mga fighters mula sa Al-Qaeda-linked Abu Sayyaf extremist group ang napatay. Wala pa sa bilang na ito ang ilang sibilyan.

ABU SAYYAF TERRORISM

Ang grupo ng Abu Sayyaf na nakabase sa mga isla ng Basilan at Sulu ang itinuturong may kagagawan ng mga paghahasik ng terorismo sa bahaging ito ng Mindanao, tulad ng bombings at kidnapping sa mga dayong local at mga banyaga. Ayon sa militar, sa ngayon ay pinaniniwalaan na hawak ng mga ito ang may 13 hostages, kasama ang limang foreigners.

Ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay nakabase sa major southern island ng Mindanao na sinasabing splinter group mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

POSTURE OF FUNDAMENTALIST 

Kinapanayam namin si Reverend Absalom Cerveza, MNLF Misuari faction spokesman, sa aming pang-umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit sa DWIZ at napapakinggan din sa mga RPN provincial radio stations nationwide.

REY: Gusto po namin malaman mula sa inyo, Reverend Cerveza, totoo po ba yung napapabalita na mayroon daw pong effort itong grupo ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS na i-recruit ang ilang commanders ng MNLF?

REV. CERVEZA: Sa pagka-alam ko, patuloy ang kanilang recruitment. Alam niyo, global itong kanilang movement na ito. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa lahat ng mga Moro Islamic countries, nangangalap sila ng kasama sa kanilang movement. Itong movement na ito, it is a move ng fundamentalist posture of the Islam. They are being threatened now to modernization and these are efforts they are making in order to protect what they feel is the fundamental faith of Islam.

CONFIRMING RECRUITMENT

REY: Kinukumpirma ninyo na talagang mayroong mga nagrerecruit sa mga miyembro ng Suni Islamic preacher diyan sa Mindanao ngayon?
REV. CERVEZA: Mayroon. In fact, some already have manifested their intention to join the group. Pero from the MNLF, wala pa kong alam na mga commanders dito na sumanib diyan sa kanila.

REY: May numbers na kayo kung gaano na karami ang na recruit sa Mindanao?

REV. CERVEZA: Ang recruitment effort is malawak pero kung gaano karami ang na-convince nila to join them, hindi ko alam kasi maraming factors ang involved dito. Merong pera, merong baril, merong kapangyarihan, etc.

MONEY TALKS

REY: Ano ang sistema ng recruitment na gamit nila?

REV. CERVEZA: Well, it’s more or less similar to trying to get fighters na maaaring sumanib sa kanila. Kasi ang principle ay they still have to use the guns or the arms to prevail in their effort to gain adherence sa mga bansa na gusto nila. Ang primary objective nila ay yung mga Islamic countries like Syria, Iran, and Iraq. The Philippines has become a producing ground for possible soldiers na magsama sa kanila.

REY:  Gaano katotoo na maliban sa prinsipyo ay nakapaloob rin dito ang pera?

REV. CERVEZA: Hindi naman natin maiwasan iyan. Even if they will deny it or anybody will deny it, hindi natin maiwasan iyan. Any movement, any effort, kailangan pera, kaya hindi mawawala iyan.

GULLIBLE

Hindi alam ni Rev. Cerveza kung magkanong salapi ang gamit sa recruitment at kung bakit ang MNLF ang tinatarget ng grupo ng ISIS.

REV. CERVEZA:  Hindi ko alam. Hindi MNLF. As far as I am concerned, wala pa akong nalalaman na MNLF na sumali sa kanila. But there are other groups na gullible. They are easy to convince, kasi una, indicated by the kahirapan na umiiral dito sa Bangsamoro areas, atsaka yung kawalan ng trabaho dito sa Mindanao para sa mga gustong magtrabaho. This is a very good offer. Kung may konting pera, eh di sige.

PRINCIPLED GROUP?

REY: Kung kayo ang masusunod, payag ba kayong sumali sa ISIS?

REV. CERVEZA:  Hindi. Kung meron man, malaman ko na. Pero sa pagkaalam ko, up to now, wala pang sumali dyan sa grupong iyan. Mayroon ngayong inaawitan na sila, pero ang mga MNLF kasi is a principled group. Mayroon silang ideology. Mayroon silang gustong patunayan sa mundo at sa sangkatauhan. So, hindi madaling maakit iyan sa mga ganun-ganun lang na mga paraan.

INDEPENDENCE OF MINDANAO

REY:  Gaano katotoo po na ang kina-capitalize daw ay yung political objective na makamit ang independence ng Mindanao?

REV. CERVEZA:  As far as the MNLF is concerned, ang independence is already declared. It has been declared already. Sa ngayon, naghihintay nalang tayo ng pagkakataon para ang independence na ito ay ma-implement. As of now medyo, may kahirapan pa kasi. There are many factors necessary, in order for one country to become free and independent.

REY: Pero ang point dito, yun hong independence na iyan na position ng MNLF ay yan din daw ang gamit na sistema ng recruitment ng ISIS.

REV. CERVEZA:  Yung MNLF po, ang mode of governance eh egalitarian. Ang grupong iyan, they are out to establish the Islamic dominance in countries that are fundamentally Islamic. Kaya ho nagsusumikap sila, kasi po ang mga Islamic countries na iyon are departing from the fundamental Islam, so kinakailangan maibalik yan. That force for a political overhaul of the whole Islamic countries.

DIRECTIVE  

REY: Lastly, Rev. Cerveza, mayroon po bang directive ang pamunuan ng MNLF na dumistansya rito sa grupo ng ISIS?

REV. CERVEZA:  Well, in the MNLF, just like any other association and just like the Philippines, everybody is free to do what they want. Pero as far as the MNLF is concerned, we are not in consonance with the intentions of that Islamic group that recruit our mates.

QUOTABLE QUOTES

“The enemy for the fanatic is pleasure, which makes it extremely important to continue to indulge in pleasure. Dance madly. That is how you get rid of terrorism.” ―Salman Rushdie

“Human rights are not only violated by terrorism, repression or assassination, but also by unfair economic structures that creates huge inequalities.” ―Pope Francis

 

 

Photo credit: The Times UK

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles