Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all 323 articles
Browse latest View live

ANG MANDIRIGMA

$
0
0

Kuwento ng kagitingan at serbisyo sa bayan. Ang makulay na buhay militar ni GM Alexander Balutan. Partikular na nais ibahagi ni GM Balutan ang halos limampung araw na pakikipagbakbakan sa Mindanao. Ang detalye ng kanyang sinuong na bakbakan sa Mindanao at iba pang lugar bilang isang sundalo, idinetalye sa librong
“Mandirigma.”

Ang pagiging sundalo ang nagbuklod kina Retrired Brig General Francisco Gudani at dating Heneral at ngayoy PCSO General Manager Alexander Balutan. Maaksyong buhay sundalo, mababasa na sa libro. Ang makulay at maaksyong buhay sundalo, mga sakripisyong dapat nating malaman.

NARRATIVE

Sa salaysay sa amin ni Ret. BGen. Francisco Gudani ganito niya inilarawan si General Balutan.

BGen. Gudani: Magaan ang dugo ko sa kanya, kung kahit na ano sya pinagtatanggol ko sya sa mga seniors noon so tapos nga nagkasama ulit kami nung brigade commander ako sa lanao yun nga yung garci election 2004 election. I made him a company commander and he was one of the best if not the best company commander I had, we were in Zamboanga Norte. Masunurin sya kapag sinabi kong patrolya patrolya talaga 3 to 5 days pa noon pagkatapos nung sa battalion when I became naman brigade commander naging battalion commander ko rin sya but in between syempre nagkikita kami siguro nababalitaan nya pag marami ring kalokohan sa ano kapag pinag iinitan sya nung mga senior namin pinagtatanggol ko sya ganun kaya nabuo yung friendship namin noon, siguro dahil pareho kami ng ugali.
Mula sa labanan sa Mindanao, hanggang pagtestigo sa Hello Garci scandal sa senado hindi sila nag iwanan.

JR Langit: Sa madaling salita hindi nya po kayo pinabayaan?

BGen Gudani: Oo bilib ako talaga sa kanya hindi ko na na expound kanina after my testimony yung pinapunta sya dito sa pinatawag sya ng mga heneral dito sa GHQ sinasabi sa kanya sabihin mo lang na kasinungalingan yung sinabi ni Gudani i-po promote ka namin bibigyan ka namin ng magandang pwesto he was crying and he was cursing the generals. Oo yun ang kwento nya sakin minumura nya yung mga heneral. “Ganito ba tayo sir? Ganito ba tayo sa AFP sir?” ibang klase makipag kaibigan itong si Alex.

INTERJECTION OF EVENTS

JR Langit: Paki bigyan po kami GM ng konting background po nitong librong mandirigma.

GM Balutan: Ito yong mga karanasan ko nung ako’y nandun pa sa serbisyo I’ve been in service more than 37 years including being a cadet in PMA, at yung 22 years po ay inilaan ko doon sa truckline sa Mindanao at sa magugulong lugar pa ng ating bansa at dun ko na experience ang sari sari mga challenges sa pag tupad sa ating tungkulin bilang sundalo ano at makikita mo ang pag tulong natin sa mga kawawa nating mga kababayan lalo na yung mga nasa pangpang areas lalo na sa Mindanao sa mga isla at sa mga liblib na mga pook para mapaangat naman yung buhay ng mga tao na to dahil sabi ko nga ah sa libro ko na sinasabi na pagka walang laman yung tyan mo talagang magkakaroon ng mga kaguluhan “ang empty stomach knows no law” sabi ko nga sa kanila so yun yung mga ikinuwento ko mga pagharap sa mga panganib pag harap sa mga pagsubok pagpapaunlad ng isang lugar ah sa Mindanao at yung aking kasalukuyan na mga pwesto sa gobyerno BuCor Chief and now PCSO General Manager.

Chapter from page 37 to 52 ata yun naandito na yun yung war exploits ko sa Mindanao na kung saan tayo po ay nakaranas ng kulang kulang mahigit kumulang sa limampung bakbakan halos araw araw po yun from Caswagan down to Abu Bakar we cross the 3 provinces in 3 months by battalion ni li lead ko numbering about 50, 520 na reduce yan up to 175 after the last encounter sa Abu Bakar marami akong wounded marines at saka marami ding namatay so pagkaraan ng tatlong buwan na yung talagang iba ang feeling mo iba yung ah naging karanasan mo na hindi mo makakalimutan dahil konti nalang malapit kana rin mawala sa mundo.

THE AUTHOR-DIRECTOR

Magmula sa matinding disiplina ng mga magulang hanggang sa pagiging disciplinarian ring ama ay kasama sa libro na inakda ni Director Mauro Gia Samonte.

JR Langit: Saan pong parte ng libro yung masasabi nyong pinaka nagustuhan po ninyo?

Dir. Mauro: Mahirap na tanong yan kasi lahat ng parte ng libro maganda there is not one part na infirior to the to the other … id like to say the highlight halimbawa yung capture of Abu Bakar no you know yung camp Abu Bakar yun ang mother strong hold ng MILF no, hindi alam ni general balutan he was still a major according to my research no he was still a major by that time he was up against the MILF actually he was up against the the biggest millitary against US na kung natatandaan nyo during the at the turn of decade 2000 dun nangyare yung order ni president erap estrada yung all out war against the MILF kung ang di alam ng marami america did a lot of effort para pigilin si erap na lusubin ni erap yung camp Abu Bakar no pero nanindigan si erap ituloy yung kanyang all out war sinong nag impliment ng all out war policy si general balutan hindi nya alam na sa pagbanat nya sa MILF talagang binabanatan nya yung command ng US sa likod ng MILF kaya makikitra nyo na bagamat major palang sya sa panahon na yun ang natalo na nya ano kase … Abu Bakar e mula sa mula sa kanyang hinuha na ang tinatalo nya pala sa panahon na yun ay yung amerika kasi yung amerika yung nag papakilos sa MILF at mapapatunayan yan sa defiant ni erap yung order yung order ng amerika na huwag salakayin yung camp Abu Bakar bigla bigla anong nangyare inimpeach si erap nawala so actually ang pinunta roon ni erap ay yung amerika at nag impliment ng order ng all out war ay si general balutan yung ang isa isa lang yan sa mga episodes ng libro ko na hindi alam ng marami.
Para sa sumulat ng Mandirigma, naway dumating ang panahong hindi na kailangang may mamatay na sundalo para lamang tayo mabuhay.

JR Langit: Direk gaano nyo po katagal, oh panahon ang ginugol nyo po dito sa pagsusulat ng librong ito?

Dir. Mauro: Mahigit isang taon din and yet ganoon lang kinalabasan – manipis. my one regret sa pagkakasulat ko ng libro I did not have enough time para to digg up farther marami pang magagandang bahagi sa kasaysayan ni mandirigma na dapat na ilagay ko pero hindi pero ganon paman yung mga nailagay kona sa sa libro ay sapat na upang maging isang magandang panoorin hindi lang sa entertainment value kung hindi sa mismong aral ano ah sabi ko nga dun sa dedication ko to the men and women in uniform who i wish to see the day they have no longer to die in war in order all of us to love, to live in joy and peace kung meron pong ibig palitawin dyan no that should give you a food for thought ano ba ibig sabihin kailan mangyayare yung mga sundalo ay hindi na kailangan mamatay para lang mabuhay tayong kanilang pinag tatanggol ng mapayapa at maligaya kailan mangyayare yon may panahon ba pwede pag wala na ang millitary, pag isipan nyong mabuti yan. Pag wala na ang millitary, pag wala na ang gera, mapayapa na ang lipunan isa yan sa malalim na gusto ko maibahagi sana sa mambabasa.

SPOKEN WORDS

Sa kanyang talumpati, sinabi ni GM Balutan na hindi nya hangaring ipagmayabang ang mga nagawa nya bilang isang sundalo, “As you go through and read every page of this book,please realize that yours truly is bragging my achievement in every battle won but would like you to fathom that a battle is won not by a single man alone.A battle is won by the cincerted efforts of well led marine-warriors in the battleground who are willing to put their lives on the line not because it’s their duty but most importantly, for love of our motherland. It is my desire that with this book, all of you who are here today and all those who may read this book will have a glimpse of the sacrifices not only of the soldires but more importantly the silent sufferings and sacrifices of the soldier’s family who are left behind uncertain if they will see each other again alive.

Samantala, nang simulan na ang Open Forum hindi ko natiis na hindi tumindig at itanong kay GM Balutan ang hingil sa istorya ni Isnelon Hapilon na kumander ng Maute at Capt. Monroe Bongyad na miembro ng 7th Scout Ranger Company kung nakasama ang istorya nito sa kanyang aklat na “Ang Mandirigma.”

Sumagot naman siya, bagamat hindi raw nakasama sa aklat ni GM Balutan ang istoryang ito, nag paunlak siyang isalaysay sa harap ng media sa open forum ang kakaibang istorya na nangyari sa kasagsagan ng putukan sa Marawi.

FLASHBACK

Hayaan ninyong minsan pa nating sariwain ang mga pangyayari sa likod ng istorya kung paano napatay si Isnilon Hapilon, ang Maute leader. Kung papaano naging mas matamis ang tagumpay sa Marawi City, ito ang aming ibabahagi sa inyo.

Sa aming palatuntunang pang television na “Kasangga Mo Ang Langit” na napapanood tuwing biernes sa PTV4 ng alas diyes (10 pm) ng gabi aming isinakatuparan ang pananaliksik upang maihatid sa inyo ang kakaibang istorya ng isang Sundalo na nakihamok sa mga kalaban sa Marawi habang kasabayang nahaharap rin sa panganib ang kanyang Anak dahil sa malubhang karamdaman.

Habang nakikipag palitan ng putok sa Marawi, hindi maalis sa isip ni Captain Bongyad ang kalagayan ng anak na tatlong taon din nilang inantay mag asawa bago dumating sa kanilang buhay.

Capt. Monroe: “yung baby ko kumbaga nag aagaw buhay yung baby ko, pero dahil ako ay nasa Marawi during operation, kaya wala ako dun sa tabi ng baby ko.”

Dahil sa pangangailangan pinilit niyang maabot ang Phil Charity Sweepstakes Office sa pamamagitan ng facebook messenger. Sadyang hinanap niya si GM Balutan na isa ring dating opisyal ng Sandataang Lakas ng Pilipinas.

REMINISCENCE

Capt. Monroe: Siya ah yung assistant commandant namin sa PMA nung kadete pa kami, hindi na ako nag hesitate na nag message ako sa kanya…. kinuha nya yung details pinapunta nya yung wife ko. That time wala naman ako nasa marawi ako nun on going yung operation so yun tinawagan ko yung wife ko pumunta sya, hindi ko enexpect yung ah buong expenses pala ng ah namin sa ospital ay sasagutin na ng PCSO. Laki ng tuwa ko nun medyo maluha ka rin kahit papano, hindi ka maka uwi pero nandun yung PCSO para alalayan yung family ko alam kong mahirap mahirap yung sitwasyon na wala ka don sya lang mag isa. May problema sa internal organ ang Anak ko, nagkaron sya ng intestinal malrotation yung bituka nya intestine rumbled parang buhol buhol, kaya kailangan syang ma operahan.

Mahirap ang pinagdaanan ni Capt. Monroe Bongyad, tumigil ang kanyang maybahay na mag trabaho, 5 months na walang trabaho as dentist. Wala syang income, at lahat ng ipon nila ay naubos na sa unang mga hospitalisation. Nakapag loan na rin siya at naubos sa pag papa-ospital ng anak.

Para kay PCSO General Manager Alexander Balutan, binigyan nya ng ispesyal na atensyon ang kaso ni Captain Bongyad matapos mapag alamang kasalukuyan itong nakikipag laban sa Marawi.

DIVINE INTERVENTION

GM Balutan: Ah jr, sa katunayan nahagip ko lang yan sa messenger ng facebook ko siguro alanganin na ng oras ng gabi habang namamahinga ako nabuksan ko yung messenger ko at meron ditong napaka habang message sakin I know na pagkita ko palang ay medyo kako emergency ito at nangangailangan talaga ng tulong medical so nung binasa ko sya ay kakaiba itong nabasa ko.
JR Langit: Maluha luha po sya nung kinikwento nya sa amin yung pagtulong po ninyo at ng PCSO. At hindi nya ine expect po na sasagutin po lahat ng PCSO ang naging operation po ng anak nya.

GM Balutan: pero ang mganda pong istorya nito ay habang nagpapalitan kami ng kwento sa facebook at inaasure ko sya na tutulungan, at i-focus na muna niya yung attention sa front line because ang malungkot dyan ay yong scenario where yung asawa ay magiging biktima ng giyera pati yung mga kasamahan madamay because of a lack of concentration and focus dun sa giyera sa front line.
Ive been in Mindanao for 20 years ive been in marawi for 2 years so I know exactly the feeling of a father soldier so kailangan mag focus ka para hindi kana madamay, also this scenario that kung mawala sya pati yung bata I cannot imagine the trauma yung dadating sa asawa na nawalan sya ng mister nawalan sya ng anak. Poignant distress of the wife is a too much of her hindi ko kyang konsensyahin yun so bilang dati nyang instructor as assistant commandant sa PMA, naging kadete sya nung 2006 kaya naging palagay yung loob nya na lumapit sa akin bilang isang senior officer ng Armed forces sa PMA.

END OF MAUTE LEADER

Hindi naman naiwasan ni Captain Bongyad ang maging emosyonal habang nagpapasalamat sa mga nakatulong sa kanila. At nang tanungin ni Captain Bongyad si GM Balutan sa text kung paano ito makakaganti ng utang na loob, Sinabi ni GM na ulo ni Maute leader Isnilon Hapilon ang nais nyang regalo. Sineryoso ito ni Captain Monroe Bongyad at makaraan lamang ang ilang araw, isang larawan ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon ang ipinadala ni Captain Bongyad. Ipinakita sa amin ni GM Balutan ang text message na ito ni Captain Bongyad at ang larawan ng patay na naka handusay na si Isnilon Hapilon at mga katagang; “Sir, Mission Accomplished!”

SUMMATION

Tunay na inspirasyon lalo na sa kabataan. Kasabay ng tagumpay sa giyera sa Marawi ang tagumpay ring nararamdaman ng pamilya Bongyad sa maganda nang kalagayan ng kanilang anak. Kaakibat ng pagiging isang sundalo ang panganib sa kanyang trabaho kayat tanggap na nila ito kapag sumasabak sa giyera.

Sa kanilang pakikipag laban, hindi lamang ang sarili nilang buhay ang kanilang itinataya. Kaya naman suporta at hindi panghuhusga ang pinakamainam nating magagawa para sa kanila na nahaharap sa ganitong mga pag subok. At sa panig ni General Manager Balutan, wala man siya mismo sa battle field ng Marawi laban sa Maute napakita pa rin niya at napa dama sa kapwa ang pagiging isang TUNAY na MANDIRIGMA!


REMEMBERING MAYOR HALILI AND HIS WALK OF SHAME AGAINST ILLEGAL DRUG PEDDLERS

$
0
0

Mayor Antonio Halili was known for fighting against drugs. In fact he became known for what they call in Tanauan, Batangas, as the Walk of Shame, where suspected criminals would be paraded around town.

Halili was shockingly killed on July 2, Monday, in broad daylight during the Flag Raising Ceremony at the Tanauan City Hall. He was shot by a still unknown assassin straight by a 5.6 millimeter bullet that went straight to his heart. The assassin was reportedly only 76.8 meters away.

Walk of Shame

Mayor Halili, Batangas, extra judicial killing, philippines drugs, rey langit

 

We personally witnessed the Walk of Shame in Tanauan, Batangas. Before being charged by the proper authorities, suspected criminals, whose crimes ranged from rape to petty theft were paraded in public.

I wrote about this and interviewed Mayor Halili in 2016. And recalled this interview on my television program with JR Langit KASANGGA MO ANG LANGIT, which airs every Friday night on PTV4.

It was in July of 2014 that Mayor Halili started the Shame Campaign. The first batch included those caught stealing tuyo (dried fish) in the market. “Nagpapasalamat na ‘yung mga nagtitinda sa palengke dahil wala nang nakawan (the vendors were thanking me because it put an end fo the robberies in the market),” Halili recalled.

Effective Against Criminals

Many questioned this Walk of Shame. But Halili believed that it was necessary to teach the criminals a lesson. He believed that an iron fist was the solution to prevent criminality.

“The other ways don’t work!” Halili said. “After being charged, (criminals) post bail; after being convicted, they go back to their old ways after serving their sentence.”

But Mayor Halili would not only make criminals do the Walk of Shame, he would also invite them to a dialogue where he would ask them if they would prefer the style of Mayor Osmena who would give prize money to those who would kill the criminals or if they would prefer his style where criminals are given the opportunity to change.

He would reiterate in his dialogues with suspected criminals his intention to give them this opportunity to change for the better.

WAR AGAINST DRUGS

Mayor Halili, Batangas, extra judicial killing, philippines drugs, rey langit

Halili was passionate in his fight against those involved in illegal drugs.

“When I won as mayor I said that I would immediately start this campaign against illegal drugs,” Halili recalled. “Shabu here is being sold like salt. It is not even concealed anymore because the criminals were not avoiding anyone, not even the police because they were part of the operation, they were given a cut.”

For this campaign against illegal drugs, Halili received many death threats.

“I did not allow myself to get scared. Ang sabi ko, Bahala kayo. Galingan niyo, gagalingan ko rin.

It had already come to the point where police, PDEA agents, even members of the SWAT were being killed. Halili himself received many death threats.

But Halili did not back down. “These criminals had become fearless,” he said. But he stood his ground against them. “Kung ako pa ang matatakot, eh wala na ang bayan na ito,” he said.

HUMAN RIGHT’S ISSUE

Some have criticized the Walk of Shame by Mayor Halili as being violative of human rights.

To this, Halili replied, “‘Yung mga human rights, human rights na ‘yan! ‘Di niyo na inisip kung ako ay inyong idedemanda, idemanda niyo lahat ng mga TV Stations na nagpaparada ng mga kriminal. Nagbabalandra ng mga mukha ng mga sinasabing nagnakaw ng PDAF at may kasong Plunder. Convicted na ba si Revilla nung nilagay sa TV screens ng mga TV Stations? Si Jinggoy, ‘yung mga nacha-charge. Kung ako ay idedemanda ng CHR, dapat siguro unahin niyo muna ‘yung malalaki. Kayong mga taga-CHR kayo, Nakakahiya kayo! Magpa-examine muna kayo, baka may mga sira ulo ninyo!”

We felt that Mayor Halili was upset with the Commission on Human RIghts. He argued that the CHR did not even help victims of human rights abuses.

In spite of the investigations against him by the Commission on Human Rights, halili continued with the Walk of Shame and even said he was ready to gamble with the Shoot to Kill order if his Walk of Shame would be prove to not be effective.

CRIMINALITY AND COURAGE

In these trying times, we need to give value to what would be best for the majority.

Ending criminality is part of the duty of some officials . And the local government of Tanauan, Batangas, has played a great role in resolving crimes in their hometown.

Now that their great crusader has passed on, who will continue the crusade? Do the people of Tanauan whom the Mayor has left behind have his courage? Or will they just now leave everything to nature to resolve?

 

MAYOR HALILI: PINAPA ‘WALK OF SHAME’ ANG MGA DRUG PUSHER

$
0
0

Araw ng lunes, July 2, 2018 sa Flag Ceremony ng Tanauan City hall ng paslangin si Mayor Antonio Halili. Nasa layong 76.8 meters, ang assassin nang paputukan si Mayor.

Isang 5.6 millimeter bullet ang tumama sa kanyang dibdib, sumabog ang bala sa loob ng katawan na dagling kumitil sa kanyang buhay.

“Walk of Shame”

Mayor Halili, Batangas, extra judicial killing, philippines drugs, rey langit

Ito ang bukang bibig sa Tanauan Batangas. Palasak na kataga gamit upang ipahiya ang mga taong nasasangkot sa krimen. Kalimitan rapist, tao na nasasangkot sa pagnanakaw, mga nahuhuling nag tutulak ng pinagbabawal na gamot o droga.

Sa mga hindi pa nakabasa sa ating Column na nai-publish nong taong 2016 at hindi pa nakapanood sa ginawa naming exclusive interview kay Tanauan City, Batangas Mayor Tony Halili, hayaan ninyong ibahagi namin sa inyo ang episode na ito, upang makatulong din na kilalanin ang isang taong na naaakusahan na may kinalaman sa illegal na Droga.

Sa aming TV Program ni JR Langit na KASANGGA MO ANG LANGIT na napapanood tuwing biyernes ng alas diyes ng Gabi sa PTV4 aming ibinahagi sa mga manonood ang special episode na pinamagatan naming “WALK OF SHAME.”

Taong 2016 nang bisitahin ng KASANGGA Team si Mayor Halili sa kanyang tanggapan at amin siyang kinapanayam.

Isa sa nakatawag sa aming pansin ay ang kanyang style ng pag-parada sa publiko ng mga nahuhuling kriminal sa kanyang nasasakupan. Ultimong nagnanakaw ng mga tindang tuyo sa palengke, hanggang sa nang aabuso sa sariling anak at mga may kinalaman sa illegal na droga.

Sinaksihan ng Kasangga Mo Ang Langit o KMAL Team ang pagparada sa mga hinihinalang kriminal ng Tanauan. Marami ang nagtatanong kung epektibo nga ba ang Shame Campaign na ito para sa mga nagkakasala sa batas. Ito nga ba ang tamang paraan sa paglaban sa krimen?

Kumilos ang KMAL Team upang alamin ang puno’t dulo ng Shame Campaign na ito at aming kinapanayam si Mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas at ilang mamamayan.

KAWATAN NG TUYO

Mayor Halili, Batangas, extra judicial killing, philippines drugs, rey langit

July 2014 nang simulan ni Mayor Halili ang kanyang Shame Campaign sa mga kriminal.

Ang una nyang sinampolan ay ang magnanakaw ng tuyo sa palengke.

Lumabas naman na effective. Mula nang ginawa ni Mayor ang pagparada sa mga nahuli nila, wala nang nangyaring nakawan sa palengke.

Mayor Halili: Kaya nasabi ko na effective nga ‘yung paraan na ‘yun. So, ngayon wala na. Nagpapasalamat na ‘yung mga nagtitinda sa palengke dahil wala nang nakawan.

“Ang bentahan ng shabu parang nagbebenta ng asin. Hindi tinatago dahil walang iniiwasan. Hindi takot sa pulis kasi noong panahong ‘yun, pati pulis kasama, patong sila.”

Buo ang paniniwala ni Mayor Halili na tama lang ang kanyang ginagawang pagpapahiya upang maturuan ng liksyon ang mga gumagawa ng hindi mabuti.

Pinilit din naming maghanap ng biktima ng krimen sa Tanauan upang maibalanse ang aming ginagawang episode. Pinalad naman kaming maka-interview ng isang kapatid ng dalawang menor de edad na inabuso ng sariling ama.

DEATH THREATS

Mayor Halili: Noong ako’y manalo bilang mayor, ang sabi ko, sisimulan ko na agad ang campaign against illegal drugs. Sabi ko nga, kung ako ay matatakot, wala na, isu-surrender ko na ang buong bayan ko.

Kaya naman katakutakot na death threat ang dumarating sa akin.

Jr Langit: Ano naman ang naging tugon ninyo sa mga death threat sa inyo?

Mayor Halili: Eh, hindi naman ako nagpatakot. Ang sabi ko, bahala kayo. Galingan niyo, gagalingan ko rin. Eh, syempre ilang tao na ang pinapatay dito. Judge dito, pinapatay. Pulis dito, pinapatay. PDEA Agent dito, pinapatay. SWAT pinapatay. Powerful na nga e. Masyado nang walang takot ‘yang mga ‘yan. Kung ako pa ang matatakot, eh wala na ang bayan na ito.

Flores de pusher ang tawag nila sa mga nasasangkot sa Droga. At mayroon daw silang malakas na ebidensya laban sa suspect na kanilang ipinaparada sa kalsada.

HUMAN RIGHT’S ISSUE

Tinanong ng ating kasanggang Jr Langit kung ano ang kasunod pagkatapos iparada ang mga suspects sa lansangan?

Mayor Halili: Pagkatapos ng Walk of Shame, ibinibigay namin ang suspect sa mga pulis para masampahan ng kaso.

Marami ang bilib sa istilong ito ni Mayor Halili sa pagresolba sa krimen, subalit mayroon din naman ang nagagalit dahil ito raw ay paglabag sa karapatang pantao ng mga suspek.

Jr Langit: Mayor, ano naman po ang masasabi niyo sa mga hindi pabor sa Shame Campaign dahil human rights violation daw po ‘yun?

Mayor Halili: ‘Yung mga human rights, human rights na ‘yan! ‘Di niyo na inisip kung ako ay inyong idedemanda. Idemanda niyo lahat ng mga TV Stations na nagpaparada ng mga kriminal. Nagbabalandra ng mga mukha ng mga sinasabing nagnakaw ng PDAF at may kasong Plunder. Convicted na ba si Revilla nung nilagay sa TV screens ng mga TV Stations? Si Jinggoy, ‘yung mga nacha-charge? Kung ako ay idedemanda ng CHR, dapat siguro unahin niyo muna ‘yung malalaki. Kayong mga taga-CHR kayo, nakakahiya kayo! Magpa-examine muna kayo, baka may mga sira ulo ninyo!

Dama namin na may kimkim siyang hinanakit sa CHR o Commission on Human Rights sa pag puna sa kanyang style. At walang kagatol-gatol na sinabi niyang dapat din magpatingin sa utak ang mga ito na pumupuna sa kanyang ginagawang pagparada sa mga kriminal.

Kanyang katwiran: wala namang naitutulong ang mga human rights sa mga biktima ng pang-aabuso at pagnanakaw. At dito niya nasambit na kung may idedemanda, dapat daw ay ang mga himpilan ng telebisyon na nag lalabas nang mga mukha ng mga suspect na yan kahit wala pang final judgement sa kanilang mga kaso.

Inihalimbawa pa ni Mayor Halili si Mayor Joseph Estrada noong inilabas ng media ang kanyang mug shots na iba’t ibang anggulo habang hawak hawak ang numiro na tulad ng isang bilanggo.

Sa kabila ng imbestigasyon sa kaniya ng Commission on Human rights, hindi natitinag si Mayor Halili at handa pa siyang sumugal sa Shoot to Kill order kapag hindi raw naging epektibo ang Walk of Shame.

DIYALOGO SA MGA PUSHER

Ayon pa sa Mayor, gumagamit sila ng kamay na bakal laban sa kriminalidad sa kanilang nasasakupan upang huwag nang lumaganap pa ang krimen.

Mayor Halili: Hindi kasi mapatigil ng ibang paraan, e huhulihin mo – makukulong. Pagka maya-maya, nakalabas na. Nagpipiyansa. Balik na rin sa kanilang trabaho.

Pero si Mayor Halili ay hindi natitinag sa mga imbestigasyon at pagtuligsa sa kanyang ginagawang pagparada sa mga hinihinalang criminal.

Tunay ngang kakaiba ang istilo ni Mayor sa paglaban sa krimen: ini-imbitahan pa nya ang mga pinaghihinalaang drug pushers sa isang diyalogo.

Tinatanong niya kung ano ang gusto nilang style, tulad ba ng kay Mayor Osmena na pag babarilin ang mga pusher at bibigyan ng pabuya ang makababaril o bigyan ng pagkakataon na makapag bagong buhay muna?

Inuulit ulit niya sa diyalogo kung meron pang intensyon ang mga ito na magbago.

SUMMATION

Sa mga ganitong pagkakataon, ang dapat nating bigyan ng higit na pagpapahalaga ay ang makabubuti para sa mas nakararaming mamamayan. Ang pagpuksa sa kasamaan ay kasama sa tungkulin ng mga nakatataas na opisyal. Ang dapat ding bantayan ay ang pagmamalabis, at may malaking papel din ang mga sibilyan sa Tanauan, Batangas sa pagresolba ng krimen sa kanilang bayan.

Ngayong nawala na ang crusader, sino ang aako at magpapatuloy sa kanyang krusada. Mayroon bang maglalakas ng loob na ituloy ang iniwanan ni Mayor Antonio Halili o ipauubaya na lamang ang lahat sa agos ng tubig at ihip ng hangin?

 

METRO MANILA BANAT COMMENTARY PROGRAM

$
0
0

Patay ang isang broadcaster matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa barangay Peñafrancia, Daraga, Albay noong biernes (July 20, 2018). Pasado alas 5:00 ng umaga, papasok sa trabaho ang biktimang si Joey Llana sakay ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng mga suspek sa tapat mismo ng bahay nito. Tama sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktima na kilala bilang isa sa mga hard hitting commentator sa Albay sa programa nitong “Metro Banat” sa Zoom Radio Legazpi.

Sangalan ng KBP Metro Manila Chapter ang aming taos pusong pakikiramay sa sinapit ni Joey Llana na isang kasamahan sa industria ng pamamahayag at ang aming pag-kundina sa pag paslang na ito sa kanya.

Ang programang “Metro Banat“ ni Joey Llana sa Zoom Radio Legazpi ay hango sa papular na programa namin noon ni Pareng Caloy (ngayon ay namayapa na).

Hayaan ninyong sariwain natin at ibahagi ko sa inyo ang trivia na ito, na alam kong hindi na inabot ng ating mga mellenials. Makalipas na madiklara ang martial law taong 1974 at ipasara ang himpilang DZAQ ng ABS CBN kung saan tayo nagbo-broadcast bilang miyembro ng unang batch ng Radyo Patrol. Tayo ay naanyayahan ng Manila Broadcasting Company (MBC) na maging News Director ng himpilang DZRH.

Dito namin nabuo ang pamosong programang “Metro Manila Banat”. Isang commentary program na may dalawang anchor, si Pareng Rey at si Pareng Caloy.


Ang synergy naming dalawa ni Caloy Castro ang naging susi upang umani ito ng tagumpay, nang panahon ng Martial Law na mahigpit na ipinagbabawal ang commentary Programs. Itinuloy namin ni Pareng Caloy ang “Metro Manila Banat” kahit na nakatatangap na kami ng banta na ipapasara ang aming himpilan. Lunes hangang sabado umaalingawngaw ang tinig namin sa DZRH tuwing umaga at isinisigaw ang mga katagang:

“Ito ang palatuntunang walang kinatatakutan, sapagkat ang pangngahas nito ay kapangyarihan na nagmumula sa mamamayan, People Power!”

Mid 70’s nang aking simulan ang programang ito. Pagsapit ng ika-22 ng Pebrero 1986 ang mga katagang unang namutawi sa aking bibig
na “People Power” ang siyang naging bukang bibig at umalingawngaw sa EDSA. Sa himpilang DZRH isinilang ang radio program na nagbigay ng napaka-halagang contribution sa Philippine History.

Ito ang tinawag kong “One of the most significant days in Philippine Broadcasting History.” And the REST IS HISTORY!!! Sa ginanap na 20th World Press Freedom Day may limang taon na ang nakalilipas (May 3/13) na ating nadaluhan, ang Pilipinas ang isa sa tatlong mga Bansa na may masamang media freedom. Ang tema ng conference noon ay naka sentro sa press freedom, media coverage sa terrorism, impunity at papel na ginagampanan ng media sa post-conflict na mga bansa. Ang New York-based Committee to Protect Journalists (CPJ), sa kanilang 2013 Impunity Index, dito naitala ang Pilipinas na third worst country, sumunod sa Iraq at Somalia. Noon ding taong 2013 inilabas ng Reporters Without Borders ang kanilang Press Freedom Index, na nasa ika 147th ang Philippines sa may 179 na mga bansa, karamihan ay Southeast Asian countries.

Taong 2013 naging palasak ang mga katagang “impunity in journalist murders”, at ang Pilipinas ay naitala sa rangong third worst worldwide sa apat na magkakasunod na taon. Sariwa pa sa ating ala-ala ang 34 na journalists na napatay sa 58 na mga biktima ng Maguindanao massacre noong November 23, 2009 na hanga ngayon ay unsolved pa rin. Ang 2018 conference na sponsored ng United Nations Alliance of Civilizations na nakansila ay itutuloy sa susunod na taon 2019, May 3. May 3 ang World Press Freedom Day ng bawat taon na diniklara ng United Nations General Assembly upang maalala at kilalanin ng gobierno ng bawat bansa ang pag respeto at pag-uphold sa right to freedom of expression o karapatan ng malayang pamamahayag.

STL vs JUETENG

$
0
0

Mga pinaglalaanan ng bilyun-bilyong kita ng PCSO , ating alamin. At kung papaano nangyari ang pagtaas ng kita ng Philippine Charity sweeptakes office sa unang anim na buwan pa lamang ng 2018, ito ang ating bubusisiin.

Agad naming sinakatuparan ni kasanggang JR Langit ang one-on-one interview kay PCSO GM Alexander Balutan na mapapanood sa aming pang Biyernes na programa sa telebisyon ng alas diyes (10pm) ng gabi sa PTV4. At naghanap rin kami ng STL franchise holder upang malaman ang kanilang inaharap na challenges upang tapatan ang illegal numbers game na jueteng.

MEDICAL SERVICES COURTESY OF STL

Isa lamang ang STL o Small Town Lottery sa mga produkto ng PCSO. Malaking bahagi ng STL upang mas lumawak ang tulong medical na puwedeng ipagkaloob ng PCSO sa mahihirap nating kababayan.

GM Balutan: Nangangahulugan ito ng mas malaking tulong para sa ating mga kababayan na walang kakayahang magpa ospital, ambulansya para sa ating mga ospital lalo na sa mga nasa liblib na lugar.

Nakapagtala ang PCSO ng 24 percent increase sa kanilang kita kumpara sa parehong panahon nuong 2017. Kaya pinawi ng PCSO ang pangamba sa naging obserbasyon ng Commission on audit na baka maubos ang kanilang pondo.

JR Langit: Nasa ilang prusyento po ng kita ng STL ang napupunta po sa ating mga kababayan?

GM Balutan: Automatic po yung 30% na napupunta ngayon, were now hitting 2 billion a month kung titignan mo yung 30% nun malaki na so ito yung pinaglalaanan natin ng pondo kaya nga nag increase na rin ang ating mga tinutulungan na mga beneficiaries dito nationwide halos more than 100% ang increase ng mga pasyente na nautulungan na so ito po yung kainaman na na rollout natin yung stl and also nag increase na dito lotto kung over all itong by quarter natin 24% ang increase compared to last year so maganda pong pangitain at I think we’ll be hitting our dream to generate 55 billion by the end of 2018.

VARIOUS ASSISTANCE

JR Langit: Kadalasan po ano pong mga proyekto ang sinasagawa ng PCSO?

GM Balutan: Unang una yung individual medical assistance program natin where ito yung mga hospitalization ng pasyente natin special mga indigent may endowment fund kami where yung ating mga condo ay ibibigay sa mga hospital may moa signing kung ano yung patakaran at ni rereplinish natin ang pondo nito pag ka naubos. meron din tayong medical equipment xray machine,mir etc. etc. tapos meron din kaming I hope program where sine select namin ung poor provinces, poorest provinces sa ating bansa at binibigyan din natin ng suporta 50 milyon each province sa kanilang hospital ambulance donation we donated last January dito sa ilocos norte kaya nakinabang din sila dito sa mga ambulance donation program natin at marami paring iba na of course ung job generation natin napakalaki na ngayon aaboti ng mga 350,000 nationwide so dati ito mga 100,000 lang ito ung mga sector ng society natin na hindi makaka kuha ng magandang trabaho dito because of lack of education medyo sa may pwd at saka because of their age and this sector of society coming ay vulnerable sa crimanalities to do drugs and at mga kung ano pang pwedeng hindi mga tamang gawain.

HOW TO AVAIL

Isa sa tinitiyak ng PCSO ay maging abot kamay sa ating mga kababayan ang tulong na mula sa ahensya.

JR Langit: Gm paano nyo naman nabibigyan ng pansin ang mga kababayan nating hirap po makompleto yung kanilang mga documents na umihingi po ng tulong sa PCSO?

GM Balutan: Madali lang naman ang mga patakaran namin madali din inaassist po sila ng ating mga social workers kung san man sila mang hingi ng tulong madali din naman agad sagutin yung mga basic information nafifillapan nila sa mga branches natin o sa mga hospital. Sa akin kung meron lang manghingi ng tulong txt nga lang ini inform ko rin na ating mga social worker na aksyon ito so far sa 888 nung isang araw nga binigyan kami ng certificate na 100 percent sa aming mga ginagawa yung mga complains sa amin ay 100 percent namin nasasagot para magtiwala sa atin ng husto an gating bayan at gobyerno sa tulong ng PCSO.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang pagpapalawak ng PCSO sa kanilang mga produkto upang mapalawak rin ang kanilang tulong na puedeng ipagkaloob sa mahihirap nating kababayan.

JR Langit: Ano po sa tingin nyo ang kaylangan pang tignan ng PCSO aside sa pag bibigay tulong sa mga kababayan natin sa medical assistance?

GM Balutan: Unang una of course yung fund generation natin lalo nating paigtingin at idevelop sa ating mga gaming products para maging attractive siya doon sa bettors, sa gaming public natin kasi kung wala tayong fund generation wala din tayong medical assistance so magka dugtong po yon parehas naman nating tinututukan talaga yung pag aalocate ng pondo nito ay transparent tayo, we are open to the public so that pinapakita natin yung mga figures dito you can challenge that and eto po ay para mabigyan kayo ng idea kung ano ang nangyayari sa pera na ibinigay ng PCSO na nako-collect ng PCSO.

AUDIT OBSERVATION

Kasabay nito ay pinawi ng PCSO ang pangamba sa naging obserbasyon ng Commission on audit na baka maubos ang kanilang pondo.

JR Langit: Yung tinanong ng isang report about coa, may posibiladad po ba na maubos ang funds?

GM Balutan: Hindi po mauubos ang fund ng charity yung sinasabi po nila na un collected na PMRR, mga stl natin yun yung mga presumpted ibig sabihin ay kota yon, sa lahat ng ahensya natin sa gobyerno yung mga customs may mga kota yan na kung minsan ay di maabot eto naman ay hindi utang na sinasabi natin sa papel lang ito talagang pinu pursigi natin na kolektahin ang mga short falls ng ating mga AACs para maka comply kami dun sa COA observation.

Para sa PCSO, ang pagtangkilik sa kanilang mga produkto tulad ng STL, Lotto at iba pa ay kahalintulad na rin ng pagtulong sa ating mga kababayan.

GM Balutan: Buong puso po akong nagpapasalamat sa ating mga kasamahan at ang ating chairman sa buong pagtitiwala sa mga gawain natin dito sa PCSO at sa inyong mahigpit na pag tulong at supporta sa mga aming gaming panatiliin po natin tayo ay sumoporta at mag tangkilik ng aming mga gamings sa mga susunod na pagkakataon para may maibigay tayong tulong sa ating mahihirap na pamayanan.

Ang benepisyo ng pagkakaruon ng STL sa ibat ibang mga lugar. Ang operation ng stl sa la union halimbawa ay nasa 16 na bayan. Yung apat medyo sa paanan ng bundok, bulubundukin kaya wala ng operation doon.

Isa lamang ang STL o Small Town Lottery sa mga produkto ng PCSO o Philippine Charity sweepstakes office. Malaking bahagi ng STL ang nilalaan upang mas lumawak ang tulong medical na puwedeng ipagkaloob ng PCSO sa mahihirap nating kababayan. Subalit maliban dito, ang STL ang pantapat ng pamahalaan sa Jueteng na matagal na ring namamayagpag sa ating bansa.

STL ANG ANTIDOTE SA JUETENG VENOM

Ganito ang naging tugon ni PCSO General Manager Alexander Balutan sa iba pang issues.

JR Langit: Papaano nyo pinapaigting yung laban sa illegal gambling?

GM Balutan: yes ang kaylangan natin mag partner talaga with law enforcement agency like pnp at nbi. Also we get help from armed forces of the Philippines. Eto yung parati nating sinasabi sa mga media rin kaylangan maliwanagan ng taong bayan at ma educate natin sila ng mga hindi sakop na inauthorize ng PCSO ay hindi pwede maglaro kaylangan po lahat ng illegal numbers game like jueteng, maciao tres pares, na kaylangan na mag migrate na sila na maging legal at gagawin na natin silang stl, eto rin ay talagang dapat tutukan ng law enforcement and agency natin particularly ung pnp na habulin itong illegal operators ng jueteng. Yun po yung ginagawa natin at marami pong nahuhuli by the thousands na po nahuhuli ng ating anti gambling operation.

Patuloy na pinalalawak ang operasyon ng STL o small town lottery, ang panlaban ng pamahalaan sa jueteng.
Mula sa Mindanao, Metro Manila, Southern Tagalog at Central Luzon, nakatutok na ngayon ang PCSO sa pagpapalaganap ng STL sa Ilocos region.

CHALLENGES ON STL OPERATORS

Kung paano nilalabanan ng STL ang Jueteng, ating alamin. Kinapanayam namin si Ginoong Danny Avecilla isang franchise holder ng STL sa La Union.

Dan: Sa La Union ang stl ay napaka gandang programa ng gobyerno natin sa ngayon, so itoy tangkilikin nyo at dito’y legal ho lahat ang takbo ng paglalaro nito walang kasamang kalokohan walang daya.

JR Langit: Gaano po karami ang tumatangkilik po ng stl sa inyo pong lugar?

Dan: Malaki, marami marami oo marami marami talaga marami kaya talagang iniikutan namin ng personal yan, hands on kami naikot para I disseminate talaga yung kabutihan ng stl kasi marami pang hindi nakaka alam ng tungkol sa stl lalo na sa mga kadulo dulohan ng mga lugar. So with that talagang hands on kami at binabalita talaga namin para mapalaki ang sales.

JR Langit: Papaano po yung mga day to day operations ninyo, nag ha house to house kayo araw araw at tuwing kelan po ang bola?

Dan: 3 times a day ang bola. So talagang busyng busy, of-course talagang hanggang last draw, 8:30 sa gabi yon.

JR Langit: Ano po yung masasabi nyong kinagandahan ng stl kumpara sa illegal numbers game katulad ng jueteng?

Dan: malaki malaki ang pagbabago nyan unang una walang na displace sa mga dating kolektor sa jueteng inabsorb namin lahat yan, pangalawa yung tungkol sa drugs…. pag yang mga yan sa dami ng anak walang maipapakain sa pamilya. Kaya mag reresort sila sa mga ibang bagay na illegal and drugs ang pinaka unang unang tatakbuhan nila dyan kaya with them employed sa PCSO sa stl, na iraradicate yung mga bagay na yan.

Bukod sa kumikita na ang mga kubrador at bukis, mabilis rin ang aksyon ng STL operators sa kanilang mga pangangailangan.

INCENTIVES ON SMALL WORKERS

JR Langit: Ano po ang klase ng mga tulong ang naibibigay nyo sa mga bukis, sa mga kubrador o workforce ninyo ?

Dan: Unang una pagka meron silang personal na problema dumudulog sila sa amin pagka malaki masyado ang kakailanganin nila na tulong ay ini endorse ko sa PCSO, la union sa branch na yan at silay natutulungan naman. Ngayon sa pang araw araw na pangangailangan nila meron naman silang nakukuhang percentage sa sales nila.

JR Langit: Mayroon din ba kayong pinagkakaloob na incentives sa inyong mga kobrador at ibang mangagawa?

Dan: Meron, mga personal na tulong, alam mo pag namatayan halimbawa eh galing na sa amin mismo ang tulong kami na ang umaalalay. Marami yan, marami ang natutulungan na yan, oo dami.

Sabi nga abot kamay na ang matagal nang pangarap na ito ng pamahalaan na masugpo ang jueteng.

Tulad ng naging pahayag ni GM Alexander Balutan, “The STL, has been touted as a government antidote to the venom of the illegal Jueteng. Duon na tayo sa legal na sigurado pa ang tulong para sa ating mga kababayan.” Naging transaparent tayo at para mabuo ang pagtitiwala ng ating taong bayan lalo na yung mga mananaya natin na tangkilikin itong mga games ng PCSO.”

Hindi rin nawawala ang mga palusot ng iilan lang namang kubrador, na kapag tumaya halimbawa ng bentisinko sentimos (P.25) ang isang mananaya, ibubulsa na ang sinko (P.05) at idedeklara lang ang bente (P.20). Nagkakabukuhan kapag tumama ang tinayaang numiro, kulang na ang ibibigay na premyo. At sa mga walang pang abono, bigla na lamang magtatago ang kubrador. Ito’y isa lamang sa mga challenges na kinahaharap ng isang STL Franchise holder.

SUMMATION

Serbisyo Publikong walang katapat. Bukod sa pondo para sa PCSO, marami ring nabigyan ng trabaho ang STL. Sabi nga abot kamay na ang matagal nang pangarap ng pamahalaan na masugpo ang jueteng.

Ito ay sama sama at madaling magagawa kung hindi na tayo tatangkilik pa sa illegal na sugal. Bakit hindi sa legal, sigurado pa ang tulong para sa ating nakararami at mahihirap na mga kababayan. Who knows, bukas makalawa ikaw o ang pamilya mo ang mangailangan ng tulong at matutulungan ka pa.

PAOAY ADVENTURE

$
0
0

Maaksyong bakasyon!
Pagrampa sa umaalong buhangin. Pag bisita sa World Heritage site na Paoay Church at pag tikim sa kakaibang pinakbit pizza. Ito ang ilan lamang sa kakaibang adventure na ginawa ng Kasangga Team kamakailan.

Sa aming ginawang pag bisita sa Paoay Ilocos Norte kamakailan na aming ipinakita sa “Kasangga Mo Ang Langit” television program sa PTV4 na napapanood tuwing Biyernes ng alas diyes ng gabi (10pm), aming ibinahagi ang exciting na Sand boarding ng Paoay Ilocos Norte.

Paoay CHALLENGE

Hindi mo kailangang magtungo ng gitnang silangan para makakita ng disyerto. Hindi mo rin kailangang magtungo sa Estados Unidos para maranasan ang extreme adventure tulad ng pagtalon at pagrampa sa matatarik at maalon na bulubonduking Sand Dunes sakay ka ng 4 X 4.

Sa Paoay, Ilocos Norte matatagpuan ang Sand Dunes kung saan puede nyong i-enjoy ng husto ang inyong trip sa Ilocos. Subukan nating mag sand boarding sa Sand Dunes Adventure.

Kinapanayam ng Kasangga Team sa pangunguna ni JR Langit si Mayor Jessie E. Galano ng Paoay Ilocos Norte.

JR Langit: Mayor ano po ba tong makikita natin ngayon, at ano itong ginagawa nila?

Mayor Jessie: Actually yung ginagawa nila na mag sa sand board ito yung sand boarding na sinasabi natin na other aspect of sand bashing dito sa Sand Dunes sa Paoay. kaya makikita natin yung isang activity, para atleast masiyahan din ang tao. Kung baga sa ice skating ito naman ang sand boarding.

Para itong surfing sa dagat, ito ay sa malaking alon naman ng buhangin. Nakakalula man ang taas pero safe naman.

JR Langit: Mukha pang advanced level na po ito.

Mayor Jessie: Oo nga, pang advance level na to, may mga pang beginner kami doon. Nakaupo, nakatayo, puwede. Bago ka naman sasakay dito bibigyan ka muna ng instruction. Sisiguruhin na tama ang gagawin mo, para walang sablay.

Rey Langit: Wala bang delikado rito Mayor?

Mayor Jessie: ah actually maiiwasan naman yon, halimbawa sa kalagitnaan ng pag daosdos at gusto nilang tumigil sa Sand boarding ang gagawin lang nila uupo lang, yon ang control hihinto na, kaya safe na rin sa gustong mag-ride.

ANG PANDAY

Makasaysayan din ang lugar na ito, paboritong shootingan ito ng legend ng pelikulang filipino na si Fernando Poe Jr.Sa malawak na disyertong ito matatandaang nilabanan ni FPJ si Max Alvarado bilang Lizardo sa pelikulang “Ang Panday.”

Rey Langit: Alam kong gustong gustong nagsho-shot ni FPJ dito ng kanyang Pelikula.

Mayor Jessie: Opo, dito nga siya nag sho-shot.

JR Langit: Nang kanyang ang Panday.

Mayor Jessie: Ang Panday, dito rin ginawa ang Himala, 4th of July, may isa pa…. ano nga pangalan nung pilikula na pinag sama sama ang magagandang dilag na dito nag shoot? Ah yon Temptation island.

SAND DUNES ADVENTURE

Hindi kailangang maging professional ka para ma enjoy ang sand boarding, puede ring galugarin ang makapigil hiningang ganda ng Paoay Sand Dunes, sakay ng matatangkad na 4×4 Jeep.

Sa ginawa naming pakikipanayam kay John Wilbert Casil, Vice Chairman ng Suba Paoay Sand Dunes Cooperative.

JR Langit: Kailan pa ho itong 4×4 na Sand Dunes ride?

John: Taong 2010 nag umpisa na itong 4×4 ride natin dito.

JR Langit: Magkano naman ang singil ninyo sa bawat 4×4 ride?

John: Ang rate po natin sir ay P2,500. 5-6 person na yun nakasakay sa 4×4 with sand boarding na po yun, total po ng one hour.

JR Langit: Open rin kayo nang Monday to Friday?

John: Yes from 6am to 6pm po. Dito yung pinaka malawak na area nang Paoay sand dunes.

Hindi lang sand boarding, sinubukan rin naming ma-experience at matikman ang pinagmamalaking “pinakbet pizza” ng Paoay Ilocos Norte. Pinapilan na rin namin ang Food Trip challenge ng ating kaibigang Margaux Salcedo na regular na nababasa dito sa manilaspeak.com.

Hindi talaga dapat palampasin kapag nagtungo ng Paoay ang kanilang sikat na – Pinakbet pizza. Sa hindi pa nasusubukan ang special na pizza na niluto sa bagoong, dito natin subukan at mapapa WOW KA!

ISTORYA NI PINAKBET PIZZA

Kinapanayam ni Kasanggang JR Langit si Genedina Centeno, ang Herencia Café- Store Manager.

JR Langit: Paano po naconceptualize yung pag gawa po nitong pinakbet pizza na binabalik balikan ng mga parokyano o mga customers po ninyo?

Owner: Instead na kakain sila ng vegetable through rice, ito na. Kasi nga dahil Health Concious na tyo at turo ito nang mga doctors dito at sa pizza atleast low cholesterol because of the thin crust na hinalo nila sa pizza, it’s a thin crust and then nasabi nila na ano na ‘aba masarap pala, atsaka dun na nagsimula yun. Sa halip na sa kanin isama ang pinakbet, sa pizza crust na nakapatong ang pinakasikat na gulay ng mga Ilocano.

JR Langit: Bakit po nilalagyan ng bagoong?

Owner: Because yung pinakbet niluluto sya sa bagoong and then pag niluto sya sa bagoong slightly lang , slight lang yung alat , so para saganon pag sinawsawan sya ng bagoong dun nila malalasahan yung taste ng pinakbet.

The best ang pinakbet pizza para sa mga gusto ng pizza at na iingatan pa ang kanilang katawan sa cholesterol. Nagsimula lang daw ang Herencia Café noon na isang maliit na restawran lamang. Kumbaga isang maliit na space lamang ito. At nung medyo tumagal tagal na at dinarayo na ng mga turista doon na nagkraoon ng expansion. Bali itong herencia is a corporation, owned by 3 Doctors and 3 Businessmen, yung 3 Doctors ang nag isip kung paano nila ipinupromote yung pinakbet pizza through ideal food na heath conscious. Doon nag umpisa na maiproduce yun pinakbet pizza, through vegetable, nung 2005 nun nag umpisa ito hangang sa naging papular na.

WORLD HERITAGE SITE

Maraming puedeng dayuhin sa Paoay Ilocos Norte tulad ng Paoay Church na kabilang sa World Heritage site at kasama sa top 5 ng mga pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Aming binisita ang simbahan, ang maikling panalangin at siyempre kasama rito ang ating personal na 3 wishes !

Hindi ko kinaligtaan na mag uwi ng nag gagandaan nilang mga rosaries, bumili ng isang dosena at pinamahagi sa ating mga kasama na souvenir ng Paoay church. Kung tourist spots ang pag uusapan, hindi talaga padadaig ang Pilipinas. Napakarami nating puedeng tuklasin at i-enjoy sa sarili nating bansa. Na-enjoy na natin ang ating bakasyon, nakatulong ka pa sa sarili mong bansa, kaya bakit pa tayo lalayo.

UNDER FIRE: COMELEC AT SMARTMATIC

$
0
0

Nananatiling wala pa ring malinaw na tugon ang Comelec sa mga lumutang na question sa mga alleged irregularities sa nakalipas na 2016 national elections sa naging hearing ng Senado, mula sa naunang expose’ ni Senate President Tito Sotto hangang sa mga paratang ni dating congressman Glenn Chong.

Marami ang hindi natuwa sa ginawang hearing ng joint Congressional oversight committee on automated election ng hindi papagsalitain si Atty. Glenn Chong matapos na siya ay anyayahan bilang isang resource person sa Senado.

DISAPPOINTED

Naging “frustrated” ang maraming nag aabang sa naging paliwanag nang Commission on Elections sa usaping transmission at sealing nang PCOS machine sa mga kuwestionabling data/ boto ng mga kandidato na lumabas bago pa magsimula ang araw nang halalan noong May 9, 2016 national elections.

Ayon pa kay Senate President Vicente Sotto III ang confidential information kaugnay nang naganap na halalan noong May 9, 2016 kaugnay nang mga dinoktor na election results ay nagmula reliable source.

Samantala sa di-umanong resolution ng Comelec, sinasabing ang final testing at sealing na ginawa mula May 2 hangang 6, ay maaari raw na ma-extend hangang May 9 na araw ng election kung kinakailangan Binanatan ni Senate Pres. Sotto ang mabilis na sagot ng Smartmatic sa issue. Hindi puweding maging “testing transmission,” lang ito dahil ang huling Official testing ay nangyari na noon pang April 23, 2016 ayon kay Sotto.

QUEUE SERVER NA KWESTIONABLE

Lumutang rin sa usapin na ang paggamit ng tinatawag na “Queue server” sa maagang transmission ay hindi otorisado at questionable. Ayon sa ginawa nating pakikipanayam kay Atty. Glenn Chong sa panahong tahimik na, tapos na ang testing, transmissions at sealing ng machine ay doon may nagpadala nang mga resulta nang boto mula sa Bicol areas na galing sa tinatawag na clustered vote counting machine or precinct count optical scan (PCOS).

Kung maaalala ang Senate committee na mag iimbistiga nitong Automated Election System ang nag-subpoena sa COMELEC at Smartmatic upang magpakita ng mga relevant data sa mga kini-question at
alleged electoral fraud noong 2016 presidential polls.

COMELEC LOG

Ngunit ang hindi maipaliwanag nang Comelec sa hearing ay kung bakit ang kanilang dinalang log na nag lalaman ng mga relevant data ay mula May 9, 2018 (election day) gayong ang kine-question ay mga tala ng Log bago pa maganap ang May 9, election. Sa naunang hearing ng Senado kinwestyon ang credibility ni Atty. Chong, sa pag sasabing siya ay isa sa mga council ni 2016 Vice Presidential Candidate Bongbong Marcos.

Katunayan pinakita pa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang dalawang liham mula kay Atty. George Garcia na legal council ni Bong Bong Marcos kung saan isa si Chong sa sinasabing Marcos camp’s representatives. Sa ating interview sa Insider Exclusive program ng PTV4, RJ TV at RJ radio aking tinanong kay Atty. Glenn Chong kung may mag babago ba sa mga data at early questionable transmission ng mga boto kung siya ay naging abogado nga ni dating Senator Bong Bong Marcos.

Atty. Chong: Wala! wala pong pagbabago….. mabuti naitanong po ninyo yan.

FOREIGN ELECTORAL INTERVENTION?

Na i-raise ko rin ang katanungan kung bakit ang isang banyagang kumpanya tulad ng Amazon iCloud services sa United States ay kinakailangang padalhan rin nang resulta ng election sa Pilipinas.

Noong mga nakalipas na halalan 2010 at 2013 ay lumutang na ang usapin hingil sa mga security features ng PCOS. Tulad ng “source code,” na siyang nag bibigay ng instruction sa machine na gagamitin sa halalan. Ang “ultra violet light”, ito yung nagpapakita na yung balota ay authentic. Ang “receipt” na siyang katunayan na tugma ang mga pangalan ng kandidato na binoto mo. At ang “digital signature” kung saan ang mga volunteer ay dapat mag affix ng kanilang signature na puweding ma-scan at ma-input sa machine.

ANDY BAUTISTA’S INTERVIEW

Dito nasentro ang aking ginawang interview noon kay dating Comelec chairman Andres Bautista, naririto ang bahagi nang ating ginawang pakikipanayam:

Chair Bautista: Yes Rey, nakita ko nga ‘yan sa Youtube. Ang sinasabi po natin ngayon ay yung mga features ng bagong vote counting machines na ating aarkilahin ay upgraded version nung dati. Kung baga nga, mas maganda yung mga features nito. At tama naman na sinasabing mayroong mga safe guards na nakasaad sa ating automated election law, tulad nga po ng source code, ultra violet, digital signature, etc. ang sabi ko nga, sa totoo lang, mayroon din namang mga pagkukulang yung mga COMELEC dati. Ang aming general strategy this 2016 is gusto naming matuto sa mga leksyon ng 2010 at 2013. Para makapag improve or bumuti nga yung ating pag boto sa darating na halalan.

REY LANGIT: Kung iisa-isahin natin chairman ang mga security features na ito…..

Chair Bautista: In which case, let’s talk about the source code. In 2010, the source code review happened in one month before the election. Nitong 2013, it happened four days before the election. Hindi naman tama ‘yon. Kaya sinikap namin na dapat talaga ay makapag bigay ng kaukulang panahon para nga naman ma review yung source code. In fact, coincidental, we began the source code review, De La Salle University has kindly hosted the source code review na gagamitin. Yung source code, ito yung instruction given to the machine that will be use for the election. Mayroon tayong tatlong makina. Yung ating vote counting machine, yung ating election management system, at mayroon din tayong canvassing and consolidation system. Lahat ng ito ay mayroong source code that provide it’s access.

REY LANGIT: Normally sa naked eye at sa mga pangkaraniwang tao ay hindi kayang masilip ang mga security features na ito. So para ma-determine ang authenticity ng balota dapat talagang sinusunod ang mga safeguards na ito, para maiwasan ang dayaan.

Chair. Bautista: Tama po. Kaya nga kailangan na yung makina ay may ganyan. Yung makina ngayon sa 2016 ay mayroon ng ganyan. Mayroon na din po niyan nung 2013, ang wala ay noong 2010.

REY LANGIT: Bakit ayaw sundin ang safety feature na receipt o resibo kung saan makikita ang mga candidates na binoto base sa binasa ng machine.

Chair Bautista: Ang gagawin namin bago maganap ang halalan, iimbitahan namin ang pubiko, ang media, pati kayo Sir Rey, maybe you can witness how the machine works. And it could actually print a receipt. The problem is again, Should we allow the receipt to be printed? It has advantages and disadvantages. Yung advantage, maganda kasi para kang pumupunta sa Atm, ‘pag ikaw ay kumuha ng pera, print ng receipt kung gusto mo pang malaman kung magkano ang balance mo. Dito naman, ‘pag ikaw ay bumoto, gusto mong malaman na yun talagang mga binoto mo ay yun ang lalabas talaga sa resibo. That’s an obvious advantage.

EXERCISE IN FUTILITY

Ang mga safety features na ito ng PCOS machine upang maiwasan ang dayaan na tema ng aking naging interview kay dating Chairman Bautista ay nabaliwala, at nawalan ng saysay dahil sa ibat ibang rason at kadahilanan na hindi naman katangap tangap sa mamamayan.

Noon lumutang rin ang siniwalat ni Dr. Margarita “Tingting” Cojuangco na compelling proof na may 60-30-10 voting pattern sa naganap na 2013 elections na nadiskubre ni Ateneo Professor Alex Muga sa 59,667 clustered precincts across the country lumilitaw na hindi lang ito statistical coincidence kung hindi totoong naganap at nangyari.

SUMMATION

Marami pa ang dapat ipaliwanag ng Comelec at Smartmatic, hindi pa malinaw kung P7.87 billion lamang ang nagastos natin sa nakalipas na 2016 national election dahil sa aking pagkaka unawa, nag karoon pa nang hiwalay na bidding sa pagkukumpuni o refurbishment ng dating ginamit na 81,896 PCOS machines. At ang usapin ng ikalawang bidding ng Comelec para 23,000 additional OMR machines makalipas na baguhin ng Comelec en banc ang sinasabing disqualification ng Smartmatic-TIM sa 1st round ng bidding ng parehong vote-counting machines.

Hanga’t walang clarong paliwanag at solidong ebidensiya ang Comelec sa mga issueng lumutang, ang agam agam ng mamamayan sa papalapit na 2019 national election ay magmimistulang “Sword of Damocles” na naka umang sa ating bumbunan at maaaring mauwi sa isang bangungot para sambayanang Filipino.

EXCLUSIVE: SAP BONG GO

$
0
0

Kaugnay ng iba’t ibang isyung bumabalot sa ating lipunan at mga tugon na gustong marinig ng ating Kababayan. Kami ni Kasanggang JR Langit ay nagsakatuparan ng exclusive na one-on-one interview kay Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Tesoro Go, bahagi nito ay inyong napanood sa aming programang pang telebisyon sa PTV4, “KASANGGA MO ANG LANGIT” Biyernes ng alas diyes (10pm) ng gabi. Sa aming usapang tatlo aking binuksan ang tema ng patuloy na isyung bumabalot sa ating lipunan tulad ng issue ng katiwalian.

CORRUPTION ISSUE

Rey Langit: SAP Bong gusto kong kunan ka ng pananaw hingil sa isyung ito, dahil alam kong you are the right person na makadi-describe sa ating Pangulong Duterte kung totoo ngang exasperated siya dahil sa mga issue ng hindi matigil tigil na korapasyon sa gobyerno.

SAP Bong Go: Nag umpisa po ito sa isang conference po kaharap nya yung matataas na heneral ng arm forces, sabi nya talagang akoy pagod na. Personaly araw araw kong nakikita ang ating pangulo he is physically fit mentally fit, ang ibig nya pong sabihin dun sa pagod na exaspirated na po sya sa mga naririnig niya. Alam nyo pilit nyang tinatapos itong kurapsyon, subalit napaka hirap kaya po ako nakikiusap naawa napo ako sa ating mahal na pangulo sa ating kasamahan natin sa gobyerno we need your coorperation. Kasi po kung hindi kayo mag cooperate talagang mag tatagal bago marisolba ito. Wala siyang pinipili, ang ating pangulo ay patuloy sa kanyang kampanya kontra corruption pagod na po sya, tulad sa ibat ibang ahensya ng mga military may mga marinig syang mga reports. May nakulong na about sa nawawalang pondo, mga ghost deliveries lalong lalo na’t napaka importante tong gamot sa mga sundalong nasusugatan, masakit masyado yung loob ng pangulo na may mga nawawalang gamot para sa pasyente. Iba’t ibang ahensya ng gobyerno may mga issues ng corruption. Sabi nya nakakapagod naman ito halos araw araw. Subalit tuloy tuloy ang kampanya nyan laban sa korapsyon at heads will definitely roll basta masagasaan na masagasaan. Sabi nga niya sa corruption talagang wala syang sasantuhin.

SPORTS ENTHUSIAST

Mahigit dalawang dekada na ring kasama ng Pangulong Rodrigo Duterte si SAP Bong Go. Kapag nakita mo ang Pangulo, hindi nalalayo sa kanyang likod o sa kanyang tabi si SAP Bong. Sa kabila ng kanyang hectic na schedule bilang Asst ng pinakamataas na lider ng bansa, hindi pa rin nalilimutan ni SAP Bong ang kanyang pagmamahal sa Sports. Liban sa kanyang nakahiligang JetSki, basketball ay gustong gusto niya. Minsan kahit pilay na ay gusto pa rin niyang maglaro.

SAP Bong Go: uh minsan nagkakaroon nako ng sprain at cramps gusto ko parin maglaro, kahit ano nalang nilalagay ko sa paa ko para lumaban ng lumaban ganoon talaga lalong lalo na sa larangan ng palakasan,
talaga very competitive tayong pilipino.

Rey Langit: Lalo na pag nakikita namin yung mga video na 3points shots mo, talagang namamangha kami habang pinapanuod namin yon tuloy tuloy na shooting mo.

SAP Bong Go: Uhm alam nyo pareho kami ni JR mahilig sa basketball talagang nakikita ko yung triple double niya sa liga. Kaya lang ngayon eh hindi na ako nakakatalon kaya laro ko po eh nasa labas, si JR naman eh all around almost triple double at assist sa rebound at scoring at natutuwa naman ako at parehas tayo ng hilig.

Kakaiba ang passion sa basketball ni Sap Bong Go. Kaya naman naging malakas ang kanyang panawagan na ituloy ang paglahok ng Philippine basketball team sa ASIAN nuong mapag alaman nyang posibleng iurong ito.

JR Langit: Alam namin na malapit na malapit sa inyong puso ang basketball, ano nga yon tulong na naibigay ninyo sa ating Philippine team na makasabak po at makapag participate sila..?

SAP Bong Go: Siguro by the time na napanood nila tyo, marahil tapos na ang laban vs china sana po maging maganda ang ating standing kung di man natin nakamit ang ginto atleast lumaban at lumaban tayo pero hopefully po sana ay manalo tayo as many games na pwede nating mapanalo pero nung unang una talaga nabalitaan ko pong hindi matutuloy ang pagpaparticipate natin dahil priority nila ang fiba sobra po akong nalungkot at isa po ako sa mga Pilipino na nanawagan para sana po ay pwede magreconsider naman kayo, isipin nyo po hindi tayo sasali sa Asian napaka importanteng tournament po ito it only happens every 4 years and then di pa tayo sasali sayang yung opportunity natin na kahit man lang lumaban kahit di natin makuha yung ginto atleast we will give them a good fight.

KADAYAWAN FESTIVAL 2018

Pasyalan natin ang Kadayawan Festival kasama si SAP Bong Go. Sinaksihan ng Kasangga Team ang nakalipas na Kadayawan Festival sa Davao.

Hindi kinakaligtaan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at SAP Christopher “Bong” Go na makilahok sa may dalawampung (20) taong nang event ng Kadayawan Festival, sa piling nang mga kapwa davawenyos at pakikilahok ng dumarayong mga bisita mula sa iba’t ibang lugar.

Naging matagumpay ang pagdaraos ng taunang Kadayawan Festival sa Davao city. Pista ito ng pasasalamat ng mga tga Davao kung saan inilalatag nila ang mga produkto nilang prutas , gulay at iba pa bilang patunay ng masaganang ani. Maliban sa mga parada at naggagandahang palabas sa Kadayawan Festival, ipinakikita rin dito ang pagkakaisa ng ibat ibang tribo na bumubuo sa Davao.

JR Langit: Ano po nakikita nyong pinaka magandang parte ng festiveties nato sa Kadayawan Festival?

SAP Bong Go: Unang una nakikita natin na talagang nagkakaisa ang mga davawenyo ibat ibang activities may mga contest po ng hiyas ng kadayawan different tribes including muslim tribes po at each year halos ibat ibang tribo ang nalalalo at represented sila twing makikita mo maraming magagandang natives of different tribes dito sa Davao nakakatuwa naman talagang nakikilahok lahat ng davawenyo.

Isa ang Kadayawan Festival sa mga dinarayo ng mga turista sa Pilipinas. Ngayong taon, bagamat matagumpay ang Kadayawan Festival…hindi maiwasang maapektuhan ito ng aberya sa ninoy aquino international airport kung saan sumadsad ang eroplano ng Xiamen airlines.

Rey Langit: Nakaapekto ba yung insidente rito sa aiport sa expected na dami po ng dapat makarating dito sa Kadayawan?

SAP Bong Go: Oo nakakalungkot naman nagkataon na hindi naman sinasadya na nagkaroon ng problema yung sa international airport yung landing na yon ng Xiamen airlines. Maraming dapat pupunta dito maraming shows na nacancelled maraming artista na hindi natuloy because of the delayed of flights so pero tuloy parin yung festival natin naging masaya naman maraming taga Mindanao na sumali at nakilahok sa festival nato, talagang apektado kahit yung pag uwi nila karamihan natulog na sa airport kasi gusto narin nila makabalik ng manila after spending kadayawan di pa sila makabalik, hindi naman natin sinasadya,. At isa po tong magiging leksyon sa ating atoridad sa dotr para next time mejo paigtingin pa natin yung serbisyo at sana ay maanticipate nila ang mga ganitong sitwasyon, ano kaagad yung plan-b kaagad ano ba talaga ang dapat pag nasira ang airpot dito. Internation ito, ano ang pwede nilang lapagan, ano contingency measure na dapat gawin kasi unang una international airport yun so maraming apektado, yun ang pinaka sentro ng ating mga local at international flights.

PRESENCE OF PRESIDENT DIGONG

Hindi mahulugang karayom ang mga taong nakikisaya sa Kadayawan Festival. Kaya naman isa sa pangunahing tinitignan ng pamahalaan ay kung paano magiging mapayapa ang selebrasyon.

Rey Langit: Meron bang special na message ang ating pangulo para dun sa mga nagsidalo dito sa Kadayawan?

SAP Bong Go: yeah of course, nakilahok naman ang ating pangulo, he was just around the corner nasa City po sya. Nag attend po sya ng convention nung Hukbo ng Pagbabago last Friday (August 17) at dumalo din sya dun sa convetion ng Stalliones, ito po yung fraternity nya, at umikot naman sya sa buong Davao tinitignan nyang masaya ang mga kababayan naming taga Davao at natuwa naman sya naging mapaya, yun ang unang tinitignan nya talaga na mapayapa ang pag celebrate that was always, his primary concern at talagang tinitignan nyang mabuti ang kapayapaan sa Davao during the celebration of kadayawan.

SENATORIABLE!

Naging visible sa publiko ngayong taon si SAP Bong, dahilan ng mga ispekulasyon na tatakbo itong senador sa 2019 elections.

JR Langit: Sap Bong, 7 out of 10 Davaowenos would vote for you in the senate pag tumakbo kayo at nag number 1 din po kayo sa survey ng University of Mindanao, ano po ang reaksyon nyo dito sa mga nagtutulak sa inyo na kumandidato bilang senador?

SAP Bong Go: Unang una nagpapasalamat po ako sa mga fellow Davaoenos sa tiwang binigay nyo sa akin, sa tiwalang binigay nyo sa ating pangulong duterte, mayor inday sarah at alam nyo naman kami ay nagta trabaho lang at wala kaming ibang hangad kundi kabutihan ng bawat Pilipino, specially sa mga Davaoenos eh nakakataba ng puso yung tiwala na bini bigay nyo at mas lalo po akong mag ta trabaho sa tiwalang binibigay ninyo ngunit napaka aga pa po pag usapan ng politika kasi po hindi po talaga akong interisadong tumakbo ng senado at ulitin ko ang makapag pabago lang po ng isipan ko ay ang ating pangulo. Si pangulong duterte lang po ang nakakaalam kung san lang po ako mas makakatulong para sa bansa pero im very happy with my present job right now as sap at marami po akong natutulungan at makapag serbisyo po ako sa mga kapatid nating Pilipino.

COMMITMENT

Binigyang linaw rin si SAP Bong ang hingil sa lumutang noon na panukalang NO elections bilang paghahanda sa pagpapalit ng sistema ng pamahalaan. Ayon sa kanyang pagtatapat base sa nakaraang convention ng hukbong pagbabago sa Davao na pinapangako ng Pangulo “that the election will push through and then your votes will be counted and it will be a clean election.”
Kaya nasabi ni SAP Bong na gustong gusto ng pangulo na makapag exercise ang ating kababayan na bumoto at lahat ng boto nila ay bibilangin, na maging malinis ito. Ito ang pangako ng ating pangulo. Ibig sabihin gagawin at gagawin ng Pangulo ang lahat upang maging malinis ang halalan. Naidagdag pa niya,  “This is democracy, so lahat po ng boto nyo will be counted.”

SAP Bong Go: “Maraming-maraming salamat po sa inyo Sir JR at Sir Rey sa panahon na iniukol dito sa Davao city, to celebrate with us, of course with me sa panahon na binigay nyo sa akin at more power po sa Kasangga at Biyaheng langit at sana lumakas pa ang inyong programa at madami pa pong matutulungan.”

SUMMATION

Mahigit dalawang dekada na ring kasama ng Pangulong Rodrigo Duterte si SAP Bong Go. Kapag nakita mo ang Pangulo, hindi nalalayo sa kanyang likod o sa kanyang tabi si SAP Bong. Kaya basang basa niya ang mga direktiba ng Pangulo, ang nais na mangyaring reporma at direksiyon na pagbabago ng Pangulo na alam niyang makabubuti sa Sambayanang Filipino. Sa mga naging impromptu na sagot sa ibat ibang isyu ng lipunan ang ating nakuha kay SAP Bong Go, ang pagbibigay linaw sa mga isyu at mga sagot sa mga issue na gustong malaman ng mamamayan.

Pumutok man ang fake news hingil sa pinalutang ng ilang sektor na nasa coma ang Pangulong Duterte noong mga sandaling yon, kami ni JR ay natawa lamang, dahil alam namin ang katotohanan, ang ginawang pag pagdalo ng Pangulo sa convention ng Hukbo ng Pagbabago noong araw ng Biyernes (August 17) at pag attend nya sa pagtitipon ng Stalliones, at pag-ikot niya sa Davao upang obserbahan ang preparasyon ng Kadayawan.

Abangan ninyo ang mga darating pang Exclusive na pakikipanayam namin ni Kasanggang JR Langit kay SAP Bong Go ang “alter ego” nang Pangulong Duterte, upang mabatid nang mamamayang filipino ang mga issue na dapat malinawan at kung ano ang nasalikod ng mga istorya mula sa Malacañang.



BATO ANG INYONG KASANGGA

$
0
0

Rey Langit: Limang buwan makalipas maging pnp chief kamustahin natin ngayon si usec Ronald dela rosa bilang chief ng bucor. Ito po si pareng Rey.

JR Langit: Ang progreso ng kanyang misyon na linisin ang pambansang piitan sa bansa, ating alamin. Ako naman ang inyong kasangga, JR Langit.

Kaugnay ng iba’t ibang isyung bumabalot sa Bureau Of Correction kami ni Kasangga JR Langit ay nagsakatuparan ng exclusive na one-on-one interview kay USEC Ronald Dela Rosa, binahagi namin ito at inyong napanood sa aming programang pang telebisyon sa PTV4, “KASANGGA MO ANG LANGIT” Biyernes ng alas diyes (10pm) ng gabi. At ngayon aking ibabahagi sa inyo sa social media sa pamamagitan ng manilaspeak.com ang kanyang pamamalakad na sing tigas ng bato sa loob ng Muntinlupa.

Tuloy tuloy ang paglilinis na ginagawa ni bato dito sa new bilibid prisons gayun din sa ilan pang mga piitan na sangay ng BuCor sa buong bansa.

BuCor Chief Bato: detoxification na ginagamit ko sa kanila, ito ang bartolina, “babartolinahin ko kayo pagka kayo nahuli ko gumamit ng droga.”

Sa gabi in-implement niya yung tops lights off. May curfew sila pagka alas-10 ng gabi, pag sound ng tops yung gyugol call na para lang sa academy na la la la la , pag last note nyan lahat ng ilaw patay na lahat.

BuCor Chief Bato: “Ang mga inmates dapat nakahiga na, iikot na ang mga gwardya pag meron pang gising pinapatulog, haha!”

MADE OF STONE

Bato kung siya ay tawagin dahil narin sa kanyang prinsipyo at disiplina na kasing tigas ng bato, date mga scalawag ng pnp at ngayon mga anay naman ng new bilibid prisons ang kanyang target. Sa kanyang pagpasok bilang pinuno ng BuCor, unang inayos ni Bato ang sweldo ng mga empleyado.

Gumawa rin ng paraan si Bato upang maiwasan ang kutsabahan sa pagitan ng mga correction officers at convicted drug lords. Dinoble niya ang sweldo nang mga empliyado ng BuCor. Dati kasi P15,000. a month ang pinaka basic salary ng mga empliyado ngayon dinoble na niya.

BuCor Chief Bato: eh yung dito sa corrections of officer of bucor dati P12k a month ngayon P30k na, so more than double ito. Sabi ko there is no reason na gagawa pa kayo ng kalokohan dahil nga sinasabi natin na pinabayaan itong bucor ng matagal tagal, uh sa hirap ng buhay ng mga empleyado natin dito kaya minsan nakikiapid na yung iba nkiki connive sa mga drug lord na maraming pera. Nasisilaw sila sa pera kaya ayun nagkakaroon ng problema sa loob at ngayon sisiguraduhin natin na hindi mangyayare ito uli.

STRATEGY OR COURSE OF ACTION

Pinag bawal na rin na magdala ng Cellphone ang mga empleyado, sa mga correction officers pag papasok sa mga compound, maximum, medium or minimum security compound. Dahil hindi alam kung sino sino sa mga empleyado ang involve sa pag smuggle ng kontra band sa loob.

BuCor Chief Bato: Particular dito sa loob, nakahuli na nga tayo e at yun ang pinakakasuhan natin baka matanggal sa serbisyo, kasi mamaya pagpasok nya may dalang cellphone mamaya paglabas hindi naman iinspection kung yung cellphone na dinala nila dala dala paba nila palabas, baka iniwan na sa loob, so ayun ung isa sa binago natin.

JR Langit: Ano pa hong ibang diskarte ang naiisip nyo para sa paglilinis dito sa bilibid ?

BuCor Chief Bato: May mga plano pa tayo na yung mga kusina dito, yung lutuan ng pagkain gusto ko na gumawa ng building sa labas at duon gagawin yan dahil ayun nga yung isa sa nakikita kong sige yung delivery ng mga pagkain yung mga bigas mga panggatong lahat ng mga ingredients ng mga pagkain pagpasok dito hindi naman yan lahat ng sako ng bigas maiinspection, lahat lahat kung pwede malagyan ng palaman ng kontra bando lagyan mo ng isang kilong shabu yan di mo naman mapapansin yan diba , kaya gusto ko ilabas yung kusina saka pag nasa loob yung mga kutsilyo nila jan pwedeng yan gamitin sa pag mag riot diba.

SENIOR INMATES

Sa harap ng matinding problema sa droga ng New Bilibid Prisons, isa pang sector ng mga bilanggo ang nais na tutukan ni Bato, ito ang mga matatandang preso na wala nang mapuntahan.

JR Langit: Meron po silang tinitirhan na mga bahay dito, at free o libre silang mag ikot ikot?

BuCor Chief Bato: Meron tayong kwan jan, merong mga NGO na mga tumutulong. Yung mga half way house jan once matapos ang kanilang sentence dun sila ilalagay sa half way house ina-accommodate. Takot sila na humarap sa outside environment, so psychologically, technically, vocationally tinutulungan sila doon.

Iba raw sa mga graduate na ay meron chansa parin na maka adopt sa labas, kahit matanda na sila. Pero yung iba naman ayaw na talaga, wala na silang uuwian, ang iba ay tinakwil na sila, at marami rin na ang kanilang kamaganak ay nasa malalayong probinsiya na kaya doon na lamang sa half way house sila inaalagaan. Paikot ikot na lang sa compound ng Muntinlupa. Ang iba ay nag skwat na lamang sa loob, gumawa na lang sila ng maliliit na bahay kubo.

ART OF EMPLOYING PLANS

Naging kontrobersyal ang NBP matapos mabunyag na kahit nakakulong na ay nagpapatuloy ang operasyon ng mga big time drug lords. Dahil rin sa kontrobersyang ito, nakapagpakulong ng isang senador ang administrasyon.

Isa sa unang ginawa ni Bato bilang hepe ng Bureau of corrections ay paghiwalayin ang pinagkukuhanan ng suplay ng shabu at ang mga nagpapakalat nito.

Ang mga convicted na chinese drug lords ay pinagsama sama. Mula sa iba’t ibang Prisons camp, at mga bilibid. Sa ngayon pito (7) ang malalaking kulungan sa ilalim ng BuCor all over of the Philippines. Sa isang binakanteng Building, ito ang Building 1 pinagsama sama ang lahat ng mga convicted na chinese drug lords upang mabantayan at masusing ma monitor ang kanilang galaw. Inaisolate sila sa mga Pilipinong inmates na nag sisilbing mga distributors ng mga Illegal na droga sa labas. Ang mga chinese na ito ang nag iimport o nag paparating ng mga illegal drugs sa Pilipinas at ikinakalat sa Luzon at Metro Manila sa pamamagitan ng mga connect nila sa iba’t ibang gang sa loob, tulad ng mga ka-kosa nila na sigi sigi, sputnik, komando, batang City Jail at iba pa. Ang mga members ng mga Gang na ito sa labas ng piitan ang ginagamit upang ipakalat ang droga. Paliwanag pa ni General Bato, kahit gaano karami raw ang iparating dito kung wala namang Pilipino na magdidistribute, walang drug trade na mangyayari. Ito ang ginawa ni Bato.

BuCor Chief Bato: Atleast bumaba yung impormasyon na mayroon pang nangyayari drug trade. Hindi man talaga natin masabi na zero na, pero sa ngayon kung meron man, palagay ko hirap na hirap na sila. Mahihirapan na sila.

VIP – VERY IMPORTANT PRISONERS

Tuluyan na ring tinanggal ni Bato ang tila naging kultura na sa New Bilibid Prisons na pagkakaruon ng VIP’s.

JR Langit: Kumusta na po yung mga tinaguriang VIP dito sa loob?

BuCor Chief Bato: Yung vip vip noon yan. Sa ngayon wala na, equal na silang lahat. Equal footing na lahat ng mga inmates dito, kahit na yung mga high profile. Maski pa nga si General Garcia ng AFP na nakakulong dito. Binisita ko yung kanyang tulugan e naawa ako karton lang yung kanyang kama, sabi ko sir kaya mo ba ito, sabi nya ok na ito, adopted na ako dito…. kaya wala nang vip vip ngayon dito.

Malaking pagbabago ang ginagawa ni bato sa mga piitan sa bansa at wala syang planong abandonahin ang mga planong ito kahit pa tumawid sya sa ibang larangan sa mga susunod na panahon. Laluna sa mga identified na mga drug lords na mainit na ang mata ni Bato sa kanila. Hindi na sila pwedeng mamuhay ng marangya. Ang kanilang mga kubol na kinokonsiderang mga high end noon ay sinira na, ang ilang mga natitirang maliliit na kubol ay pinayagan na rin dahil siksikan na sila sa loob ng Building. Sa malalaking Building umaabot din ng 18,000. inmates ang nakatira rito. Kaya nakakabawas ang mangilan ngilang nakatira sa mga kubol. Yong ang mga shanties na hindi pinapayagan ang aircon.

RE-ACTION IN POLITICS

JR Langit: Okay po, kung sakali naman na kayo’y tumakbo, ano naman ang maiooffer ninyo sa Bayan?

BuCor Chief Bato: Hindi naman ako pwedeng mag ambinsyon sa ibang field. Hindi ako pwedeng makialam sa herbal, dahil di naman ako doctor, di ako pwedeng makialam sa mga legal, dahil di naman ako abogado. Dito lang talaga ako focus sa pa mumulis na linya ko at enforcement, at saka itong war on drugs, uh more on jan talaga ako nakatutok at idagdag ko narin yung adbokasiya ko dito sa bucor dahil awang awa ako dito sa ahensya na ito talagang tutulangan natin ito na maiangat.

JR Langit: Aakuin na ninyong advocacy na ma improve ang kanilang buhay kahit na sinasabing sila ay reject na ng lipunan at ng society natin?

BuCor Chief Bato: Uh gaganda yung sitwasyon nila dito dahil nga sa ngayon, kung ikaw gobyerno kung gagastos ka ng pera bakit ka nga mag focus jan sa mga nakakulong nyan, sa mga latak ng lipunan. Walang pake yung gobyerno sa kanila eh.. latak ng lipunan nayan, last priority na sa ating budget. Siyempre ating ayusin na muna ang education, imprastracture, ang mga preso bayaan mo yan….. kya yun ang tututukan natin.

SUMMATION

Nakilala si bato sa kanyang mahigpit na pagpapatupad sa war on drugs ng pangulong Rodrigo duterte at ngayon dala dala nya ito sa new bilibid prisons. Kaugnay pa rin ng war on drugs, ang panawagan niya, sana mag patuloy ang pagsuporta sa ginagawa ng pamahalaan. Dahil ang ginagawa raw nila ay hindi lamang sa ating sarili kung hindi para sa ating mga anak, mga apo, maging sa mga future generations nating mga Filipinos. Sana raw ay makatikim sila ng isang environment o kumunidad na walang kaproble problema sa droga.

Napatunayan na ni Bato ang kanyang kakayahan nang pamunuan nya ang PNP. Sa panibagong hamon na ito bilang Bucor chief inaasahan ang maraming pagbabago pa sa ibat ibang sangay ng bucors sa buong bansa.

PARENG REY AT 70

$
0
0

Ayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang ginawang one-on-one na interview sa akin ng Kasangga JR Langit.

Kung napanood ninyo noong nakalipas ng biernes (Sept. 21, 2018) ang aming television show “KASANGGA MO ANG LANGIT” sa PTV4, ibinahagi namin ang kakaibang presentation at tema sa special episode ng aking kaarawan.

Ako ang nasa hot seat at si JR ang gumanap na Rey Langit.

“Ang laging wish ng mga nagbe-Birthday, Good Health, Success in Life at Happiness. Thank God ang tatlong ito ay nasa akin na.”

MARKADONG TINIG

JR Langit: Ngayon gagawin nating bisita si Pareng Rey.  Sa pitong dekada ng kanyang buhay, may kulang pa ba sa kanyang mga narating? Samahan nyo kami sa isang masayang kuwentuhan sa episode na hashtag Pareng Rey @70.

Kung boses ang pag uusapan…nag iisa ang kanyang tinig mapa radio man o telebisyon.  Sya rin ang orihinal at nagpasimula ng mga programang nagbibigay ng tulong at ayuda sa mamamayan.  Sya ang ating kasanggang si Pareng Rey.

Sa hanay ng napakarami nyang nagawa bilang isang mamamahayag….laging lumulutang ang pagiging orihinal nya pagdating sa pagtulong sa mga OFW’s.

Pareng REY: In the 70’s… wala pa ang mga gadgets, wala pang cellphone, ipad, wala pa hong laptop, naisip na namin kung paano i-bridge  ang gap between families here at mga workers abroad, kaya na create natin ang award winning at Hall of Fame na “To Saudi With Love”, yong libreng tawag. Instead na hintayin pa nila ang cassette tape na ipadala by mail sa Pilipinas ng mga OCW’s (Overseas Contract workers) na isang buwan bago makarating sa kanilang love once, na isip na namin nina Reyster at JR na mag bigay ng Libring Tawag real time. Sabi nga ni secretary Peter Cayetano, alam mo Rey kung ikaw ang naninirahan sa abroad at that time ikaw ang unang nakaimbento ng technology at gadget na ito.

ADVOCACY

Hindi tinantanan ni Pareng Rey ang kanyang adbokasiyang pagtulong sa OFW’s kahit pa nang maging obsolete na ang libreng tawag dahil sa pag usad ng teknolohiya. Nag evolved ang kanyang programa sa Biyaheng Langit, dedicated sa mga unsang hero’s na OFWs. Hindi na mabilang ang tagumpay na nakamit ni Pareng Rey sa industriya ng pamamahayag. Ang kanyang karera bilang mamamahayag ay isa lamang sa tatlong hiling nya sa tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan.

HEALTH, SUCCESS & HAPPINESS

Pareng REY: Sa “Health” I’m bless, malusog na malusog po ako, nakikipag compete pa sa age ni JR sa larong golf and I can swim continuous 10 laps sa Olympic swimming pool, swimming talaga ang exercise ko. Pag dating sa “Success,” modesty aside, napag kaloob na sa atin ang pinakamataas na pag kilala mula sa mga prestigious Award giving bodies:
Hall of Fame sa KBP Gonden Dove Awards, Rotary Club of Manila Journalism Awards- Hall of Fame, CMMA o Catholic Mass Media Awards- Hall of Fame at PMPC – Hall of Fame. At pag dating naman po sa “Happiness”… mababaw lang ang kaligayahan ko, maligaya na akong nakikita ang tatlo (3) kong apo, dalawa kay JR at isa kay Reyster. Enough na po ang happiness sa buhay ko at sa aking career.

Bagamat napakalayo na ng narating ni Pareng Rey, Hindi maikakaila na marami ring pagsubok ang kanyang pinagdaanan.  Isa na rito ang pagyao ng kasanggang si Reyster Langit.

ANECDOTE

Pareng REY: Hindi ganoon kadali ang pag harap sa mga pag subok sa buhay. Ang challenges at trial na ito ay walang tigil. Naalala ko tuloy ang isa kong pamangkin na naninirahan na sa Chicago USA. In his early 20’s nagtangkang magpatiwakal kamakailan, nag laslas ng pulso dahil sa pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan. Nang malaman ko, via cellphone (messenger) naikwento ko sa kanya nang pumanaw at mawala sa aming buhay si Reyster. Ang nawala sa akin ay hindi lang mahal na anak, siya ang director ng aking mga tv shows, matalik na kaibigan at kasangga sa lahat ng bagay. Nang pumanaw si Reyster sumagi rin sa aking isipan na samahan ko siya, dumating sa puntong wala na akong kinatakutan kahit aksidente pa ito na maaari kong ikamatay, ngunit napag tantu ko na unfair sa aking iiwanan, sa isa ko pang anak na si JR, sa kanyang Ina at sa aking mga apo.

Ang mga pagsubok at challenges sa buhay ay patuloy. Dahil sa pagkawala ni Reyster ay lalu akong naging matibay sa pag harap at naging matatag sa mga pag subok na dumarating.

MOVING FORWARD

Moving forward at seventy ang ating Pareng Rey.  Hindi sya tumitigil na matuto at hindi tumitigil sa pagtulong. Lagi siyang handa sa tuwing mag sa sahimpapawid sa radyo o television man. Bilang sundalo ng pamamahayag, hindi humaharap sa mikropono o kamera si Pareng Rey nang hindi armado ng kaalaman…isa itong bagay na nais niyang ibahagi sa lahat ng nagnanais na pumasok sa industriya ng pamamahayag. Alam na alam niya ang mga bagong kaganapan sa paligid. Ang mga maiinit na issues, mga pangyayari sa pulitika, current events na may kinalaman sa pang araw-araw na buhay ng greater majority ng ating mga mamamayan.

Pareng REY: Tuwing umaharap ako sa aking mga Programs tulad ng Insider exclusive, Kasangga at byaheng langit ako ay punong puno ng impormasyon. Most of the time yung  1hr kulang na nga jr, kung pwede mag over time ako  para ma buhos ko lahat ng mga pinag aralan ko. Alam kong nakikinig at nanonood ang marami nating kababayan dito at sa ibayong dagat, at gusto kong makinabang sila nang husto sa mga ibinabahagi ng ating mga guests at sa aking mga katanungan sa kanila.

MISSION

Kung meron man syang gusto pang gawin… ito ay ang pag papalaganap ng kanyang kaalaman sa pamamahayag para sa mga kabataan.

Pareng REY: Gusto ko na ma impart natin yun ating expertise  na maituturing. Ating ability sa pamamahayag, gusto kong maii-spread ang ating naging experience na hindi naman basta mababasa sa mga text books upang pakinabangan ng future generations.

Halimbawa, sa mga kabataan na hindi inabot ang Martial Law. Ang pagunita ng ika – 46 taon ng pagkakadiklara ng Martial Law noong 1972. Ang mga istorya ng nakalipas ay mag silbing Trivia sa ating mga kabataan. Ako, bilang isang batang-batang mamamahayag noon,

MY RECOLLECTION

September 21, 1972 nang lagdaan ni dating President Ferdinand E. Marcos ang Proclamation 1081 at ni-release noong Sept 23, na nag didiklara ng batas militar. Kami noon ang 1st generation, unang batch ng field reporters Radyo Patrol ng DZAQ ng ABS CBN.

September 20, aking kaarawan nag karoon kami ng munting salo salo sa ABS CBN radio division. Halos hating gabi na natapos ang party. Pag labas namin ng gusali ay nakasalubong namin ang mga trucks ng sundalo, na lingid sa aming kaalaman sila pala ang naatasang mag sasara ng aming himpilan.

Ang suspension ng privilege of the writ of habeas corpus ay naganap makalipas ng madugong August 1971 Plaza Miranda bombing, kung saan ang aming grupo ng Radyo Patrol ang nag sahimpapawid ng ditalyadong kaganapan.

PLAZA MIRANDA

Na-assign ako sa Plaza Miranda upang i-cover ang Political Rally ng maganap ang malagim na pagsabog. Isang ganap na chaos ang buong kaganapan, nasaksihan ko ang madugo at magulong pangyayari. Nanguna kami sa makasaysayan o historical event na ito.

Nag mistulang crackdown sa Media ang suspension of the privilege of the writ of habeas corpus. Nauso ang paanyaya sa Camp Crame na walang warrant of arrest. Karamihan sa amin ay pansamantalang nagtago. At ang karapatang pang tao o human rights ay klarong nabaliwala. Restricted ang aming mga galaw, nawala ang aming access sa himpapawid.

METRO MANILA BANAT

Nawalan ako nang trabaho sa pag kakasara ng ABS CBN. Naanyayahan ako ng Manila Broadcasting Company na maging News Director ng himpilang DZRH.

Dito ko nabuo ang naging pamosong “Metro Manila Banat.” Ang program na may dalawang anchors, si Paring Rey at si Paring Caloy, ang kaisa-isang commentary program sa panahon ng Martial Law.

August 1983, umalingaw-ngaw ang tinig ng inyong lingkod ng maganap ang assassination ni Senator Benigno Aquino sa tarmac ng MIA.

Araw nang Linggo alas dose nang tangahali sa DzRH narinig ang buong kaganapan sa Manila International Airport. Naging exclusive live coverage ang aking ginawa bagamat ito’y mahigpit na pinagbabawal sa panahon ng Martial Law. Nakipag tulungan sa akin ang mga reporters na sina Jim Ferrer, Manny Bal, and Aya Yupangco. Tinawag na one of the most historical at significant day in Philippine history.

ORIGIN OF PEOPLE POWER

Lunes hangang Sabado, umaalingangaw ang aking tinig sa DZRH at naririnig tuwing umaga ang mga katagang,.

“Ito ang Palatuntunang walang kinatatakutan, sapagkat ang pangngahas nito ay kapangyarihan ng mamamayan… PEOPLE POWER!”

Martial law, mid 70’s nang aking simulan ito. Bagamat maraming babala na ipapasara ang aming himpilan, wala nang nakapigil pa sa umaalingawngaw naming tinig. Ang lakas at kapangyarihan ay nagmula na sa mamamayan, PEOPLE POWER! Ika- 22 ng Pebrero 1986, ang katagang “People Power” na unang namutawi sa aking bibig sa radyo ang umalingawngaw sa EDSA.

BLOODLESS REVOLUTION

Ang katangang PEOPLE POWER! ay lumaganap hindi lamang sa Pilipinas kung hindi narinig ng buong daigdig. People Power rin ang ginamit upang patalsikin si Slobadan Milosevic ng Yugoslavia. Ito rin ang nagpabago sa buhay ng mga mamamayan ng Nepal, Myanmar, Romania, Czech Republic, Korea, Germany, at Egypt.

Bagamat namayapa na ang aking partner na si Pareng Caloy, ang mumunting contribution namin sa national at global history ay hindi na malilimutan kaylanman.

Legacy of PEOPLE POWER remains and the rest is HISTORY!

MEMORIES

Nag flashback si JR at sorpresang pinakita ang tatlong (3) mga larawan sa camera at nag tanong kay Pareng REY kung ano-ano ang mga istorya sa likod ng mga larawan.

Pareng REY: Ang isang ito ay istorya ng hostage taking. Si Dapat ay isang OFW na humingi nang tulong sa akin na iligtas ang kanyang buhay makalipas na mang hostage. Makalipas ang mag damag na negotiation, nailigtas ko ang buhay ng bata mula sa hostage taker, at ang OFW mula sa mga snipers na babaril sa kanya.

Sumunod na ipinakita ni JR ang larawan ni Pareng REY na may hawak na baril na may silencer at may nakasulat na “BAKIT MO AKO BINARIL?” at may lagda ni FPJ.

Pareng REY: Ito ay eksena sa pelikulang “ANG PADRINO.” Inanyayahan ako ni FPJ na lumabas sa kanyang pelikula na aking tinanggihan. Hindi siya tumigil sa pagkumbinsi sa akin. Ayon sa kanya sa Pelikulang ito ang mga batikang character Actors tulad nina Paquito Diaz, Max Alvarado, Ruel Bernal at iba pa ang kanyang papatayin sa eksena at ako lang ang maka papatay sa kanya. Hindi na siya nag dalawang salita pa,
Sinagot ko siya agad ng- GAME!
Pumayag ako dahil alam kong wala nakatatalo sa isang FPJ sa pelikula, at ngayon lang siya tatanggap ng katalunan mula sa isang Rey Langit.

Nasundan pa ang mga pag labas ni Pareng REY sa mga Pelikula ni FPJ at di kalaunan si Pareng Ronnie ay naging ninong na ni JR Langit sa kasal.

JR Langit: Dad, ano naman ang nakapaloob na istorya dito sa ikatlong larawan, mukhang DJ ka dito at balbas sarado.

Pareng REY: Pang Linggong program ko yan sa DzRH. Lunes hangang Sabado may newscast at commentary program ako. Kapag Linggo for a change personality program. Pero sa hindi inaasahang pangyayari dyan pumutok ang malaking balita na assassination ni Senator Ninoy Aquino. At ako lang ang nag hatid ng blow by blow report sa himpapawid dahil linggo puro Music programing ang ibang istasyon.
Ang aking coverage na ito ay nakonsiderang isa pang milestone sa aking carrier bilang broadcast journalist.

SUMMATION

Maaaring narating na ni Pareng Rey ang nais nyang marating subalit, hindi ito tumitigil na matuto lalo na sa panahon ngayon ng modern technology.

Pareng REY: Bukang bibig ko ang emerging technologies, dahil naniniwala ako na malaking kapakinabangan ang mga bagong tuklas na technologies para sa mabilis na pag sulong at kaunlaran ng Bayan. Pangarap ko pa rin at gusto kong makita one of these days ang uplifting of the standards ng ating broadcast journalism.

Sa lahat ng kanyang accomplishments, makikita ang isang energetic at inspired na Rey Langit.

Pareng REY: Maaaring nagtataka kayo kung ano ang pinag uhugutan ko lakas, pinagkukunan ko ng energy at tapang. Kayo na mga kabataan, ikaw JR, ang kuya mo na si Reyster… kayo ang aking inspirasyon, kayo ang pinag kukunan ko nang aking lakas. Ang inyong tapang, ang kagalingan, bagong ideas, sa inyo ako nakatanaw sa ating mga kabataan sa pag harap nila sa bagong hamon ng buhay.

JR Langit: How to be REY LANGIT, siguradong mahirap, pero kung susunod tayo sa kanyang mga turo at payo, puwede tayong maka sunod sa kanyang mga yapak. Muli ang aming pagbati ng maligayang kaarawan sa aking ama at kasanggang Pareng Rey.

BIYAHENG LANGIT SA GOLDEN GATE BRIDGE

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan niyo kaming bisitahin sila, ito po si Pareng Rey at ang ating Kasangga na si JR Langit. Tampok natin ngayon ang puntahan at pasyalan ng mga Filipino na “GOLDEN GATE BRIDGE.” Ang ating istorya ay hango sa aming Programang “BIYAHENG LANGIT” na inyong napapanood tuwing Biyernes ng gabi, alas diyes (10:00pm) sa PTV4.

SELFIE DESTINATION

Ang Golden Gate Bridge ay binansagang “the most photographed bridge in the world.” Ang pinaka-mahaba at pinaka-mataas na suspension bridge sa buong mundo, ang pinasyalan ng Biyaheng Langit sa San Francisco.

Taong 1933 nang simulan ang paggawa ng Golden Gate, noo’y itinuturing na pinaka-mahabang tulay sa buong mundo. Ngayon ito ang maituturing na iconic landmark ng siyudad ng San Francisco sa America. At may hawak ng titulo na “most photographed bridge on the planet.”

Silipin natin ang Golden Gate na pasyalan nang ating mga kababayang naninirahan sa San Francisco Bay area, kadalasan dito makikita ang mga Tourists na nagse-selfie, nagpi picture taking, pamilya na namamasyal, kabataan na nagja-jogging, mga senior Citizens na nagbe breech walking. At hindi rin malilimutan ng ating kababayan na ngayon ay naninirahan na sa San Francisco Bay Area na sina Mr. and Mrs. Cezar Etchon at Lota Etchon na naging bahagi ang Golden Gate Bridge sa kanilang first encounter and successful love affair.

Sa kanila nagmula ang pamosong UNAFEYED415 sa San Francisco USA. Isa sa mga favorite nating destinations sa abroad, ang San Francisco Bay Area. Dito matatagpuan ang stud SUPERFLY ng mga magkakapatid na Frank, Mike at Jr Echon ng UNAFEYED415 of UNAFEYED KENNELS. Sa kanila matatagpuan ang papular at sikat na “OG Looks” na favourite ng mga American Bully Enthusiast.

MIGRANT FILIPINOS

Sa lahat nang pag kakataon makakakita ka ng Pilipino rito, maaaring dayo o naninirahan sa San Francisco bay area. Ang iba ay galing pa sa malayong lugar ng California, mga migrant Filipinos mula sa Sacramento, Vallejo, San Jose, Carson at Reno.

Kapag nababanggit ang San Francisco, unang pumapasok sa ating isipan ang sikat na tulay na matatagpuan sa siyudad.

GOLDEN BRIDGE

Universal Orange ang kulay ng pintura na ginamit dito sa tulay, subalit tuwing nasisinagan ito ng araw nagmimistulang ginto. At ang kulay nito ay lutang kahit na sa fog o makapal na ulap. Dito nanggaling yon tawag at nabansagan itong Golden Gate Bridge.

Ika-28 ng Mayo taong 1937 nang mabuksan sa publiko ang pinaka-kilalang tulay sa estado ng California. Sa pamumuno ng chief engineer nito na si Joseph Strauss, nabigyan ng buhay ang isang napakalaking proyekto. Ang pagbuo nang pinakamahabang tulay noon sa Amerika. Sinasabing umaabot sa 37 million dollars ang nagastos, mabuo lamang ang tulay na ito. At kung ngayon, tinatayang mahigit 1.3 billion dollars ang aabutin sa pagpapagawa nito.

AMERICA’S LONGEST BRIDGE

Sa loob ng ilang dekada mula nang mabuo ang tulay hinahawakan nito ang titulong America’s longest suspension bridge, subalit ngayon pumapangalawa na lamang ito sa Verrazano’s Narrow bridge ng New York. Sinasabing umaabot sa 35$ million dollars ang pagpapagawa ng tulay. At umabot umano sa isang buong linggo ang pagdiriwang nito. Mula noon hanggang ngayon, marami nang pelikula ang nakunan dito mismo sa Golden gate bridge, kabilang na ang Hollywood films na “Interview with the Vampire,” at “The Rock.”

ONE OF THE SEVEN WONDERS

Taong 1994, pinangalanan itong “one of the seven civil engineering wonders of the United States ng American Society of Civil Engineers. Nag karoon na rin nang panahong ito ay isinara ng ilang oras dahil sa malakas na hangin dulot nang malakas na bagyo.

Petsa, December 1, 1951 nang umabot ang lakas ng hangin sa 69 miles per hour. December 23, 1982 ang malakas na hangin ay umabot sa 70 miles per hour. At noong Dec. 3, 1983 nag sara ito ng mahigit sa 3 oras dulot ng malakas na hangin na umabot naman sa 75 miles per hour, ngunit wala namang naitalang structural damage sa tulay. Naitala rin noon ang makasaysayang pag dalaw ng dalawang matataas na opisyal sa Golden Gate Bridge, na sina President Franklin Roosevelt at President Charles de Gaulle ng Francia.

BILLION VEHICLES

Enero 2014, tinatayang umabot sa 2,025,883,491 ang dami nang mga sasakyan na tumawid sa tulay na ito mula nang ito’y buksan noong May 28, 1937.

Oct 17, 1989 niyanig ang Bay area ng tinawag nilang Loma Prieta earthquake na may lakas na 7.1 sa richter scale. Hindi natinag ang Golden Gate Bridge, walang damage na nangyari. Ito ang tinatayang pinakamalakas na lindol na kanilang naranasan mula taong 1906. Ang tulay ay may anim (6) na lanes, sa direction ng northbound at southbound.

GOLDEN YEAR OF GOLDEN BRIDGE

Mayo 24, 1987 araw ng Linggo nang ang Golden Gate Bridge ay magdiwang nang kanyang ika-50 taon. Dumagsa ang mga tao mula sa iba’t ibang dako ng mundo.

Naging historical ang pag diriwang na ito, dito muling isinilang ang tinaguriang “Bridgewalk 87” na isang reenacment at hango sa “Pedestrian Day 37” tinatayang tatlong daang libo (300,000) katao ang nakibahagi sa pag diriwang. Nasundan ng commemorative vintage automobile motorcade.

Hanggang sa susunod na baglalabay ito po si Pareng Rey kasama si Kasangga – JR Langit, siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Filipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.


COMPUTER SA BUNDOK

$
0
0

Mandato ng PAGCOR ang pagtulong, ang napakahabang listahan ng kanilang programa ating alamin, ako naman ang inyong Kasangga JR Langit. Ang ating istorya ay hango sa aming Programang “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong napapanood tuwing Biyernes ng gabi, alas diyes (10:00pm) sa PTV4.

EMOTIONAL INTELLIGENCE

Hindi maipaliwanag ni teacher Evangelyn Caritativo ang kanyang naramdaman habang tinatanggap ang mga computers. Isa anya itong malaking biyaya para sa Orchard Elementary School na nasa kabundukan pa ng Magalang Pampanga. Apat na units ng computer at dalawang television sets ang ipinagkaloob ng PAGCOR sa Orchard Elementary School. Kung dati, kailangan pang magtungo sa computer room ang mga bata upang makagamit ang computer, ngayon ay ilalagay na ito sa kanilang silid aralan.

Bukas palad ang PAGCOR sa paglalaan ng pondo kapag may request sa kanilang tanggapan. Handa rin sana silang tugunan ang kakulangan ng School Buildings sa mga liblib na lugar subalit may konting problema sa pagkakaiba ng kanilang paniniwala ng kalihim ng edukasyon.

Chair Andrea Domingo: Ang PAGCOR po nagtatrabaho para sa Pilipino, lalo na po doon sa mga nangagnailanagan. Yung dating bisyo ay kinoconvert namin sa pera na binibigay namin sa taong bayan.

COMPUTER IN THE MOUNTAIN

Kinapanayam ni Jr Langit si teacher Evangelyn Caritativo ng Orchard Elementary School.

JR Langit: Gaano ba karami ang mga estudyante niyo sa bundok?

Teacher Eva: 220 po, meron pa kaming nasa mga remote yung mga nanggagaling sa kagubatan na masukal. First time po silang makaka hawak ng computer, na ipapagamit namin. Ito po ay napakalaking bagay sa kanila dahil yung ibang bata po talaga hindi naman bumababa ng bundok kasi napakamahal ng pamasahe.

JR Langit: Mayroon po bang koryente sa kanila sa Bundok?

Teacher Eva: May mga lugar sa amin na wala pang kuryente, so talagang napakahirap sa mga bata na magkaroon ng access sa paggamit ng computer. May lesson kami sa paggamit ng computer, ngayon malaya namin silang matuturuan, kahit papaano ma-educate namin sila sa computer.

Ang natanggap ng Orchard Elementary School ay bahagi ng mahigit sa limang libong computer sets at anim na libong television sets na ipinamahagi ng PAGCOR sa Pampanga pa lamang.

Chair Andrea Domingo: Yun mga liblib na lugar talaga ang gustong gusto naming maabot. kasi kailangang kailangan talga nila ng tulong. Sometimes sila ay napapabayaan dahil maliit lang sila., dahil din limited yung resources ng Deped so yung malalaking schools doon sila nafofocus.

CLASSROOMS

Maliban sa computers, kasama sa mga programa ng PAGCOR ang pagpapatayo ng classrooms.

Rey Langit: Alam mo JR kasama sa commitment at advocacy ng PAGCOR ay yong pamamahagi ng classrooms sa ibat ibang mga public schools..

Chair Andrea: Mga 7 thousands, although program ito ng nakaraang administrasyon dapat worth over 7 thousand classrooms sa ngayon. Natapos na yung 6 thousand classrooms and there just about less than 1 thousand na under procurement ng PAGCOR. I-clarify lang namin, yung pondo ibinibigay ng PAGCOR sa public works pagkatapos yung mga request ng schools, ina-approved ng PAGCOR board.

DIFFERENCE IN CORE VALUES

Bukas palad ang PAGCOR sa paglalaan ng pondo kapag may request sa kanilang tanggapan. Handa rin sana silang tugunan ang kakulangan ng School Buildings sa mga liblib na lugar subalit may konting problema sa pagkakaiba ng kanilang paniniwala ng kalihim ng edukasyon.

Rey Langit: Pero ang kapakinabangan sa tulong na ito sa DepEd ay para sa mga bata, the growing kids. Sa kanilang education at kanilang future.

Chair Andrea: Gusto namin talaga, kaya lang nererefuse ni secretary Briones, kase yun daw kanyang core values ay iba sa core values ng PAGCOR. For me naman ang core value ng isang nagtatrabaho sa pamahalaan gawin mo ang trabaho mo, kung kailangan ng eskwelahan magpatayo ng skwela. Tulungan nating pagalingin ang mga bata. At sa mga teachers dapat gumaling din sila sa pagtuturo sa mga students. Yung Asean survey sa katalinuhan number 9 na lang tayo, next sa Myanmar. Dati-date lagi tayong nag number 1 or 2 doon. Nakakaawa yung three shifts, kaya lang yung core value ni Sec. briones kasi talaga hindi kamuka nung sa PAGCOR.

Isa sa mga programa ng PAGCOR na hindi alam ng marami ay ang pagtulong nila sa mga nabibilangong inosente naman sa sinasabing na-commit nilang krimen.

Chair Andrea: yun halimbawa nakulong , tapos mali pala ang pagkakakulong, icocompute ng department of justice kung magkano dapat ang sweldo niya tapos sisingilin sa amin ibibigay namin yung dapat na pina-sweldo sa kanya dahil wrongly jailed, or imprisoned person.

PARA SA BAKWIT

Hindi rin biro ang naitulong ng PAGCOR sa mga bakwit ng Marawi City. Naiplace nila yung 300 na sinasabi temporary shelter, hindi mo sasabihing temporary dahil maganda. Kung couple lang with 2 kids kayang kayang ihouse sila. At may offer na 1 year na libre ang electricity at tubig, nilagyan nila nang multipurpose hall, where they assemble and with common areas where they can wash at cook . Nilagyan din nila ng 50 stores where they can have livelihood na magtinda, it’s a very complete community for 500 families.

Para sa taong ito, target ng PAGCOR na makalikom ng isangdaang bilyong pisong pondo. Ang bulto nito ay nakalaan para sa nation building. Maliban sa mga programang napapaulat, napakarami pang programa ang pinopondohan ng PAGCOR.

THE MESSAGE

May mensahe rin si VP Jimmy Bondoc ng Corporate Social Responsibility Group.

VP Jimmy: Dapat lang pangalagaan natin ang mga biyayang ito, yung binibigay ng mga ahensya dahil hindi ito madali…. the truth it’s a product of thousand hours of arguing and getting approval, paper works. We tried to preserve the original intent para talagang makarating sa inyo, yung dapat na makarating. We just hope that you use it wisely para so that pagdating ng panahon na kayo naman ang umupo dito, we can help our country becomes better.

SUMMATION

May palaging tugon ang PAGCOR pagdating sa pangangailangan ng sambayanan. Mga programang hindi basta basta dahil matinding pinag isipan. Isa sa nakalinyang proyekto ng PAGCOR ang pagpapatayo ng permanenteng evacuation centers upang maibsan ang hirap ng mga inililikas sa tuwing may kalamidad at upang hindi na rin maka abala sa klase ng mga estudyante. Halimbawa kung wala namang kalamidad, magagamit parin ng eskwela bilang gym, magagamit nila for events magagamit nila for their graduation.

Isa ang PAGCOR sa mga ahensiya ng Gobierno na hindi tumitigil sa patuloy na pag tulong sa ating mga kababayang patuloy na nangangailangan kahit na liblib na lugar o kabundukan. Kaya dapat lamang na suklian natin ang kanilang tapat na paglilingkod ng suporta upang lalupa silang sumigla sa hangarin nilang adbokasiya.

K-9 UNITS NG PDEA

$
0
0

Ang kampanya kontra droga ng Phil Drug Enforcement Agency, ating kumustahin . Ako si Pareng Rey Langit. Kilalanin natin ang mga Kasanggang aso ng PDEA sa kanilang operasyon kontra droga. Ako naman ang inyong kasangga JR Langit.

Inyong mga Kasangga sa giyera kontra droga. Kaming mag-Kasangga Team ay nagsakatuparan pananaliksik kung gaano ka seryoso ang pamahalaan na sugpuin ang problema ng droga sa bansa. Hango sa aming Programang pang telebisyon, “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong palagiang napapanood tuwing Biyernes ng gabi, alas diyes (10pm) sa PTV4 aming ibabahagi sa inyo ang aming mga natuklasan.

ROLE OF K-9 UNITS

Napakalaki ng papel na ginagampanan ng K-9 units ng PDEA sa kanilang operasyon kontra droga. sa katunayan, kamakailan, ginawaran ng parangal ang K-9 units ng PDEA na tinagurian nilang hero dogs. Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, kalahati ng kanilang trabaho ang tapos agad kapag may K-9 units.

DG Aaron Aquino: “Alam mo kasi yung amoy it’s uh they can detect scent or odore 10times more than a human, so malakas yung pang amoy ng aso.”

Kasabay ng kanilang masigasig na kampanya kontra sa mga sindikato ng droga…ang mas pinalawak ring pagbibigay ng edukasyon sa mga komunidad sa epekto ng laganap na illegal drugs.

JR Langit: Ano pa po yong karagdagang aksyon na ginagawa ninyo sa pagpuksa ng illegal na droga?

GOLDEN TRIANGLE

DG Aaron Aquino: Pagdating sa supply reduction ng Illegal drugs mayroon kaming internally and externally effort. Pag sinabing externally yan yung ang mga kalaban nating mga drugs syndicates. Mga apat na international drugs syndicates ito, Chinese, Mexican, African at saka yung pinaka notorious and the biggest manufacturer of drugs in Asia, ang Golden Triangle international drugs syndicates. In fact the latest na mga accomplishments namin with relation sa off seashore at voluminous drugs are from these international drugs syndicates. Actually sa boarder nang Laos Myanmar and thailand, yan yung pinaka notorious talaga, it’s the manufacturer ng drugs and unlimited talaga. Pumapasok yan through sea port, airport they can also smuggle through the back door. Drugs are coming from Malaysia or Indonasia. Papasok yan sa Jolo, Sulu Sea na drop point. At dito sa Zamboanga distributed yan sa mga area especially sa Mindanao, or kaya ship side smuggling binababa yung droga sa gitna ng dagat and then the small ship will get these canisters and yon they call it ship side smuggling but the bulk of drugs now dito pumapasok through sea port. Makikita mo naman the latest na naging problema natin yung napalusot na magnetic lifters.

TIPS FROM COUNTERPARTS

Sa pamamagitan rin ng pakikipag ugnayan sa kanilang counterparts sa ibang mga bansa, nabawasan nila ang mga supply mula mismo sa mga itinatayong laboratoryo sa bansa.

DG Aaron Aquino: Yes sila yung nagbabato sa amin ng information, special operation, napaka hirap. Wherever they go, buntot kami, buntot ng buntot. Pumunta ng Mindanao bumuntot kami, pagsakay sa eroplano sakay din kami ng eroplano. Syempre kung saan sila pupunta susunod kami, kasi hindi mo pwedeng pakawalan. Otherwise kung makawala yan sa rabbit namin wala na mahihirapan na kami masundan uli. Napaka gastos, siguro nagastos namin dyan mga 2 million pesos rin. Hindi kami tumitigil until such time na matunton namin yung kitchen type laboratory nila doon.

Sa kabila ng tagumpay nila sa kanilang mga operasyon kontra sa mga laboratoryo ng droga. Mayroon namang nabunyag na bagong style ng illegal drugs na pinagkukunan din ng mga pusher at illegal users.

KUSH

Napasok nila ang ilang high end subdivision at condominium, nakakuha sila ng kaka ibang uri ng pinagbabawal na KUSH o Synthetic marijuana.

DG Aaron Aquino: We were able to cease about 6 kilos of kush amounting to about 7million and then after a month another one dito sa Las Piñas somewhere sa Pilar Village, naka bira na naman kami about more less 30 kilos ng kush amounting to about hundred 54 million pesos. Ang ginawa niya sa bahay ng Amerikano, nag nagtayo siya ng green house, lagi siyang nagrerequest ng seeds sa California nag oorder siya online ng seeds ng kush at don siya nag cucultivate sa bahay niya. Kung paano nakakalusot ang mga seeds na ito….. Online, and that’s what the problem now of PDEA, you can ordered drugs less than a kilo, from door to door. Mag click ka lang, tapos hintayin mo na.

DG Aaron Aquino: lahat dapat tumulong it is parang one goverment approach na lahat ng ahensya magtulong tulong hindi namin kaya sa PDEA ito, ilan lang kami 1,400 ang mga agents ko nationwide diba, mabuti nanjan yung PNP atleast hundreds strong pnp is behind us, to support us.

LONG WAY TO GO

Sa kabila ng mga programang ito ng PDEA, tila malayo layo pa ang lalakbayin ng giyera kontra droga upang tuluyan itong masugpo.

JR Langit: Sir sa inyo pong pananaw gaano na po kalaki yung porsyento ng nabawas na mga droga dito sa Pilipinas?

DG Aaron Aquino: Well nagkaroon ng statement ang Presidente dyan nasabi niya na nasa ¼ na daw. I believe the president nasa ¼ palang tayo in 2018, ¼ for 2019 another ¼ para sa 2020 another ¼ and then for 2021 eksato tapos yung problema namin. Alam ko suntok sa buwan lagi ang sinasabi na napakahirap itong tapusin.

Amin ring inalam kung papaano nag tatrabaho ang kaagapay nilang mga aso, at ang effectiveness ng mga K9 units ng PDEA. Sinadya naming tuntunin ang kanilang training ground sa Antipolo Rizal.

THE CHALLENGE

Chi-nallenged namin ang mga Kasanggang K-9 dogs kung gaano ka effective ang kanilang trainning, kung gaano katalas ang kanilang pang amoy at kung gaano kabilis madi-detect. Kinabit ko ang droga sa loob ng isang manyika at ito ay iniligay ko sa pang walong (8) puwesto na hanay ng sampung mga kahalintulad na manyika. Ganoon na lamang ang aming pagka mangha, nang mabilis na natukoy ng aso ang kinalalagyan ng droga. Maka-ilang beses namin itong inulit sa iba pang mga K-9 sniffing dogs at walang sablay na natunton at na-identify nila nang mabilisan ang pinag tataguan ng droga.

Napakalaki ng papel na ginagampanan ng k-9 units, ng PDEA sa kanilang operasyon kontra droga. Kamakailan, ginawaran ng parangal ang K-9 units ng PDEA na tinagurian nilang hero dogs. Naririyan din ang kanilang Belgian at Labrador, mayroon din silang beagle sniffing dogs at Cocker Spaniel. Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, kalahati ng kanilang trabaho ay tapos agad kapag naririyan ang kanilang mga sniffing dogs tulad ng K-9 units.

MODUS

Rey Langit: Papaano naman niyo inaaddress yung modus na binubudburan halimbawa ng coffee ang paligid ng droga o ibang klase ng kemikal upang mabago ang amoy ng droga?

DG Aaron Aquino: kahit imix mo yan, anything na chemicals mix it with illegal drugs, the dogs can still detect it, nasubukan namin yan noon naalala ko when I was in Davao, ni mix namin yung shabu sa loob ng durian, you know durian is very very strong smell, but umupo parin yung aso nadetect niya parin yung shabu doon sa durian.

HARNESS

Samantala ayon sa aming pakikipanayam sa K-9 administrator and director ng training center na si Churchill Gomez, 6 months ang training ng handler at nang alaga niyang aso.

Ang kanilang pinag aaralan ay ang methodology ng concealment ng mga nagpapasok ng drugs. Ang ibat ibang klase ng paraan ginagamit nila. Initially bibigyan ng orientation ang mga handler about dog handling. How to identify drugs and so on, then tatakbo sa second phase ng advance K-9 training which is done sa environment like mga skwela, sa mga sport complex and other areas na pwedeng magkaroon ng operation sa Illegal drugs. Sa 3rd part, on the job training na idedeploy sila sa region for there familiarization and practical exercise, training at sa final stage itetest na sila bago sila mabigyan ng certificate of completion for graduation.

BONDING and TRAINING

Ayon naman kay Joenard at Bernie na mga K9 dog handler-trainer.

Joenard: Sa umaga sir paglabas dito mag jojogging kami, pag katapos mag jogging pupunta kami sa training site. Kung kinakailangang humihiga ako, sasabay rin siya sakin. At sa bonding, mahilig din siya sa harutan.

Sa loob ng anim na buwang training, magsasama sa isang training facility ang handler at ang aso. Kasabay ng pagsasanay sa aso na amuyin ang droga ay ang pagsasanay naman sa handler kung paano kontrolin ang kanyang aso. Mula sa training center hanggang sa deployment sa branch ng PDEA, magiging team ang handler at ang aso sa lahat ng kanilang mga operasyon hanggang sa magretiro na ang aso sa serbisyo.

Bernie: ay yun nga po uh mejo nalulungkot kami dahil nga po yung mga hero dogs natin na adopt na ng iba, pero po natutuwa rin kami dahil merong family naman na nag aalaga sa kanila. Nabigay na namin nung nakaraan, August 17. Tapos po nung Septembre 21 binigay na po namin, pinadadalan naman po kami ng video talagang nakikita po namin talagang nakakawala po sila. At least di tulad kamo nung nasa amin nasa cage lang sila, ngayon at least sila de play inampon na po maganda, maganda yung out come nung pag aadopt maganda natutuwa kami, noon po aso namin hindi sila nakakpag babonding sa pusa. Ngayon po pinakikita sa amin sa video kasama-sama na ang pusa.

SUMMATION

Sa loob lamang ng isang taong panunungkulan ni Director General AAron Aquino ng PDEA, hindi bababa sa isandaan at limampung libong (150,000.) drug offenders at personalities ang kanilang naaresto. Sa ngayon nakatutok na ang PDEA sa mga high level targets at kung paano masasawata ang pagpasok ng suplay ng drugs sa bansa.

Seryoso ang pamahalaan na sugpuin ang problema ng droga sa bansa. At sa tulong na rin ng kanilang ever reliable hero dogs. Naniniwala kami na mapag tatagumpayan lamang nila ito kung may kooperasyon at pakikiisa ang bawat sektor ng ating lipunan.

JOURNEY IN PUBLIC SERVICE

$
0
0

Nagdiwang ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang kanilang ika – 84th anniversary ngayong Oktubre 2018 ng simple ngunit makabuluhan, isinakatuparan sa likod na bahagi ng kanilang tangapan sa Shaw Boulevard Mandaluyong. Kami ni Kasangga JR Langit ay naanyayahan ng kanilang pamunuan na maging bahagi ng simpling pag titipong ito.

RECOGNITION

Binigyan ng pagkilala, “Employees Service Award” ang mga empliyado na nakapag silbi at nag lingkod sa PCSO ng mahabang panahon. At bilang pasasalamat sa kanilang naging ambag at sakripisyo sa maraming panahon, ang pamunuan ng PCSO ay nag -identify na ng pag lalagyan ng mga housing project para sa kanila. Ang lupang pag lalagyan ay sa may Antipolo at dito itatayo ang desenting pabahay ng kanilang mga empliyado na matagal na nilang pinapangarap.

Tumangap rin ng pagkilala ang mga Top Performing Individual Lotto Agent Award, Top Performing Corporate Lotto Agent Award, at Top Performing STL Authorized Agent Corporation Award.

COMMITMENT TO THE CAUSE

Kung pagtulong sa mga nangangailangan ang pag uusapan , ang isang ahensya ng pamahalaan ang unang sasagi sa ating isipan ang PCSO o Philippine Charity Sweepstakes office.

GM Balutan: Ofcourse yung commitment natin sa mga kababayan natin, sa kanilang mga hospitalization, yon mga chemo at saka dialysis patuloy po nating susundan yon.

Bahagi ng mensahe ni GM Balutan ang patuloy nilang hangaring maiangat ang tangapan upang marami pa ang matulungan sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Patuloy pa rin ang pag taas ng kanilang revenues collections, ang mga bagong kabubukas na branches, pinag ibayong serbisyo at mas maraming mga benepisyaryo mula nang manungkulan si General Manager Alexander Balutan na ngayon ay inayudaan pa ng Chairmanship ni Anselmo Simeon Pinili.

KASANGGA AT ANG MANDIRIGMA

Habang ginaganap sa stage ang pa-raffle sa mga empliyado ng PCSO, ang Kasangga team ay nagsakatuparan ng isang exclusive interview kay GM Alexander Balutan (Ang Mandirigma) na inyong napanood sa aming “KASANGGA MO ANG LANGIT” Tv program sa PTV na sumainyo noong Biyernes ng alas-10 ng gabi.

GM Balutan: Ang pcso is to the people, kaya nga.. meron pa kaming bubuksan na mga branches bago mag sara ang taon mga apat pa po, meron na tayong 65 pcso branches nation wide ang last po ay sa Surigao del sur at prior to that yun ngang ating Maguindanao, so .. marami pa po tayong commitment na kailangang matupad lalong lalo na yung sinasabi nila na kailangan tayong magkaroon ng isang bahay na tinatawag nating corporate center naten at ito po ay matutupad siguro next year at inaayos na natin ang mga proseso.

PINALAWAK NA SERBISYO

Aming napag alaman na nagawa nilang madagdagan pa ang allocation na pondo ng mga Branches para sa tinatawag na IMAP, ito ang Individual Medical Assistance Program na nagmula sa mga expanded gaming products, tulad ng Small Town Lottery (STL).

GM Balutan: Mahigit kumulang sa 3 hundred 50 thousand na ang natulungan natin for the 3rd quarter from January to September at ganun narin po 27% ang naangat po ng ating fund generation comfortable po kaming sabihin na by the end of 2018 na mabreak namin yung 60 billion na revenue ng PCSO.

Pinag ibayo ang kanilang assistance desks na tinawag na “At-Source-ang-Processing” (ASAP) kung saan pinalawak ang bilang ng kanilang partner-hospitals sa mga lalawigan upang lalung mapag ibayo ang kanilang medical aid para sa mga dumudulog na pasyente. Sa ilalim ng Duterte administration, pinalawak ng PCSO ang kanilang kita mula sa mga expanded na Small Town Lottery (STL) na may mahigit sa 90 operations na ng mga Authorized Agent Corporations nationwide.

CONTINUES JOURNEY IN PUBLIC SERVICE

Isang mas malawak na serbisyo pa sa publiko ang kanilang pinaplano.

GM Balutan: “Hindi kami titigil sa patuloy na paglilingkod sa bayan. Sa aming pinag ibayong serbisyo para sa mga nangangailangan nating kababayan.”

SUMMATION

Hulog ng langit sa marami nating mga kababayan ang PCSO. Sa katunayan, nasa taltong daan at limampung libong kababayan na ang kanilang natulungan ngayong taon pa lamang na ito.

Naglaan din ng pondo ang PCSO sa Malasakit Centers na itinayo sa mga lalawigan. Ito ang One-stop-shop na hindi na kailangang pumila pa ang mga pasyente na umihingi ng tulong. Matatagpuan sa may labing apat na lokasyon tulad ng Malasakit center sa Zambuanga, sa Bicol, Legaspi City, Zambales, Tagbilaran City na nag kakaloob ng fast lane para sa ating mga senior citizens at PWDs.

Ang tangapang katulad ng PCSO ay isang patunay na may hatid na kaligayahan sa ating mga kababayan na higit na nangangailangan ng tulong at kalinga.

BIYAHENG CAMBODIA ANG KASANGGA

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan samahan ninyo kaming bisitahin sila. Ito po si Pareng Rey at JR Langit ang inyong Kasangga team.

Buhay sa loob ng seminaryo, kanyang kinalimutan upang tugunan ang pangarap na makapang-gamot ng may karamdaman. Ito si Dr. Eusebio Paglinawan, limang kurso sa kolehiyo kanyang tinapos lahat ng ito konektado sa pang-gagamot. Kilalanin natin ang nag-iisang Pinoy Urologic surgeon sa Cambodia at alamin kung ano nga ba ang ginagawa ng isang Urologist.

A SEMINARIAN

Doc Eusebio: Ang past life ko kasi is seminarian and then I commited again myself when my father died to become a doctor. So devoted ako sa aking pagiging duktor.

Ang ating istorya ay hango sa aming Programang “BIYAHENG LANGIT”
na inyong napapanood tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes (10pm) sa PTV4.

Dahil sa kanyang kabaitan, madalas hindi na siya nababayaran. Kanyang mga ginagamot, patuloy namang nadaragdagan. Sa Cambodia hindi lamang siya duktor na nang-gagamot ng may karamdaman, para sa kanyang mga pasyente, isa siyang anghel na may kakayanang magpahaba ng buhay ganunrin ang tumulong sa lahat ng nangangaylangan.

FILIPINO SURGEON SA SIEM REAP

Kilalanin natin ngayon ang nagiisang Pinoy Urologic surgeon sa Cambodia at alamin kung ano nga ba ang ginagawa ng isang Urologist.

Siya ang kauna-unahang Pinoy Urologic surgeon sa Siem Reap Cambodia. Dito sa Reaksmey International Clinic amin siyang natagpuan. Ito si Dr. Paglinawan, ang tumatayong Deputy Director ng klinika.

JR Langit: Doc paki-kwento po sa amin yung buhay niyo noon sa Pilipinas bago po kayo nagpunta sa Cambodia?

Doc Eusebio: Marami akong course na natapos. I’m a person na hindi ko despise na mag aral, wala akong rest sa pag-aaral.

FIVE COURSES SA COLLEGE

Tubong Davao si Dr. Paglinawan, aniya nilisan niya ang seminaryo upang magtungo sa Maynila at dito magtapos ng kolehiyo. Nag seminarian siya bago naging ganap na doctor. Nang pumanaw ang kanyang Ama, doon niya pinag tuunan ng pansin ang kanyang pag aaral hangang makapag tapos ng medicine. Limang kurso ang natapos niya sa kolehiyo.

Doc Eusebio: Nakatapos ako ng med tech, medical technology. Nakatapos ako ng AB bachelor of Arts Master in Natural Sciences, marami akong kurso. So when I graduated as a doctor, dumaan ako, first, med tech sa FEU then Manila Central University, as doctor of Medicine. Then after nag specialize ako sa Serious Medical Center as Urologist. Urologic surgeon ako ngayon.

Urologists ang tawag sa mga tulad niyang espesyalista sa pangagamot ng may mga karamdaman sa urinary tract, kidneys, urinary bladders at sa reproductive organs ng mga lalaki.

LIFE IN MANILA

Doc Eusebio: I function as Urologic Surgeon in Metro Manila all over Metro Manila. So siguro ang lifestyle ko sa Manila is I visit almost 7 hospitals every day. Always travelling. Up to Cavite Area.

Hanggang sa isang kaibigan ang nang-engganyo sa kanyang subukan ang kapalaran sa ibang bansa.

Doc Eusebio: I started working in an international hospital as a surgeon. Pero ang function ko naman doon is Urologic surgeon at the same time general surgeon. Tapos when my mother died I went home in davao tapos pagbalik ko dito na ako sa Reaksmey Angkor international clinic. Kasi one time ininvite ako ng friend ko na kausapin ko yung director. From that day he appointed me as Deputy director, on that day when I saw him. I became the Deputy Director of this clinic up to now.

INTERNATIONAL STANDARD

Dahil na rin sa ganda ng kanyang educational background at sa dami ng eksperyensa sa pangagamot, madali siyang napasok at napromote.
Marami ang nasasakop ni Doctor sa pag papatakbo ng Clinic. Iba’t-iba ang kanyang function. Siya ang Deputy Director ng Clinika, at sa absence ng Director siya ang nag-mamanage ng buong Clinic. Napa angat niya ang dating pangkaraniwang clinic sa isang International standard.

Doc Eusebio: what you see now is already upgraded and renovated up to an international standard. Lahat ng equipment lahat ng ano ako ang nag facilitate na magkaroon ng international standard to compete. Because Siem Reap City is an International city also. So yun ng ang target ko ngayon. To keep up with the International standard.

Sa ngayon si Dr. Paglinawan lamang ang nag iisang Pinoy na Urologic surgeon sa bahagi ng Siem Reap, Cambodia.

JR Langit: Tapos yung mga kapwa doctors ninyo, ibat-ibang lahi na sila?

Doc Eusebio: Most of the doctors they are Korean doctors. one obstetrician Korean doctor and one ct-scan doctor. And there is one Cambodian doctor and the owner is a regional doctor he’s a Chinese.
I function both in all fields here. Nasakop ko na pati general surgery, urology, internal medicine, sakop ko na yung mga problematic case. Ako na ang nag hahandle and I control the way na dapat ma-implement ang international standard.

MISSION AT CHARITY WORK

JR Langit: Ano po yung karaniwang idinadaing ng mga Cambodians sa inyo? Tsaka ano po yung ibinabayad nila sa inyo kapag ganun na wala silang pambayad?

Doc Eusebio: Dito ang mga pumupunta sa clinic na ito yung mga nakaka afford, although they try very much to pay for the clinic, ang payment kasi dito standard ang fee, hindi naman masyadong mataas.
Kaya lang sobrang hirap ng mga Cambodians, pupunta sila dito sa clinic, magpapagamot sila sa mga duktor kung grabe na. Ang mga common illness dito yung sa mga gutom. Yung mga malnourishment or ulcer, mga diseases caused by Hygiene. Kasi yung history nila hygiene eh.

Nabibilang ang Cambodia sa isa sa pinakamahirap na bansa dito sa Asya, kaya naman, marami sa mga ginagamot ni Dr. Paglinawan ay walang pambayad.

Doc Eusebio: siguro ako yung doctor na hindi yumayaman. Kasi kapag nakita kong umiiyak na yung pasyente naawa na ako. Yung professional fee minsan nalimutan ko na.

Para sa kanya sapat na ang mga ngiti buhat sa mga napapagaling niyang pasyente. Ang kanilang taos pusong pasasalamat ay hindi mapapantayan ng pera at anumang materyal na bagay.

Ang challenge sa profession ni Doctor Eusebio ay kung papaano makapag liligtas ng buhay, “how to save a life” ika-nga. Simula’t sapul ito na ang kanyan advocacies. Marami na siyang natulungang mga katutubo sa Pilipinas, mga Aetas, muslim, mga naninirahan sa mga slum areas sa south ng Pilipinas. Pinupuntahan niya mga liblib na lugar at ito ang nag bibigay sa kanya ng kasiyahan at pansariling kaligayahan. Tulad ng mga challenge na dumarating sa kanya ngayon, iba’t-ibang karamdaman ng mga cambodians ang kanyang tinutugunan, at kapag napapagaling niya, ito ang nag bibigay sa kanya ng lubos na satisfaction.

PIECE OF ADVICE

Ang mensahe ni doctor sa mga nag nanasang maki pagsapalaran sa Cambodia, dapat na mag isip-isip na mabuti. Dahil hindi rin basta basta ang buhay rito. Marami rin daw ang hindi sineswerte. Dahil wala naman talagang recruitment para sa mga workers ang Cambodia na nangyayari sa Pilipinas. Kadalasan nag tutungo sa Cambodia bilang turista, ang iba ay adventure na mag ahanap ng trabaho. Nag oover stay sila, ngunit wara pa ring makitang mapapasukan. Kaya marami ang nagsisibalikan sa Pilipinas na bigong makakita ng trabaho sa Cambodia.

JR Langit: Ano po ang karagdagang mensahe ninyo sa ating mga kababayan sa Pilipinas, dun po sa mga tao na gustong sumubok ng kanilang kapalaran dito sa Cambodia?

Doc Eusebio: Hindi ganoon kadaling makakita ng trabaho dito. Ang medical hindi nga click dito eh. Kasi kakaunti lang ang mga medical institutions dito na hiring for medical people kasi the rate of Filipino doctors is high. Hindi nila kayang bayaran ang Filipino doctors eh. Ang mga nurses din hindi nila kayang bayaran. Kasi kung minsan marami kasi na Cambodian company na they prefer Cambodian people kasi mas mababa ang pay.

SUMMATION

Dahil sa kanyang kabaitan, madalas hindi na siya nababayaran. Hindi naman lahat ng bagay ay Pera. Kanyang mga ginagamot, patuloy namang nadaragdagan dahil ito ang kanyang mission at adbokasiya sa buhay.

Sa Cambodia hindi lamang siya duktor na nang-gagamot ng may karamdaman, para sa kanyang mga pasyente, isa siyang anghel na may kakayanang magpahaba ng buhay ganun narin ang tumulong sa lahat ng nangangaylangan.

Hanggang sa susunod na paglalakbay ito po si Pareng Rey, siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na pakikipag-lakbay sa amin ni JR Langit sa ating “Biyaheng Langit.”


PASIG RIVER: 1ST ASIA RIVERPRIZE AWARD

$
0
0

Taong 1990 na idiklarang biologically dead ang Pasig River. Makalipas ang dalawampu’t walong taon (28 yrs) ito ay tinanghal at nagkamit ng “1st Asia Riverprize award.” Ang parangal ay ginanap sa Inaugural 2018 Asia Riverprize, pinagkaloob ng International River Foundation sa kanilang 21st International River Symposium sa Sydney noong Oct. 16, 2018.

Na feature namin ang Pasig River sa aming programang pang telebisyong “KASANGGA MO ANG LANGIT” na napapanood tuwing Biyernes ng alas diyes ng gabi (10pm) sa PTV4.

Mula sa orihinal na piso para sa Pasig program ni dating first lady Ming Ramos hanggang sa takbo para sa ilog Pasig ni dating DENR secretary Gina Lopez at ngayon sa pangangalaga ni Pasig River Rehabilitation Commission Executive Director Jose Antonio “Pepeton” E. Goitia.

REVISITED

Balikan natin ang mga naging ugat ng pang aabuso sa Pasig River at kung ano ang ginawang aksyon dito ng pamahalaan. Ang problema ay hindi lamang sa solid waste, pati na sa liquid waste. Halimbawa kapag nag lalaba ang ating mga residente direcho nilang tinatapon ito sa ilog. Kaya importante ang self awareness. Napakalawak ng sakop ng Pasig River system pero sa kabila nito, halos ikamatay ng ilog ang dami ng mga basura at polusyon na itinapon dito.

Ang naging problema rin sa Ilog Pasig ay ang walang habas na pagtatapon ng toxic waster ng mga industriyang nakapaligid dito at ang napabayaang pagdami ng informal settlers sa tabi ng ilog.

Kasama ang ating KASANGGA Team sa pangunguna ni JR Langit aming inalam ang ginawang pagsisikap na linisin at buhayin ang Pasig River.

May mga bagay na hindi dapat pinapasukan ng pulitika tulad ng pangangalaga sa ating kapaligiran. Kung paano pinilit na manumbalik ang ganda at linis ng Pasig River, ito ang aming inalam.

HISTORICALLY PRISTINE CONDITION

Aming kinausap si George Oliver Dela Rama ang Head ng Public Information Advocacy and tourism Division na samahan kaming ikutin ang ilog Pasig.

George: Kailangan din namin ng tulong at suporta ninyong lahat tayoy mag tutulungan at ibibigay natin ang ating puso para sa ilog Pasig muli nating masasaksihan ang napaka gandang Pasig River.

Isang programang nagpatuloy kahit nagpa-palit palit na ang administrasyon. Nabuo ang Pasig River rehabilitation commission taong 1999. Nabuo ang PRC sa ilalim ng executive order #54 at amended order number 65 ang goal ay ibalik ang historically prestine condition ng Pasig River.

Mga pagsisikap na linisin ang Pasig River, mga programang epektibong naipatupad sa pagbuhay sa Pasig River, aming inalam.

MULTI SECTORAL APPROACH

JR Langit: Ano yung mga guidelines o mga protocols na inyong ginagawa para mas mapabilis pa ang pag rere habilitate ng ilog Pasig?

George: Ang pag rehabilitate kasi ng Pasig River is not just one step approach its a multi sectoral approach so we are following a management framework rivers storation and management framework which includes eastment recovery, riverbank development, introduction of water quality improvement technologies and public awareness so tulong-tulong itong mga programang ito para ma mabuo ang isang action plan to revive and restore the Pasig River.

Mula sa deklarasyong biologically dead na ang Pasig River nuong 1990’s malayo na ang narating ng Pasig rehabilitation program.

JR Langit: Gaano kalaki sa tingin ninyo ang kapakinabangan sa tuluyang pag papaganda ng Pasig River.

George: Sa problema na lang natin sa traffic, kase wala naman traffic sa Pasig wala namang mga stop lights, wala namang kung anong mga balakid. ganda nitong maging alternatibong transportasyon at the same time kung maibabalik ang aquatic life and resources dito tulad ng sa ibang bansa talagang ano talagang masasabi nating ano napaka kaganda ng ating likas na yaman.

RIVER WARRIOR PROGRAM

Ang mga warriors ng Pasig River ay walang pagod sa araw araw na paglilinis sa dati ay patay nang ilog. Amin rin kinapanayam si Cassandra Lee Macapagal ang Engineer ng Environmental Management Division.

Cassandra: Mga ginagawang situational assesment unang una po titignan namin kung merong solid waste management program yung bawat barangay po tapos pagka tapos nun iniispect din namin yung mga industries commercial establishment, tska yung mga domestic na mga bahay po kung meron po silang proper sanitation facilities. Pagka tapos meron din po kami napaka importante yon river warrior program, dito po meron po kami as of now 47 na personel na tumutulong po sa pag linis at pag iiwas po sa pagkasira ng ilog ang ginagawa po nila ay nagki clean up po sila sa rivers and sa eastments. Ang goal po talaga ng river warrior program ihanda po yung mga barangay para po sila mismo mag kusa na mag linis ng kani kanilang areas so after po na maacieve ito sa isang barangay pwede na po kaming mag move on sa ibang barangay para sila naman po ang matulungan namin.

Hindi naputol ng pagpapalit ng administrasyon ang mga pagsisikap na mabuhay ang Pasig River, isang pagsisikap na kinikilala ng international community.

21st INTERNATIONAL RIVER SYMPOSIUM IN SYDNEY

Noong una sa may 31 mga bansa o countries around the world hindi gawang biro na makapasok ang Pilipinas, ang Pasig River sa top 4 ng mga finalist. Dahil ang ating ka konpitensya nun ay united states at united kingdom, bigtime 1st world countries sila at tayo ay 3rd world country lamang. Pero noon pa lang ay naka pasok na tayo sa finals.
Ang contest ay hindi pagandahan ng river, kung hindi more on what a certain organization or agency is doing to restore our river system.
At na appreciate naman ng international community ang efforts ng Philippine goverment in restoring the Pasig River kaya nakamit nito ang “1st Asia Riverprize award” sa parangal na ginanap sa Inaugural 2018 Asia Riverprize, na pinagkaloob ng International River Foundation sa kanilang 21st International River Symposium sa Sydney.

Pangarap ng mga warriors ng Pasig River na dumating ang panahong maihanay ang Ilog Pasig sa mga ilog sa ibang bansa na nakaranas ng parehong pang aabuso.

INFORMAL SETTLERS

Gumawa kami ng pakikipanayam kay Ryan Monceda – Head, Easement recovery housing and resettlement Division.

JR Langit: Papaano nyo namomonitor yung mga basurang nang gagaling dito sa mga informal settlers?

Mr. Monceda: actually sila po ay 60% sa contributor natin is the informal settlers living along the water ways especially yung mga esteros in the main river po natin we already identified them kasi we have already sensus way back when we are establishing the PRRC during the 1999 as of today we have relocated 18 thousand 200 na mga ISF already, settled sa resettlement area ng NHA. We have bulacan, we have in Cavite, we have in Rizal and we have in Pandi Bulacan. We have also in Cavite Naic and trece martirez dun po natin dinadala ang mga informal settlers to have a decent at yung talagang maayos na pamumuhay para matanggal natin sila indangered areas.

Sa pagdaan ng mga taon, unti unting nabawasan na nga ng Pasig River rehabilitation commission ang mga informal settlers. Sa mga illegal settlers na ilipat maliban sa kanilang tirahan na pinagkaloob mayroon silang oplan likas, collective effort nang national government way back, as of now they adopt this, ang pagbibigay nang 18 thousand financial assistance maliban sa decent houses na ipinamamahagi sa kanila, sa mga informal settlers.

7th FLOOR @ 728 UNITS

JR Langit: Saan saan sa Pasig River may pinaka maraming illegal settlers?

Mr. Monceda: Before we have from the manila area and as well sa approach ng Sta ana area, but during the 2008 we already established in the city ang Adb project we have the mrb along the Pasig River, dito rin sila nakatira sa along the Pasig River hindi po sila nalayo sa kanilang pamumuhay sa kanilang trabaho sa eskwelahan. So we have 728 units its like a 24 square meter like a flat or a condominium unit hanggang 7th floor po yon so we can view, makikita naman po natin yon dun natin sila nilipat thats why we call them 728 housing project under the PRRC program.

Ang kakaiba sa Pasig River rehabilitation commission, hindi nila binibitiwan ang mga inilipat nilang illegal settlers.

IN TIMES OF NATURAL DISASTER

JR Langit: Sa panahon ng Bagyo at baha… paano? sila rin yung mga malapit sa disgrasya sa panahon ng kalamidad.

Mr. Monceda: Yes mga baha kalamidad tama kayo, kaya kung di natin i aadress ang mga yan bumabalik din ho sa gobyerno yung problema. So iniiwasan po natin na magkaroon ng tulad ng ondoy, so eto po yung programa ng gobyerno na ang PRRC ang katuwang po. We have the local inter agency, each local government units, sila po yung mga collective body na nag tulong tulong para masagawa ng rellocation. We have to be balanced kasi along the water ways meron din mga formal instructures we call it titled property, mga tituladong lupa na nag kakaroon din sila ng encroachment along the banks so they have to set back 10 meters kagaya po ng Pasig River we have to alot 10 meters na hindi sila maglalagay ng permanent structures or even temporary structures, we should not allow it should be free way thats why we develope EPA-environmental preservation areas and then we develope liniar parks, consume naman po ng community para ma develope natin.

SUMMATION

May mga bagay na hindi dapat pinapasukan ng pulitika tulad ng pangangalaga sa ating kapaligiran. Malaking bagay para sa pagbuhay ng ilog Pasig ang tuloy tuloy na programa para linisin ito kahit magpalit pa ang administrasyon.

Sana kung ang Pasig River ay magiging katulad ng ibang rivers sa ibang bansa na sobrang progresibo na isang sentro ng komersyo at ng turismo napaka laking effect nito sa ating mga mamamayan lalo na sa ating bansa dadami ang mga investments at itoy magiging alternate mode of transport na makakatulong sa pag dicongest ng traffic sa metro manila.

Higit sa lahat, matutupad lamang ang pangarap na maibalik ang mutya ng Pasig kung makiki isa ang lahat at aalamin ng bawat mamamayang nasa paligid ng ilog ang kanilang responsibilidad sa patuloy na bagbuhay nito.

HISTORICAL EVENT NG NORTH AT SOUTH KOREA

$
0
0

Ang inyong lingkod ay naanyayahan bilang kinatawan ng Pilipinas sa ginananap na “International Convention on Peace & Prosperity” ng asian region nitong nakalipas na Nov. 15, 2018 na ginanap sa Seoul, South Korea at dinaluhan ng mga delegado mula sa mga bansa sa Asia Pacific. Ang highlight ng pagtitipon ay nakasentro sa magandang panimula nang pag kakàsundo ng bansang dating mortal na magkaaway na South Korea at North Korea.

Ang gusot na ito ay dati nang pinangangambahan nang marami nating OFW sa South Korea, may mahigit na animnapung libo (60,000) mga kababayan natin ang nag hahanap buhay dito, ang ilan ay nagka pamilya na at na naninirahan sa South Korea. Isang malaking karangalan na ako ay mapili nang South Korean Government upang maging kinatawan mula sa pribadong sector at grupo ng mga mamamahayag mula sa Pilipinas.

SYMBOLIC EVENT

Sa anim na mga bansa sa Asya, tayo ang napili na umakyat sa stage at mamagitan sa South Korea at North Korean representatives habang binabasa ang historical at symbolic na “Announcement of Declaration of Peace.”

Kasama ko ang Kasangga Team sa pangunguna ni JR Langit, kami ay inanyayahan kasama ang mga kinatawan ng ibang bansa sa Asya na saksihan ang mga pagbabago sa JOINT SECURITY AREA ng DMZ o kilala sa tawag na Demilitarized Zone. Ito ang boundary ng South at North Korea matapos nilang tangalin ang mga matataas na uri ng armas, sandata na nakaumang sa magkabilang panig sa nakalipas na ilang dekada.

Ang tinawag na armistice agreement ay nilagdaan noong Korean War upang matigil na ang sigalot sa magkabilang panig. Ngunit hindi pa rin ganap na tumahimik noon ang North at South Korea.

Visit of Asian delegates at a DMZ or Demilitarized Zone.

WEAPONS-FREE BUFFER ZONE

Mula ngayon ang boundery na ito ay magiging “weapons-free buffer zone” na. Bagamat hindi pa tapos ang usapin ng sinasabing nuclear weapons ng North Korea.

Bagama’t ang boundering ito ay kinatatakutan ng marami ay patuloy pa rin na dinaragsa ng mga local at foreign tourists. Milyon milyon ang tinatayang pumapasyal sa pook na ito taon-taon.

Hindi napigilang hindi bangitin ng North Korean speaker sa convention ang nagawang force labor sa kanilang kababayan ng mga sundalong hapon noong panahon ng guerra na sinabi nilang hindi naging sapat ang naging pahayag ng opisyal ng Japan na “i am sorry!”

SCARIEST PLACE ON EARTH

Minsan na itong tinawag na “scariest place on earth ” ni dating Pangulong Bill Clinton nang America.
Ito ang dating kinatatakutan at pinangangambahang lugar sa ating planeta.

Tayo ay nag silbing saksi sa mga bagbabago rito. Kamakailan lamang ay pinayagan na sa kauna-unahang pag kakataon na mabisita ang kanilang mga kamag anak sa South Korea nang mga pami-pamilya ng naipit noong gierra at naging idwaan ng South at North Korea. Makalipas ng may dalawang linggong pag bisita ng mga taga North, sila ay sinundo ng North Korean Government upang muling bumalik sa loob ng North Korea.

FUTURE & EXCITING EVENTS

Sa darating na December 2018, si North Korean President Kim Jong Un ay tatawid naman sa South sa paanyaya ni South Korean President Moon Jae-in. At sa susunod na taon ay maaaring payagan na ang delegasyon ng South Korea na pumasok naman sa North Korea. Kung papalarin at muling maaanyayahan, maaaring masaksihan ninyo sa pamamagitan nang Kasangga Team ang makasaysayang kaganapang ito.

Ang kilalang Demilitarized Zone ng magkabilang panig ay minsan nang ginawan nang istorya noong 90’s sa pamamagitan ng music video nang pamosong bandang SEO TAIJI & BOYS na naging pamoso sa buong daigdig lalo na sa mga Koreano.

I was called upon on stage to witness the symbolic “Announcement of the Declaration of Peace” bet. North & South Korea.

BONDING WITH OFWs

Hindi dito nag tapos ang ating mission sa South Korea. Tayo ay naanyayahan rin na bisitahin ang ilan nating mga kababayang OFW sa Seoul, South Korea. Pinakingan natin ang kanilang mga daing at problema na may kaugnayan sa kanilang mga trabaho. Amin silang kinapanayam at ito ay mapapanood ninyo sa ating “BIYAHENG LANGIT sa KOREA” na palagian ninyong sinusubaybayan tuwing Biyernes ng alas diyes ng gabi (10pm) sa PTV4.

SUMMATION

Sabi nga nang kasabihan, walang permanente sa daigdig na ito. Ang lahat ay nag babago sa pag lipas ng mga panahon. Isang napaka gandang ehemplo ang kasaysayang ito ng North at South Korea. Dating mortal na mag kaaway, makalipas nang ilang dekada, pinag hilom rin ng panahon ang kanilang mga sama nang loob. Natuto rin silang mag patawad sa isa’t isa. Sa kasagsagan nang aming mga pagpupulong sa loob ng hotel, nagpa tuloy din demonstration ng mga mamamayan sa labas ng gusali dahil napag alaman nila na dumalo ang delegasyon ng North Korea sa ginanap na convention.

Bagama’t hindi pa lubusang natatapos ang ilan pang mga issues sa pagitan nang South at North Korean, sa ating nakita at nasaksihan naroroon na hangarin nang mag kakabilang panig na tapusin na ang kanilang gusot.

During the 2018 International Convention for “Peace And Prosperity” in the Asia Pacific (Nov 16, 2018) Philippine delegate Rey Langit together with the North Korean official was called on stage by Chairman An busu of South Korea.

SERVICE TO MANKIND

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan niyo kaming bisitahin sila, ito po si Pareng Rey at ang ating Kasangga, JR Langit.

Isang dating factory worker, isa nang author at Pastor ngayon sa South Korea. Paano siya nalinya sa pagpapahayag ng mabuting balita. Ang kanyang kwento, ating alamin.

Nagtapos ng kursong Mass communications sa Pilipinas, at dating empleyado ng GMA. Ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat sa kanyang pamilya, iginapang siya, sa tulong na rin ng kanyang tiyahin, nakapagtapos siya ng Kolehiyo. Tampok natin ngayon ay si Ariel Bernardo. Ang mga natutunan niya mula sa hirap at pagtitiis sa South Korea, ibabahagi niya sa atin.

WORKED WITH SEX BOMB DANCERS

Ito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na lumaban at ipagpatuloy ang pakikipagsapalaran upang makamit ang magandang buhay na kanyang ina-asam asam. Bawat suliranin na kanyang pinagdaanan, nagbigay sa kanya ng aral at di malilimutang karanasan, na ngayo’y malaking parte kung bakit mayroon siyang magandang kinabukasan.

Upang mabuksan ang isipan ng mga Filipinong nagnanais mangibang bayan, isang aklat ang kanyang isinulat para magsilbing gabay sa mga paalis nating mga kababayan. Narito ang pagpapatuloy ng kwento, ni Ariel Bernardo.

Pastor Ariel: Dati nakapag-work ako sa GMA7 as production assistant for 2 years, for a year then sa entertainment ako na focus, sa sex bomb dancers… working with ma’am Joy and the rest of the gang. May sampung klase ng OFW, nilagay ko dito yun sa book na ito at gayon din, ano naman yung 10 klase ng employers. Kasi marami nagugulangtang pag nang-ngibang bansa. By reading this book “Pabaon” they will be enlighten before sila magpunta sa ibang bansa. Sabi nga ng isang engineer after reading the manuscript from the book, this book pabaon is the total package of wisdom for OFW’s as a matter of fact sabi ni ambassador Hernandez not only OFW’s need this book every member of Filipino family.

DATING MAG-LULUPA!

Lumaki si Pastor Ariel sa isang payak na pamilya. Magsasakang pamilya, natuto na magtanim ng palay, mag gapas, mag giik yun ang tawag nila mag giik so mag harvest and ang kanyang Ama ay isang trycicle driver noon at ang kanyang mother ay plain housewife. So lumaki siya, na ramdam yung salat na kakayahan pag dating sa financial.

Pastor Ariel: Desire ko talaga na makapunta, makalabas ng bansa. So ginawa ko kumuha ako ng sampung application forms hahahah.

JR Langit: Ganun karami?

Pastor Ariel : Ganun ka rami finil-up-an ko talaga sila.

Lahat raw ng sampung applications ay nilagyan nya sa loob ng “please get me and I’ll do everything to make our country proud.” Isang taon ang lumipas bago siya matanggap sa trabaho bilang factory worker sa South Korea.

Pastor Ariel: dito ang naging una kong trabaho taga grinder, grinding and polishing yung mga winewelding na mga fences tower pole stainless pipes mga ganyan so taga grind cutting. kailangan paki kinisin mo kung maitim, pakikintabin mo pag may lampas lampas na welding. Doon ko naranasan yung grabing hirap, oo as in grabe talaga.

KOREAN 3Ds

Subalit dahil nga inihanda na niya ang sarili sa hirap na kakaharapin bilang isang simpleng mangagawa sa pabrika, nalampasan niya ang mga unos na dumating sa kanya.
Nasa Pilipinas palang siya naririnig na niya yung tinatawag na 3D sa Korea, sabi nila 3D ay dirty, difficult and dangerous.

Pastor Ariel: Before ako mag Korea inihanda ko na talaga mentally, physically ang aking sarili na mahihirapan ako ng bonggang bongga grabe.

JR Langit: Ano sa tingin niyo yung pinaka mabigat ng pag subok na pinag daanan niyo dito sa Korea?

Pastor Ariel: I think makaka relate ang lahat, yung mawalay ka sa pamilya mo, sobrang matinding pagsubok na yon. Yong first few days, even months napaka sakit ng dalawang kamay ko, mga daliri hindi mo mabuksan yan sa sobrang sakit. I think kahit saang trabaho once na mag work dito sa Korea any kind of job sa manufacturing mararanasan talaga yung tinatawag nilang grabeng hirap ang tawag ng ibang mga kababayanan natin dito patayan ang trabaho talaga, ang iba traumatic hindi nakaktagal after a week after a month uuwi na ng Pilipinas. Yung adjustment, adjustment mo sa mga mga foreign co-workers at maging sa mga kasamahan na mga pinoy sa trabaho uh iba iba na ugali. I experienced my time na bigla akong binatukan ng Korean. Yung superior mo nakaka degrade kumbaga, isipin nag tapos ako ng pag aaral pagkatapos ganito pupunta ako dito ganun, but kailanagan kainin yung pride kailangan makisama sa mga ano banyagang mga amo.

EXCEPTIONAL EMPLOYEE ANG PINOY

Ayon pa kay Pastor Ariel, dito sa South Korea, Pinoy ang hinahanap nilang mangagawa. Dahil bukod sa masipag at madaling matuto, maayos din silang mag trabaho.

Pastor Ariel: Kapag Pilipino ka yun yung gustong gusto nila nakakataba ng puso.

JR Langit: dahil dito sa ipinapakita nila?

Pastor Ariel: yes sipag, fast learner, matindi tayo pag dating sa sakripisyo, handang handa tayo diyan at mga masayahin tayo lagi.

Dahil na rin sa kanyang mga karanasan sa trabaho, ilang libro na ang kanyang nailathala, subalit ang pinaka-sikat dito ang kanyang aklat na may titulong “Pabaon.” Ang book na “Pabaon” ay para sa mga OFW, gabay sa matagumpay na pangingibang bansa. Ito raw ang aklat na gift to global OFWs.

SPIRIT OF PUBLIC SERVICE

Nasa puso ni Pastor Ariel ang kagustuhang makatulong sa mga kababayang OFW, aniya ito ang numero unong dahilan at inspirasyon niya upang ilathala ang Pabaon.

Pastor Ariel: Bilang factory worker, as a OFW nakita ko my heart really is not just to earn money we need money of course but my heart is to help our kababayan and when they get this they will have almost everything they need as an OFW.

Taong 2008 nang mabuo ang Diaspora International Christian Community sa South Korea. Dating assistant dito si Pastor Ariel.

DIASPORA INTERNATIONAL

Pastor Ariel: Kami ang nag take over na ng aking mahal na asawa year 2012. The name of the ministry, the Diaspora International Christian Ministry, diaspora kasi from the word dispersion na dispere at tayong mga Pilipino from our country going to other place so diaspora international Christian ministry, kasi we’re also helping not just our fellow Filipinos meron din mga nag a-attend na mga Americans, Filipino married sa American and sometimes from Thailand and other foreign nationals.

JR Langit: ano pa po yung mga plano niyo sa buhay, ano po yung future plans po ninyo na minimithi?

Pastor Ariel: I want to train more leaders, my heart’s desire is to become missionary standing ang ating bansa. So that’s my desire, to train more leaders to write more books to enlighten people and also to build a school in the Philippines later on by the grace of God.

Ang “PABAON”

JR Langit: Lastly Pastor anong advice na pwedeng ibigay sa ating mga televiewers at makababasa ng inyong istorya. Sa mga pinoy na gusto ring mag trabaho dito sa south Korea?

Pastor Ariel: Para sa mga OFW na gustong mangibang bansa kailangan tulad ng naisulat kong book sa “Pabaon” kailangan meron silang dabest pabaon and the best pabaon na yon ay ang ating relasyon sa ating dakilang Diyos sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak na atin Panginoong na JesuKristo because I’m the way, I’m the truth and I’m the life. No one comes to the Father except through me, pupwedeng ang laki ng kinikita mo bilang OFW pero wala kang buhay, sira ang yong pamilya. Pupwedeng okay yung trabaho mo yung relationship mo sa iyong kapwa, sa iyong kapwa Pilipino, sa ibang lahi hindi maayos, so life is all about having a good relationship with God and having precious and wonderful relationship with the people around you.

GLOBE TELECOMS PUBLIC SERVICE

Bago kami maghiwa-hiwalay, napaunlakan ng Biyaheng Langit, sa tulong na rin ng Globe telecoms ang kagustuhan ni Pastor na kamustahin at makita ang kanyang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Naging posible ito sa pamamagitan ng videocall sa palatuntunang pang telebisyon “Biyaheng Langit” na palagian ninyong sinusubaybayan sa PTv4 tuwing Biyernes ng alas diyes ng gabi (10pm). Palatuntunang ilang dekada nang nag lilingkod at umaalalay sa ating mga OFWs, mula pa sa ating Hall of Fame na “TO SAUDI WITH LOVE.”

Rey Langit: Sinong kokontakin natin?

Pastor Ariel: Yung mother ko po at yon youngest brother ko. Hello Jay hello mahal kong kapatid.

Brother: Kamusta ka?

Pastor Ariel: Mabuting-mabuti. Hello mommy.

Mommy: Hello anak.

Pastor Ariel: Hello, napakagandang araw sa inyo diyan kamusta na sa aking pinaka mamahal na mommy, kamusta po? Ako, mabuting-mabuti, paborito kong bunsong kapatid, advance merry merry Christmas and Happy New Year. We super miss you mommy.

Mommy & Brother: Punta ka na dito, miss ka na namin, uwi kana sa December.

Pastor Ariel: Yes, oo we’d love to come pagkaloobin ng Panginoon pero we’re sending you this greetings and advance merry merry Christmas. Super miss na naming kayong lahat diyan. Ang mga Filipino foods, ang mga pamangkin ang mga tiyahin, tyuhin na napag kakababait.

Kasama natin ngayon ang kasangga natin ang langit, with our Sir Rey Langit, the multi awarded broadcaster and ang kanyang anak na very handsome na si sir JR. They here in Korea.

Rey Langit: Hi, hello kamusta po kayo Nanay.

Mother: Kamusta po kayo?

Rey Langit: Kami po ay giniginaw na lahat dito, masyado ang lamig, malamig po sa Korea nitong mga panahong ito. Ganun paman ay nakakaya pa naman po. Inay maswerte po kayo at meron po kayong isang anak na nilalapitan rito ng mga OFW at tumutulong sa Filipino Community.

Bawa’t suliranin na kanyang pinagdaanan, nagbigay sa kanya ng aral at di malilimutang karanasan, na ngayo’y malaking parte kung bakit mayroon siyang magandang kinabukasan.

SUMMATION

Ang mga natutunan niya mula sa hirap at pagtitiis sa South Korea, na ibinahagi sa atin ay mag silbi hindi lang mensahe, kung di gabay sa lahat ng mga bago pa lamang sasabak sa ganitong mga pag subok sa buhay. Laluna ang mga kababayan nating nagbabalak na maki pagsapalaran sa ibayong dagat.

Mula sa palatuntunang ilang dekada nang nag lilingkod, naglalakbay at umaalalay sa ating mga OFWs mula pa sa ating Hall of Famer na “To Saudi With Love.”

Dahil sa patuloy na mission at Advocacy ng palatuntunan noong taong 1996 sa pinagkaloob na Papal Distinction Award sa Program ni Pope John Paul II (now Saint) tinawag niya itong “Service To Mankind.”

Hanggang sa susunod na paglalakbay, siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.

NORTH AT SOUTH KOREA: INTERNATIONAL CONVENTION ON PEACE & PROSPERITY

$
0
0

I was invited to represent the Philippines during the International Convention on Peace & Prosperity held last Nov. 15, 2018, in Seoul, South Korea. The highlight of the gathering centered on the start of an amiable relationship between North and South Korea. I brought the Kasangga Team led by JR Langit and we, along with other Asian representatives, were able to tour around the Joint Security Area of the Demilitarized Zone or DMZ which was along the boundary of North and South Korea. This was after both countries have cleared the area of high powered armaments that have been placed there for decades.

The Korean Armistice Agreement is the armistice which brought about a an end to the hostilities of the Korean War back in 1953 but because it wasn’t a peace treaty, the war wasn’t considered as “ended”. The DMZ was then created. Former US President Bill Clinton nicknamed it as the “scariest place on earth”. Despite the fact that the issues regarding nuclear weapons haven’t been resolved yet, this DMZ is now a “weapons-free buffer zone”.



I was called upon on stage to witness the symbolic “Announcement of the Declaration of Peace” bet. North & South Korea.

In spite of its fearsome reputation, the DMZ has become a yearly tourist destination for millions of locals and foreigners alike.

This coming December 2018, North Korean President Kim Jong Un is expected to crossover the border and visit the south upon the invitation of the South Korean President Moon Jae-in. They hope that by next year, it will be the North Korean President’s turn to invite the South Korean President. Perhaps by that time, the Kasangga Team will be able to witness this event.



Visit of Asian delegates at a DMZ or Demilitarized Zone.

Our trip didn’t end with the visit to the DMZ. We were also invited to visit some of the OFWs in Seoul. We listened to their work problems and you can watch this on our segment, “Biyaheng Langit Sa Korea” every Friday, 10pm on PTV4.


During the 2018 International Convention for “Peace And Prosperity” in the Asia Pacific (Nov 16, 2018) Philippine delegate Rey Langit together with the North Korean official was called on stage by Chairman An busu of South Korea.


ANAK TV SEAL AWARDS 2018

$
0
0

Muling tumangap nang parangal ang ating mga palatuntunang “Kasangga Mo Ang Langit” at “Biyaheng Langit”. Mga programang kinilala ng Anak Tv Seal Awards na katangap tangap sa ating mga kabataan na palagian ninyong napapanood sa PTV4 tuwing Biyernes ng alas diyes (10pm) ng gabi.

RECOGNITION OF ACHIEVEMENT

Ako na si Pareng Rey at Kasangga JR Langit sampu nang aming Staff at crew sa ilalim ng HIP TV Inc. ay nagpapa abot nang aming taos pusong pasasalamat sa taon-taong pagkilala ng Anak TV Seal Award sa aming mga palatuntunan. Makakaasa po kayo na lalu pa naming pag iibayuhin ang pag hahatid ng Kaalaman at Aral hindi lamang sa nakatatanda kung hindi pati na sa ating mga kabataan.

Gayon din ang aming pasasalamat sa lahat ng ating mga masugid na tagapanood at mga kaibigan na nag paabot ng kanilang pagbati.

Sa pagsaludo ng pamunuhan ng MIT Messenger sa pangunguna ng kanilang Chairman Kj Kim at CEO James Lee. Magkakasama kaming nagdiwang sa muling pagtangap ng pagkilala ng Anak TV Seal Award 2018 ng aming mga palatuntunang pang telebisyon na Institution na sa larangan ng Public Service, sa paglilikod sa ating mga mamamayan dito at sa ating OFW sa ibayong dagat.


ANAK TV SEAL AWARDS


INTERNATIONAL AND KOREAN ENTERTAINERS

Nakapiling rin namin sa araw na ito Dec 7, 2018 ang ating Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao at pamosong Korean K-Pop group na Chic Angel.

Hindi naging sagabal ang grupo ng Korean entertainers na Chic Angel sa routine practice ni PacMan para sa kanyang papalapit na laban sa Enero 2019. Katunayan nag pamalas pa ng dance number ang korean entertainers kay Senator Manny bilang paghanga sa Pambansang Kamao.

Sa ginawa naming exclusive na pakikipanayam ni Kasangga JR Langit kay Senator Pacquiao kanyang ibinahagi ang kanyang ginagawang preparasyon sa kanyang panibagong laban at mga dumadalaw na kaibigan sa kanyang ensayo.

“Nag sisilbing insperasyon ko ang mga yan na dumadalaw sa aking practice, lalo na sila, ang Chic Angel ay galing pa sa Korea.” Ayon pa kay Manny.

Ang pagdalaw sa bansa ng grupong Chic Angel ay upang makita ng personal ang Pambang Kamao at suportahan ang pormal na pag lulunsad sa Filipinas ng MIT Messenger sa Manila Conrad Hotel nitong nakalipas na Dec 4, 2018.

NUMBER ONE ENDORSER

Si Senator Manny Pacquiao ang nangunang international figure na nag endorse sa MIT Messenger dahil naniniwala siya sa magandang hangarin ng internet platform na ito para sa ating mga mamamayan.

Sen. Pacquiao: “Alam kong malaki ang maitutulong ng MIT Messenger sa atin. Ang modern technology na ito ang future para sa ating mga kabataan, malaking tulong sa ating mga negosyo at communication sa anomang panig ng mundo. Ang social media, platform na MIT Messenger ay pakikinabangan ng husto ng ating mga OFW sa abroad sa pakikipag usap nang libre sa kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas.”


With Chairman KJ Kim of MIT MESSENGER


 

GUEST SPEAKER

Sa gabi nang parangal at pormal na pag lulunsad ng MIT Messenger, naging pangunahing taga pag salita si Department of Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III. Sa kanyang mensahe, binigyan niya nang pagpapahalaga at pagkilala ang maitutulong ng MIT Messenger sa ating mga OFW. Kanyang pina unlakan ang pagkakaloob ng pamunuan ng MIT Messenger na espasyo sa kanilang internet platform ang mga OFW mula sa iba’t ibang dako nang mundo. Upang mabilis na maparating ang kanilang mga hinaing at concerns sa tangapan ng DOLE. Upang lalong mapabilis ang serbisyo para sa ating mga Overseas Filipino Workers sa alin mang panig ng mundo in the spirit of Public Service. Dumalo rin sa pagtitipon ang Social media blogger na si Ms. Mocha Uson at nag bigay ng kanyang maikling mensahe. Dumagsa ang napakaraming media friends.

SPIRIT OF PUBLIC SERVICE

Nasundan nang ilang minutong lectures ng mga Korean technology expects, sa kanilang pagsasalita ibinahagi nila ang pag kakaiba ng MIT Messenger sa mga kasalukuyan nang mga social media platform tulad ng Viber at Facebook. Nagkaroon rin ng signing of MOU sa ilan pang partners ng MIT Messenger. Ibabahagi rin ng PAGASA ang mga updated weather reports at forecasts sa kalagayan ng panahon bilang bahagi ng Public Service ng PAGASA-DOST at MIT Messenger.

GAMES & ENTERTAINMENT

Bilang host nang pagtitipon aking inanyayahan ang ilan nating mga bisita na sumali sa isang katuwaan at patimpalak. Gamit ang MIT Messenger app sa kanilang personal na cellphone, ang unang tatlo (3) na makatatawag sa aking Cellphone Number ay tatangap ng tig iisang gadget, tulad ng iPad. Tatlong mga taga-media ang nag wagi, ngunit ang hindi ko inaasahan na halos umusok ang aking personal na cellphone sa dami nang tawag, sa walang tigil na ring tone.

Naitala ng MIT Messenger ang may 305 calls sa aking cellphone sa gabing iyon, na lingid sa aking kaalaman ang lahat pala ng mga guests ay mabilis na nka pag download ng MIT Messenger app. Ito’y bahagi lamang ng Special episode na ating ipalalabas sa ating Kasangga Mo Ang Langit program sa PTV4 na napapanood tuwing Biyernes ng alas diyes ng gabi.


Senator Manny Pacquaio, the Kasangga Team Pareng Rey & Jr Langit w/ the K-pop group Chic Angels.


Viewing all 323 articles
Browse latest View live