Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Execution Style

$
0
0

Kung naalala ninyo ang napatay na si John Dela Riarte na nakunan ng Celphone video habang sinasaktan ng mga Pulis na naka posas sa likod, kinasuhan na ang mga HPG Police na nasasangkot sa krimen.

Dumulog ang pamilya sa NBI dahil naniniwala sila na hindi involved si John sa illegal na gawain, laluna sa Droga.

Ang isa pang sinasabing dahilan na ito’y nang agaw ng baril kaya ito binaril. At hindi minsan, limang bese na binaril sa ibat- ibang panig ng katawan.

Kinapanayam ko si Public Attorney’s Office Chief Precida Acosta sa aking pang umagang (10-11am) TeleRadyo Program “KASANGGA MO ANG LANGIT” sa DzRJ 810khz, 8Tri Media Network.

Image 3


 

CASES VS HPG POLICE

Atty Acosta: Opo Sir Rey, dalawa po na galing sa HPG (Highway Patro Group) ang aming kinasuhan. Ang mga umaresto sa kanya sa Edsa, Makati. Nag-posas at nanakit sa kanya publicly. Mayrong nanampal, naniko, mayroong nanuntok sa kanyang sikmura. Yon dalawa pong iyan ang kuhang kuha sa video ng isang cellphone ng isang kondoktor ng Bus, bagamat takot na takot siya na pumunta sa Department of Justice para magbigay ng kanyang salaysay sa piskal, pero nagbigay din siya ng kanyang salaysay sa Panel ng Public Attorney na itinalaga natin.

Rey: Ano anong kaso ang kahaharapin nila?

Atty Acosta: ANTI-TORTURE ACT OF 2009 na kapag nanakit nang isang naaresto na iniimbistigahan yan po ay pasok sa torture na napaparusahan po yan ng habang buhay na pagkakakulong, kapag ang pagto-torture ang naging dahilan ng kamatayan.


VIDEO STORIES

Rey: Maliban sa HPG, may dalawa pang nakunan ng video.

Atty. Acosta: Yung dalawa po ay MMDA, pero positive po na ang nanakit sa kanya ay itong dalawang HPG Police. Noong araw kung natatandaan niya po, 2009 ipinagtangol po namin ang HPG doon sa Edsa shootout, na napatay po yun dalawang suspected carnappers. Nasa tamang landas po noon ang Police. Dahil legitimate Police operation po yon. Pero yung ginawa po dito kay John Dela Riarte hindi po legitimate Police Operation Ito. Violation ng REPUBLIC ACT NO. 7438 na kailangan pag iniinbistigahan mo ay nariyan ang abugado, ang kanyang magulang o kamag anak. Dapat iniinquest nila o gumawa sila nang Police report doon sa bangaan.

Rey: So, hindi nangyari ito? Ano ang lumitaw sa video?

Atty Acosta: Kitang kita naman doon sa video na hindi naman nag resist ng arrest. Na posasan nga, nasuntok, nasampal siya, nasikmuraan, para siyang ginawang Punching bag doon sa Edsa.


CLOSE RANGE

Rey: Attorney I understand closed range ang ginawang pag baril sa kanya at hindi isang beses, kung hindi 5 beses?

Atty Acosta: Tama po kayo, limang beses. Kasi apat sa kanyang harapan and then isa doon sa likod. Execution Style po ginawa sa kanya.

Rey: Saan saan ang tama?

Atty Acosta: Yon tama sa dibdib ay ikamamatay mo na yon. May tama pa sa kanyang Puso, at Atay, ikamamatay na rin niya yon. May tama pa sa malapit sa lower abdomen, dalawa ang tama. Lima po ang entry wounds, contrary doon sa special report na nabasa natin at pinirmahan ng HPG official na dalawang beses lang daw binaril.


DISCREPANCY

Rey: Parang hindi tugma ang Human Sketch ng NBI na ibinigay sa Pamilya?

Atty Acosta: Doon ay apat lang daw ang entry wounds, tatlong exit wounds at isa sa likod. Lumitaw sa examination ni Dr. Erwin Erde, ang aming Director ng Laboratory, yun sa likod na sinasabing exit wound sa likod ng hita ay hindi exit, kundi entrance wound kasi may tattooing po. May pulbura, so malapitan po iyon, very close.

Rey: Yon sa harap?

