Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

AGE DOESN’T MATTER

$
0
0

Isang kakaibang istorya ang tinalakay namin sa aming “Kasangga Mo Ang Langit” Tv Program nitong nakalipas na episode, na napapanood sa PTV4 tuwing alas-10 ng gabi, araw ng iBernes. Balik eskwela kahit Senior na.

Ito ay kwento ng sisenta y kwatro anyos (64 yrs old) na nagbalik eskwela, sabi nga ng kasabihan “Age doesn’t matter.” Aminado si Nanay Candelaria Bahia na mayroon syang agam agam nuong unang umapak sa paaralan makaraan ang ilang dekada. Sa mahabang pakikibaka ni Nanay Candelaria para lamang makapag aral, napatunayan nya na hindi kailanman hadlang ang kahirapan para makapag aral. Karapatang abutin ang pangarap, narito ang kwento ng sisenta y kwatro anyos na nagbalik eskwela.

Nanay Candelaria: Wala namng batas na nagpipigil na ops hindi kana pwedeng mag aral may edad kana, matanda kana, eh basta sa akin desire ko yan eh pinili ko ang pag aaral.

Pag ako nakatapos sa aking adhikain eh yun na siguro na masabi ko na pinaka masarap sa buhay ko. Bago manlang ako kunin ni Lord meron nakong na achieve sa buhay ko.

Walang Pinipiling Edad Ang Edukasyon

Pasok sa sitwasyong ito ang animnaput apat na taong gulang na si Nanay Candelaria Bahia na ngayon ay nasa Junior Highschool sa Dasmarinias West National Highschool.

Nanay Candelaria: Talagang gustuhin ko man, labing dalawa kaming magkapatid tapos yung tatay ko rin no read no write din sir tapos yung nanay ko pang karaniwan lang na may bahay at sa dami naming makapatid hindi talaga kami kayang tustusan mag-aral. Kaya nauna samin yung kabuhayan, pang araw araw naming sa buhay para kami makaraos sa araw araw namin.

Kahit na makatapos lamang ng elementarya ay hindi naging madali para kay Nanay Candelaria dahil sa kalagayan ng kanilang buhay.

Nanay Candelaria: Eh nung time nayun dalawang taon ako tumigil, eh pagka tatlong taon nag aral ako ulit sa pakiusap ko sa nanay ko na halos nagmamakaawa ako sa nanay ko eh. Katwiran ng nanay ko babae ka di ka paaralin kasi sa dami ninyo hindi kayo kayang tustusan.
Nang magka-pamilya si Nanay Candelaria, binalak rin nyang magbalik eskwela subalit hindi rin ito natuloy.

JR Langit: Nakita po ninyo yung importance po ng pag aaral.

Nanay Candelaria: Opo nakikita ko ang kahalagahan ng pag aaral kaya isa yan sa nag-motivate sa akin na tatlo lang ang anak ko pero walang nakatapos ng kurso na dapat gusto nila. Kasi sa kahirapan naman sir may pamamaraan yan eh dala na lang rin na walang desire ang bata na mag aral wala sir. Kasi kailangan talaga motivate both sides may magulang na kayang mag paaral ang anak naman walang interes mag aral meron namang anak na merong interes mag aral pero wala ring kakayanan na ang magpapaaral.

Kung mabibigyan daw ng pagkakataon, hindi nagtatapos sa Highschool ang pangarap na maabot ni Nanay Candelaria.

JR Langit: kung mabibigyan naman po kayo ng chance na makapag kolehiyo ano naman pong kurso ang kukunin ninyo?

Nanay Candelaria: Mabigat sir.

JR Langit: Ano po?

Nanay Candelaria: Political science !

JR Langit: Political science… Bakit po political science?

Nanay Candelaria: Gusto kong malaman sir ang, ano ang batas. Unang una batas, tapos pangalawa gusto ko ring makatulong sa walang alam tungkol sa batas kasi tinatanong ko yan sa sarili ko bakit maraming batas hindi naman na implementar.

Sa mahabang pakikibaka ni Nanay Candelaria para lamang makapag aral, napatunayan nya na hindi kailanman hadlang ang kahirapan para makapag aral.

Nanay Candelaria: Ang masabi ko sa mga kabataan ngayon na mintras bata pa sila pursigihin nilang makapag aral, hindi hadlang ang kahirapan sa taong may desire na mag aral. Walang hadlang ang kakulangan sa buhay kung ang tao kasi may nakita akong lumpo pero nag aral, may nakita akong walang kakayanan kasi ano pagapang pumunta sa school nag aral sir, kaya mahalaga yan sa bata.

Ang Mundo Ni Nanay Candelaria Bilang Grade 7 Student

Nanay Candelaria: Talagang pinangatawanan ko kahit na wala akong credentials isa man sa credentials sa papel na dapat kong ipa presenta ditto sa school naglakas loob ako sir sa tulong ng panginoon.

Aminado si Nanay Candelaria na mayroon syang agam agam nuong unang umapak sa paaralan makalipas nang maraming taon.

Pero hindi naging hadlang ang kanyang pangamba para ituloy ang pangarap na makapag aral.

JR Langit: Hindi po ba kayo nahirapan nay na makisama sa ibang mga bata na mas igit na bata, syempre iba yung agwat ng edad ng mga bata sa inyo.

Nanay Candelaria: Nung una sir medyo marami ako na encounter merong maganda meron ding panget, pero sabi ko kay maam Lourdes nga, maam nakahanda na ako eh kasi sabi nya sakin bullyhin daw ako, sabi ko maam nakahanda na ako kung ano man ang ibubully sakin pero hindi naman, hindi ko naman natanggap dito a classroom namin bagkus nandun yung pagpahalaga nila sa akin, nanay nga kung tawagin nila pagpapahalaga nila sakin. Tutulungan nila akong magbitbit kung ano man ang ibitbit ko at ganun nga talaga sir pag papahalaga nila sa akin kasi nga ako nga ang nakakatanda sa kanila.

Nag viral sa Social media ang magandang kwento ni Nanay Candelaria makaraang i-post ito ng isang guro sa Dasma West. Ang teacher ay si Maam Marilou Flor.

JR Langit: Ano po ang pakiramdam nyo sa ginawa ninyo?

Teacher Marilou: Parang overwhelmed ako kasi parang nagulat ako, kasi first time kong mag post ng ganung picture na dumami yung nag like nag share. Parang di kapani paniwala sa amin. first time kasi , usually 100 likes lang ok na yung ganun. Pero si nanay parang 1 hour palang ata naka 500 nako nung time na yun eh.

Ina ng klase ang tingin ng kanyang mga ka-klase kay nanay Candelaria, subalit higit pa dyan, itinuturing nila syang isang inspirasyon.

Kinapanayam ng ating Kasanggang Jr Langit si Alyshon Arzadon, siya ang Class President at Classmate ni Nanay Candelaria.

JR Langit: Ano yung masasabi mo kay nanay Candelaria?

Alyshon: Isa po syang insperasyon sa bawat estudyante po. Tapos po iniinspire nya po kami everyday, mino motivate nya po kami na gawin po yung assignment namin gawin po yung tama sa classroom na mag aral ng mabuti kasi araw araw nya po sinasabi samin na wag daw po kaming matulad sa kanya kasi po ano eh yung matanda na po sya. Nag kwento po sya nung first day nya po nung school po. Naiinspire po kami sa kanya.

Maging ang class adviser ni Nanay Candelaria ay bilib sa kanyang determinasyon at pagsisikap. Si Ms. Jorie Fermin ang class adviser.

Teacher Jories: ah pagbutihin pa po yung pag aaral magpursige po sya wag nya pong pakinggan yung mga naririnig nya sa paligid nya. Ipakita nya po na pursigido syang makatapos kahit po nasa ganung edad na sya.

JR Langit: Ngayon lang po ba kayo naka encounter nang ganung edad?

Jories: Opo, mga ang edad po siguro nung mga dati ko pong tinuturuan hanggang 18 years old. Pero po 64 years old ngayon lang po talaga. At natutuwa po ako na naging bahagi po ako ni nanay Candelaria.

Higit sa lahat, suportado si Nanay Candelaria ng kanyang pamilya. Si Bernard Bahia ay isa sa mga anak ni Nanay Candelaria.

JR Langit: Nabanggit ni Nanay Candelaria na nung araw pa gusto na talaga nyang bumalik sa pag aaral. Nung nalaman nyo ba ito, ano ang reaksyon nyo?

Bernard: Sa akin sir positive naman yun, kasi maganda naman yung hangarin nung nanay ko. Saka pangarap nya yun eh, sino ba naman ako para humadlang sa pangarap ng magulang ko diba? Saka mabuti naman sir eh para sa ikabubuti naman nya.

SUMMATION

Walang pinipiling edad ang Edukasyon. At wala talagang imposible kung pagsisikapan.

Sama sama tayong kumuha ng inspirasyon kay Nanay Candelaria.

Isang patunay si Nanay Candelaria na pwede nating maabot ang ating mga pangarap gaano man ito kalayo mula sa atin. Ang kailangan lamang ay determinasyon, pagpupursige at syempre tiwala sa maykapal.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles