Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all 323 articles
Browse latest View live

SAGIP OFW

$
0
0

“Masaklap na kapalaran ng ating OFW, dahil sa hirap na dinanas niya sa kanyang unang amo kaya’t nagkaroon sya ng Acute pancreatitis at na comatose ng labing limang (15) araw.” Isa na namang kababayan natin ang nasagip, ito ang kanyang ikalawang buhay. Kinapanayam natin si Rowena Mercadal pagkabalik niya mula sa Kuwait.

Rowena: Salamat nagpapasalamat po ako sa mga tumulong sa akin, kay SAP bong go kay sir Rey Langit, sa anak nyang si JR Langit at dun po sa mga taga embassy na tumulong para maproseso yung mga papeles ko para makauwi agad sa Pilipinas.

NARRATIVE

Ang kwento ng ating kababayang na comatose sa Kuwait, ating pakinggan. Ako si Pareng Rey Langit.

Kung paano namin nailigtas at napauwi sa bansa ang ating kababayan na nagdusa sa Kuwait, alamin. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

Ang episode nating ito ay napanood sa ating programang pang telebisyon, na “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

PLIGHT OF AN OFW

Sa hanay ng mga bansa sa gitnang silangan pumapangatlo ang Kuwait sa destinasyon ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sa mga nagdaang mga taon, marami na rin tayong nabalitaan hinggil sa ating mga kababayang nasawi sa Kuwait. Subalit matapos ang isang kontrobersyal na rescue operations ng Philippine embassy sa Kuwait noong 2018, lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng ating OFWs.

Sa kabila ng kasunduan, may mga kababayan pa rin tayong nakakaranas ng kalupitan sa Kuwait katulad na lamang ni Rowena Mercadal na isang domestic helper.

Rey Langit: Bali ilang taon po kayo sa Kuwait?

Rowena: 4 and a half years po.

Rey Langit: Doon sa 4 and a half years na yon, yung first employer po ninyo na sabi po samin ni Merlyn tumakas daw po kayo dahil pinahihirapan po kayo?

Rowena: Opo.

Rey Langit: Anong klasing pahirap po ito?

Rowena: Hindi po kami binibigyan ng tamang pagkaen at wala rin pong tamang pag tulog.

RUNAWAY OFW

Nagkaroon rin ng pagkakataon na pisikal syang sinaktan ng kanyang amo kaya’t nagpasya syang tumakas na lamang at mag TNT.

Rey Langit: And then nag karoon po kyo ng second employer, ano naman ang trabaho ninyo doon?

Rowena: Bale po nagtrabaho ako sa cakes and pastries. Okay naman po yun company na tumatanggap sa akin, tumatangap po sila ng mga katulad naming tumatakas sa mga sponsor at tinutulungan po nilang maka makapag trabaho.

Duda ni Rowena, dahil sa hirap na dinanas niya sa kanyang unang amo kaya’t nagkaroon sya ng acute pancreatitis at na comatose ng labing limang araw.

15 DAYS COMATOSE

Rey Langit: Doon sa 15 days na yan talagang tuloy tuloy po ng hindi kayo dumilat o nagising ng kahit na few minutes man lang sa loob ng 15 days?

Rowena: Hindi po ako nagising, pinasok po ako ng hospital ng February 21. Nagising po ako ay March na

Rey Langit: Kaya nga po ang relatives po ninyo ay nakipag ugnayan sa amin, not to mention yung cousin po ninyo na si Merlyn ay tumawag po sakin ng personal at nabanggit nga po niya yung naging kalagayan po ninyo dito po sa Kuwait and through enough sa effort po ng kasangga mo ang langit sa pamamagitan po ng aking anak na si JR Langit, nakipag ugnayan po kay SAP bong go, malaki po ang naitulong para po sa inyong hospitalization at yung repatration ninyo pabalik dito sa Pilipinas.

Rowena: Opo.

BRIDGING THE GAP BETWEEN OFW ABROAD AND FAMILIES

JR Langit: “Ilang dekada na ring tumutulong sa ating mga kababayan sa ibayong dagat ang ating kasanggang si Rey Langit sa pamamagitan ng ating mga programa. Nagsimula pa noong 70’s ang lahat ng ito, sa panahon ng kanyang programang To Saudi With Love. Kaya naman ng dumulog sa atin ang pinsan ng kababayan natin na na-comatose sa Kuwait, naging maagap ang ating pagtugon.”

Katulong si SAP Bong Go, nakipag ugnayan agad ang Kasangga sa mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait upang maiuwi na si Rowena Mercadal na labing limang araw ring na comatose sa ospital sa Kuwait.

Nakapanayam ni JR Langit si Merlyn ang Pinsan ni Rowena.

Merlyn: Tumawag sakin yung pamangkin niya na nag aayos ng mga pangangailangan niya, na nangangailangan nga ng tulong si ate wena so ako naman iniisip ko agad si Mr. Rey Langit para huminga ng ayuda dun sa pangangailangan nung pinsan ko. So agad kong tinext si Mr. Rey Langit at kaagad agad namang may reply at kinuha niya sakin yung complete information ng pinsan ko and then pagkatapos nun, tumawag ka agad yung secretary ni senator bong go sa embahada ng Kuwait.

JR Langit: Nung mga panahon na yon ano raw yung findings kay ms Rowena, ano raw yung kanyang karamdaman?

MEDICAL FINDINGS

Merlyn: Nung una kasi comatose siya kasi nagkaroon ng impeksyon yung matres so kinailangan siyang operahan. Mga ilang araw din siyang nacomatose so yung mga kamag anak nung at kapatid nung pinsan ko so, aligaga na sila kung pano nila matutulungan kasi wala silang kahit anong kamag anak dun sa Kuwait, ang tumutulong lang yung kaibigan niya na may trabaho din as ofw.

Hindi lamang ang problema sa papeles ni Rowena ang naayos, sinagot rin ni SAP Bong GO pati ang gastos sa ospital upang makauwi na sa bansa si Rowena.

Merlyn: dun sa pagkakataong yun na inform ako nung pamangkin ng pinsan ko na mga hospital bills at tsaka yung mga documents kase medyo hindi siya documented as ofw and then yung mga gastusin niya pauwi dito sa Pilipinas.

HOSPITAL BILL

JR Langit: Nabalitaan ko na aabot, halos isang milyon ang nagastos sa hospitan bill?

Merlyn: opo malaki at tsaka yung pagpapauwi na rin sobrang malaking tulong po sa pamilya ng pinsan ko.

JR Langit: at parang pangalawang buhay narin ito na nagising pa siya sa pag kacoma.

Merlyn: opo, at sobrang hirap nung dinanas niya yung wala siyang malapitan na kahit anong kamag anak para merong magbantay sakanya sa hospital.

UNDOCUMENTED

Ayon sa pinsan ni Rowena, naway maging leksyon ang nangyari sa kanyang pinsan sa iba pang gustong magtrabaho sa abroad pero walang tamang mga dokumento.

Merlyn: Unang una nagpapasalamat po kami sa kay Lord sa strength sa lahat at syempre kay Mr. Rey Langit sa agarang pag tugon sa pangangailangan po ng pinsan ko at kay senator bong go na agad agad po kaagad na nagbigay aksyon at tumawag po agad sa embahada ng Kuwait para sa pinsan ko. Madagdag ko na rin kung mangingibang bayan kayo siguraduhin ninyong may proper documents kayo at para kung magkaroon nang problema kayo mas madali po naten mailapit sa embahada and then siguro po dasal po talaga.

Sa ngayon ay nakauwi na sa Pilipinas si Rowena sa tulong na rin ng Kasangga team at ni SAP Bong Go. At ayon sa kanya, wala na syang plano pang magtrabahong muli sa ibayong dagat.

STAGE OF RECOVERY

Rey Langit: Ngayon po ba ay mayroon na kayong iniinom na gamot para maka recover po kayo completely?

Rowena: Meron po, bali nag pacheck na po, general check up na po ako dito sa Pilipinas para malaman ko po kung okay na po yung operations ko. Sabi po ng doctor e mayroon pa po akong mga maintenance na gamot.

Rey Langit: Alam kong labis-labis ang naging pag aalala ng inyong mahal sa buhay laluna ng kayo ay ma-comatose.

Rowena: Opo, nag alala sila ng gusto at gusto nilang makarating don sa akin at ang nanay at tatay ko po hindi po nila pinaalam kasi matanda na sila ayaw nilang magkaroon ng iisipin so yung mga kapatid ko nalang po ang nag hangad na lumapit sainyo para po mapadali ang proseso sa pag papauwi ko daw sa Pilipinas.

Mahalagang mensahe para sa katulad ni Rowena na OFW. At sa mga nagbabalak na magtungo sa ibayong dagat upang makipag sapalaran.

Rowena: dun po sa mga katulad ko na ofw na pag nasa ibang bansa kailangan po nating maging matapang, matatag at wag pong kakalimutan na tumawag po sa Panginoon.

SUMMATION

Ang mabilis na pagkilos ng Kasangga team at ni SAP Bong Go ay malaking bagay upang masagip ang ating kababayan sa Kuwait.

Tinuturing kong isang malaking accomplishment para sa inyong lingkod sa tuwing mayroon tayong natutulungang OFW.

Rowena: “Salamat, nagpapasalamat po ako kina SAP bong go, kay sir Rey Langit, sa anak nyang si JR Langit at dun po sa mga taga embassy na tumulong para mabilis na maproseso yung mga papeles ko para makauwi sa Pilipinas.”

Tinitiyak po sa inyo ng Kasangga na magpapatuloy ang ating adbokasiya na tumulong sa mga bagong bayani ng ating bayan.


BONG GO SA SERBISYO

$
0
0

Noong Martes, Mayo 7, 2019 sa ating “Insider Exclusive” na palagian ninyong napapanood tuwing Martes ng 10am sa RJ TV at napapakingan DzRJ Radio. Sa PTV4 tuwing Miyerkoles naman ng 8-9 ng gabi, pinilit naming hinagilap si SAP Bong Go upang ipaabot sa kanyan ang taos pusong pasasalamat ng pamilya Mercadal at ni Rowena Mercadal ang Domestic Helper na pinag malupitan ng kanyang amo, na na-comatose ng labing limang (15) araw sa Kuwait na natulungan ni SAP Bong Go at nakabalik na sa Pilipinas. Na-interrupt namin ang campaign trail nila sa lalawigan ng Bataan, at sa pamamagitan ng phone patch at ginawang pakikipag ugnayan ni JR Langit ay exclusive namin siyang nakapanayam:

Bong Go: Sir Rey Langit ang Kasangga Mo Ang Langit. Yon kay Rowena, trabaho ho namin ito, laluno na po kaming nasa Gobierno handa mo akong mag serbisyo. kaya hangad po naming magtayo ng isang Depatment of OFW, ito po ay parang pinagsama samang tulong ng DOLE, OWWA at POEA, ito ang ating isinusulong. Yan ang kagustuhan namin ni Pangulong Duterte. Mapabilis ang serbisyo, laluna yon mga inaapi sa ibang Bansa.

Rey Langit: Saludo kmi syo Sap Bong sabi nga ni JR Langit, despite bising-busy ka sa campaign, may Oras ka pa pala para maka-tulong sa Kapwa. Tulad nang sabi ng Pangulong Duterte BISYO mo ang mag-SERBISYO !

Bong Go: Trabaho po natin ang mag serbisyo.

BLACK PROPAGANDA

Kinunan ko rin siya ng reaction sa muling pag bangit sa kanyang Pangalan ni alyas Bikoy, ng ito’y mag surface sa tangapan ng Integrated Bar of the Philippines.

“Sinagot ko na po yan noong Abril 10, hinamon nya ako kung ipakikita ko lang daw ang likod ko, titigil na siya. Kahit pinakita ko na, pero inulit na naman niya. Inulit ko nag hubad ho ako kahapon sabi ko hindi pa ako nagka tatoo sa tanang buhay ko, wala akong tatoo, ang mayroon ako PSMBB. Pimples, Stretch mark, balat, bilbil. Yan ang makikita ninyo. Nagiging kengkoy na itong si Bikoy.
Sinabi ko dapat hindi sa IBP siya nag punta, dapat sa Mental hospital, dapat pina tingin muna niya kung ano ang nangyari sa kanyang pag iisip. Sinisiraan niya ang pamilyang Duterte, matagal ko na pong kilala ang pamilya Duterte hindi sila papasok sa ganoong transaksyon. Black propaganda,
ang gusto nila ay gawin kaming itim, para sila ay pumuti, panahon po ng Politika ngayon. Inahamon ko po ang sambayanan.. kung sa tingin nila tama si Bikoy iboto nila ang oposisyon, kung sa tingin naman nila kami ni Pangulo ang tama sa aming pinaglalaban, iboto nila kami, ganoon lang kasimple.”

Ito ang pahayag ni SAP Bong Go.

Bong Go: Basta kami ng Pangulo ay patuloy na magta trabaho. Kung ano ang aming nasimulan na sa paglaban sa Illegal na droga at corruption ito ang aming itutuloy hangang sa katapusan. Basta magta-trabaho lang po tayo, sayang ang panahon masagasaan na ang masagasaan, sa Illegal na droga wala kaming sinasanto.

EYEWITNESS

Nai-share ko sa interview nang minsang magkayayaan na mag Jetsky kami nina JR Langit at Sap Bong Go sa Samal Island, Davao. Wala pa siyang balak pumasok sa Politika noon.
Nang magbihis at magpalit kami ng pang itaas na swimsuit, pang Jetsky napansin namin na si Bong ang may pinaka makinis na katawan sa amin. Kaya nang mabalitaan ko ang aligasyon ni alias Bikoy, na may tatoo raw si Bong Go sa katawan ay natawa ako nai-kwento ko ito sa aking radio program at nasabi ko na malawak masyado ang imahinasyon nitong si Bikoy.

Naibahagi sa atin ni SAP Bong Go na kanyang pinag aaralan na ang hangad niyang mag tyo rin ng Malasakit Center para sa ating mga OFW upang mapabilis ang serbisyo medikal na kanilang kailangan.

Bong Go: Palarin man o hindi mag papatuloy tyo na mag serbisyo sa kanila na ating mga Kababayan, sa ating muling pagbabalik.

WARM REGARDS

Nang mapag usapan namin ang kanyang mga schedules sa ilang araw ng campaign at nabangit niyang mayroon silang dinner ng Pangulong Duterte, pahapyaw kong nabangit sa interview na ipaabot ni Bong ang aking best regards sa Pangulong Digong:

“ Makakarating po, ipapaabot ko ang pangungumusta ng isang kaibigan. Malapit po ang inyong Anak na si Reyster kay Pangulo, kapag nasa Davao siya ay nagkikita sila ng Pangulong Duterte, nakalulungkot lang nga po na nawala siya.”

Magkaibigang matalik sina Bong Go at ang ating Kasangga sa Langit na si Reyster. Sila ay mag School mate sa LaSalle Greenhills, mula grade school. Na naging daan upang maging magkaibigan din sina Reyster at Mayor Digong ng Davao. At ang hindi malilimutan ng Pangulo ay ang prediction ni Reyster nang nabubuhay pa ito.

PREDICTION

Reyster: “Mayor, kayo po ay magiging Pangulo ng Bansa.”

Ang bagay na ito ay hindi pinaniwalaan noon ni Mayor Digong, dahil wala naman daw siyang balak na pumasok sa National Politics. Kya nang minsan kaming magkita, muli naming napag usapan ang prediction na ito nang aking Anak na si Reyster. Hindi raw niya maubos maisip ang naging Predictiong yon ni Reyster, at ibinahagi pa niya ito sa kanyang speech sa pag titipon ng mga Business groups sa Manila Hotel.

SWS SURVEY

Nabangit ko kay Sap Bong ang pagiging consistent niya sa ranking ng survey ng SWS. Hindi siya nawawala sa pang apat, panglima hangang sa huling sandali, bago mag-election.

Bong Go: Maraming salamat sa pag pagtitiwala ng ating mga kababayan. Pagkatapos nito back to work na po ako. Ang serbisyo na pinagkakaloob ko po ay serbisyong Makatao, Tapat, at maka-Diyos.

MEANINGFUL MESSAGE

Panghuling mensahe ni SAP CHRISTOPHER “BONG” GO, na bahagi lamang nang ginawa nating exclusive na pakikipanayam sa kanya:

“Ako po dapat magpasalat sa panahon na binigay ninyo para sa akin minsan lamang tyong dadaan sa mundong ito, kung ano man ang gusto nating itulong, itulong na natin sa kapwa, ibigay na po natin ngayon.. dahil hindi na tayo muling babalik sa mundong ito. Pagkatapos po ng halalan, muli akong babalik sa trabaho. Magpapatuloy po akong magiging tulay ninyo kay Pangulong Duterte, patuloy po kaming magseserbisyo sa inyo. Dahil ang serbisyo sa tao ay Serbisyo sa Diyos. Maraming salamat sa inyo sir Rey Langit at kay RJ maraming salamat pong muli.”

BIYAHENG LANGIT SA CHICAGO

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa ay samahan niyo kaming bisitahin sila, ito po si Pareng Rey at ang Kasangga ninyong si JR Langit. Tampok natin ngayon ay ang Shedd Aquarium ng Chicago.

Minsan pa nating silipin ang isa sa pinakamalaking indoor aquarium sa buong mundo, na matatagpuan lamang sa Chicago, U.S.A.

Yamang dagat ng Pilipinas, tampok sa sikat na aquarium sa Amerika na Shedd Aquarium. Kakikitaan ito ng mahigit sa 32,000 marine animals, at nabibilang na isa sa pinaka-malaki at pinaka-magandang indoor aquarium sa buong mundo. Halina’t pasyalan natin ang binansagang “most visited aquarium” sa buong Amerika.

MARINE DIVERSITY

May 30, 1930 nang magbukas ang kauna-unahang public indoor aquarium sa bahagi ng Chicago, Illinois.

Ang Shedd ay isang non-profitable organization na naglalayong magbigay kaalaman ukol sa kahalagahan ng mga yamang dagat sa ating buhay. Ipinatayo ito ni John Graves Shedd, isa sa tinitingalang negosyante sa siyudad noong panahong iyon.

Maraming tema sa loob ng Shedd Aquarium at isa sa nakakuha ng aming atensyon ay ang exhibit nila ukol sa nakatagong yamang dagat ng bansang Pilipinas.

Aming nakausap ang isa sa mga taga pamahala ng Aquarium na si Tracy Adler:

Tracy: You probably know that the Philippines is the center of the marines diversity. There is more diversity of marine life here than anywhere else in the planet.

DISCOVERY FROM PHILIPPINES

Isang grupo ang inatasang magsaliksik sa indo-pacific area, at ilan sa kanila ay nagtungo ng Pilipinas. Dito nila nadiskubre ang nakatagong kayamanan ng ating karagatan…

Tracy: So we are literally bringing you to the shores of Apo island. The sand here and even the floor was made by the sand from Philippines. We have imported 17 tons of sand from the Philippines.

Hanggang ngayon marami sa atin ang may hindi alam na sa karagatan ng Pilipinas matatagpuan ang pinaka-magagandang coral reefs at ibang yamang dagat sa buong mundo.

MEMORIES

Ang sumagi sa aking ala-ala ay ang Philippine Rise, ang mga coral marines species nito at ang aming challenging experience.

Buhay na saksi ang “Kasangga Team” sa makasaysayang “takeover ng Benham Rise” ang underwater plateau na nasa layong 250 km east ng northern coastline ng Dinapigue, Isabela ang diklaradong bahagi ng ating continental shelf. Ang yamang dagat na ating nasaksihan.

Kakakaibang experience ang aming sinuong noong May 15-16, 2018 ng aming tahakin ang karagatan ng Benham Rise na ngayon ay Philippine Rise.

JOURNEY

Mula sa Villamor Air base, Pasay City lulan ng C130 kami ay lumipad patungong Casiguran, Aurora sa Central Luzon. Pagkatapos ay sinakay kami sa Navy boat at inihatid sa gitna ng karagatan at pinalipat sa isang dambuhalang barko.

Mahigit sa sampung oras na paglalayag ang aming ginawa mula Casiguran patungong Benham Plateau lulan ng BRP DAVAO DEL SUR.

Makapigil hininga, magkahalong excitment, may kasamang agam-agam at pangamba ang aming nadarama. Hindi namin alintana kung may dumating mang unos o sama ng panahon sa Pacific Ocean. Kahit pa pigilan ng kalapit na bansang nag nanasang angkinin rin ang Benham Rise. Hindi naging hadlang ang dominant role ng ating kalapit na bansa, ang kanilang Sea power o lakas sa karagatan dahil sa mga makabagong sasakyang pandagat na kanilang taglay, tulad ng mga giant warships na type 075 amphibious vessels na may aircraft carrier.

COMPETING NEIGBORING COUNTRIES

Ilang mga bansa sa Asia na nagka interest rito, hindi lamang ang China kung hindi pati ng bansang Japan, Malaysia, Indonesia at Viatnam.

Ilan lamang ito sa mga makasaysayang challenges na naging bahagi ang Kasangga Team na maabot ang malawak na Philippines Rise na dating kinilala sa tawag na Benham Rise, na deklaradong exclusive zone ng Pilipinas sa pamamagitan ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

GAS, OIL, MINERAL and CORAL MARINES SPECIES

Ang ating Philippine Rise ay may lawak na 24 Million hectares o katubas na laki ng buong Luzon.

Ayon sa initial research nang ilang dalubhasa ang karagatang ito nang Philippine Rise ay mayaman sa gas, oil, mineral at coral marines species. 50 Filipino na pawang mga UP Scientists ang nagsakatuparan ng kanilang masusing pag aaral, scientific research tungkol sa marine resources o yaman ng Philippine Rise.

IRONICALLY

Samantala, May 30, 1930 nang magbukas ang kauna-unahang public indoor aquarium sa bahagi ng Chicago Illinois.

Ang Shedd ay isang non-profitable organization na naglalayong magbigay kaalaman ukol sa kahalagahan ng mga yamang dagat sa ating buhay.

Maraming tema sa loob ng Shedd Aquarium at isa sa nakakuha ng aming atensyon ay ang exhibit nila ukol sa nakatagong yamang dagat ng bansang Pilipinas. Sabi nga nila “ironically” ibang bansa pa ang nagbibigay nang ganitong pagpapahalaga at nagpro propagate sa yamang dagat ng Pilipinas.

CHICAGO HISTORIC LANDMARK

Hanggang ngayon marami sa atin ang may hindi alam na sa karagatan ng Pilipinas matatagpuan ang pinaka-magagandang coral reefs at ibang yamang dagat sa buong mundo.

Tracy: you can see the number of coral marines species here from the Philippines.

Napakaraming maaring makita sa loob ng aquarium. Dahil dito umaabot sa mahigit isang milyong turista ang dumadalaw dito kada-taon. Ito na nga ang itinuturing na “most visited aquarium” sa buong Amerika. Taong 1987 nang hirangin itong National historic landmark ng bansa.

Roger: In behalf of the Shedd Aquarium I would like to encourage everybody to come here and see a little bit of your homeland here in Chicago.

SUMMATION

Tulad ng aking ibinahagi sa inyo, ang sense of fulfillment sa pakikibahagi sa makasaysayang Benham Rise takeover, na ngayon ay Philippine Rise na, ito’y once in a life time na event/pangyayari sa buhay ng isang tao. At ang pagbisita sa Shedd Aquarium ay kakaibang karanasan. Kikilabutan ka na matuklasan na ang attraction ng isang katulad ng International Aquarium ng Chicago ay mga marine resources o yamang dagat na mula sa Pilipinas.

Ang ating taos pusong pasasalamat sa kind assistance na binahagi ni brother-in-law Ramon Dino at Cherry sa ginawa naming pag suyod sa City of Chicago at China town nito. Hanggang sa susunod na pag lalakbay siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may istoryang Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.

PLANE CRASH MYSTERY: A CASE OF MURDER

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino samahan niyo kaming bisitahin sila ito po si pareng Rey Langit tampok natin ngayon ay istorya ng isang promenenting media man, kung paano napaslang at kung ano ang naging buhay nang kanyang pamilya dito sa America.

Gumawa tayo ng isang exclusive na pakikipanayam dito sa America kay Ginoong Manny Lopez ang anak ng isang kilalang mediaman na editor ng dating Daily Mirror sa Pilipinas.

PLANTED BOMB

Rey Langit: Manny Balikan natin ang nakaraan. Mag flashback tayo related doon sa insedenteng nangyari sa inyong father na si Mr. Pete Lopez sometime ago in 1969 ng nag crash yung kanyang eroplanong sinasakyan na kanyang kinasawi. Sa crash ba na yun, ano ang findings ito’y sumabog bago pa mag crash o nag crash muna bago sumabog?

Manny Lopez: When my father died, I was only 11 years old. I cannot remember if there was an on-going investigation regarding his death. The only thing I know was that he was assassinated along with some of his reporters. The plane flew from Mactan and it exploded. They said someone planted the bomb two weeks before the incident happened.

Rey Langit: Nabanggit mo na parang merong nag planted ng bomb doon sa eroplano mismo. Hindi aksidente yung nangyari sa kanya?

ELECTION-RELATED

Manny Lopez: No, someone tried to murder my dad because he knew a lot of things. Before the election there was a rumor that there was going be a flood of fake bills worth billions of pesos. Prior to the election he was asked to investigate this and this was the time when Marcos was the President. Sering was running against him during 1969 election in November.

Rey Langit: Ok, Manny kung meron ganitong insidente na talagang planted na merong pumaslang sa iyong ama, nag karoon ba ng investigation, operations ang NBI, at ang mga pulis right after ng insidenteng yun?

Manny Lopez: None, as far as I know.

Rey Langit: Manhunt?

Manny Lopez: There was no manhunt done, I don’t know why.

EFFECT TO THE FAMILY

Rey Langit: Ano ang naging impact nito sa inyong sa inyong pamilya? Sa Lopez family?

Manny Lopez: Prior to this we were a broken family. After my father’s death we went back to my mom and stayed there. Losing a father at the age of 11 had a impact in our lives. We decided to come here in 1985 two years after I got married. We had 2 children, girl and a boy. My daughter is now 31 years old and my son just turn 29 last December. I’m expecting a baby come July .

Rey Langit: Nag karoon ba ng closure ang kasong ito dahil tulad ng binaggit mo manny parang nag karoon ng murder, parang nag karoon ng plot para i-assasinate ang iyong ama. Nag karoon ba ito ng resolution to the crime?

Manny Lopez: Its still an open case. We don’t know who did this.

SUSPECTED COVER UP

Rey Langit: Meron bang ipinalabas na forensic findings ang mga experts for instance at that time nung mga panahon na yun?

Manny Lopez: Nothing, I think. I believe there was a cover up to close this case right away because cause I think my father knew lot of things going on inside Malacañang. This was the reason why he got killed .

Rey Langit: Nag karoon ba ng gag order sa inyo or may mga nag advice ba sa inyong huwag kumibo sa mga possibleng interviews ng media sa inyo that time?

Manny Lopez: None, as far as I know.

TARGET OBJECT

Rey Langit: And positive ka Manny na ang object talaga noong incident ng crash na yon noon ay ang iyong father.

Manny Lopez: I’m one hundred percent sure.

Rey Langit: Ilan silang mga namatay dito sa airplane crash?

Manny Lopez: I think they were like 4 more, they were reporters. They were able to recovered my dad’s body but the rest the coffins were empty because they couldn’t find their bodies when we had a wake done at National Press Club. Mrs. Imelda Marcos was present at awake including Joaquin Roces. There was an honor given by Manila Times and Daily Mirror.

Rey Langit: Ang father mo ang editor ng Daily Mirror at that time nung mangyari yun?

Manny Lopez: I think yes. He was a reporter and worked his way up to become editor of Daily Mirror. He died at the age of 41.

THE HEADLINE

Rey Langit: Ok noong mga panahon na yun Manny, for your information samin sa Circle ng Media ay pinag uusapan namin ang insidenteng yun, ako noon ay reporter ng ABS-CBN Radyo Patrol and i was a very young reporter that time.

Let’s move on, ang reason ba ng pag punta niyo dito sa States ay para umiwas o i-avoid yung mga possible consequences nung insidente ng pagpatay sa inyong ama?

Manny Lopez: No that was not the reason.

Rey Langit: And ano ang naging rason kung bakit kayo nag migrate lahat dito sa USA?

REASON FOR MIGRATION

Manny Lopez: Better life, better future. I’ve been here since 1985. I became an American citizen five years after my kids were born. My plan is to stay here for good, I have no plans of going home and retire in the Philippines as of now.

Rey Langit: If and when na mag retiro ka with your better half, wala kang intensyon doon mag retire sa Philippines?

Manny Lopez: None.

Rey Langit: Idagdag ko na lang yung ilang mga human interest Manny, ano yung mga na mimiss mo na wala rito na dati mong activities na ginagawa sa Philippines?

Manny Lopez: There was nothing special. I told you my family, my mom and dad were separated so we did not have a nice family relationship since they separated ways. It was not a memorable thing to remember other than that I miss my mom who died 4 years ago here in Chicago. She died at the age of 88 years old. I lost my brother 4 years ago. My youngest brother, Ramon, passed away a year after. Three out of the five siblings are still alive including myself, my sister, and Dingdong. He’s in Chicago .

SAME FATE

Rey Langit: How true Manny is it that your grandfather, Pete Lopez, died of a similar incident during the time of former President Ramon Magsaysay? He was with President Magsaysay when the plane crashed?

Manny Lopez: That’s true. My grandfather was a congressman and he died with President Magsaysay in that fatal plane crash in Cebu. 20 years later, my dad died in a plane crash in Cebu too.

Rey Langit: What are your final words, Manny?

Manny Lopez: My life changed when I started to open my heart to God. He gave me strength and happiness. I count my blessings every day.

Hanggang sa susunod na pag hahatid sa inyo nang mga balita at istorya mula sa ibayong dagat ito po si pareng Rey Langit siguradong hindi kayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Sangalan ng ating Kasangga – JR Langit, minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.

BIYAHENG LANGIT SA SEARS TOWER

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan niyo kaming bisitahin sila, ito po si Pareng Rey at ang Kasangga ninyong si JR Langit. Tampok natin ngayon ay ang Sears Tower ng Chicago.

Isa sa nangungunang landmark ng Chicago nang mabisita natin ito in the early 80’s ay ang Sears Tower. May taas na 110-story, 1,450-foot ang skyscraper sa Chicago, Illinois.

Hinigitan pa nang Sears Tower noon ang pamosong World Trade Center ng New York. Tulad nang Sears Tower maka ilang beses na rin nating nabisita ang World Trade Center, bago pa naganap ang malagim na terrorist attack noong September 11, 2001 at makalipas ang malagim na pag-collapse nito ay aming na-feature ang heroism ng mga taong nag buwis nang kanilang buhay sa World Trade Center, napanood sa ating TV program na Biyaheng Langit sa pakikipag tulungan ng Globe Telecom.

MILLION TOURISTS

Balikan natin ang Sears Tower na ngayon ay tinatawag na Willis Tower. Ito ang kasalukuyang second-tallest building sa United States at sa Western hemisphere – at ang 16th tallest in the world.

Milyun-milyon taun-taon ang bumibisita sa Willis Tower, upang akyatin ang kanyang observation deck. Kaya ito ay isa sa mga kilalang “Chicago’s most-popular tourist destinations”. Isa na si Ric delos Reyes na isang Filipino nurse na madalas bumisita dito sa down town Chicago.

Kinapanayam natin si Ric delos Reyes para sa ating programang pang telebisyon – Biyaheng Langit na napapanood tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y media (10:30pm) sa PTV4.

Sa tagal na niya sa Chicago marami nang mga challenges na umabot sa kanyang buhay.

Ric: Dito basta masipag ka lang madaling kumita ng pera. Basta wala kang bisyo, siguradong makaiipon ka.

Rey Langit: Di ba dati ang linya mo ay telecommunications. Mataas na ang puwesto mo at malaki na kita mo?

Ric: Oo nga, pero nag sara dito sa Chicago ang Motorola. Nag bigay naman ng separation pay.

Rey Langit: May pamilya ka na, may mga anak, paano mo hinarap ang challenge na yon?

Ric: Mahirap, pero hindi ka dapat mag mukmok. Sa tulong ni Mrs. agad ay nag enrol ako nang nursing dahil in-demand dito ang mga nurse. True enough nakatapos ako, naipasa ko ang board kaya ngayon nurse naman ang linya ko.

Kasama ko si Ric at ang kanyang may-bahay na si Cindy. 3.5 miles ang aming nilakad sa down town Chicago. Umakyat kami sa ledge ng Willis Tower habang isinasakatuparan ko ang ating interview sa kanya. Binago ang pangalan ng Sears Tower sa Willis Tower noong 2009 nang mag take over ang Willis Group sa pag okupa nang gusali. Bagamat hinigitan siya nang Petronas Twin Towers ang tinanghal na pinakamataas na gusali sa Mundo nang maitayo noong 1998-2004.

PETRONAS TWIN TOWERS AT FILIPINO ENGINEERS

Ang Petronas Twin Towers na amin na ring na-feature nang ating Kasangga -JR Langit sa aming TV program na Biyaheng Langit sa PTV4 sa pakikipag tulungan nang Globe Telecom na inyong napapanood tuwing Biyernes ng alas diyes y medya ng gabi (10:30pm) nang aming bisitahin ang Kuala Lumpur, Malaysia, at makapanayam ang ating mga Filipino Engineer na naging kasangkapan upang itaas ang gusali ng Petronas Twin Towers na hindi na kinakailangang paramihin pa ang mga palapag ng gusali at lumampas pa sa sinasabing pinaka mataas na gusali sa buong Mundo noon na Sears Tower ng Chicago, USA.

Dito kinunan ang mga Scenes ng Pelikulang “Entrapment” nina Sean Connery at Catherine Zena-Jones noong 1999.

REVISIT

Samantala muli nating balikan ngayong June 3, 2019 ang ginawa nating muling pag bisita sa Sears Tower na ngayon ay tinawag na Willis Tower na paboritong binibisita ng ating mga kababayang Filipino sa Chicago.

Nasimulang itayo ang gusali noong 1970; natapos ito taong 1973; 46 years ago. Pag aari ng Blackstone Group. May 110 na palapag at tatlong basement floors. May floor area na 416,000 m2 (4,477,800 sq ft) at mayroong 16 double-decker elevators, na mabilis na mag ahatid sa iyo sa observation deck.

Ang pinakamalaking tenant nang gusali ay ang United Airlines, na siyang umuukupa sa dalawampung (20 floors) palapag ng Willis Tower.

NOW WILLIS TOWER

Kinilala sa kanyang record height na tallest in the world mula taong 1973 hangang 1998. Hanggang sa susunod na pag lalakbay siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may istoryang Pilipino. Sangalan ng ating Kasangga-JR Langit minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.

BIYAHENG LANGIT SA CANADA

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan ninyo kaming bisitahin sila ito po Pareng Rey at JR Langit, tampok natin ngayon ay Celine Dion ng Canada.

“Lagi lang po akong nakikinig ng tape ni Celine Dion at Mariah Carey. Na inspired nila ako, kaya wala akong ginawa kung hindi kumakanta ng mga awitin nila.”

Ang pangalan niya ay Bernice Reyes, isang Filipina at naninirhan sa Canada. Ang hilig niya sa pag-awit ang siyang umakay sa kanya upang maging first Filipino ever na maging champion ng “Ottawa Idol.”

PRACTICE MAKES PERFECT

Bernice: Sobrang disiplina po, lagi po akong nag prapractice sa umaga. But not to much na yung maii-strain yung voice ko.

JR Langit: Nape perfect mo naman?

Bernice: di pa rin ako perfect marami pa rin po akong flaws, pero sakin po is perseverance, prayers and practice.

Ang landas na tinahak ni Bernice Reyes patungo sa pagiging singing idol, alamin natin ngayon. Isa sa pinapangarap ni Bernice Reyes ngayon ang makilala siya sa buong Canada, kaya ito ang pinag sumikapan niya. Sa murang edad, kinakitaan na ng husay sa pag-awit ang batang si Bernice na noo’y naninirahan pa sa Pilipinas.

MARIAH CAREY OF CANADA ALSO

Bernice: Lagi lang po akong nakikinig ng tape ni Celine Dion at Mariah Carey tapos ayun po lagi nalang po akong kumakanta. Kanta ng kanta sa buong araw. Una daw po akong mag salita o mag hmm mag mimic ng sound kaysa sa maglakad at tumakbo.

Patuloy na nagsasanay upang mahigitan pa ang mga tagumpay na nakamtan. Mula pagkabata nakahiligan na niyang makinig sa musika at umawit. Ang angking galing na pala ang maghahatid sa kanya ng tagumpay sa bansang Canada. Ganito ang kwento ni Bernice Reyes. Hindi naman nakapagtataka sapagkat ang sariling ama niya ay mahilig ding umawit.

JR Langit: San mo naman nakuha yung pagkahilig mo sa pag kanta?

LIKE FATHER LIKE DAUGHTER

Bernice: yung immediate po si daddy po. Lagi kong naririnig siyang kumanta, then sa mom side ko po, grandmother naririnig ko po syang kumakanta tuwing umaga alas-5am kumakanta na siya… Operatic po siya kaya siguro po ngayon na influence po ako.

Marami na siyang mga sinalihang patimpalak o singing contest. Noong nasa grade school pa lamang siya, grade one, grade two na nanalo na siya sa mga pa-contest. Noong siya na lamang ang laging nananalo, nang sumapit siya sa grade three sinabihan siyang huwag na munang sumali upang mapag bigyan naman yon iba. Sinalihan na rin nya ang mga amateur contest.

SINGING IN THE PARK

Nang mag-migrate ang kanilang pamilya sa Canada, dinala niya ang hilig sa pag-awit.

Bernice: Nung first 1 to 2 year nung lumipat po kami ng apartment ang una pong ginawa po namin ni kuya is kumanta sa apartment, habang naglilinis ng apartment. Pawala ng boredom kumakanta po kami. After 10, 15 minutes kinatok po kami dun sa apartment sabi bawal daw po mag ingay kaya sobra pong nahirapan po kami ni kuya na mag practice sa Canada. Kaya kung mag practice po kami may takip sa bibig o sa labas na lang po, sa may park at tinawag naming Singing in the Park.

Gayunpaman, hindi nagpadaig sa pagsubok si Bernice kaya naman nang dumating ang oportunidad na makasali sa isang singing competition, hindi siya nag-atubiling sumali.

OTTAWA IDOL

Bernice: May na meet po kami na sabi uy “may Ottawa Idol daw po” ganyan, then nag try na po ako.

JR Langit: Mahirap bang makapasok dito sa Ottawa idol?

Bernice: Siguro po kasi nung time na yun mga 300 contestants po yung sa Ottawa idol, base lang po muna kasi yun sa 300 contestant, 400 contestant, then pinili na nila yung top 25.

JR Langit: Hanggang sa?

Bernice: Hanggang sa top 12, top 6, and top 3.

TULIP FESTIVAL

Samantala, on the side dinaluhan rin ng Kasangga nating si JR Langit ang dinarayong Tulip Festival sa Ottawa, Canada.

Nag report si JR mula sa Commissioners Park sa Ottawa, kung saan taon-taon dinaraos ang Tulip Festival na dinarayo ng libo-libong mga turista. Ang taunang Tulip Festival ditto sa Ottawa sa bansang Canada ay sinasabing pinakamalaking tulip festival sa buong mundo.

Dito pa lamang sa park na ito meron nang 300,000 tulips ang nakatanim, bahagi ng isang milyong tulips na inihahanda ng buong Ottawa para sa 650,000 na bisita nito taon-taon.

BERNICE JUST LIKE TULIP

Taong 1953 nang simulan ang Tulip Festival, tuwing buwan ng Mayo isinasakatuparan ito. At simula noon, nagging tanyag na ito sa buong mundo.

Ang bulaklak na tulip ay sumisimbolo sa kagandahan at pagkakaibigan. Kaya naman ito ang napiling regalo ng royal family ng Holland sa bansang Canada bilang pasasalamat sa pagkupkop kay Queen Juliana noong panahon ng World War II. At na-taon na dito rin sa Ottawa nag-migrate ang pamilya ni Bernice Reyes. Tulad ng bulaklak na Tulip, dito umusbong ang ganda at galing ng tinig ni Bernice sa pag kanta.

WORLD CHAMPIONSHIP

Matapos pagtagumpayan ni Bernice ang Ottawa Idol, napili naman siyang kumatawan sa buong bansang Canada sa World Championship of Performing Arts taong 2016.

Bernice: Narinig po ako ng director ng World Championships of Performing Arts ng Canada, at siya ang nag anyaya para ako ang kumatawan sa Canada.

JR Langit: Ano yung pakiramdam mo bilang Filipino na ikaw na ang nag represent ng buong Canada sa naturang Tournament?

Bernice: Talagang kabado, medyo nahiya po ng konti, kasi inisip ko ah what if sabihin nila ibang race naman yan hindi siya white person kung di asian Filipino person na nag re represent ng Canada, but i stick to what I believe na gusto ko lang express yung kanta ko at yung time na rin po yun I’m proud po to be a Filipino and Canadian.

SECRET OF SUCCESS

JR Langit: Papaanong handa ang ginagawa mo sa bawat tournament na sinasalihan mo?

Bernice: Sobrang disiplina po, lalo na po sa Canada kasi malamig po. Bawal po talaga malamigan yung throat, nakabalot po ako lagi ng scarf lagi po akong tulog ng maaga dahil madali po talaga ako magka sakit. Lagi po akong nag prapractice sa umaga, but not too much na yung ii-strain yung voice and then mga bawal po na pagkain sakin. Bawal po yung mga spicy food tsaka peanuts, bawal yung sweets and colds.

JR Langit: Ano masasabi mong sekreto ng iyong tagumpay?

Bernice: Perseverance, Prayers and Practice.

SUMMATION

Tunay ngang kahit anong pangarap ang nais abutin, makakamtan ito kung atin itong pagsusumikapan.

Isang magandang halimbawa si Bernice Reyes, huwag sana nating kakalimutang lahat ng ating mga mithiin ay possible lamang sa tulong ng Maykapal. Patunay si Bernice na saan mang sulok ng mundo ay naroroon ang Pilipino, angking talento, sipag, at pananampalataya sa Diyos ang nagsisilbi nating susi sa tagumpay.

Hanggang sa susunod na Istorya siguradong hindi kayo mauubusan ng kwentong Pinoy, sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.

UP UP FILIPINAS

$
0
0

Isang napakagandang adhikain ang nilunsad ng PAF na UP UP FILIPINAS na ang tema ay PEACE and PROSPERITY, Pang-Kapayapaan at Pang-Kaunlaran sa Bansang Filipinas.

Sa leadership ni Lieutenant General Rozzano Briguez ang Commanding General Philippine Air Force at sa implementation ni PAF Col. Gerry Zamudio ay nailunsad ang initial na launching nang UP UP FILIPINAS sa ilang piling lalawigan.

MEDIA PARTNERSHIP

Naanyayahan ang inyong lingkod bilang Chairman ng KBP Metro Manila Chapter upang ibahagi ang ating simulain at hangaring mapalaganap nang accurate o wastong balita na nagmumula sa mainstream broadcast media.

Sa naging paanyaya sa inyong lingkod Rey Langit ni PAF Col. Gerry Zamudio upang mag host nang UP UP Pampanga. Aming pinaunlakan ang kanyang invitation at sa pamamagitan ng Kasangga Team, kaagapay si JR Langit naibahagi namin ang ilang kaalaman sa wastong bagba-balita at ang naging karanasan ng aming team sa media coverages na naging kaagpay ang Philippine Air Force.

CENTRAL LUZON VISIT

Isa ginanap na UP UP Pampanga noong June 26, 2019 isa sa aming panelist ay si AFP Northern Luzon Command Major General Emmanuel Salamat, siya rin ang aming naging kaagapay noon sa makasaysayang pag lalagay ng Bandila ng Pilipinas sa dating pinag-aagawang Benham Rise na ngayon ay kinikilala na sa tawag na Philippine Rise. Ibinahagi niya sa amin ang kanilang experiences at isinusulong na campaign bilang kaagapay ng inilunsad na UP UP Pampanga.

CONTINUING PEACE PROCESS

Ibinahagi ni Director Maria Carla Munsayac-Villarta mula sa tangapan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na patuloy pa rin ang sinusulong na Peace Process ng kanilang tangapan. Hindi man pinag uusapan sa national level, ngunit sa local at grass roots ay patuloy ang kanilang pag susulong nito.

Sa mga taga pakinig sa Radio at taga panood sa local television nang Pampanga inilahad sa amin ni Jesito Ponio Jr. Supervising Economic Development Specialist ng NEDA Regional office 3 ang mga proyekto nang National Government sa kanilang nasasakupan kung ilang porciento na ang natatapos, kung kailan ang pagtaya nila na matatapos ang mga proyekto, pag durogtong ng mga lalawigan sa pamamagitan ng mga tulay, kongretong highways at makabagong train. Ang mabilis at puspusan na pagtatrabaho na naaayon sa monitoring ng NEDA.

Sa ginanap naming open forum karamihan sa mga katanungan ay nagmula sa aming colleague sa broadcast media. Sumentro sa Programang “Pangkaunlaran at Pangkapayapaan” ang mga tanong mula sa reporter ng UNTV, GV-AM, nagtanong si Jane Argoso ng GNN-TV at Trisha Mostones ng ABS CBN.

Nakibahagi si Dr. Ben Caralde ng Bantay Bayan Foundation sa forum, isinalaysay ang kanyang Advocacy at patuloy na pakikibaka laban sa CPP-NPA-NDF. Ibinahagi ni Patrick Sacay mula sa Mayor’s Office ng Mabalacat City ang kanilang effort upang maabot ang mga maliliit nating kababayan sa mga sulok sulok nang Mabalacat. Aktibong nakilahok si Gina Doria ng GV-AM radio station sa UP UP Pampanga.

UP UP Pampanga

ADDRESSING FAKE NEWS

Isa sa mga resource persons ay si Director William Beltran ng PIA, tinugunan niya kung papaano nila winawasto ang mga maling balita o Fake news na madalas na kumakalat sa social media.

Pinaliwanag ng inyong lingkod Rey Langit kay Ms Gina ng GV-AM ang kahalagahan ng partnership ng KBP Metro Manila Chapter at Philippine Air Force sa pag papaabot ng wastong impormasyon sa mga kanayunan at kumunidad laluna sa malalayo at liblib na mga lugar.

DEPUTY CHIEF OF STAFF AS PART OF THE ADVOCACY

Sinagot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) deputy chief of staff for civil-military operations MGen Antonio Parlade Jr. ang aking mga katanungan hingil sa kung papaano nila tinutugunan ang mga issues ng mga makakaliwa, laluna sa mga kanayunan. Samantala nitong Sabado lamang June 29, 2019 ay isinakatuparan ang launching ng makabuluhang UP UP Cebu sa Mactan.

Representatives mula sa DYMR radio station, Bombo Radyo Pilipinas at Bantay Bayan Foundation actively participated sa question and answer portion ng UP UP Cebu Program. Nakibahagi si Dr. Ben Caralde, President ng Bantay Bayan Foundation at naroon din si Mr. Glenn Soco ng RDC. Nakibahagi sina Cpt. Joe Martinez mula sa 3rd CRG at LTC Rhoderick Parallag ng CENTCOM.

KBP FOR PEACE AND PROSPERITY

Si Atty. Cynthia Barte, Legal Council ng KBP ay aktibong naging resource person sa aming Forum. Ibinahagi niya ang kanyang mga concern bilang isang educator, Professor by profession. Ang kanyang experience, knowledge at wisdom. Ayon Mr Efren Carreon, Regional Director ng NEDA hindi tumitigil ang kanilang tangapan na makipag ugnayan sa ibang mga ahensiya ng pamahalaan upang maisulong ang magandang adhikain ng National Government.

Ibinahagi ni Ms Fayyete C. Rinen, Regional Director ng Philippine Information Agency (PIA) ang kanilang campaign kung paano abutin ang mga mamamayan sa liblib na lugar at marinig ang kanilang mga pangangailangan.

UP UP Cebu

PARTING WORDS

Makalipas ang mainit na talakayan, ganap na 1245H tinapos natin ang makabuluhang media forum ng UP UP CEBU, at sinundan ito nang Boodle fight.

Hindi rito nag tatapos ang UP UP CEBU event. Nagkaroon pa nang pagpupulong ang mga military officers sa pangunguna ni PAF Col. Gerry Zamudio na ang main objective pag isahin at i-synchronize ang Advocacy at mission ng CMO ng PAF masuportahan ang NTF, ELCAC at CSP of CENTCOM. U7, CRG, ARCEN and TOGs Commader. Malaki ang naging bahagi ng KBP, KBP Metro Manila Chapter, ng PIA at Radyo Pilipinas. Ang kanya- kanyang representatives ay nakibahagi sa pag pupulong, ang papuri at congratulations sa well organized at fruitful event na media forum ng UP UP CEBU.

Abangan ang mga susunod pang actual events at makabuluhang Journey ng UP UP FILIPINAS!

PADAYON PAF

$
0
0

Ang Partnership natin sa Philippine Air Force ay way back, nagsimula pa in the early years ng aking career bilang bata pang mamahayag o broadcast journalist.

Ang PAF ay naging material upang kami ay makawala sa pagkaka hostage sa amin ng mga armadong NPA nang kami ay magsakatuparan ng election coverage sa Tarlac taong November 11, 1969. Kasama ko ang nasawing si Danny Hernandez, kami ay bahagi ng unang batch ng ABS-CBN Radyo Patrol, kami ang 1st generation na nasabak sa mga mapanganib na media coverages.

LAHAR RESCUE

Nang maganap ang Mount Pinatubo eruption noong June 1991 (described to be the second-largest volcanic eruption on Earth) habang isinasakatuparan ko ang broadcast coverage na yon para sa aming Tv Show na “Action 9” sa RPN 9 ang isa sa mga tulay ay nag collapsed. Sakay kami ng Huey Helicopter nang Phil. Air Force, piloto namin ay si Lt. Antonio Francisco na ngayon ay isa nang Colonel, sinagip namin sa isang daring rescue operation si Dra. David mula sa rampaging and steaming lahar nang mahulog sila sa nag collapse na tulay kasama ang kanyang husband na si Judge David ng San Fernando Pampanga.

Na survived ni Dra. David ang traumatic experience na yon. Makalipas nang retrieval mula sa lahar inilipad namin siya kaagad sa Ospital sa Camp Olivas Pampanga, bagamat hindi na na-survived ni Judge David ang incident na yon, isa siya sa mga casualties.

GRENADE LAUNCHER FIRING

Sa Santo Tomas, Batangas habang isinasakatuparan namin ang isang media event kami ay pinaputukan ng grenade launcher ng pangkat ni Ka-Hector Mabilangan, NPA ng Southern Command. Ang Philippine Air Force ang umagapay sa amin upang bugawin ang mga NPA. Kasama ko noon sina Vice President Joseph “Erap” Estrada at Ping Lacson na hepe nang PAOCTF sa pag-exhume ng body ni BIR Director Matic, na biktima ng kidnapping.

Hindi ko rin malilimutan ang Sipadan kidnapping incident noong April 2000, kasama ko si dating AFP Chief of Staff Deomedio Villanueva sa Helicopter nang paputukan kami ng pangkat ng Abu Sayaff, sa galing nang Piloto ng PAF ay mabilis kaming nakaligtas sa tiyak na kapahamakan. Ang PAF sa maraming pagkakataon sa aking Career bilang broadcast journalist ay naging kaagapay na natin sa maraming mga challenges.

JOURNEY NG KASANGGA

Kakakaibang experience na aming sinuong kasama ang ating Kasangga na si JR LANGIT noong May 2018, nang aming tahakin ang karagatan ng Benham Rise na ngayon ay kilala na sa tawag na Philippine Rise. Ang makasaysayang “takeover ng Benham Rise” ang underwater plateau na nasa layong 250 km east ng northern coastline ng Dinapigue, Isabela ang diklaradong bahagi ng ating continental shelf.

Mula sa Villamor Air base, Pasay City kaagapay ang PAF, lulan kami ng C130 ay lumipad sa Casiguran, Aurora sa Central Luzon. At sakay Navy boat inihatid kami sa dambuhalang barkong BRP DAVAO DEL SUR (LD602).

Hindi naging hadlang ang ano mang unos o sama ng panahon sa Pacific Ocean. Hindi rin nakapigil sa amin ang ang interest at claim ng ibang kalapit na bansa sa Banham Rise. Hindi kami iniwanan, patuloy na sinubaybayan ng Phil. Air Force hangang mag landing sa helipad ng Barko ang PAF Presidential Helicopter lulan ang Pangulong Rodrigo Duterte.

CONTINUED JOURNEY

Ngayon ka-isa kami sa KBP Metro Manila Chapter ng Phil. Air Force sa adhikain na pag susulong ng Pang- Kapayapaan at Pang-Kaunlaran sa ating Bayan, sa “UP UP PILIPINAS!”

Sangalan ng HIP TV Inc. at KASANGGA Mo Ang Langit team sa pangunguna ni JR LANGIT, ang aming taos pusong pasasalamat sa pinagkaloob na pagkilala sa 72th PAF Anniversary Stakeholder’s Awards Night – July 2019 na ginanap sa Villamor Air Base sa Pasay City. Sa recognition na pinag kaloob sa amin, sa pangunguna ng kanilang Commanding General na si Lieutenant General Rozzano Briguez at PAF Col. Gerry Zamudio.

Ang temang “Peace and Prosperity” na nakapaloob sa aming dinaluhang Up Up Pampanga, Up Up Cebu, Up Up Zamboanga (among others) ay kapakinabangan hindi lamang ng iilan nating mamamayan kung hindi sa pang kalahatan, pati na sa kabataan at kanilang kinabukasan na siyang magpapatuloy sa pamamahala at pag-ugit ng ating Bayan.

Let’s move forward, UP UP!


KASANGGA SA ULTIMATE MISSION

$
0
0

Isang modernong Hukbong pang-himpapawid, “yung vision na yun na kami ang maging more credible more capable organization that is responsive to national security, national development ay ma aatain naten especially in terms of a serving our Filipino,” pahayag ni PAF Col. Gerardo Zamudio, Jr.

Mga Kasangga sa paglilingkod sa bayan, “yung experience namin together with mr. rey langit na talagang aksyon na aksyon talagang nagsisigawan nga kami sa taas sa chopper kanan kanan kaliwa kaliwa,” Salaysay ni Col. Antonio Francisco.

PHILIPPINE AIR FORCE MODERNIZATION

Alamin ang planong modernisasyon ng ating Hukbong himpapawid ng Pilipinas at ang benepisyo nito sa ating bansa. Ako Si Pareng Rey Langit Ang pagkilala ng Airforce sa kanilang mga katuwang sa pagtulong sa bayan, kabilang ang ating Kasanggang Rey Langit, ating tunghayan. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

Ang episode na ito ay hango sa aming Kasangga Mo Ang Langit TV Program ni JR Langit sa PTV4 na napapanood ganap na 10:30 tuwing Biyernes ng gabi. Ang weekly public affairs at public service program na ito ay nasa kanyang 21th year na napapanood sa national television.

Ginawarang Best Public Service for Television ng Catholic Mass Media Awards at kinilala bilang Best Public Affairs Television Program ng KBP Golden Dove Awards.

Makabuluhang 21 taong na paglilingkod sa bayan. Ang tunay na Public Service ay naihahatid ng Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit na siyang nagbibigay nang pag-asa sa tao, na ultimate mission namin para sa inyo.


The DARING RESCUE MISSION together with the PAF team

FIGHTER AIRCRAFT PROCUREMENT

Isa ang Philippine Airforce sa mga sangay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na hindi nabigyan ng sapat na atensyon sa mga nagdaang panahon. Pero sa ilalim ng modernisasyon ng AFP, isang bagong pwersang pang himpapawid ang ating makikita sa darating na hinaharap.

Pagsapit ng 2028, isang hukbong panghimpapawid ang makikita nating may kapabilidad na idepensa ang ating himpapawid laban sa panganib.

Kinapanayam ni JR Langit si Col Gerry Zamudio.

JR Langit: Meron pa ho bang mga pagbabago na isinasagawa na bahagi ng modernization ng Philippine air force?

Col. Zamudio: Meron, sa modernization ay gusto natin siyang magkaroon ng achieve us yung ground base defends system at yan ay approved na at for delivery na yan. Meron tayong darating na helicopter galing sa Russia at marami tayong mga platforms na darating yung black hawk darating na rin siya 16 yan and at the same time meron tayong darating na isr, ito ay importante sapagkat marami itong pwedeng iperform specially in terms of internal security operation. At yung ating west Philippine sea requirements and at the same time yung ating HEDR.

TO BEEF UP ITS DEFENSE AND SURVEILLANCE CAPABILITIES

Ang Flight plan 2028 ay labing apat na taong modernisasyon ng hukbong pang himpapawid ng bansa na inilunsad nuong 2015. Kabilang sa mga naunang resulta nito ang mga FA-50 light fighters mula sa South Korea na nagamit sa pagsugpo sa mga terorista sa Marawi siege.

Col. Zamudio: Ang plano namin ay sundan namin ang aming flight plan 2028 may mga miles stone yan so sinusundan namin yan para sa ganun ang ating modernization ay ating maipatupad. Kinakailangan lang po namin sa ating mga kababayan ay suporta. Patuloy po nating suportahan yung ating Philippine air force, yung ating modernization program.

Sa pagtupad ng kanilang tungkulin at sa modernisasyon, mayroong mga Kasangga ang Phil Airforce. Maliban kasi sa pagdepensa sa ating himpapawid, malaking tulong rin ang airforce pagdating sa mga sakuna at kalamidad.

AWARD OF GRATITUDE

Sa kanilang Stakeholders Awards night ay ibinigay nila ang pag papahalaga at pag kilala sa mga kaagapay ng Philippine Air Force. Kasabayan ng kanilang flight plan for the 2028 ay inilunsad ang Stakeholders Awards Night na naaayon sa kanilang flight plan for the 2028. Hangad nilang lalung maging responsive ang ating mga kababayan sa national security at national development kaagapay ang mga stakeholders sa mga engagement na ito at pag tugon sa mga ninanasang mga pag babago ng PAF. Inaasam rin ng Philippine Air Force na lalupang mapag buti ang kanilang capabilities pagdating sa pagtulong sa mamamayan sa panahon ng disaster at calamities.

Kaya ngayong taong ito 2019, inilunsad ng Airforce ang ikalawang Stakeholders Awards night kung saan kinikilala ang mga Kasangga nila sa serbisyo at napasama dyan ang inyong lingkod. Isa ang ating Kasanggang si Rey Langit sa mga kinilala ng Phil Airforce sa kanilang stakeholders awards. Sa loob ng maraming taon nya bilang mamamahayag, naging katuwang ng airforce si Rey Langit sa pagtugon sa mga kalamidad at rescue operations.

SYMBOL OF GRATEFUL RECOGNITION

Ang naging pahayag ng Commanding General ng PAF na si Lt. Gen Rozzano D. Briguez AFP:

“Pagpapasalamat sa lahat ng 
ating mga stakeholders, 
stakeholders sa media, stakeholders sa gobyerno, stakeholders sa business, stakeholders sa medical. 
Kasi napakalaki po ang tulong ninyo lalo na kayo sir Rey Langit sa lahat ng mga adbokasiya ng Philippine air force sa pagtulong ninyo sa mission and accomplishment ng Philippine air force para sa humanitary assistance, disaster response specially sa mga panahon ng sakuna at tsaka sa pagbibigay narin ng tulong na support on national development. 
Kaya minabuti po namin na talagang hindi na namin palalagpasin ang 
aming anibersaryo without giving honor and recognition sa inyo na aming mga Stakeholders. Ito po ay aming taos pusong handog sa lahat ng aming mga Kasangga, kayo na aming kasangga. Kasangga ninyo, Kasangga nating lahat para sa pagseserbisyo sa bayan, kaya Sir Rey marami pong salamat.”

Magbalik tanaw tayo sa mga naging karanasan ng inyong lingkod habang nagseserbisyo publiko, sakay ng helicopter ng Airforce.

Col. Francisco: Actually yun yung isa sa mga masasabi ko na nating one of the most and unforgettable experience yung na experience namin ni mr. rey langit that was very, very dangerous! Something that I cannot forget, up to now na nanariwa pa rin sa isipan ko. It happened around 25 years ago.

EXTREMELY DANGEROUS EXPERIENCES

At sa mga mapanganib na insidente tulad ng pagpasok sa teritoryo ng Abu sayyaf, mapapatunayan ang kakayahan ng ating mga piloto.

Rey Langit: doon sa ilan sa mga land mark and achievement ko po sa aking career in partnership with PAF na hindi ko malilimutan. Noon sa Sipadan Kidnapping incident, sinakay po ako ng PAF helicopter kasama si former AFP chief of staff General Deomedio Villanueva pinagbabaril po kami ng mga Abu Sayaff, sa galing po ng aming piloto mabilis kaming naka iwas sa tiyak na kapahamakan.

Ganon din nang retrieval ng body ni BIR Commissioner Matic na ibinaon makalipas kidnapin sa Santo Tomas Batangas. Nagtungo kami upang e-exhume ang kanyang katawan na ibinaon. Pinaputukan kami ng grenade launcher ng pangkat ni Hector Mabilangan ang Commander ng NPA sa Southern Command. Historical dahil kasama ko noon sina Sen. Ping Lacson hepe pa siya ng PAOCTF at si Erap Estrada Vice President noon. With the help ng Airforce helicopter nabugaw sila. PAF saved our lives.

MOUNT PINATUBO ERUPTION

JR Langit: Isa rin marahil sa mahirap kalimutan ay ang karanasan ng ating Kasangga Pareng Rey Langit kasama ng Airforce ay nang sumama sya sa rescue operations nang pumutok ang Mount Pinatubo, dumaloy ang lahar at sinagip ang mga taong tinangay ng lahar dahil sa pagbagsak ng tulay dulot ng rampaging lahar.

Rey Langit: Isang magaling na Piloto ang may hawak sa aming sinasakyang Helicopter, nong panahong yon ay isa palamang syang Lieutenant. Narito si Col. Antonio Francisco sa kanyang pag sasalarawan ng aming karanasan:

DARING RESCUE MISSION

That time talagang nagbabaha ng lahar nun talagang rampanging, matatabunan ang mga tao. Sa town of Sismoan ito, sa Pampanga at that time kakainin na sila ng lahar so yung mga tao tumatawid sa make ship bridge sinira naman ng lahar yon tulay it was rampanging talagang malaki ang agos. It happen nung pagka landing namin yung ship bridge biglang nag collapsed, so yung mga tao biglang nahulog lahat sa lahar, yung mga tumatawid by foot so those were able to make it immediately up, makikita mo duguan, yung mata duguan na, yung tenga because of the pressure of the lahar and at that time one of the victims non is yung asawa ni Judge David yung mag asawa actually si Judge David immediately namatay nung nahulog pero yung asawa niya si Dra. David ang nasagip namin. Siguro sabihin na natin na from north edsa Sm to a mega mall ganun kalayo yung hinabol namin nakita naming siya because she was able to float nakakapit sa log so lumulutang siya together with the lahar, nakakapit siya dun. Wala na puro buhangin na mata niya tenga, ilong, lungs. Pag naririnig niya yung chopper kumakaway siya kumakaway that’s why doon namin siya nakita together with Mr Rey Langit.

JR Langit: Mga hero po pala kayo nun.

Col. Francisco: Talagang bumababa kami doon sa in between the dikes hinahabol namin siya, can you just imagine yung putek na umaano, because of the rotor wash natatakpan na yung shield namin ng puro putik na wala na kaming makita. Sa bubbles nalang kami nakatingin doon nalang kami nag rerefer and fortunately walang nangyaring masama samin.

SUMMATION

Mayroon pa rin tayong mga buhay na bayani, tulad ng Piloto namin na si Lt. Tony na ngayon ay isa nang ganap na PAF Colonel Antonio Francisco CRSAFP. Laang itaya ang buhay magampanan lamang ang kahandaang makatulong sa kapwa.

Mabilis ang aksyon kapag tulong-tulong. Hindi kakayaning mag isa ng gobyerno ang tumugon sa ating pangangailangan kung wala tayong kooperasyon.

Ang bigkis ng pagkakaisa para maabot ang misyon ang ipinakita ng Phil Airforce sa kanilang Stakeholders awards night.

PEACE AND PROSPERITY FOR ASIA-PACIFIC

$
0
0

Isang malaking pag titipon ang ginanap sa Pilipinas kamakailan na dinaluhan ng iba’t ibang mga Bansa sa Asia Pacific. Mahigit 300 Delegates ang dumalo, kasa na rito ang North Korea o Democratic People’s Republic of Korea-DPRK at South Korea na dating magka away, ngayon ay magkaibigan na.

Nais kong ibahagi sa inyo ang aking naging “Welcome Speech” sa pagtitipon na tinawag na International Conference for “PEACE and PROSPERITY OF ASIA-PACIFIC,” na ginanap sa Conrad Hotel Manila noong Biyernes, July 26, 2019.


REY LANGIT: We have been in the so-called DMZ or Demilitarized Zone, guarded by countless soldiers and landmines ranged along the 248km stretched.

About 7 million visitors come every year to see through binoculars how the other side of Korea looks like. Through the infiltration tunnels, photographs are taken in front of the war-time monuments and relics. To feel the atmosphere of DMZ as a place of war and tension.

November 13, 2018

During International Conference for “PEACE and PROSPERITY OF ASIA-PACIFIC,” in Seoul South Korea, participated in by Asian countries my name, REY LANGIT was called upon by Chairman Bu So An to come on the stage, to witness the covenant of North and South Korea in that very Momentous and Significant event of the Year.
I cannot believe it myself witnessing the historical binding agreement between the two Countries with the longest conflict in history.

US President Trump on a Sunday-only last month June 2019 became the first American commander in chief to set foot in the North side of Korea and met Kim Jong-un, the country’s leader.

This is the same place former US President Bill Clinton used to call, “the scariest place on earth.“

July 26, 2019, that’s today, in the Philippines another Historical Event! For the 1st time, let’s welcome the Delegation of the “Democratic People’s Republic of Korea,” headed by Vice Chairman Ri Jong Hyuk of Asia Pacific Exchange Association of North Korea.

I wish to acknowledge the initiative of South Korean Organizer and delegates, the team of Asia-Pacific “Peace And Prosperity” led by Chairman Bu So An. H.E. Gerard Ho Wei Hong, Singapore Ambassador.

Our very own and my good friend, Hon. Silvestre “Bebot” Bello III Secretary of Labor and Chairman of Philippine Peace Panel. Major General Antonio Parlade Jr., Deputy Chief of Staff Civil-Military Operations, AFP. Mr. Rolando Lakay Gonzalo, President of National Press Club-NPC. My Korean brother, Chairman James Lee, who worked very hard to make this event a success. CEO of HIP-TV INC. my co-host in our Television show, my colleague in the Industry, my Kasangga, my son, JR Langit. KBP Metro Manila Chapter members.

Other dignitaries, Government officials, Delegates and representatives of different Countries. Our colleagues in international media, print & broadcast journalist, and social media.

Ladies and Gentlemen, I was part of the 1st batch, 1st generation of Radyo Patrol of the Broadcast Network called ABS-CBN. As a field Reporter i saw, i witness and reported “On the Air” the bloodshed during 1st quarter storm. Witnessing the bloody “August 1971 Plaza Miranda bombing during Political Rally” with several casualties. I became a hostage victim myself during the media coverage in the Province of Tarlac by the insurgents.

“I have been searching for peace, since then.”

Before martial law was declared in the Philippines in 1972, as a journalist we feared the suspension of the “privilege of the writ of habeas corpus” served as grounds for the authorities to target journalists. Seemed like a crackdown on journalists, which prompted many to go into hiding.

“I been searching for peace in my career.”

Our Station then was shut down, it was next to impossible for us to look for work. Everywhere we felt our movements are restricted and like many others during that time, our human rights were clearly violated.

“I said to myself, where is peace?”

I was instrumental in giving solutions to conflicts Highlights of my colorful career that became landmark in the Philippine Broadcasting history.

I was part in initiating solution and dialogue to the 3 day Makati Siege. The military stand-off, the dialogue bet. two groups, the Philippine Government and the Rebel Soldiers became possible and happened through my “On The Air” radio broadcast over DZRH. Followed by the historical Back To The Barracks!

“But still hoping for real peace to happen.”

In Santo Tomas, Batangas a near by Province, i was with Government officials namelyJoseph “Erap” Estrada, was then the Vice President of the Philippines and Senator Ping Lacson was then head of PAOCTF. We were to exhume the body of another Government Official, a BIR Director, Director Matic, a kidnap victim, who was Killed and buried in the same place. We were fired upon with Grenade Launchers by the group of Ka- Hector Mabilangan, head of the New Peoples Army, of the Southern Command, some of us were wonded.

“I was chasing peace all my life.”

In three different occasions the name Rey Langit was requested to help negotiate in an incident of “Hostage Taking.” All the incidents turn out to be a success. No bloodshed and ended up in the surrender of the hostage takers.

“It was peace, but prosperity was still missing.”

On August 1983, a Senator of the Philippines, Senator Benigno Aquino was assassinated minutes after his arrival at the Airport. I got the exclusive live Radio coverage of the whole Event. We gave the listeners real-time account of one of the most historically significant days in modern Philippine history.

I was asking myself, why on a broad day light, on a Sunday, a prominent Senator will be killed in Public.

“Where is peace?”

I attained phenomenal success in my broadcasting career, i have shown a steady and quiet dedication in seeing the needs of people, who are left unheard and whose interests lay forgotten.

I have work tirelessly to raise awareness to relevant issues and sensitivity to the subjects of the News Stories, all in the name of professionalizing and maintaining the excellent standards of the Philippine media industry.

Mid 70’s Filipino People heard my voice saying “Ito ang Palatuntunang walang kinatatakutan, sapagkat ang pangngahas nito ay kapangyarihan na nagmumula sa mamamayan, People Power!”

In English, “We fear nothing and we fear no one, because this program gathers its strength from the people and this is, “People Power!”

Year 86’ People Power became the word in every corner, people marched on the streets shouting People Power!

People Power spread like wildfire, all over the country and all over the world. People Power that changed the Philippine Government in 86’ was the same People Power that ousted Slobadan Milosevic of Yugoslavia. People Power changed the course of history for Nepal, Myanmar, Romania, Czech Republic, Germany, Egypt, including South Korea. And the rest is history!

My contribution to national and global history is the legacy of People Power!!!

Only this year, the unusual recognition & unusual Title was handed to me as the “Living Legend of Philippine Radio.” Awarded during the United Nations World Radio Day given at the Senate of the Philippine, February 2019.

REMEMBER

“To replace the old paradigm of war with a new paradigm of waging peace. We, the People present here. You, the Delegates of this conference are the Warriors For Peace. You are super special because you can push the boundaries of human understanding!”

I am very proud to be part of this group and this event. For the no let-up battle for peace and continuing effort in bringing this peace not only in your doorsteps, not only in your home country, but Peace And Prosperity in the Asia Pacific Nations.

Congratulations & Welcome!!!


PEACE AND PROSPERITY FOR ASIA-PACIFIC: PART 2

$
0
0

Nasa takipsilim na ng kanyang buhay si Lola Estelita subalit hanggang sa ngayon, malinaw sa kanyang pag iisip ang dinanas nyang dusa sa kamay ng mga hapon noong Ikalawang digmaang pandaigdig noong 1942.

Samahan nyo kaming alamin ang kwento ng isa sa mga natitira pang comfort women sa Pilipinas. Ako si Pareng Rey Langit.

Alamin ang sama-samang pagsisikap na matamo ang pandaigdigang pagkakaisa at kapayapaan. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit. Ang episode na ito ay hango sa aming Kasangga Mo Ang Langit TV Program ni JR Langit sa PTV4 na napapanood ganap na 10:30 tuwing Biyernes ng gabi. Ang weekly public affairs at public service program na ito ay nasa kanyang 21th year na sa national television.

Makabuluhang 21 taong na paglilingkod sa bayan. Ang tunay na public service ay naihahatid ng Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit na siyang nagbibigay nang pag-asa sa tao, na ultimate mission namin para sa inyo.

REAL LIFE STORY OF A VICTIM

Nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, nakauwi rin sa kanyang mga magulang si Lola Estelita at nakapagpatuloy ng kanyang pag-aaral. Lumuwas na rin sila sa Metro Manila at dito nagka-asawa si Lola Estelita at nagkaroon ng mga anak. At noon ngang 1993, nagpasya si Lola Estelita na ikuwento na sa publiko ang kanyang karanasan.

Sa ginawang pakikipanyam ni JR Langit kay Lola Estelita, ganito niya sinalaysay ang hindi malilimutang karanasan: “tinatapon ang pinapatay nilang tao pag katapos naman kami dinala sa garison pagdating ko noon sa garison pag baba namin dinala nila kami sa bahay na may kuwarto-kuwarto.”

Tubong Talisay, Negros Occidental si Lola Estelita. Mahirap subalit maayos ang kanilang pamumuhay sa isang hacienda sa Negros. Nagbago ang lahat nang dumating sa bansa at sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.

RAPE VICTIM STORIES

Lola Estelita: Ako’y nag titinda nung kinukuha na nila yung mga tao Na pinapipila dun sa plaza. ako naman nag kubli sa takot yun pala na mayroon palang isang hapon na nag babantay sa akin nakita pala ako na nag kubli ako sa takot ko bigla akong tumakbo mabilis eh nadapa ako inabutan niya ako tapos hinawakan ako sa buhok dito itinaas ako pag katapos inekis yung kamay ko pag katapos meron dun sa gilid ng plaza merong truck na may mga ilang babae na nakatayo doon sa truck may isang hapon na nag babantay may bayoneta ang dulo ng baril pag katapos pag akyat ko doon sa truck may mga tao pala na natapos na nilang patayin, mga pinupugutan nila ng ulo.

Isa lamang si Lola Estelita sa hindi mabilang na Pilipina na naging comfort women noong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas. Sa edad na katorse, masakit para kay Lola estelita na ilarawan ang sinapit nya sa kamay ng mga hapon.

Lola Estelita: tapos ginahasa ako, tapos may sumunod pa nararamdaman ko nasaktan ako nilabannan ko. Yung hapon nagalit sa akin hinawakan ako sa dalawang tainga ubod lakas na inuntog ako sa lamesa, na walan ako ng malay nagising ako wala na yung hapon may isang babaeng lumapit sa akin sabi sa uulitin wag ka nang lumaban kasi baka mamaya ikaw ang patayin pa. kaya ako pagna gahasa… ng hapon umiiyak nalang ako.

A SURVIVOR

Nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, nakauwi rin sa kanyang mga magulang si Lola Estelita at nakapagpatuloy ng kanyang pagaaral. Lumuwas sila ng Metro Manila at dito nagkapag asawa si Lola Estelita at nagkaroon ng mga anak. At noong 1993, nagpasya si Lola Estelita na ikuwento na sa publiko ang malupit niyang karanasan.

JR Langit: Papano po kayo na pag sama sama dito sa Lila Pilipina ?

Lola Estelita: Eh kasi lahat ng ano lahat ng mga naano ng mga hapon nag sasalita na, kasi si lola Rosa lumantad na para daw mabigyan ng hustisya ang kaapihan namin. eh ako nga eh lumabas si Lola Rosa 1992 nahiya pa ko sa sarili ko na bakit pa. Pero 1993 na isip isip ko siguro kako tama sila Lola Rosa para mabigyan ng katarungan ang aming kaapihan.

Nasa isandaan at pitumput apat ang comfort women na miyembro ng LILA Filipina na dating kilala sa tawag na Task Force On Filipino Comfort Women. Sa ngayon ay nasa anim na lamang ang natitirang buhay sa kanila kabilang si lola Estelita. Sa kabila ng kanilang edad, hindi sila tumitigil sa paghahanap ng katarungan para sa kanilang sinapit.

PAIN AND AGONY

Lola Estelita: yung mga comport woman hindi naman nila iniintindi matagal na kaming humingi ng hustisya wala ni isa sa kanilang mga presidente walang na itulong saamin. Ang konting tumulong lang samin yung mga ma mamayan ng hapon yun lang ang tumutulong samin.

Joana Salvador: Meron sa Korea yung mga tulong galing sa Korea naalala mo yung magkaibigan mula sa Korea.

Hustisya at kompensasyon para sa mga comfort women ang isa sa naging tema ng ikalawang International Convention for peace and Prosperity in the Asia Pacific. Sa bibihirang pagkakataon ay magkasama sa iisang entablado at nagkakaisa ng pahayag ang South at ang North Korea. Kasama rin sa komperensya ang mga opisyal ng Japan na inaakusahang nagpabaya sa mga comfort women.

Isang magandang pagkakataon ang mga ganitong komperensya upang maibahagi sa mundo ang kwento ng mga comfort women upang mabigyan sila ng hustisya at kompensasyon.

MESSAGES OF SYMPATHY

Ganito ang naging mensahe ni Vice Chairman Ri Jong Hyuk of Asia Pacific Exchange Association of North Korea o Democratic People’s Republic of Korea-DPRK. “In such a country, glorious country in Philippines we are very happy to open this kind of international Convention which displays and shows the other world crimes, the Japanese impurities and later in the future our country, with us hand to hand to do together the Philippines and DPRK all together to propelled the prosperity and peace. We just want to say highly thank you again and we wish there are good fruits and success in your struggle to achieve peace and stability and independence. Thank you.

Sa kanyang panig, binigyang diin naman ni Labor Secretary Silvestre Bello lll ang kahalagahan ng pagkakaisa upang matamo ang kapayapaan. Ganito ang naging speech ni Labor Secretary Silvestre Bello III: “Too many people who live and struggle in a world of devastated by war and violence, for those of us away from corrupt zone the storms and images from the fake news and comparison to the narratives from the communities expose to war while we refuse to accept conflict as a way of life what is a reality and this suffering is overwhelming peace is there for is form up to the recognition of the need everlasting peace by taking all stakeholders in the progress when we see the sorrows of war and the time who drives humanity to violence in the everyday news we must also remember we must never forget the promise of peace and It’s never too late to hope for peace.”

Ganito naman ang naging tema ng mensahe ni Major General Antonio Parlade jr. Deputy Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines: “at sana maging party sila makatulong sila sa pag palaganap ng katotohanan makita nila yung observation na nakikita nila sa Pilipinas at i-announce ito, iparating nila ito sa buong mundo na ang pilipinas ay nasa tamang landas tayo ay nagiging maayos na bansa at patungo tayo sa development na ating inaasam asam.”

SUMMATION

Isang napakagandang hakbang ang sama samang pagsusulong ng ibat ibang mga bansa ng katarungan at kapayapaan para maitama ang mga nakalipas na pagkakamali.

Mahalaga rin ang mga ganitong pagtitipon upang maipagbigay alam sa buong mundo ang kalagayan ng kapayapaan sa Pilipinas.

Ang mga kwentong katulad ng kay Lola Estelita kapag hindi nagkaroon ng resolusyon ay mananatiling hadlang sa pagtamo ng kapayapaan. May kasabihan na walang naghihintay na bukas para sa mga hindi marunong lumingon sa Kasaysayan.

BARISTA’S SIGN LANGUAGE

$
0
0

Kakayahang maging normal sa gitna ng kapansanan.

Finger Spelling System

Paano nga ba nag kakaunawaan gamit ang sign language kung gusto mong mag-order ng kanilang mga specialty tulad nang Espresso, ng Americano, Latte o Capuccino.

  • Kapag gumawa ka nang hugis C sa yong kamay – capuccino ang orderin mo.
  • Kapag ang kamay na hugis C ay isinara mo, ito ang katumbas ng espresso.
  • Kung gusto mong omorder ng americano, kamao ni Digong na tumaas ang gamitin mo.
  • At kapag ang ginamit mo naman ang sign ng Liberal, ibig sabihin ang order mo ay latte.

Alternative Communication

Ang episode na ito ay hango sa aming Kasangga Mo Ang Langit TV Program ni JR Langit sa PTV4 na napapanood ganap na 10:30 tuwing Biyernes ng gabi. Ang weekly public affairs at public service program na ito ay nasa kanyang 21th year na sa national television.

Makabuluhang 21 taong na paglilingkod sa bayan. Ang tunay na public service ay naihahatid ng Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit na siyang nagbibigay nang pag-asa sa tao, na ultimate mission namin para sa inyo.

To Empower

Aida Sotto – Project Chairman ng Rotary Barista: “Ang main goal po namin is to give them employment to empower them to be able to teach them skills para yung goal is ma employ sila and mag karoon ng normal life.”

Alamin kung paano binabago ng isang grupo ang buhay ng ilang PWD at kilalanin natin ang ilan sa kanila. Sa ginawang pakikipanayam ni JR Langit kay Aida Sotto, ang Project Chairman ng Rotary Barista:

JR Langit: Kailan pa ninyo pinasimulan ito?

Ms. Aida: Nagsimula kami mga 2016 it was spearheaded by our Charter President of Rotary San Juan Central, Rosarie Villasor Resort and nag karoon kami ng TESDA accredited Rotary Barista at we wanted to make it para sa PWD.

Julyan’s Coffee Spot

Usong uso ngayon ang coffee shops, ngunit kakaibang coffee shop ang isang ito na matatagpuan sa Globe Tower. Kaakibat kasi ng pagsisilbi nila ng kape ang adbokasiya at pagmamahal sa kapwa.

Sa Julyan Coffee Spot, matatagpuan ang mga empleyado na PWD o people with disabilities at karamihan sa kanila ay bingi at autistic. Sa pagpapatuloy ng pakikipanayam ng Kasangga Team kay Rotary Deaf Barista, Project Chairman Aida Sotto.

JR Langit: At isa po yata sa naging inspirasyon po nitong Julyan Coffee ay yung anak po nung may ari, tama po ba?

Ms. Aida: Yes yung Julyan coffee Spot was created because yung may- ari na si Rachel Harrison has a son na may autism kaya gusto niyang ma-empower yung adbokasiya talaga, is to empower the PWD or Person’s with special needs kaya itong Julyan Coffee Spots was born.

Sign Perception

Ang mga PWD na empleyado ng coffee shop ay sinanay muna sa Rotary Barista na accredited ng TESDA bago isinabak sa pagtratrabaho. Ang Rotary Barista project ay ipinatupad ng Rotary Club of San Juan at Rotary club of Mandaluyong na nasa ilalim ng District 3800 kung saan Governor si Ginoong Nelson Aspe.

Ms. Aida: Yung mga deaf po namin our graduates of our Rotary Barista so sila po ang kumuha ng course na inoffer din namin and nag hanap po kami ng mga opportunities para ma employ sila kaya sa Julyan Coffee Spot ito po ay ways na maemploy sila they are our graduates of Rotary Barista .

JR Langit: So gaano naman po katagal ang pag-aaral para maging isang barista ?

Ms. Aida: Yung barista na tinuturo namin ay TESDA credited course, yung TESDA has a nominal duration of 178 hours or mga 23 days.

Kabilang sa mga PWD na ngayon ay masayang nagtratrabaho sa coffee shop ay si Parcy na mula pa sa kanyang pagkabata ay hindi na nakakarinig.

Non-verbal Communication

Parcy Llaet,deaf Barista staff. Parcy/Aida: (Parcy Interpreted by Aida) “She’s very happy to be here as a Barista and she’s super enjoys it, she likes people to hire PWD and to learn barista to be able to work.”

JR Langit: Meron kang gustong pasalamatan?

Parcy/Aida: “Everybody, thank you for the experience. All the people who have helped her, in barista thank you. She loves to work, she likes to even learn more.”

Umaasa ang mga nasa likod ng Rotary Barista project na mas mapapalawak nila ang programa at mas marami pa silang PWD na matulungang maging mga normal na manggagawa sa lipunan.

Project Chairman Aida Sotto: “Televiewers, it is a very beautiful advocacy to be able to hire PWD’s. It is really empowering to hire PWD’s. They are ‘regular people’, they are just differently abled so we should try to give them a chance in this life. You’ll see how beautiful this world can be.”

SUMMATION

Pag asa ang laging hatid ng mga ahensya at grupo na mayroong adbokasiya…mapa gobyerno man o pribado tulad ng Rotary Barista. Malaking pagbabago sa buhay ng ating mga kababayang may ispesyal na pangangailangan ang kanilang naibibigay.

Dahil kung mabibigyan lamang ng pagkakataon ay malaki ang maiaambag ng mga PWD sa ating bansa sa kabila ng limitado nilang kakayahan.

IDEOLOGY OR FAMILY

$
0
0

“Noong una po lahat inaway ko, lahat sinisi ko even yung sarili ko nag commit nga po ako ng suicide, ganoon ka grabe yung ginawa nila sa pamilya ko.”

RECRUITED

Kamakailan ay napaulat ang di umanoy pagkawala ng ilang mga estudyante sa iba’t-ibang paaralan sa Metro Manila. Sa pamamagitan ng pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous drugs ni Senador Ronald Dela Rosa, nabunyag na nire recruit ng mga maka kaliwang grupo ang mga nawawalang estudyante.

Alamin ang kwento ng mga di umanoy nawawalang estudyante na sumapi sa mga maka-kaliwang grupo. Ako si Pareng Rey Langit. Alin nga ba ang mas mahalaga, ang idelohiya o ang pamilya? Ating timbangin. Ako naman ang inyong Kasangga, JR Langit.

Ang episode na ito ay hango sa aming Kasangga Mo Ang Langit TV Program ni JR Langit sa PTV4 na napapanood ganap na 10:30 tuwing Biyernes ng gabi. Ang weekly public affairs at public service program na ito ay nasa kanyang 21th year na sa national television.

Makabuluhang 21 taong na paglilingkod sa bayan. Ang tunay na Public Service ay naihahatid ng Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit na siyang nagbibigay nang pag-asa sa tao, na ultimate mission namin para sa inyo.

PARENTAL CONSENT

Kapwa disi-sais anyos sina Alicia at Trisha at nasa senior highschool. Sa kanilang murang edad, wala na sila sa poder ng kanilang mga magulang dahil sa pagsunod sa kanilang paniniwala.

Relissa Lucena: kung wala kang pagmamahal sa anak ko o meron akong propaganda o intension na masama, anak ko yung eh pinaglalaban ko yung anak ko kahit hanggang kamatayan ipaglalaban ko yung anak ko.

Sa aming ginawang exclusive na pakikipanayam rin kina Jovita at Junior Antoniano.

Jovita: Hanggang 16 years naming yan hinahatid doon sa eskwelahan.

Junior Antoniano: Ni sugat ho o magalusan, pag natumba o nadapa mapapatayo po kayo para kunin niyo yung anak niyo, sana po makita na namin siya at makapiling na muli.

GONE WITH THE WIND

Jovita Antoniano: dahil sayang yung mga pangarap ng anak namin. Matatalino yung mga anak namin

Mga nangungu-lilang magulang:

Relissa Lucena: Ngayon itong pagdating niya doon syempre excited syang ikwento sakin kwinento niya na sumali sya sa Anak Bayan syempre may palagay ako doon sa school yon, kung bakit sya makakahanap ng ganoong club kung di sya mangagaling sa school i mean walang paraan para mag hanap sya ng club sa labas ng school sa loob talaga yun nangaling so masaya po ako kasi nga atleast kaya nga nandun sya sa University.

Jovita Antoniano: Bali ang anak ko po nawala May 7 pa po 2018 pero sya po nag start po mag-aral ng PUP nang 2016 tapos bali 2017 bali continuous po sya nag aaral sa senior high then 2018 May, akala ko po sya ay makaka graduate na ng senior high kasi continuous yung aming padala sa kanya, tiwala kami sa anak namin.

EXAMPLE OF INDEPENDENCE?

Nuong una ay pauwi uwi pa umano ang dalawang kabataan. Hanggang sa tuluyan na silang nahila sa paniniwala at idelohiya ng grupong sinamahan.

Jovita Antoniano: Kasi samin sa probinsya tas ngayon ano na August 5 hanggang sa tumagal na ng tumagal nag sabi sya na Nay desidido na ako sa pinili kong gustong buhay, pero di ko naman, wala naman akong ideyang sa ganoon doon ko nalang inistall yung fb ng anak ko nakita ko yung mga ano niya nakita ko yung akala ko normal lang yung may mga plackards may nag wewelga sila at akala ko part ng kanilang Stand, dahil dati ang anak ko kasi Journalism during junior highschool sa probinsya kasi alam ko ganoon lang kasi normal sa ano ganyan ganyan hindi ko po alam na ganoon kalawak na pala ang nasalihan niya.

Relissa Lucena: Sumama sya, nanuod sya ng SONA pero hindi naman niya sinabi sakin na kasama syang nag rally, sabi niya lang nanuod lang sya ng SONA so when you say nanuod ano yun parang ano lang nanuod ka lang nag masid ka lang so nung time na po na yun, pero yung hindi ko pa sya masyadong nakitaan kasi po first sem niya is top 2 sya sa HUMSS sa school nila, so first sem niya talagang magaling kasi sya eh talagang persuasive sya sa gusto niyang mangyari sa buhay niya at kung ano yung alam niya kung ano yung gusto niya.

APPEAL

Samantala, galing naman sa mahirap na pamilya si Trizia. Sa katunayan, kasama ang kanilang pamilya sa 4P’s o yung nakakatanggap ng allowance mula sa pamahalaan.

Jovita Antoniano: Bali nakita ko na po yung mga ano niya, anak bayan nag rarally sila tapos pinakita ko sa mga kaibigan ko tinanong ko sa isang dswd, dahil 4ps kami sabi niya sakin ma’am ang anak mo NPA ganoon, pero hindi po kami nagkalakas ng loob na hanapin siya kasi sa time na yon wala kaming kakampi wala kaming malalapitan tapos kulang din kmi sa financial.

Rey Langit: Kung sakali pong napapnood po tayo ngayon nung anak po ninyo o makarating sa kanila itong usapan natin, ano pong mensahe naman ang gusto niyong iparating sa anak po ninyo?

Junior Antoniano: Sana ay malinawagan siya ng isip at gusto lang namin umuwi po siya kung ano man ang kanyang kalagayan, sanay makaalala siyang may pamilya siya kasi po lahat po ng komunikasyon baliwala po sa kanya nagtataka po kami.

CONFUSED

Dati namang magaling at mabuting estudyante sa Alicia pero matapos sumapi sa organisasyon at mawala ng tatlong araw, nagsabi ito sa kanyang mga magulang na ayaw na nyang mag-aral.

Jovita Antoniano: yung changes nasa anak ko e unang una yung after 3 days niyang mawala pagbalik niya biglang sasabihin mo ayaw mo ng mag-aral ma fufull time ka, na isipin mo di mo na ako anak nung parang tinuturing niya na akong kalaban. Kasi against ako sa ginagawa niya. Normal bayun sir parang sinayang niya yung buong pagkakataon na magkasama kami simula nung bata siya simula nung nasa sinapupunan ko siya ngayon lang siya nagbago. Normal ba yun sir doon palang sir alam ko na may mas malalim pa siyang gagawin. Doon palang po nung time na ang salita siya sakin ng ganoon hindi na ako napalagay. Sabi ko sa kanya hindi ako magagalit sa conversation natin pinaliwanag ko na sa kanya nilatag ko na lahat, eh sabi ko anak hindi lang naman yun yung paraan para makatulong sa bayan o makatulong sa masa.

Ang pagpapatuloy ng kwento nina Alicia at Trizia sa pamamagitan ng salaysay ng kanilang mga magulang. Sila ang mga kabataan na nagpasyang mamundok sa edad na disi-sais.

IDEOLOGY, A TERM OF ABUSE

Relissa Lucena: Yun din ang sinabi sakin ng anak ko e siya daw ay dumaan lang sa amin at siya ay para sa masa, dahil anak siya ng masa. Tama ba yun? Wala daw Diyos! Sabi ko sige anak kung gusto mo talaga diyan basta mag-aral ka lang papayagan na kita. Kung anong gusto mo basta mag-aral ka lang.

Para sa mga magulang, mahirap paniwalaan na sa napakamurang edad ng kanilang mga anak ay mayroon na silang malalim na idelohiya. Kumbinsido sila kasama ng ilang senador na maaaring na brainwash lamang ang mga ito para sumapi sa mga makakaliwang grupo.

Ayon mismo kay Senador Bato dela Rosa, kalimitang palatandaan ng mga na brainwash nang sumapi sa maka kaliwang grupo ay ang pagbabago sa kanilang ugali.

Junior Antoniano: yung pagka Diyos niya napaka religious po niya mula pagkabata po niyan tuwing linggo niyan magsisimba yan mag aalarm pa siya na ganitong oras mag sisimba siya meron siyang mga activity sa simbahan nawala po lahat ang nag taka nalang po yung kapatid ko na tinitirhan niya sa Muntinlupa nag tataka silang lahat pag niyaya siyang mag simba hindi na siya sumasama bakit nagkaganoon siya dahil lang po doon sa nalaman po namin sumasama na siya sa rally rally anung kaugnayan niya bakit nagkaganyan.

A CHERISHED ASPIRATION

Rey Langit: Pero doon po sa pagiging aktibo po niya sa eskwelahan nung mga panahong yon, yung relative po ninyo hindi ba siya nakaka usap o walang direktang naishe-share itong anak po ninyo at walang advice ding ibinibigay yon relative ninyo?

Jovita Antoniano: Wala po, as in wala po talaga kaming alam.

Junior Antoniano: May tiwala po kami sa kanya nun dahil napaka buting bata po nya.

Relissa Lucena: Inantay nga lang nila mag 18 e actually sa kanila na nga nag-18 yung anak ko. Alam mo yung pangarap mo diba lalo na kayong mga tatay gusto niyo yung mga anak niyo makapag birthday ng 18 niya kasi yung 7th birthday nag kotilyon siya. Pag 18 iniisip ko, lalo na sa tatay, parang gusto niyang pag birthday-an yung anak niya tapos mawawala. Ayoko po dumating yung anak ko sa tulad nila ma’am na walang hirap na kung saan yung anak nila di ko nga alam kung nakakatulog pa sila.

DOCTRINE

Hindi lamang ang pag uugali ng mga kabataang lumahok sa maka kaliwang grupo ang nakitaan ng pagbabago, damay na rin ang buo nilang pamilya.

Jovita Antoniano: Apat pa po yung anak ko nag aaral din doon as ngayon napapabayaan ko sila kasi dalawa kami talagang lumalakad sa manila hirap po para samin hirap sakripisyo lang talaga sir makakuha lang kami ng ano nag salaysay siya nakita ko sa facebook, doon lang kami nakahawak ng kakampi naming nagbukas yung isip namin para kahit paano maipaglaban namin ang anak namin di basta hayaan nalang namin, dahil anak naming yun.

Relissa Lucena: Nung una po lahat inaway ko. Lahat sinisi ko even yung sarili ko. Nag commit nga po ako ng suicide ganoon ka grabe yung ginawa nila sa pamilya ko. Kumabaga iniisip ko hindi lang si Alicia ang tatanggalan nila ng nanay pati yung dalawang anak ko. Anong gagawin nila sa dalawang anak ko. Kaya lang naisip ko mabait talaga ang Diyos pina realize niya sakin hindi yung anak ko yung kaaway ko, kundi yung sinamahan niya. Kaya po sana maayos na ang problemang ito. At sila nagtatago, ako lumalabas kasi hindi ako takot na harapin ang totoo. Sila anong totoo sa kanila eh nagtatago sila.

WISHFUL THINKING AND SEEING

Hindi napapagod ang mga magulang na tulad nina aling Relissa, Aling Jovita at Mang Junior sa pagsisikap na maibalik sa kanila at magkaroon nang normal na buhay ang kanilang mga anak.

Junior Antoniano: Trisha kung naririnig mo kami ngayon o napapanood sana naman umuwi kana pakiusap lang namin sayo ito. Para din sa lahat ng kabataan para sa mga magulang na may ganito ring nangyayare sana naman po makiisa kayo sa amin dahil para rin ito sa ating mga anak. Trisha umuwi kana, masakit sa aming kalooban hindi namin alam kung ano na ang kalagayan mo, kung muka ka ng dugyot hindi ka ganyan date ibang iba na mga iitsura niyo binura nila lahat ng mga kagandahang asala sainyo lahat ang mga pangarap mo natatandaan mo gusto mong makarating ng ibang bansa pero wala mas ginusto mo pang umakyat ng bundok at mapahamak nako anak umuwi kana.

PAIN and NIGHTMARE

Relissa Lucena: Huwag nyong ipamuka samin na parang may karapatan kayo sa mga anak namin. Dahil kung merong may karapatan sa anak namin kami yon, dahil kami yung mga magulang, kami yung bumuo sa kanila, di ka parte doon wag kang tumayo na parang isang anghel o isang hero sa mata ng kabataan, harapin mo ko harapin mo kami. Harapan ayoko ng dialogo tapos na ako eh nakiusap na ako sa mga kasamahan niyo na ibalik niyo yung anak ko tantanan niyo kami, tantanan niyo yung pamilya ko. Hindi niyo ako inintindi kasi nga naman simpleng tao lang ako e, kapag ang anak natanggalan ang ina tinanggalan ng anak kaya namin baligtarin ang mundo para sa anak namin tandaan mo yan ipaglalaban ko yung anak ko. Kasi para mo na rin akong pinapatay ganoon din inuunti unti mo din ako ganoon din kalalabasan ko ilalaban ko yung anak ko sa inyo gusto kong ipakita sa kanya kung ano ang tama at ano yung totoo.

SUMMATION

Pamilya kontra idelohiya, ano nga ba ang mas mahalaga. Ito ang karaniwang dilema ng mga kabataan na nakabuo na ng sarili nilang paniniwala sa buhay. Subalit maraming uri ng pakikipag laban at pagtindig sa isang paniniwala o idelohiya. Kayat hindi natin kelangang mamili o iwan ang ating pamilya.

Sa isang bansang mayroong demokrasya na tulad ng Pilipinas, iginagalang ng estado ang paniniwala ng bawat Pilipino. Bakit natin kelangang iwan ang ating mga pamilya kung tayo naman ay malaya sa kahit anong paraan ng protesta na nais natin.

EXCLUSIVE: INSIDE STORY NG USAPANG DUTERTE AT XI JINPING!

$
0
0

Pagkakaibigang pinag tibay ng panahon ang ugnayan ng dalawang bansa, Pilipinas at bansang China. “Hindi nila kikilanin ito at hindi sila susunod dito, so yun ang hindi natin pag kakaintindihan pero hindi naman iyon ang kabuuan ng ating relasyon sa China, meron yung mga larangan na wala tayong pinag aawayan.”

Misyon ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte Duterte sa China ating tuklasin, ito po si pareng Rey Langit. Sa kabila ng pag kakaiba ng paninindigan sa Arbitral Ruling nagka sundo naman sa marami pang makabuluhang usapin, ako ang Inyong Kassangga JR Langit.

FATHER AND SON TANDEM

Hindi namin inaksaya ang pagkakataon, kami ni Kasangga JR Langit ay nag sakatuparan ng exclusive na pakikipanayam kay Ambassador Jose Chito Santa Romana ang ating Philippine Ambassador to China.

Ito’y hango sa aming Programang pang telebisyong Kasangga Mo Ang Langit sa aming isinakatuparang Biyaheng Langit sa China. Mapapanood na ngayon tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit. Ang father and son tandem nina Pareng Rey at Kasangga-JR Langit ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

USAPING ARBITRAL RULING

Sa ika-limang beses na pagtungo ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China, sa kanyang pakikipag pulong kay Chinesse President Xi Jinping kanyang binuksan ang hinggil sa arbitral ruling ng United Nations na pumapabor sa Pilipinas kaugnay ng pinag tatalunang teritoryo sa South China Sea. Ayon kay Philippine ambassador to China, Chito Santa Romana, napakaganda ng ginawa ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil inayos muna nya ang pundasyon ng pagkakaibigan ng dalawang bansa bago binuksan ang isang kontrobersyal na usapin.

Sa ngayon ang relasyon ng Pilipinas sa Tsina ay masasabi mong may dalawang bahagi, sa isang banda nandun yung hindi pag kakaunawaan. Kung saan tayo hindi nag kakasundo, sa tingin natin pag aari natin yung Kalayaan Island Group, sa tingin ng Tsina bahagi yan ng Spratlys na inaangkin nila. Sa tingin natin atin ang Scarborouh Panatag Shoul, sa tingin ng Tsina kanila yun.

Sa arbitral award sa tingin natin ito ay isang malaking bahagi ng International Law at major legal victory for us that we uphold, sa tingin ng Tsina hindi sila nakilahok dito hindi nila kikilanin ito at hindi sila susunod dito. So yun ang hindi natin pag kakaintindihan pero hindi naman iyon ang kabuuan ng ating relasyon meron yung mga larangan na wala tayong pinag-aawayan – trade, investment, culture, science and technology in other words hindi dahil hindi tayo nag kakasundo ay hindi na tayo pwedeng mag kalakalan na hindi na tayo pwedeng mag karoon ng tourism. Mga tourista galing sa China pag ka pinag halo mo yan minsan nag kakagulo yun ang nangyari dati, kaya ang ginawa ng presidente hiwalayin muna natin at dito matagal na usapan kasi yung hindi pag kakasunduan yung hidwaan natin, madaming naapektuhan na larangan na pwede naman tayong mag kasundo.

STRATEGY GAME

Maituturing na isang magandang istratehiya ang ginawa ng Pangulo, ayon kay Ambassador Santa Romana dahil mas natutuldukan ang ibang larangan tulad ng kalakalan kung saan magkasundo ang dalawang bansa.

Amba Santa Romana: Kaya yun ang kanyang sinalang, trade, tourism, investment, economics, in other words plus yung anti terrorism pareho ang ating adhikain sa bandang ito, so in doing that for the first half of his term na kagawa sya ng masasabi nating isang malalim na reserve war goodwill and friendship at mas nagka panatag ang loob sa kanya ngayon ni President Xi Jinping.
Kasi sa pag uusap nila they developed a certain rapor and friendship so dahil dito at lalo na ng matapos ni presidente ang kanyang SONA marking the first half of his term dun niya na pag pasyahan na the time has come na pitong beses na silang nag kausap, this is actually quiet open in terms of meeting top leaders of China and the Philippines. So because of this sa tingin niya pwede ng pag usapan and he is coming to China not to provoke but to explain and to understand why there is a different views.

PRESIDENT XI’S REACTION

Bago pa man magtungo sa China ang Pangulo, pinaghandaan na nila ang pag bubukas ng usapin ng Arbitral tribunal kay Chinese President Xi Jinping

Rey Langit: At papaano naman po nag react si President Xi sa naging statement ng ating Pangulong Duterte?

Amba. Sta Romana: Well batay na rin sa sinabi ng presidente at batay na rin sa nilabas ni spokesman Panello President Xi Jinping showed some understanding and showed and listen intently but then after the Presidents turn, ang istilo kasi dyan mag salita ka muna tapos ako naman, so hindi cinut off hindi sya umalis at nag walk out kung hindi na kinig pag katapos.

Rey Langit: Yun ang pinaka magandang gesture, yung willingness to listen.

Amba. Sta Romana: Yes, he also explained why, tapos mahalaga pa ang pinaliwanag ni President Xi Jinping he said he understand that both the president and President Xi Jinping have to deal with their constituencies and presidente Duterte kailangan niyang ipaliwanag to the Filipino People about the Arbitral award and the position ni President Xi din kailangan niyang ipaliwanag sa kanyang…?

Rey Langit: Iyan ang pananagutan niya sa kanyang mga kababayan.

AGREED TO DISAGREE

Amba. Sta Romana: Oo, sa kanyang mga constituents kung bakit ang China takes this position, ano yan. Ito yung clash ng tinatawag nating the Chinese view of historic rights and our view of own clause and international law kasi nga hindi nila tinanatanggap yung arbitral award kaya hindi pa rin sila sang ayun dun sa position natin sa ilang isyu at tayo din kung bakit hindi sang ayon so meron pa ring pagitan. So what did they do they agreed to disagree for now. Pero kailangang ituloy itong pag-uusap na ito kasi hindi naman sila mag memeet araw araw. It will go now to the working groups yung meron tayong bilateral consultative mechanism sa DFA.

Sa unang araw pa lamang ng pag dating ng ating Pangulong Duterte sa bansang China anim na kasunduan na agad ang nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa na sinaksihan ng ating Pangulong Duterte at pangulo ng China na si Xi Jinping.

Isa ring mahalagang usapin sa larangan ng kalakalan ang mga OFW’s sa China at ngayon ay ang mga Chinese na narito sa pilipinas .

SPIES IN THE PHILIPPINES?

Rey Langit: Sa sinasabi na baka mga spy ang mga Chinese National na nasa Pilipinas.

Amba. Sta Romana: Yun na nga. Ito ngayon ang lumalabas that is totally baseless ang gusto nga nila mawala na yan lahat it is not state sponsored, yun ang paliwanag nila from our point of view daw we have to be vigilant you know this is the price of liberty, vigilance on our part ating problema yan pero ngayon mas malinaw ang position ng China, they don’t even want them to exist.

Rey Langit: Mabuti at binuksan natin ang temang ito, upang ganap na maintindihan ng ating mga mamamayan.

Amba. Sta Romana: Gusto pa nga nila na tapusin na nila ang problema, yon lang kapag ginawa nila yun tayo naman ang apektado economically. Unti unti alam natin yung gusto nilang mangyari we have to do it in our on way as the song goes we we will do it our way.



WANTED ENGLISH TEACHERS

Pagdating naman sa mga manggagawaang Pilipino na nasa China, numero uno pa rin ang mga Filipinong Guro. Sa katunayan, ayon kay Ambassador Santa Romana, kina-iinggitan ang mga Chinese families na may Pinay na kasama sa bahay dahil natututo silang mag salita ng English.

Amba. Sta Romana: Ang mga Pilipino dito generally speaking, law abiding. Ang problema nga natin because of the rise of the China economically, ang Chinese families ngayon ang middle class family. The elite families are willing to pay double the price, the whole salary sa Hongkong to get anong gusto nila. Nai-inggit sila sa mga Chinese na nasa Hongkong natututong mag English. Kasi yung katulong marunong mag English at gusto nila ganun din mag karoon sila ng panahon para maturuan ang mga anak nila at mag alaga ng kanilang pamilya.

Rey Langit: In demand talaga ang ating mga English teachers, specially sa bahagi ng Southeast Asia.
Tulad na rin ng aming na feature na mga English teachers sa Busan South Korea, ayaw man nilang umalis sa Pilipinas, sa ganda ng offer sa kanila mahirap tangihan.

Amba. Sta Romana: Para sa ating mga English teachers nag hahanap ang China and there are agreeable they have an agreement they want to hire 2,000 Filipino teachers who can teach English at the Chinese Universities starting this year, para next year yan. On going ngayon, nag hahanap sila ng mga teachers kailangan lang of course merong college degree ,merong board exam ,certification ,merong experience of a two years or more and they offer ang free housing free board and lodging general salaries.

SUMMATION

Pagkakaibigang pinag tibay ng panahon. Bagamat bumilang na ng mahabang panahon sa ugnayan ng dalawang bansa, ang Pilipinas at bansang China. Bagama’t mayroon pang mga balakid at challenges ang maaaring kaharapin, damana na at nag sisimula nang matanaw ang liwanag sa dako pa roon.

Kung gaano pa kalayo ang ating lalakbayin para masilayan ang ganap na liwanag, sa ngayon ay wala pang makapag sabi.

Ngunit ang patuloy na pagtahak sa isang landas, may balakid man basta’t may hangaring marating, ay ma-aachieve mo rin.

Ang mahalaga ay may pagtangap, willingness na makinig at mag isip para sa ikabubuti ng mag kabilang panig.

Abangan sa September 14, 2019 sa RJdigitalTV Sabado 2-3pm ang ka buoan ng Inside Story ng usapang Pangulong Duterte at President Xi Jinping.



BIYAHING LANGIT SA CHINA

$
0
0

Ito’y hango sa aming programang pang telebisyong Kasangga Mo Ang Langit sa aming isinakatuparang Biyaheng Langit sa China.

Mapapanood na ngayon tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.
Ang Father and Son tandem nina Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

Isang napakalaking hamon para sa Gilas ang pagsabak na ito sa Fiba World cup dahil mga higante ang kanilang kalaban, Pero hindi ito dahilan para mawalan ng lakas ng loob dahil ibinigay sa kanila ng buong buo ng deletasyon ng Pangulong Duterte.

FEARLESS FORECAST NG PANGULO

Ganito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa aming interview sa kanya.

Sec. Panelo: Well Gilas Pilipinas will decidedly winning result why? Because the president is there watching and you know when the president said talo tayo sa Italy that was actually a reverse pschology of this is it to inspire them and to challenge go them into winning.

Hindi man natin alam kung ano ang kahihinatnan noon ng laban na yon ng Gilas Pilipinas, pinakita pa rin natin ang moral support at pakikiisa ng mga Filipinong bumisita kasama ng Pangulong Duterte at ng mga Filipinong naninirahan sa China ang hangad na sumoporta at makatulong.

At sa mga larangang ito, muling ipinakita ng Pangulo ang kanyang gilas na matiyak na hindi madedehado ang Pilipinas sa pinakitang suporta sa ating pambansang koponan.

SPEAKER’S INSPIRING MESSAGE

Ang message ni House Speaker Allan Peter Cayetano para sa Gilas nang exclusive naming kapanayamin sa China:

Speaker Cayetano: Well unang una buong suporta ng sambayanang Pilipino ay nasa Gilas di ba at nakilala nga sila sa puso kasi despite the odds talagang lumalaban at in the past may mga victories tayo na di inaasahan minsan may heart ache din diba at ito po maganda ang biling natin at lahat po ng dasal lahat po ng suporta isipin niyo pangulo mismo Pangulong Duterte pa mismo ang pumunta dito para lang makapamakanuod at magcheer on, so sa lahat ng nag mamahal sa Gilas at Basketball country na Pilipinas were all behind you Gilas .

Kinapanayam namin ni Kasangga JR Langit ang delegasyon ng Pangulong Duterte kaugnay ng laban na yon ng team ng Gilas Pilipinas.

ANG FORECAST NI SENATOR BATO

Isa pa sa nakuhanan namin ng reaction ay sì Senator Ronald Bato Dela Rosa

Sen. Dela Rosa: The more that we support them the more we show our support to them the more they are inspired to play. Well ang forecast ko is matinding labanan ito ang masasabi natin, bilog ang bola kahit na masasabi natin na malakas yung team ng kalaban.

Aking kinuhanan ng pahayag si Chairman emeritus Manny V. Pangilinan ng Samahang Basketball ng Pilipinas:

MVP: Well it was a rather this, point in game but we should not give up, continue to support our team and give them all are prayers in the next two games, so Laban Pilipinas – Puso. Thank you.

MAKALIPAS NI MVP ANG NAGING MENSAHE NI EL PRESIDENTE

Kinapanayam rin namin ni Kasangga JR Langit sa China si Commissioner Mon Fernandez

Comm. Fernandez: Well unang una gusto nating pasalamatan yung mga kababayan natin na nag punta rito para suportahan yung game natin sana suportahan pa natin hopefully makabawi tayo in the coming games im looking forward na makakaya natin ang Angola, ang third game nitong Italy at Serbia talagang near to impossible na madadali yan but anyway lalaruin pa rin naman yan we can never really tell but of course dehado tayo we have to accept that hopefully we just get a win against angola and then will be ok.

Naka daupang palad naman rin ng Pangulo ang pinaka sikat na artista ng China na si Jackie Chan, isang libro at jacket ang nairegalo ni Chan sa Pangulo ng Pilipinas at syempre tinapos nila ang kanilang pag tatagpo sa isang picture taking kasama si Senator Bong Go na naka fist bump.

Sa kabila ng mahigpit na schedule nang Pangulong Duterte sa China, talagang isiningit ng Pangulo at ng kanyang delegasyon ang panunuod at pagbibigay ng suporta sa Gilas Pilipinas.

Bagamat alam na natin ang naging resulta ng laban ng Gilas Pilipinas sa Italy at maging sa Serbia, wala na marahil pang hihigit sa ipinakitang suporta ng Pangulong Duterte nang mismong sya ay manuod sa kanilang laban.

SUMMATION

Makabuluhan ang naging pag bisita ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China, sa kabila ng pag kakaiba ng paninindigan ng dalawang pangulo tungkol sa sa Arbitral Tribunal nag kasundo naman sila na ipag patuloy ang magandang relasyon ng Pilipinas at Tsina sa ibang area, kabilang na rito ang larangan ng trade, investment, culture, science, technology, tourism at hindi kinalimutan ang SPORTS.

Tulad nang naging paliwanag ni Sec. Sal Panelo ng amin siyang kapanayamin sa China, bago pa magtungo ang Pangulo sa China, tatlo ang layunin na kanyang binangit. Una bubuksan niya ang usapin sa arbitral rulling na kanyang ginawa. Ang i-facilitate the passes of the code of conduct sa south china Sea and third yung joint exploration. At on the side ang sports, ang pinadama niyang alalay sa ating mga manlalarong Filipino, sa Gilas Filipinas na hindi man nagwagi, maipag mamalaki pa rin ang kanilang sportsmanship at gilas na pinamalas sa harap ng Pangulong Duterte at sa delegasyon ng mga Filipino.

Abangan sa Sabado, Setyembre 14, 2019, sa RJdigitalTV 2-3pm ang ka buo-an ng usapang 2019 FIBA World Cup at suporta ng Pangulong Duterte sa Gilas Pilipinas.


MAPANGANIB NA LAMOK

$
0
0

Isang masakit na katotohanan na maraming buhay pa rin ang nalalagay sa peligro dahil sa kagat ng lamok na may dalang virus ng Dengue. Sa panahon ng ganitong klase ng kalamidad, maasahan ang mabilis na pagresponde ng PAGCOR. Naanyayahan kami ng Pagcor kamakailan upang saksihan ang turn over ceremony ng pamamahagi nila ng mosquito nets sa siyudad ng Maynila. Sa kabila ng patuloy na pag unlad ng teknolohiya sa buong mundo, isang masakit na katotohanan na maraming buhay pa rin ang nawawala at nalalagay sa peligro dahil sa kagat ng lamok ito po si Pareng Rey Langit.

Samahan nyo kami sa panibagong serbisyo publiko na handog ng PAGCOR. Ako ang inyong kasangga, JR Langit. Ito’y hango sa aming Programang pang telebisyong Kasangga Mo Ang Langit. Mapapanood na ngayon tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.
Ang Father and Son tandem nina Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox
  7. Hindi naman kaila sa inyo na malapit sa aming puso ang pag tulong sa mga nagiging biktima ng Malaria at Dengue. Sila ay mga biktima dulot ng kagat ng lamok.

TRUE TO LIFE STORY

Sumandali nating sariwain ang sinapit ng aming Kasangga at anak na si Reyster Langit. Isang very courageous young journalist na nagsakatuparan ng mission sa Palawan upang i-document ang mga nangyayari sa mga kabataan, young kids dying of unknown decease sa bahaging yon ng Singnapan, Rizal sa Palawan.

Ang kanyang magandang intention ay upang malaman nang lahat, ang dahilan ng nagiging sanhi ng kamatayan ng mga bata. To unfold the cause of death of these young kids and call the attention of the authorities. Nag tagumpay man sila na malaman ng lahat ang nangyayari sa Singnapan, Rizal, Palawan hindi naman sila nakaligtas, tulad ng iba sila ay tinamaan din ng karamdaman.

Bagamat tinangap ni Reyster ang CMMA “SERVIAM” Award. Award for serving God and the Filipino people by promoting human values through mass media. Ang ending ay tragic. Silang lahat ay nasawi dulot ng “Celebral Malaria.” In honor of Jaime Cardinal Sin, the Catholic Mass Media Awards grant Reyster Langit a Serviam Award for outstanding service to mankind.

LAMBAT PANLABAN SA LAMOK

Malugod na tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang libong kulambo mula sa PAGCOR. Nakatakda itong ipamahagi sa mga lugar kung saan mataas ang insidente ng dengue.

Ganito ang naging paliwanag at ibinahagi sa atin ni Yorme-Isko Moreno:

“Ang isa sa pinaka challenges ng syudad ng Maynila ay ang ating mga kababayan na namumuhay sa tabing ilog at ang ilog katulad halimbawa ng Magdalena, Muwelle De Binondo at kung saan saan pa na ilog sa looban ng Maynila ayan ay madalas na bahayan ng lamok sapagkat most of this ilog are stagnant water, that’s why we would like to also ask Mmda through the office of the President, DPWH again office of the president at PRRC office of the president at ang ating mga kawani sa city govrenment of Manila, sa City engineering, tuloy tuloy ang pag sasaayos ng ating ilog para maiwasan na itoy pamahayan ng lamok pero kung hindi natin mapigilan ang pag dami ng lamok o maregulate man lamang yung pag kagat ng lamok sa pamimigay nila ngayon ng lambat lambatin natin lahat ng lamok.”

19,000 MOSQUITO NETS

Si PAGCOR VP Jimmy Bondoc ang aming kinapanayam:

JR Langit: Gano po karami itong idodonate niyong mga kulambo sa siyudad ng Maynila ?

VP Jimmy: Currently meron po kaming 1000 dito sa city of manila and we have 18 thousand more its a total of 19,000 and of course we are also challenge by the procedures of procuring sa government sa pag bili kaya hindi basta basta, so yung tumaas palang yan nag prepare na kami pero ngayon palang kami na kakag turn over dahil mahirap talaga bumili, nataon pa naman na unfortunately hindi pa tumigil yung outbreak ng dengue.

JR Langit: Pag katapos po dito sa Maynila san naman po yung next na target niyo na pag bibigyan ng mga mosquito nets?

NATIONWIDE THRUST

VP Jimmy: I believe our next stop ay sa iloilo because yun ang number one. Actually wala namang order of preference yan nag kataon lang kung san yung unang mag respond na City official wala naman tayong pinipili so after iloilo i think meron pa kaming Pasay at dyan sa Paranaque tapos meron sa Cebu, Davao, nationwide yung roll out. Ang isang libong kulambo na ibinigay sa Maynila ay bahagi lamang ng libo libong kulambo na ipinamamahagi ng PAGCOR sa ibat ibang lugar kung saan mataas ang insidente ng dengue.

Maliban sa mga kulambo, pinasalamatan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang PAGCOR dahil sa tuloy tuloy na pagtulong sa mga ospital sa syudad. Sila po ay nag aambag sa lungsod ng Maynila sa kaban ng lungsod ng salapi bwan buwan na sya namang katulad nung nakaraang buwan, appropraited additional 9million pesos para sa mga gamot sa Ospital ng Maynila.

VP Jimmy: Sa Pagcor ay talagang ibabalik lang sa inyo ang perang galing sa inyo and the benefits that you’re suppose to receive you will receive it untainted and untampered.

PAGCOR AND SEA GAMES PARTNERSHIP

Kinapanayam rin ni JR Langit si PAGCOR VP Twinkle Valdez:

Bukod dito sa mga kulambo na ito itoy maliit kung ikukumpara mo sa mga ibinibigay ng pagcor sa ating sambayanan katulad ng mga school buildings. Ngayon meron kaming ipapatayo na multi purpose evacuation centers itoy ilalagay sa ibat ibang parte ng ating bansa para dun sa mga calamity prone areas, meron na silang mapupuntahan o masisilungan sa araw ng mga kalamidad, ito kumbaga state of the art na evacuation center multi purpose ito bukod pa rito nagbibigay pa tayo sa ating sports katulad nitong dadating na Sea games.

JR Langit: Gaano kalaki ring support ang naibigay ng Pagcor sa Sea Games?

VP Twinkle: Sa sea games meron tayong binigay na mahigit 1 billion pesos na pondong galing sa ating PAGCOR para dito sa ating mga sport events katulad ngayon meron tayong tatlong mga venues na pinapagawa ng PAGCOR. Nagbigay tayo ng eight hundred forty-two million pesos para sa renovation nitong Rizal Stadium at itong ULTRA. So pinapagawa po natin yan para dito sa ating SEA Games na magaganap dito sa ating bansa ngayong Nobyembre. Bukod pa dyan meron pa tayong pinamimigay na mga relief, sa mga Relief operations tuwing meron tayong mga kalamidad.

SUMMATION

Kung Public Service ang ating pag uusapan mula sa malalaki hanggang sa maliliit na pangangailangan ng ating mga kababayan ang sinasagot ng PAGCOR. Sa katunayan, pitumpung porsyento ng kita ng ahensya ang nakalaan para sa public service. Sa larangan pa rin ng Public Service bagamat tinangap ni Reyster ang CMMA “SERVIAM” Award. Award for serving God and the Filipino people by promoting human values through mass media.

Masakit na wakas ang sinapit nila at sa aming pamilya. Mahapdi, mistulang sugat na hindi nawawala tuwing nagugunita ang kanilang sinapit.

Ilang taon na rin ang lumipas, ngunit hangang sa panahong ito ay sariwa pa rin sa aming ala-ala ang Tragic ending ng kanilang mission kung saan silang lahat ay nasawi dulot ng “Celebral Malaria.”

In honor of Jaime Cardinal Sin, the Catholic Mass Media Awards grant Reyster Langit a Serviam Award for outstanding service to mankind.

VISION: DIGITAL PHILIPPINES

$
0
0

“The vision of a digital Philippines will be the start of this government’s long terms commitment to the Filipino people.”

Panibagong Serbisyo Publiko, alamin natin ang programa ng Pamahalaan tungo sa Digital Philippines, Ako si Pareng Rey Langit. Isang bansang mabilis na nagkaka ugnayan lalo na sa panahon ng kalamidad. Ako naman ang inyong kasangga, JR Langit.

Ang temang ating tatalakayin ngayon ay hango sa aming programang pang television, ang “Kasangga Mo Ang Langit” at “Biyaheng Langit” napapanood tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit. Ang father and son tandem nina Pareng Rey at Kasangga-JR Langit ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

DIGITAL REVOLUTION

Hangad natin ay isang bansa na hindi na problema ang daloy ng trapiko, isang bansang mabilis na nagkaka ugnayan lalo na sa panahon ng kalamidad….Isang bansa na hindi na problema ang ugnayan dahil puwede nang gawin ang lahat nang bagay kahit saan ka naruon…..Ito ang nais na makamit ng DICT o Dept of Information and Communications Technology sa vision nilang magkaruon ng Digital Philippines.

Sec. Honasan: In fact, di ba pag may disaster ito ang anecdote na favorite namin. eh pag may disaster may kuryente ba ? mali yung tanong na yun ang dapat na tanong is may contact ba, connectivity para malaman mo kung alin ang walang kuryente, alin aling lugar yung na wash out, yung tulay. Information that will allow as to respond. At sabi ni Presidente put up an independent government emergency communication system, that’s we are doing also .

JR Langit: Ito pong I.R., yung role po ng I.R 4.0 para po sa pag papabilis ng Internet connection ?

Sec. Honasan: Hindi na uso yung mga revolution by arms its now the digital revolution, so ang gagawin natin yung bata na naglalakad ng ilangpung kilometro tatawid ng dalawang ilog para pumunta sa isang giba na classroom bibigyan natin ng tablet na hindi over price, so dun sa barannagy hall may tablet nandun yung curriculum. Ang problerma lang yung power supply at pwedeng mag aral sa pamamahay nila yung work force imbis na imprastructure, mag rerenta na lang tayo ng space ng equipment na kailangan mo lang pag connectivity ang pinag uusapan is laptop diba? Can you imagine yung tipid natin para hindi ka na ma traffic yung nangagaling pa ng Antipolo para bumaba pa ng opisina niya sa Makati, so yun ang implication itong sinasabi ng industrial revolution 4.0 at kailangan dito participation ng public and private sector pag tutulungan talaga natin.

Sa pamamagitan ng Industry 4.0, lahat ng bagay mula sa disenyo hanggang manufacturing ay magiging mabilis at ang makikinabang sa lahat ng ito ay ang mga consumers.

GLOBE TECHNOLOGY STRATEGY

Kinapanayam ni JR Langit si Ginoong Emmanuel Estrada- SVP Technology Strategy Globe Telecoms:

JR Langit: Paki share lang po sa amin ang tinatawag na revolution industrial industry 4.0

SVP Estrada: Eksakto lahat yung pag run mo from factory from the time na nag sosource ka ng iyong mga materyales right down to the time na nag mamanufacture ka tsaka mabilis kang nakakapag produce ng produkto mo at nakakapag produce ka ng right quantitities and volumes, then wala kang tapon wala kang waste stage of materials and your always just in time. Yung telco naman itoy isang enabler para sa industry 4.0 kasi na paka importante ang connectivity connections from the factories right down to the design center, right down to the different connectivities
within the platform itself within the factory itself, where you utilized sensors and devices that allow you to actually automate the process more intelegently and effectively for a nation such as this open as a new concept of innovation to our young people, bakit importante yun ?
kasi andami nating ideas andami nating mga millenials many many good ideas and the only opportunity for them to really stand in the global market is to become part of this revolution industrial industry 4.0

PYGMALION EFFECT

Inilatag ng DICT o Department of Information and Communications Technology ang magiging direksyon ng ahensya sa susunod na tatlong taon hanggang matapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte.  Target ng DICT na makapagbigay ang pamahalaan ng mura kundi man libre subalit episyenteng Internet connection para sa lahat.

Rey Langit: Mr. secretary paano natin maso solve our current issues at ma inhance at the same time ang ating national connectivity ?

Sec. Honasan: We have align the direction of ICT developement agenda with the Philipines prosperity and the filipinos welfare in order to solve our current issues while keeping are sides focus on the futre the framework is written and inhance national connectivity comphrehensive ICT plans and policies and reliable cyber security. In fact going back again and again to see the connectivity, the task before us is really connect government to other government domestic and globocal  connect government to business ,connect government to the citizens and everybody to each other and the marching orders clearly articulated by the president when I assume “Do this faster cheaper if not free and in more secure manner.”

CONNECTIVITY HIGHWAY

Sa pahayag ni DICT Sec Gregorio Honasan na umuusad na ang pagtatatag ng physical connectivity highway.  At upang matiyak na magiging mura at episyente ang sistema, pinag aaralan nila ang pagkakaruon ng common tower ng lahat ng Telcos.

Sec. Honasan: All of them stakes holders meeting ang tawag namin, walang open forum, doon mag salita lang kayo ng mag salita and then we went back to the drawing board so within the month baka meron tayong first draft na ng common tower policy, bakit? Yung pinag daanan natin  kanya kanyang tower imbis na isang tower nandun yung ganito, nandun yung ganito pati yung third fourth fifth telco dim as matipid pag mas maytipid bababa yung cost at bibilis ang serbisyo.

STRATEGIC MOVES

JR Langit: Paano ang ginawa ninyo, yong naging first move ninyo?

Sec. Honasan: Ganito ang ginawa namin ofcourse humihingi kami ng budget sa kongreso ang unang tower na gagawin namin with in the month, if they give us the budget in congress because you cannot give what you do not have baka mag salita tayo common tower eh sir baka tanungin sila diba yung mga congressman natin mga senador kumusta ba yung signal dito sa Congress mga congressman, naku mahina walang signal may credibility problem so the first tower, the common tower will be in congress.

Sa gitna ng paghahangad ng pamahalaan na magkaruon ng mabilis at murang internet connection sa bansa….hindi nawawala ang pagsisikap nito na matiyak ang seguridad ng sambayanan mula sa cybercrimes.

COMPROMISE DATA and IDENTITY THEFT

JR Langit: Secretary papaano niyo naman po ma sesecure yung data privacy at tsaka yung security?

Sec. Honasan: Ok nangunguna tayo sa data privacy araw araw, nangunguna tayo sa cyber attack. Ok ang analogy dito parang bahay kasamang Rey no, madaling mag tayo ng pader ng gate may kandado ok madali na aadress naman ang mahirap ay kung may mag bukas ng pinto galing sa loob o kaya may na kalimutan na i-lock yung gate, patay tayo run yung ang pinag iingatan natin pero meron tayong cyber security education hindi lamang sa government, sa private sector kundi strategically sa mga eskwelahan para bata pa lang na iimagine dahil iyon ang kalalakihan nila na environment its going to be digital world for our children so hindi na po ito yung sinauna so ganun ang approach natin.

TARGET 2020

Upang lalo pang matiyak na matutupad ang target ng digital Philippines sa 2020, bukas ang pamahalaan sa pagpasok ng iba pang Telcos sa bansa.

Sec. Honasan: In fact kahit na ang performance ng 3rd telco mararamdaman natin effectively mga next year pa or even sa 2021 na kita mo yung reaksyon na ng ibang players nag dagdag na sila ng capital nag labas na sila ng pera and the net effect is improve services and cheaper force that is what we are hoping for yun ang epekto nun which is going to serve the public interest this our interest also. You know we have to do this faster kaya ang preference namin aside from biding and solicited offer is executive action saka na ihabol ang batas nag hahabol talaga tayo ng oras.

DIGITAL CLASSROOMS

Umaasa ang DICT na sa pagsapit ng 2020, nakalatag na ang isang digital government na mabilis na makakatugon sa pangangailangan ng sambayanan.

Sec. Honasan:We will do this with a digital workplace where the work environment not only improves productivity which is a major issue for a developing country like ours but also enhances an innovative culture. We will do this with a digital classroom where our children are fully equipped with an ACT-enabling-experience to further enhance the creativity of our most precious strategic and renewable resource – our next generation of citizens and leaders our student, our children. We will do this with digital communities when society tried and enjoys economic growth growing its strength from its digitally empowered citizens.

SUMMATION

Sa gitna ng paghahangad ng pamahalaan na magkaruon ng mabilis at murang internet connection sa bansa….hindi nawawala ang pagsisikap nito na matiyak ang seguridad ng sambayanan mula sa cybercrimes. Mabilis at maasahang internet connection, ito ang hangad para sa Sambayanan. Napakagandang hangarin para sa lahat, hindi lamang sa kabataan na focus sa makabagong technology kung hindi kapakinabangan nang nakararami at upang bumilis ang pagsulong ng Bansa.

Ang kailangan na lamang natin ngayon ay mabilis na pag kilos. Sabi ng kasabihan “time is of the essence” upang hindi mapag iwanan ng mabilis na panahon.

HOPE AND FAITH

$
0
0

Pinagdikit ng tadhana. Ayon sa datos, isa sa bawat dalawang-daang libong ipinapanganak ang may posibilidad na maging conjoined twins. Pitumpung porsyento ay karaniwang mga babae at pareho ng kasarian. Silipin natin ang kalagayan nina Hope at Faith, ang kambal na isinilang na magkadikit o conjoined twins. Ako si Pareng Rey Langit

Malaki na ang iniunlad ng mga ospital dito sa Pilipinas para mag opera ng conjoined twins, Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

Ang istorya nina Hope at Faith ay hango sa aming Programang pang telebisyong KASANGGA MO ANG LANGIT.
Mapapanood na tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

Ang Father and Son tandem nina Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

FAITH

Apat na taon ang inantay ng mag asawang Jessamen at Edwin Garcia bago muling nagka anak matapos na mamatay ang kanilang panganay na anak.

Si Jessamen Garcia, ang nanay ng conjoined twins. “Apat na taon din po namin hinintay na mabuntis po ulit ako kaya yun po, kaya lang kahit masaya po yung naramdaman namin eh. Siyempre ganun po yung situwasyon nila magka-dikit.”

JR Langit: Si Faith at tsaka si Hope ang una niyo pong anak?

Nanay: Opo sila na po. Nanganak na po ako dati kaya lang hindi po na buhay kaya sila po ang panganay namin.

JR Langit: Nung nag bubuntis po kayo, siguro masayang masaya po kayo nang malaman ninyong kambal ang Anak ninyo.

Nanay: Opo, kasi matagal na apat na taon din po namin hinintay na mabuntis po ulit ako. Kaya lang syempre ganun po, nung nalaman na magka dikit.

JR Langit: Hindi ninyo inaasahan yung binigay ng Panginoon

Nanay: Inisip na lang po namin hindi naman ibibigay po ng Diyos yun sa amin kung hindi naman namin kaya.

NEVER LOSE HOPE

JR Langit: Hindi po kayo nawalan ng pag asa?

Nanay: Hindi naman po pero syempre po talaga dati lagi po akong umiiyak talaga, kasi hindi ko po alam kung saan talaga kami kukuha ng ipapa opera sa kanila tapos mahina po kasi si hope, yun ho laging dinarasal namin sana po kayanin nila para ma operahan po silang pareho.

Alam ng mag asawang Jessamen at Edwin na magiging kumplikado ang buhay ng kanilang kambal paglabas ng mga ito sa mundo. Kaya naman habang nagbubuntis, pinaghahandaan na rin ng mag asawa ang kanilang mga dapat gawin.

WONDERFUL CHOICE

JR Langit: Ang ganda po ng mga pangalan ng mga anak ninyo? Sino pong pumili ng mga pangalan nila.

Nanay: Ako po, kasi nung nag bubuntis pa po ako talagang ano tinitignnan ko yung mga ano dati po na nunuod ako sa youtube kung anong nangyayari dyn sa mga mga conjoined hindi ko lang po talaga inisip na magiging ganyan sila na ttaagal sila ng ICU, kasi may nakita naman po ako ng conjoined na nauwi naman po sa bahay pero sila po talaga ganyan nandito lang po sa ospital.

JR Langit: Gustong gusto niyo po bang iuwi si Faith at si Hope?

Nanay: Opo sana, pero syempre ho mas gusto po namin na maoperahan po muna sana sila para po maging normal naman po yung buhay nila.

SHARE WHAT YOU BELIEVE

Si Edwin Garcia, ang tatay ng conjoined twins ay aming kinapanayam.

JR Langit: Nung nalaman po ninyo na medyo sensitibo po yung kalagayan ni Faith tsaka ni Hope ano po yung naramdaman niyo?

Tatay: Unang una na lungkot po ako sir eh wala akong magawa yan yung binigay ng Diyos samin eh.

Miyembro ng SAF o Special action force ng PNP ang ama nina Hope at Faith samantalang plain housewife naman ang kanilang ina. Kaya naman maliban sa kalusugan ng kanilang kambal, ang perang ipantutustos sa operasyon ang naging problema ng mag asawa.

JR Langit: Ok, pagka tapos binangit din po sa inyo kung mag kano po ang magagastos dito sa operation na gagawin kay Faith tsaka kay Hope.

Nanay: Opo kasi ang sabi po nila na sa 2 milyon daw po ang kailangan para lang daw po yun sa operasyon ng dalawa, pero bukod pa po dun yung yung bill na dati pa po namin hindi pa po kasama yung bill nila ngayon na hindi pa po sila na ooperahan.

SERIOUS PREDICAMENT

JR Langit: Ano po yung reaksyon niyo nung sinabi yung ganung kalaki ang halaga?

Nanay: Syempre hindi po namin alam kung san namin kukunin yun, kasi magkano lang naman ang sweldo ng asawa ko tapos yung pang araw araw namin na pangangailangan, syempre antagal na po namin dito sa hospital syempre hindi po namin talaga kayang bayaran yun.

JR Langit: At meron na hong tumutulong sa kanila?

Nanay: Opo tinutulungan po kami ni Sen Bong Go na ma operahan po sila yung mga kailangan din po nila sya din po nag bibigay.

Rey Langit: Buti naman at mayroon po tayong katulad ni Senator Bong na generous at mapagkawang gawa.

JR Langit: Oo nga, kaya hindi tyo dapat mawalan ng pag asa talaga. Gano raw po ba ka sensitibo yung magiging operation ni Faith tsaka ni Hope ano po yung chances?

Nanay: Ang sabi samin ng doctor pareho po silang binibigyan ng chance na mabuhay hindi po sila pipili ng isa lang kaya po gusto nila gumaling lumakas po muna si Hope Bago sila ma operahan.

Plano sana ng mga doctor sa PCMC o Phil Childrens Medical Center na paghiwalayin sina Hope at Faith pagka panganak pa lamang. Gayunman, may panganib na hindi mabuhay ang isa sa kanila kung hindi sila parehong malusog.

EXPERT OPINION

Sa ginawa naming exclusive na pakikipanayam kay Sheila Ann D. Masangkay, Head Division of Neonatology.

Dr. Masangkay:Si Hope at si Faith po ay ipinanganak noong November so 10 months old na sila as of today. Sila ay twins pero conjoined twins kung tawagin namin. Ang connection po nila dito sa torax at tsaka sa may pusod so from the start nung sinuri sila ang kanilang connection ay sa parang membrane lang na nag envelope sa heart, plan napo talaga sana e separate sila kaya lang si Hope very stormy ang course from the start meron syang lung problem, series of infections as of now po actually na ka incubate na naman na ka hook sya sa respirator kasi my difficulty of breathing na naman sya so yun po ang minamange as of now hindi naman sila pwedeng iseparate na unwell yung isa kailangan well sila para ma separate.

JR Langit: Gaano po ka sensitive yung magiging operation?

Dr. Masangkay:Very sensitive po yun stage ng operation po at kung ma operahan man sila madaming specialista na kailangang nanduon sa operating room to take care of them.

JR Langit: So may posibilities po ba talaga na involve ang high risk sa operation ho?

Dr. Masangkay:Very risky kasi po. As of now, kailangan well sila ibig sabihin matanggal muna yung respiratory support ni Hope na halos wala na syang oxygen requirement bago sila ma separate.

TECHNOLOGICAL ADVANCEMENT

Kung dati ay sa Taiwan lang ang may expertise at pinakamalapit na bansa para operahan ang katulad nina Hope at Faith, malaki na ang iniunlad ng ating mga ospital dito sa Pilipinas tulad ng PCMC para mag opera ng conjoined twins.

Dr. Masangkay:Ito si Hope, at ito si Faith gising na gising na sila today.

Rey Langit: Ganda ng kanilang Pangalan, wala pa lang si Charity.

Dr. Masangkay:Ito po yung connected sa machine helping them to breath.

Rey Langit: Sino po sa kanila yung weak at sino po yung energetic?

Dr. Masangkay:Ito, until we are able to remove this hindi po sila ma seseparate pa.

JR Langit: Malikot ho yung mga kamay nila, kaya naman noong nakakabit sa kanila.

Dr. Masangkay:Oo, kaya naka gapos so hindi matangal yong mga naka kabit sa kanila. They have been occupying this room since birth, 10 month old na sila today

JR Langit: Hindi na pala sila na uwi ng magulang nila?

Dr. Masangkay:Never, mula nang sila ay mapanganak. Kasi meron kaming high risk center na pinag lalagyan sa kanila. Actually di naman ganun ka dikit na dikit yung kanilang katawan and na gawa na yung skin flopped sa kanila.

Rey Langit: Doctora they have their own body organs…. complete ang mga organs ng bawat isa sa kanila?

Dr. Masangkay:They have their own

Rey Langit: Oh, Ok pala….

Dr. Masangkay:Wala po silang common

Rey Langit: Wala po palang common, kasi ang pinaka difficult sa conjoined twins ay kapag may part ng body ay common.

Dr. Masangkay:Opo, wala silang common

JR Langit: Kaya pwedeng pwede mong iseparate sila talaga.

PAST EXPERIENCE

Rey Langit: Yung isang natulungan namin several years ago nung hindi pa po kaya ng ating mga surgeon ang operation ng mga conjoined twins sa Pilipinas. That was 1970s pa, one of the first conjoined twins. Modesty, isa po ako sa mga benefactors noong Lastimosa twins during that time, pero kahit na sa Taiwan nahirapan silang iseparate dahil mula sa gitna ng katawan, sa may tiyan common na ang kanilang body. Mula sa kanilang stomach down iisa lang yun, kaya nahihirapan sila, parang letter-Y, kaya tinawag silang Y babies.

JR Langit: 10 months old na pala sila ngayon.

Dr. Masangkay:10 months pero very small ang kanilang combined weigth, is just a little over 9 kilos 9.4

JR Langit: Premature po pala yung pag papanganak sa kanila.

Dr. Masangkay:Premature sila at birth

JR Langit: Ang ganda ni… ano, si Hope?

Dr. Masangkay:Si Faith siya.

Napakagandang kwento ng pag asa at pananalig ang dala nina Hope at Faith.

SUMMATION

Pagasa at pananalig ang simbolo ng kanilang mga pangalan dahil nasa sinapupunan pa lamang sila ay alam na ng kanilang mga magulang ang malaking pagsubok na kanilang haharapin sa paglabas nila sa mundong ito. Sila sina Hope at Faith, ang kambal na ipinanganak na magkadinig o tinatawag nating conjoined twins. Isang patunay na hindi pagsuko ang sagot sa mga laban ng buhay , gaano man ito kabigat.

Ang pag subok ay dumarating sa bawat isa sa atin na dapat nating harapin na may katatagan. Gaano man ito kabigat huwag mawawalan ng pag asa, manatiling nananalig sa kanya sa itaas at makakamtan rin sa gawing dulo ang ligaya.

Naway magsilbing inspirasyon ang kwentong ito ni Hope at Faith sa iba pang dumadaan rin sa matinding pagsubok na mayroong pag-asa habang tayo ay nabubuhay.

MISSION ACCOMPLISHED: FROM RUSSIA WITH LOVE

$
0
0

Isang bansang matatagpuan mula sa Silangang bahagi ng Europa at Hilagang bahagi ng Asya. Itinuring na isa sa pinaka-malakas na katunggali ng Estados Unidos noong panahon ng Cold War. Kinikilala bilang pinaka-malaking bansa sa mundo-Ang Russia.

CITY OF DOME

Mula sa siyudad na kung tawagin ay ‘City of Dome’ o Moscow, na nagbigay ng inspirasyon sa maraming manunulat at makata. Sama-sama nating libutin ang capital ng bansang Russia habang sinasariwa ang makulay na kasaysayan at mayamang kultura nito. Binisita namin ang makasaysayang lugar na kung tawagin ay Red Square. Malaking bahagi ang ginampanan nitong papel para sa bansang Russia noong unang bahagi ng 20th century, sapagkat dito karaniwang isinasagawa ang mga demonstrasyon at parada ng hukbong militar ng bansa na sumisimbolo at nagpapahayag ng lakas militar nito.

EIFFEL TOWER OF RUSSIA

Isa ang St. Basil’s Cathedral sa mga gusali na matatagpuan sa Moscow. Ito ang pinakatanyag na gusali sa bansang Russia. Kilala rin ito sa tawag na “Pokrovsky Cathedral” or “The Cathedral of Intercession of the Virgin by the Moat”.

Ang sabi nga kung may Eiffel Tower ang Paris, may St. Basil’s Cathedral ang Russia.

Full packed na aktibidad. Mga naging aktibidad ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Moscow Russia, ating sinundan. Ako si Pareng Rey Langit. Mas mahigpit na kapit-bisig ng dalawang bansa. Tunghayan ang limang araw na pagbisita ng Pangulong Duterte sa Russia… Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

FIGHT AGAINST TERRORISM AND VIOLENT EXTREMISM

A-dos ng Oktubre nang dumating ang Pangulong Rodrigo Duterte dito sa Russia. Ang Pangulo ay inimbitahan mismo ni Russian President Vladimir Putin. Ang kanilang bilateral meeting ang ika apat na pagkakataon na mag uusap ang dalawang lider.

Ang bilateral meeting ng Pangulo at President Putin ang naging highlight ng limang araw na pagbisita sa Russia ng Pangulo. Pinag igting ng dalawang lider ang kooperasyon sa larangan ng security and defense, paglaban sa terorismo at violent extremism. Nagkaroon rin ng hiwalay na pulong ang Pangulo kay Russian Prime Minister Dmitry medvedev at sa head ng kumpanya na top Oil Producer ng Russia. Kabilang sa mga bilateral agreements na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Russia ay may kaugnayan sa kultura, kalusugan at basic research.

MUTUAL ADMIRATION

Isa sa malaking ipinagkaiba ng Pangulo sa iba pang naging Pangulo ng Pilipinas ang pakikipaglapit nya kay Russian President Vladimir Putin na tinatawag nyang Idol.
At natuklasan nating, may paghaga at respeto ang bawat isa sa kanila. Isang mutual admiration sa isa’t isa. Sa pamamagitan nga naman ng ating mga bagong kaibigan ay mas maisusulong natin ang potensyal ng pagkakaruon ng tinatawag na mutual cooperation.

Natuloy na rin ang naudlot na lecture ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Moscow State Institute of International Rlation, isang unibersidad kung saan nagsasanay ang mga Russian diplomats. Kasama sa mga nakinig sa lecture ng Pangulo hinggil sa bilateral relations ang mga estudyante mula sa ibang Russian universities. Matatandaan na hindi natuloy ang pagsasalita ng Pangulo sa unibersidad nang mapa aga sya ng uwi sa Pilipinas dahil sa Marawi siege.

SOCHI, RUSSIAN FEDERATION

Nagtungo rin ang Pangulo sa Sochi kung saan naimbitahan syang magsalita sa Valdai Discussion club. Ayon sa ginawa nating pakikipanayam kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, ito ang kauna unahang pagkakataon na naimbitahan sa club ang isang Philippine President. Mahalagang makita ang bagong istratehiya ng Pangulo sa foreign relations na kasabay ng pagpapahalaga natin sa mga matatagal na nating partners…..hindi naman masama na buksan ang pinto ng pakikipag kaibigan sa mga hindi nakasanayan tulad na lamang ng Russia.

Mapapanood ang ating ginawang pagbisita sa Bansang Russia at mga ginawang pakikipanayam sa ilang mga miyembro ng opisyal delegation ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Bansang Russia tulad nina:

TOP GUNS

House Speaker Allan Peter Caytano, Senator Christopher Bong Go, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Labor Secretary Silvestre Bello III, Trade Secretary Ramon Lopez, Environment Secretary Roy Cimatu, Presidential Communications Secretary Martin Andanar, presidential spokesman Salvador Panelo, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta at ang exclusive interview natin kay PRRD.

Abangan ang …..

“MISSION ACCOMPLISHED: FROM RUSSIA WITH LOVE”

Ang kabuan ng istorya ay mapapanood sa aming Programang pang telebisyong…

KASANGGA MO ANG LANGIT

Na napapanood na tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

Ang Father and Son tandem nina Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood sa mga sumusunod:

RJdigiTV via cable and satellite Television
Cablelink – Channel 2  – Metro Manila Coverage
Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
Cignal – Channel 28 – Nationwide
RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

BATANG SOLVENT

$
0
0

Mga batang solvent na mayroon pang magandang kinabukasan na nag ihintay para sa kanila. Ito ang istorya ng mga batang solvent na napabayaan dahil sa iba’t kadahilanan. Ako si Pareng Rey Langit.

Alamin ang buhay ng ng mga batang solvent na ngayon ay nasa Sagip Solvent Center sa Quezon City. Ako naman ang inyong Kasangga, JR Langit.

SAD STORIES

Watak watak ang pamilya ni Diego. Tatlong taon lamang sya nang mamatay ang kanyang ama at Iniwan sya ng kanyang ina sa Lola na hindi nila kaano ano. Samantala, nasa pangangalaga naman ng DSWD ang kanyang mga kapatid. Namumungay ang mga mata, gusgusin at may hawak na plastic na may solvent. Ganyan ang itsura ng mga bata nang makuha sila ng PDEA agents. Sa ginawang pakikipanyam ni JR Langit sa mga batang solvent na sinagip ng PDEA.

Diego: Sabi ko po kay mama dalaw dalaw na lang sya pero tatapusin ko muna po yung graduation ko kasi sa kalye lang po talaga kami na katira.

Samantala ayon naman kay Reinalyn na isa ring batang solvent.

Reinalyn: Pumunta na po ako sa pamilya ko tapos nanghingi po ng tawad sa kanila sa ginawa ko po, yung mga bagay na mali ko pong nagawa.

Sagip Solvent Center

Mahigit sa isang buwan na ngayon sa Sagip Solvent Center ang mga batang solvent. Dito, hindi sila itinuturing na bilanggo, kundi mga malayang kabataan na naghahanda upang makabalik muli sa lipunan.

Agent Joelo: Sa mga kabataan, ang gusto natin mag karoon ng magandang kinabukasan, the other side kasi yung mga batang to kapag hindi mo sila na reform magiging malaking problema nang lipunan. Kapag wala tayo Intervension Program na ganito para sa kanila, sila rin yung magiging future na kalaban natin.

Alamin natin ang buhay ng mga batang solvent na ngayon ay nasa Sagip Solvent Center sa Quezon City. Kahit hindi sila magkadugo, alam ni Diego na mahal na mahal sya ng kanyang Lola, subalit hindi ito naging sapat para hindi sya maligaw ng landas.

AT THE AGE OF 8

Diego: Yung na barkada po ako noong 8 years old pa lang po ako.

JR Langit: 8 years old ka palang marunong ka ng gumamit ng solvent?

Diego: Opo

JR Langit: Bakit ka pumapasok sa ganitong bisyo?

Diego: Ano po, dahil sa sulsol. Yung sinulsulan po ako ng kaibigan ko, try mo to masarap ito. Pero yung tinikman ko una po nagandahan ako pero nung lumipas po ng ilang taon yung edad ko po noon 14 parang naisip ko po na parang wala lang, parang wala ako sa sarili. Inaasar po ako ng mga tao ba’t daw ako nag sosolvent, pero nagagalit po ako ba’t sinasabihan po nila ako ng ganun. Hanggang sa nalaman ko po na mali pala yung ginagawa ko.

JR Langit: Anong grade ka nun?

Diego: Grade 1 po ako noon, nung natapos ko po yung grade 1 umabot po ako hanggang sa grade 3, nung nasa grade 3 na po ako yung kaklase ko po inasar po ako sabay na paaway po ako. Sabi ng mga kaibigan ko wag ka ng mag aral aasarin ka lang dyan. Kaya ganoon po ang nangyari.

PUTOK SA BUHO?

JR Langit: Anong klasing pang -aasar ang ginawa sa iyo.

Diego: Yung ano daw po ako, putok daw sa buho.

Onse anyos naman si Reinalyn nang matutong gumamit ng solvent. Labing tatlo silang magkakapatid kayat hindi sila masyadong matutukan ng kanilan magulang. Tulad ni Diego, barkada rin ang naging dahilan kayat nalulong sya sa bisyong ito.

Reinalyn: Ano po nung 11 years old po ako na sa kalsada na po ako na mamalimos po ako nun para may pambili po ako ng pag kain, may pambaon po ako tapos nung ano po 12 years old po ako nag simula na po akong na pa barkada tapos yung mga barkadang nasamahan ko nag rurugby po, tapos ano po parang nayaya na po akong mag rugby po.

STRICTLY NO FB

Tapos ano po nung 12 years old po ako mga kalahati po ng buwan tumigil na po ako, kasi ano po binalikan ko po yung pag aaral ko, tapos yung mama ko at papa ko di po ako pinag ffb dahil po sa mga barkada ko baka daw po mapatambay po uli ako. Yun nga po dahil po sa fb tas sa chat po ng mga tropa ko na pabarkda po ako. Na balik po ako sa kalsada mga 13 years old po ako uli, nag rugby po uli ako nun tpos ano po araw araw po ako gumagala tumatakas po ako sa bahay. Ako lang po yung inaasahan nila mama sa bahay pero tumatakas po ako nun dahil sa mga tropa ko po tas ano po tumigil po ulit ako nun nung 14 years old na po ako. Na balik po ulit ako sa barkada hanggang sa 15 years old na po ako. Ngayon pong 15 years old ko po dapat ano po nag aaral po ko ng grade 3, huminto na naman po ako dahil sa mga tropa ko.

MOA BET QC AND PDEA

Dalawa lamang sina Diego at Reinalyn sa mahigit animnapung batang solvent na sinagip ng PDEA o Phil Drug Enforcement Agency na ngayon ay ina alagaan sa Sagip Solvent Center.

Agent Joelo: Ito sir ay joint effort to, pero ito talaga ay initiated ng PDEA nag hanap kami ng venue para sa tulad nito na magiging shelter ng mga bata at nag offer ang Quezon City Government ng ganitong venue so nag karoon kami ng Memorandum of Agreement (MOA), sa mayor ng Quezon City tsaka yung aming mahal na DG ng PDEA ngayon ay nag draft ng MOA so nung nag draft na nag launched kami rito. Beforehand ang gusto talaga nag simula ito dahil sa kagustuhan ng mahal na DG namin ng PDEA na ang mga bata na street children lalong lalo na specifically yung mga solvent or inhalant users tsaka sabihin na nating addicted na, sa mga inhalants na yon ay masagip natin sila mabigyan natin sila ng magandang kinabukasan through tinatawag namin na Reformative intervension Program so ito yung isang paraan.

REACHED OUT or RESCUE

Namumungay ang mga mata, gusgusin at may hawak na plastic na may solvent…..ganyan ang itsura ng mga bata nang makuha sila ng PDEA agents.

Lahat halos ng mga bata na nandito walang nag surrender dito talagang reach out namin to ang reached out medyo pinagandang salita, rescue kasi ayaw ng gamitin ngayon yung rescue reach out na sila so kalimitan nung kinukuha namin sila nag tatakbuhan pa, ayaw talagang pahuli. Kumbaga tumatakbo to na may hawak hawak pang solvent yan na kalagay sa plastic yung iba nakalagay sa mineral water, maaamoy mo amoy rugby, amoy solvent so makikita niyo yung mga pictures dyan noong nirereceived namin sila makikita mo yung mga mukha nila pati itsura nila gusgusin mahaba yung buhok mahaba yung mga kuko maraming itim itim sa katawan tapos yung mata na mumungay.

DYSFUNCTIONAL FAMILY

Bawat bata ay may kanya kanyang kwento kung paano sila nalulong sa solvent…..subalit lahat sila ay pare parehong nagmula sa tinatawag nating dysfunctional family.

So basically makikita natin na maliban doon sa kahirapan kung may pamilya man, mahirap yung pamilya nila maliban doon ang iba talaga kalimitan dyan sa mga bata nag hiwalay yung magulang. Iilan ilan lang ang kumpleto yung magulang, nagtatrabaho yung tatay at nag tatrabaho din ang nanay. Sabihin na natin nag coconstruction yung tatay yung nanay naman ang sideline ay nag mamanicure. Umaalis yung nanay umaalis yung tatay naiwan yung mga bata ayaw ng pumasok sa eskwelahan so ang ginagawa ngayon yun sumama sa mga barkada.

Sa Sagip Solvent Center, normal ang buhay na mga dating batang sovent. Tatlong beses silang kumain at may dalawang beses pang meryenda sa isang araw. Higit sa lahat, nag aaral sila upang maging mabuting bahagi uli ng lipunan pag alis nila sa Center.

PSYCHO-SOCIAL COUNSELING

JR Langit: Gano katagal naman po yung gugugulin ng mga bata para masabing na reform na sila ?

Agent Joelo: Basically sir ngayon ipapatern lang namin sila sa ALS so yung ALS natin 14 week program tumatakbo yan 3. 5 months after that irerelesed na natin yung bata so sa tatlong buwan at kalahati na yun ang gagawin namen mag kakaroon kami ng Psycho Social Councelling dun sa bata sasamahan na rin namin ng Spiritual activities idedevelop na rin namin yung kanilang social talent o kaya social skillls tapos yung mga talents nila tulad nung nangyari kanina pinasayaw namin sila so sa tatlong buwan at kalahati na yun pag ka nag graduate na sila moving up ng ALS yun ire-release na namin sila sa magulang nila .

Ngayong Oktubre inaasahang matatapos na sa kanilang ALS o Alternative learning system ang mga dating batang solvent at muling matututong mangarap ang mga bata.

JR Langit: Meron ka pang gustong sabihin, gusto mong kamustahin si mama at papa mo at tsaka yung mga nanunuod ngayon?

Reinalyn: Ma, ano kapatid ko po sa bahay sana po wag ng mag pasaway kay mama pati kay papa. Malapit na po akong umuwi sa bahay namimiss ko na sila sobra lalo na po si mama sana dalawin po ako dito. At nag papasalamat din po ako lalong lalo na kay director kasi binigyan niya po kami ng magandang kinabukasan po, para matupad po ang aming pangarap.

FLIGHT STEWARDESS

JR Langit: Ano ba ang pangarap mo?

Reinalyn: Mag Flight Attendant po.

JR Langit: Ah.. Talaga !

Reinalyn: Para po kasi gusto ko pong mapuntahan yung mga lugar na di ko pa na pupuntahan at mga gusto kong mapuntahan po.

JR Langit: Ikaw Diego, ano naman ang pangarap mo sa yong pag laki, ano ba gusto mong maging?

Diego: Gusto ko rin pong tularan yung mga nagturo sakin dito gusto ko rin pong maging isang PDEA agent po tatapusin ko po pag-aaral ko po rito para matupad ko po yung aking pangarap.

JR Langit: Bakit PDEA agent yung gusto mo?

Diego: Kasi po para matulungan ko rin po yung mga katulad ko mga batang palaboy rin po manghuhuli rin po para magbago sila at di na rin po gagawa ng masama. Dito ko rin po nararansan na ano lalambingin po ako, kasi sa labas po hindi ko po naranasan yakap yakapin po ng mga tai nandidiri po sila sakin, inaasar po ako ng mga batang mayayaman wala raw po akong magulang. Pero dito ko po naranasan yon parang sila na po yung magulang ko, nag papasalamat po ako sa kanila.

NATUTONG MAGNAKAW

Katulad ni Diego, isang batang solvent na ngayon ay nasa pangangalaga nang Sagip Solvent Center sa Quezon city. Natuto syang magnakaw dahil sa paggamit nya ng solvent.

JR Langit: Ano ba yung ipekto, pag may tama ka, pag nag take ka ng solvent meron ka bang naiisip na masamang gawin?

Diego: Opo natuto na rin po akong mag nakaw mag hablot pero wala rin po nasasaktan rin po ako ba’t ninakawan ko po yung mga tao umiiyak po ako sa gilid. Sabay nakita ko po yung may ari sinoli ko po pero di naman po ako pinabarrangay. Pero di ko po binawasan yung wallet.

JR Langit: Tapos ano nangyari?

Diego: Pag kasoli ko po binigyan pa po ako ng pera pinakain pa po nya ako.

Ang nagyayari nito pampalipas gutom nila to pag nagugutom sila hithit ka lang niyan mawawala yung gutom mo. Isa sa dahilan talaga at tsaka yung tama medyo lumulutang ka rin kapag na ka singhot ka. Iba ang pakiramdam, parang dati mahiyain ka ngayon hindi ka na mahiyain dahil pampalakas loob kasi yung iba kailangan nilang makakuha ng pera kasi unang una wala silang makain kailangan nilang mang snatch kailanagn nilang mag nakaw so pampalakas loob.

RUGBY BOYS

Sa kabila ng nakaka awang kalagayan ng mga batang solvent marami pa rin sa ating lipunan ang may sikmurang samantalahin sila at gamitin para kumita.

Agent Joelo: Bawal kasi talagang bumili ang bata sa hardware hindi talaga sya bibilhan doon ng rugby so ang nangyayari sir meron silang mga kuya kuya yung mga adult na bibilli ng rugby dun tapos sya yung mag didispense dun sa mga bata pero bibilhin pa rin ng mga bata yun ibebenta niya sa kanya, yun ang magandang hulihin.

JR Langit: Ginagawa pang negosyo, upang pagkakitaan ang mga pobreng bata.

Agent Joelo: Opo, pati yung solvent na yan isipin mo yung solvent bibilhin nila sabihin natin worth One Hundred Pesos maibebenta niya yan aabot ng mga Five Hundred Pesos na yan pag titingi tingiin niya yan kaya malaking negosyo sa kanila yan.

PAGKA-GRADUATE SA SOLVENT

Maliban sa nagagamit sila ng ibang tao, nariyan din ang panganib na kapag mahina na ang tama sa kanila ng solvent ay maghanap sila ng mas matindi ang tama tulad ng shabu.

Mag sisimula yan sa pag bebenta benta ng solvent habang gumagamit sila nag bebenta rin sila ng solvent hanggang sa yung tama ng solvent o kaya ng rugby hindi na sila tatamaan kung baga kulang na sa kanila so gagamit na sila ngayon ng chongki yung marijuana yung marijuana gate way drug yan para papunta ka na dun sa Shabu kasi pag gumamit ka ng gumamit ng marijuana kukulangin na rin sayo yung tama mag hahanap ka pa ng mas malakas na tama at dahil sa kapaligiran nila sa ganoong sitwasyon maaaring meron dyan sa mga kaibigan niya o kabarkada niya na mag oofer sa kanya ng Shabu tikman mo to nang walang bayad hanggang sa pag na tikman niya masarap pala maganda sa pakiramdam bibili na sya maghahanap sya ng paraan para makabili sya ang gagawin niya mag nanakaw sya .

Mahigit sa isang buwan na ngayon sa Sagip Solvent Center ang mga batang solvent. DIto, hindi sila itinuturing na bilanggo, kundi mga malayang kabataan na naghahanda upang makabalik muli sa lipunan.

ROUTINE ACTIVITIES

JR Langit: Ano pala ho yung routine nila sa isang buong araw ?

Agent Joelo: Gigising sila sir alasais ng umaga pag ka gising nila exercise agad sila sandaling exercise lang simple lang magising lang yung dugo exercise na pag ka exercise nila kakain na sila ng breakfast pagka breakfast ligo na after maligo pasok na sa ALS sa Alternative Learning System at ang ALS nila dahil nga marami na sila ngayon hati to sila sa tatlo may tinatawag tayong basic elementary ito talaga yung mga hindi marunong magbasa BL ang tawag namin sa kanila so yung BL Basic Literacy tapos may tinatawag tayong advance Elementary pangalawang grupo pangatlo yung High School meron tayong highschool ditto.

Nilibot namin ang kanilang mga quarters, maganda ang kanilang bed na hinihigaan, may double deck at may mga kubol kubol sila. May play time sila pag ka hapon, pagkagabi mayroon silang movie.

Pag hapon meron silang Zumba, pina zuzumba sila. Kaya halos lahat ng mga sayaw ng zumba kabisado ng mga batang ito. At bilang pandagdag sa mga maaari nilang pagka abalahan, nagdala rin ng munting regalo sa mga batang solvent ang Kasangga Mo ang Langit. Amin rin silang dinalhan nang RJ Guitar galing naman kay Secretary Ramon Jacinto at alam naming makatutulong ito sa kanilang music subject o sa kanilang pag aaral kumanta, tumugtog at libangan.

Ang iba’t ibang istorya nang mga batang solvent ay hango sa aming Programang pang telebisyong KASANGGA MO ANG LANGIT…
Napapanood tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

Ang Father and Son tandem nina Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  • RJdigiTV via cable and satellite Television
  • Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  • Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  • SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  • Cignal – Channel 28 – Nationwide
  • RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

SUMMATION

Paghubog sa kabataan na maging mabuting mamamayan.Isang napakagandang proyekto na tunay talagang sumasagip ng mga kabataang nalulunod sa masamang bisyo habang nasa lansangan. Ngayong Oktubre inaasahang mataapos na sa kanilang ALS o Alternative learning system ang mga dating batang solvent. Higit sa damit at pagkain sa center. Muling natutong mangarap ang mga bata.

Hindi simpleng problema ng lipunan ang mga tinatawag nating mga batang solvent. Maaaring ito ang pinakamababang uri ng ipinagbabawal na kemikal na puwede nilang gamitin…subalit maaari rin itong maging tulay ng mas malaki pang krimen na maaari nilang gawin.

Umaasa ang PDEA na susunod ang iba pang local na pamahalaan sa pagtatatag ng Sagip Solvent Center. Napakalaki ng ating magagawa para sa mga kabataang naliligaw ng landas kung tulad ng PDEA , DSWD, Quezon city Government at iba pa ay magkapit kamay tayong tumulong para sa mas matinong pamayanan.

Viewing all 323 articles
Browse latest View live