Atty Acosta: Yung sa harap din po ng kanyang katawan, ay may makikitang bakas ng pulbura o gun powder.

Rey: Na established ba nang kabila bilang dipensa na nang agaw ng baril si John at papaano nangyari ito gayong naka posas sa likod?

Atty Acosta: Napaka imposible po yun depensa nilang lumaban kaya nila binaril, Imposible. Tapos po yun doon sa coverage ng GMA7, ni Steve Dailisan sa kotse. Pinangunahan po naming puntahan sa NBI yun kotse, yun upuan lang ang may blood splatter. Kung ikaw po’y binaril sa dibdib sigurado yung sandalan ay may dugo rin. Tatagos ang bala doon dahil may exit wound. Yung dalawang putok sa dibdib niya, yun doon sa pagitan ng Puso dapat duguan po yong dingding ng kotse, eh bakit doon lang sa upuan ang dugo.

Rey: So aside doon sa pagbaril sa kotse, ay binabaril din hangang labas?

Atty Acosta: Ang mas posible dyan, kung irere construct yan ay sa labas ng Kotse pinatay. Maari pong inupo na lang siya sa loob ng kotse. Pero ang punto po doon kung nanlaban bakit po limang tama ng bala. I-capasitate mo lang yan, eh bakit mo kinakailangang Patayin. At tsaka ang kaso po ay away trapiko lang, Hindi Droga ito, isang naka motorsiklo na naka bangga nang kotse, usually areglohan ito. Asuntuan ba tayo? Areglo ba tayo? May Police report, may insurance ba? May Lisensya ka ba? Ganoon lang yon. Bakit kinakailangang humantong sa pagkamatay.


ROBBERY

Rey: May dala nga bang Pera si Dela Riarte?

Atty Acosta: Opo, bakit nawala yon P 33,000 niyang pera?

Rey: May robbery pa?

Atty Acosta: May robbery po, kaya apat na kaso po ang isinakdal nang pamilya. Robbery, Murder, violation of Anti-torture law at violation po doon sa Republic Act  na nag tatakda ng tamang pag iimbistiga at tamang pag aresto.


NEW JOB, SAD ENDING

Rey: Mayron po bang findings sa sinasabing negative siya sa Droga?

Atty Acosta: Mayroon pong certificate ang pamilya, dahil papasok na siya sa bago niyang trabaho.

Rey: Ano po itong bago niyang trabaho?

Atty Acosta: Magiging driver siya ng isang VIP sa Banko, Bank Manager. Papasok na nga po siya kaya napunta siya sa lugar na yon. Tignan nalang ninyo ang ngipin, ang ganda ng ngipin niya. Pag adik po sa shabu na uubos po ang ngipin.

Rey: Tama ho kayo dyan, dahil yon testimonya noong adik na aming naka panayam sa TV aminado siya na kapag wala silang magawa kinukutkot nila ang kanilang ngipin kaya nauupod.

Atty Acosta: Nagko constrict po ang mga vessel na pinaglalagyan ng ngipin kaya lumiliit po ang kanilang ngipin. So wala siyang sign na siya ay adik. Ang batang Ito ay mahilig dumila-dila, halimbawa yon wacky wacky na ginagawa sa picture. Dumidila lang pero hindi dumudura. Naka hand cuff siya, binubogbog siya kaya nag papapansin sa mga tao, sa mga dumaraan. Wala siyang magawa may baril ang mga umaresto sa kanya.

Rey: Na inquest na po ba itong dalawang HPG?

Atty Acosta: Yan nga po ang nakalulungkot hindi pa na iinquest (during the interview). Sabi nga noong pamilya hindi na raw sila makaihintay, noong linggo nailibing. Kaya i-file na po natin sa DOJ.


SUMMATION

Sa autopsy ng katawan ni Dela Riarte at lumitaw na Negatibo ito sa pinag babawal na Droga. Kaya walang basihan ang sinasabi ng Pulis na ito ay langngo sa ipinag babawal na droga kaya nagwawala, kaya pinosasan ng mga Pulis.

Ang sinasabing dahilan ng pag baril sa kanya ay dahil sa pang aagaw ng baril habang ito ay naka posas. Isang napakababaw na depensa, at ang pag baril sa kanya ng malapitan ng limang beses ang tinutukoy na “execution style” na hindi malayo sa mga nagiging biktima ng summary killings na araw araw nating nababalita.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles