Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

A Dark Day for Migrant Filipinos

$
0
0

Nais kong iparating ang aking taos pusong pakikiisa at pakikiramay sa mga inulila ng kababayan nating taga-Pampanga na si Joselito Zapanta, 35 taong gulang, isang Overseas Filipino worker (OFW). Siya ay nahatulan ng kamatayan sa Kingdom of Saudi Arabia noong Dec. 29, 2015.

Ang pangyayaring ito ay panibagong pagluluksa para sa ating mga migrant Filipinos, laluna sa mga nasa death row abroad. Maghihintay na lang ba tayo ng mga susunod pang bibitayin?

Kailangan natin ng transparency at accountability kung bakit hindi natin kayang iligtas ang buhay ng ating mga OFWs na nasa death row. Pinaniniwalaang may 88 Filipinos pa ang mga nasa death row sa ngayon sa ibayong dagat.

Muling nanumbalik sa ating ala-ala ang mapait na kahapon ng isa ring OFW na si Flor Contemplacion, domestic helper sa Singapore makalipas na sintensiahan ng kamatayan dahil sa pagpatay kay Delia Maga na isa ring Filipina domestic helper at sa tatlong taong gulang na batang Singaporean na alaga ni Delia. Ang dalawang biktima ay natagpuan noong May 4, 1991.

Noong una ay wala namang suspect ang mga Singaporean Police. Mayroon lamang silang nakita sa diary ni Maga at umamin si Contemplacion ng siya’y imbistigahan ng mga Singaporean Police. Ngunit marami pa rin ang naniniwalang siya ay tinorture lamang para umamin.

Dagli kong iminungkahi noon kay dating Pangulong Fidel V. Ramos na mag sakatuparan ng isang uri ng inventory ng mga kaso ng ating OFW sa ibayong dagat at kung anong action na ang nagawa ng ating mga embassy at konsulado sa mga kasong ito. At ito rin ang ating minumungkahi ngayon sa pamahalaan.

Ang ating suggestion sa Ramos Administration noon ay nangyari, sa pamamagitan ng isang live media forum, covered ng radio, TV at print. Akin itong pinangunahan bilang Host-Anchor sa pamamagitan ng Aliw Broadcasting Corporation at si Pangulong Fidel V. Ramos mismo ang aking guest.

photo

Inalam namin ang kundisyon ng ating mga OFWs na may kaso, may sintensiya at paano ito tinutugunan. Isa-isa naming tinawagan live via long distance ang mga Philippine Ambassadors at Consuls sa ibat ibang panig ng mundo at sila ay nag-ulat sa bayan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles