Constant review raw ang isinasagawa ng PNP sa buong Pilipinas, ngunit ang pinakamalaking bilang ng krimen ay nasa NCR.
Sabi nga ni Sec. Mar Roxas: Di’ba may kasabihan: “mas maraming langgam kung saan may matamis?” Yung pera, nandito sa NCR.
Lumilitaw sa istatistika na mas maayos ang kalagayan sa kanayunan, sa labas ng NCR. Bagamat may mga krimen din, hindi ito kasing tindi ng nangyayari dito sa NCR. Dahil nandito raw ang pera, mataas daw ang bilang ng motorsiklo kaya mas maraming motorcycling kidnapping. Nandito yung mas maraming commuters na nakapila sa MRT/LRT kaya mas marami din yung snatching.
GOOD, BUT NO GOOD
Bumaba raw ang crime rate sa Metro Manila pero hindi naman significant ang pagbaba. Tulad sa Northern Police District, ang average bilang ng robbery ay 134 per week. Nitong nakaraang linggo ay nasa 132. Bumaba nga pero wala ring nangyari dahil nasa 130+ pa rin. Mataas pa rin, marami pa ring nakawan ang nangyayari.
Sa Quezon City, halimbawa, yung bilang ng robbery ay 113 ang average. Nitong nakaraang 16 na linggo na sinusubaybayan, ang average bawat linggo ay umabot ng 120. Ito’y tumaas pa ng by 1 or by 2. Sa madaling salita, parang walang pagbabago, walang naitulong ang effort ng pulis.
Sa paniniwala ng DILG, sapat na ang 16 na linggo para makita kung gaano kahusay ang kanilang pagta-trabaho. Naniniwala si Sec. Mar Roxas na panahon na para magkaroon ng bagong assignment ang mga police directors sa NCR.
AXED OR RESHUFFLED
Nakapanayam namin si DILG Sec. Mar Roxas sa aming pang-umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit sa DWIZ 882Khz.
REY: Sec. Mar, gusto namin malinawan exactly kung ano po ang naging kaso nitong mga police directors ng NCR na napasama sa mga tinanggal. Sinibak ba sila o
reshuffled lang?SEC. MAR: Hindi na siguro importante kung sibak o reshuffle. Ang importante ay may bagong pananaw, bagong energy, bagong liderato itong districts na ito sa NCRPO na kung saan hindi gumanda ang crime situations nitong nakaraang apat na buwan. Hindi naman siguro nawala sa inyong kaalaman ay nagsimula tayo ng intensified Anti-Criminality. Linggo-linggo tinitingnan natin yung statistika ng bawat station sa buong NCR.
MAJOR SHAKEUP
REY: Secretary, sa 14 out of 38 police station commanders na inalis, ito ba ay considered na major shake up? First time po ba na nangyari ito sa PNP?
SEC. MAR: Well, itong labing apat na ito, hindi naman ito sabay-sabay na na-relieve. Ito’y na-relieve sa loob nitong nakaraang apat na buwan. Halimbawa, ang iba diyan pino-point shave nila ay yung kanilang istatistika. Kaya yun, immediate yun, kasi pinapa-audit ko ito. Kung ano ang nire-report dito sa NCRPO, pinapa-audit ko kung ano talaga yung nasa blotter.
So gumawa ako ng tatlong team at random, may tambyolo. Hindi na pini-personal kahit sinong police chief. There are 38 stations in NCR so tatlong team yan na every week nag-au-audit. So linggo-linggo makikita kung ano yung nire-report, kontra doon sa kung ano yung nasa blotter, kasi di’ba sa kasabihan, sa kahit anong sistema, garbage in, garbage out.
NEW ENERGY
REY: Saan ba nag-focus at naging abala ang ating mga pulis nitong nakalipas na ilang buwan na minonitor ninyo at nag-reflect sa data?
SEC. MAR: May mga operation sila. Yung operation katok, operation halughog,
beat patrol, mobile patrol, at iba pa. Ito ay pinapagawa natin nitong 16 na linggo. Four months na ito beginning June. At dahil hindi pa nakapagpakita ng pagbabago eh di siguro panahon na para magkaroon ng new energy, bagong mata, na titingin dito para hindi lang yung gagawin ng nakaraan. Kasi kung gagawin mo lang yung nakaraan, anong dahilan na magkakaroon ng pagbabago? So yan ang dahilan na nagkaroon ng bagong assignment.
WITH BETTER CREDENTIALS
REY: Sec., itong replacement po natin, saan sila nanggaling? I suppose mayroon silang magandang credentials para pampalit sa mga dati na?
SEC. MAR: Well, maganda naman ang credentials as recommended by NCRPO Valmoria. Ito ay favorably endorsed by Dir. Gen. Purisima so nakita naman natin ang kanilang mga records. Wala namang derogatory reports tungkol sa kanila. So, susubukan natin sila.
ACCOMPLISHMENT OF POLICE AGAINST POLICE
At bakit nga ba ang Eastern Police District ang bukod tangi na hindi napalitan? Lumilitaw na ang Eastern Police District ay may mas magandang statistika. Sa robbery o theft halimbawa, 79 naging 59. Malaki-laki ang naging improvement. Ang EPD ang naka-solve sa kaso ng Hulidap na nangyari sa EDSA kamakailan na kinasangkutan ng mga police. Naimbestigahan nila, hindi sila natinag, hindi sila nagbulag-bulagan. Pinakita nila na bagama’t kapwa pulis ang gumawa ng krimen na, hindi ito naging hadlang sa imbestigasyon.
FREEZER?
REY: Sec. Mar, so meanwhile itong apat na NCR police directors o district chief na ito ay saan saan sila ma-a-assign?
SEC. MAR: Sa tanggapan ni Dir. Gen. Alan Purisima.
REY: Ano po ibig pakahulugan noon? Freezer sila?
SEC. MAR: Well, kung ano ang i-a-assign sa kanila ni Purisima, yun ang gagawin nila.
FRIENDSHIP
Kaibigan ni Sec. Mar Roxas si Gen. Richard Albano. Alam din niya na ito ang nagtrabaho sa kaso ng napaslang na si Enzo Pastor, ang car racing champion.
SEC. MAR: Pero yung tagumpay sa isang case ay hindi katumbas ng walang pagbabago sa maramihan ng robbery theft. So pasensiyahan na lang ano, kahit pa magkakilala kami, magkaibigan pa kami, kahit pa maayos naman siya bilang personal na tao.
STATISTIC SPEAKS
Sa Quezon City, mula September 30, 2013 hanggang June 15, 2014, lumilitaw na 217 robbery theft ang nagaganap per week. Magmula June 16, sa labing anim na linggo hanggang October 5, ang bilang ng robbery theft sa Quezon City ay nasa 230. Sa pagitan ng 217 at 230 kada linggo, dalawang robbery thefts pa per day ang nadagdag.
SEC. MAR: Natutuwa ba tayo na there are 200 robbery theft cases sa Quezon City every week? So hindi ito personalan, trabaho lang.
DIFFERENCES
REY: Sa hawak ninyong datos ngayon, ano po ang top 5 na mga cities na worst ang naging performance?
SEC. MAR: Kung mamarapatin niyo, there are so much cities but it is per hundred thousand because there are some cities na maliliit di’ba? So yung bilang ng krimen doon sa maliit na siyudad ay menos sa bilang ng krimen sa malaking siyudad. Halimbawa, ang Manila or Quezon City. Kaya ang istatistika na ginagamit namin ay per hundred thousand population, para yung pagtimbang sa bawat police chief ay pantay hindi yung sasabihin na basta marami kami dahil million naman ang tao dito.
RESEMBLANCES
REY: Halimbawa, Caloocan, Pasig, at San Juan, halos magkakasinlaki po ang size niyan.
SEC. MAR: Well, ang mas maganda sa tatlo na yan ang San Juan. Mataas-taas ang bilang sa Caloocan kaya pinalitan ng summary relief yung police chief ng Caloocan mga 1 month ago dahil nung in-audit, ilan sa mga Police district sa NCR ay dinodoktor ang numero ng krimen sa kanilang nasasakupan
Ito ang ginawang pagtatapat ni Sec Mar. Roxas. Ang Pasig daw ay inaudit, at ang audit sa loob ng walong lingo, ni minsan hindi pa lumapit sa totoong nasa blotter so yun din ang binigyan din ng guidance yung recommendation ng NCRPO na magkaroon ng pagbabago sa Pasig.
TRACKING CRIMES
Aminado si Sec. Mar Roxas na walang natutuwa sa kasalukuyang sitwasyon. Kung di naman daw kikilos, hindi tayo magkakaroon ng pagbabago. Ano ang maaaring dahilan upang magkaroon ng expectation na bubuti ang ating sitwasyon?
Ang ehemplo na binigay ni Sec. Mar ay hinalintulad sa isang pasyente. Kung may lagnat ang pasyente at hindi mo bibigyan ng gamot, hindi mo ipapahinga, hindi mawawala ang lagnat. Kaya ito raw yun sinimulan. Ang pagpapaigting ng Anti Criminality campaign upang magkaroon ng statistics-based data. Lahat ng krimen ay naka-Google map. Dito makikita ang mga serbisyo na ito na pinagkakaloob na sa publiko. Naka-Google map kung saan nangyayari ang mga krimen, anong oras, at anong klaseng krimen.
SUMMATION
Kailangan pa rin natin ng maraming mga pulis na matitino. Ang presensiya nang unipormadong mga pulis ay deterrent pa rin sa krimen. Ang hinahangad na 1:500 ratio ng police sa bawat isang Pilipino ay nananatili pa ring pangarap.
Sa Metro Manila lamang ay mayroon na tayong mahigit sa 80 barangay kaya kulang na kulang ang ating mga pulis. Apat na taon na ang nakalilipas ng maitala sa National Capital Region (NCR) na may mamamayan itong 11.86 million.
Ang organization ng PNP ay matagal nang naghahangad na magkaroon ng 60,000 na
karagdagang mga pulis. Ngunit, dahil sa 3,000 lamang ang maximum na puwedeng ma-recruit kada taon, natatagalan pa ang hangarin natin. Mahina ang 20 taon bago maisakatuparan ito.
Sa ngayon, ito’y nanatiling panaginip pa rin.
QUOTABLE QUOTES
“All men make mistakes, but a goodman yields when he knows his course is wrong, and
repairs the evil. The only crime is pride.” ―Sophocles, Antigone