Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

IRREVOCABLE RESIGNATION NG BUCOR CHIEF

$
0
0

Isang araw bago magbitiw sa tungkulin si Atty. Benjamin delos Santos ang Chief ng Bureau of Corrections (BuCor) humarap siya sa atin upang sagutin ang mga controversial na issues ng illegal na Droga sa loob ng National Bilibid Prisons Muntinlupa. Itoy naganap sa ating “INSIDER EXCLUSIVE Kapihan” na linggohang napapanood sa PTV4, 8-9pm at live na napapakingan sa DZRJ 810khz ng alas nueve (9am) ng umaga tuwing miyerkoles. Sumunod na araw nang huwebes, irrevocable resignation ang kanyang sinubmit sa Department of Justice.

Sa pumutok na issue na bakit may droga parin sa NBP. Bakit mayroon pa ring nakalulusot na kontrabando gayong nag higpit na ang NBP. Ganito ang naging paliwanag ni atty. Delos Santos sa proseso nang pag pasok ng mga dalaw sa new bilibid prisons.

Delos Santos: Mayroon tayong visitation area na iniiscreen nating mabuti yung mga bisita o yung mga dumadalaw at yung mga dumadalaw doon ay hindi basta-basta lang makakapasok kung wala silang proper clearance, kung ang dalaw ay asawa, common law wife, girlfriend, anak o close relatives. Ngayon mayroon po tayong screening doon. Mayroon po tayong x-ray para sa mga goods na papasok, mga pasalubong whatever, mayroon tayong body frisking. Masyado pong innovative itong ating mga pumapasok o bisita, halimbawa celphone na maliit sa tsinelas naitatago. Yung dala-dalahan nilang styrofoam na lalagyan ng mga pagkain ay nalalagyan ng hidden, compartment sa bottom. Pagdating sa droga ang nagiging problema namin ay yung nailalagay sa loob ng katawan ng mga pumapasok lalo na ang mga kababaihan. Ngayon halimbawa mayroon kaming nakuhang report na mayroong ganitong nakapasok, nagkakaroon ng strict body searching at talagang tinititigan ang lahat nang puweding pag taguan. Minsan nakalagay sa condom, naipapasok sa katawan, at mahirap makita hindi makikita yun ng basta basta.

Rey: Hindi ba yan kaya ng x-ray o ibang uri ng detector?

Delos Santos: Mayroon po kami niyan, pero hindi po nakikita yung nasa loob. Yung x-ray natin na scanner, yung usual na gamit sa airport para sa baggage.

Rey: So, hindi talaga kaya?

Delos Santos: Hindi ho kaya. Ngayon ah….Yun hong pumapasok na nakukumpiska namin ang mga droga sa galugad at napapatunayan namin na panggamit ng mga adik don sa loob, by way of procedure … Automatic po magkakaroon ng drug test at madidisciplinary barracks ka….

Rey: Anong procedure ang ginagawa ninyo sa inmate?

Delos Santos: Detox from 1 to 3 months kaya yung building 14 po natin na dati dapat lang sa mga high profile drug personalities napupuno na po as of yesterday nasa 62 na yung laman ng ating building 14.

Rey: Ang building 14 ay identified sa mga drug personalities…

Delos Santos: Pati na itong mga bagong natutuklasang users doon na rin dinadala, at umaabot sa 3 to 6 months ang detoxification period kaya napupuno ang building 14

Rey: Eh balita po namin merong mga bagong drug personalities o persons of interest na napasok na rin dyan maliban sa mga dati nang prominenting pangalan na lumutang last July 2016, exatly one year na ngayon, tulad nina Peter Co, Herbert Colanggo, Parojinog Ng Kuratong Baleleng at Peter Lim.

Delos Santos: Sa dalawang oplan po na NBI-21 noon na pinasok sa NBI tapos nilagay natin sa building 14, meron pa pong mga ibang chinese or filipino drug personalities na hindi naa-identify dahil sa oplan na to, sa operation ng WPP – witnesses na ginamit natin laban kay dating secretary of justice naidentify natin paisa isa. At yung sinasabing resurgence, meron nga tayong minomonitor na dalawang chinese na kakuntsaba ng isang high profile inmate na nasa building 14 ngayon at nag ooperate sa central luzon. Pag sinabing resurgence sa labas, kase wala namang production or laboratory sa loob.

Rey: Tulad nang alam natin, malaking factor ang cellphone sa mga operations ng droga sa loob ng NBP. Kala ko ba mayroon nang jamming device, signal jamming device na pinondohan pa raw ng kongreso, milyones ang pinag uusapan natin dito para matigil na yung communications ng mga inmates na mayroon pang mga cellphone sa loob. Gaano kalawak ang sakop ng device na ito?

Delos Santos: Yung building 14 kung saan naroroon yung mga unang na-identify nating mga high profile drug personalities lamang merong jammer at ito ay donation ng may magagandang loob sa DOJ, dalawa po yan kaya wala po talagang telepono na magagamit don. Ang problema po wala tayo sa maximum, medium at minimum.

Rey: Malaking problema pa rin ?

Delos Santos: Noong isang linggo nagkaroon po ng presentation ang isang malaking israeli security firm at pinag usapan at pinakita sa atin ang state of the art jamming device nila, na pati yung messages at yung voice conversation matutukoy. Ang cost estimate ng equipment sa maximum, medium minimum aabot ng 2 million dollars.

Rey: Ano ang next move ng DOJ na nakasasakop dito?

Delos Santos: Si Secretary Aguirre po ngayon ay kumakatok sa pintuan ng DBM para po magkaroon ng special release para po talagang masara na lahat ng posibilidad para hindi na makatawag mula sa loob.

Rey: Bakit yon jammer na gamit ngayon sa building 14, di ba ang technology na yan puweding palakasin, para damay na rin ang ibang facilities ng bilibid?

Delos Santos: Dati po kase yung jammer na general coverage apektado po yung immediate neighborhood na sakop ng cellular site, umaabot ng alabang village, aabot ng poblacion ng muntinlupa, umaabot ng san pedro laguna. Kaya po nilimitahan natin, limited yung capacity at dun lang naka focus sa building 14.

Hindi sinasadyang ma-sentro ang aming talakayan sa technology, na nag-kataong ito ang July 2017 celebration ng national science and technology month. Pilipinas ang sinasabing second sa slowest average download internet speed sa 22 mga bansa sa asia. Tayo sa Philippines ay may averaged lamang na 3.64 megabits per second (mbps) ang ranking ay pang 176th sa 202 countries sa buong mundo. Nangunguna ang Singapore na may 122.43 mbps, pumapangalawa ang Hong Kong 102.96 mbps at Japan na may 82.12 mbps.

Samantala, sa pang wakas na bahagi ng aking pakikipanayam, ganito ang naging pamamaalam ni atty. Benjamin delos Santos ng BuCor.

“Sa unang araw palamang po ng aking pag kakatalaga bilang Director General ng BuCor, ang unang poder ko po ay sinunod ko ang mantra ng Pangulong Duterte. No to crime, drugs and corruption at ito po ay ating pinatupad tungo sa pag babago. Hindi lamang ng mga pdl natin, pati na rin ang mandato po ng BuCor. Para lang malaman ng lahat safety of the pdl and their reformation ay mahalaga sa amin. Kung meron mang criminal activity, ito po ay pinapasa natin agad sa law enforcement units and security forces, dahil wala po kaming law enforcement powers lalo na kung sa labas ang aksyon, pero pag dating sa disciplinary matters nandun po sa aking kapangyarihan at ang lahat nang ito ay base sa correction manual, kung ano ang dapat na kaparusahan sa mga nagkakasala. At hangad ko ang pagpapatuloy nang reporma sa NBP sa ikabubuti nang lahat.”

Kinabukasan sinubmit niya ang kanyang irrevocable resignation.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles