Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Ghost Month

$
0
0

7th MONTH OF LUNAR CALENDAR 

Kaugnay ng tinatawag na Ghost Month, nagsakatuparan ng exclusive na pakikipanayam kay Master Hanz Cua, isang feng shui expert, ang Kasangga Mo Ang Langit TV show. Napapanood ninyo kami ng ating Kasanggang Jr Langit sa PTV4 tuwing Linggo, 10:30PM.

Ayon sa kanyang paliwanag, ang Hungry Ghost Month ay dumarating tuwing ika-pitong buwan ng lunar calendar o Chinese calendar. Every year, iba-iba ang Hungry Ghost Month.

Sa taong 2014, ang Hungry Ghost Month ay nagsimula noong July 27 at magtatapos ng August 24. Ang Hungry Ghost Day ay ang ika-15 day ng isang buwan ng 7th lunar month ay ang August 10. Sa panahon ng ghost month, nagaganap ang opening ng hell’s gate. Ang mga hungry ghost ay lumalabas at naghahanap ng mga pagkain, ng mga alay, ng mga prayers. Naghahanap sila ng entertainment at naghahanap din ng mga taong pwedeng biktimahin dahil sa hungry ghost sila.

Offerings during Ghost Month to appease the hungry ghosts.

Offerings during Ghost Month to appease the hungry ghosts.

UNHAPPY SPIRIT

Paano nga ba nagsimula ang tinatawag na hungry ghost? Ang mga hungry ghost ay ang souls or spirits na hindi na-reincarnate, yung spirits na unhappy, at may mga unfinished business. Ito yung mga souls and spirits na marami pang mga bagay-bagay na dapat balikan sa realm natin. Posible na namatay sila due to sudden deaths, tulad ng accident. Yung pagkamatay nila ay unhappy event, maaaring na-rape or na-murder. Ito yung mga hungry ghost na yung may mga kulang o hindi na na-remember ng kanilang relatives na nabubuhay pa.

HUNGRY GHOST WITH POWERS

JR LANGIT: Sa nabanggit niyong August 10, iyon ba ang araw kung saan sila lumalabas o nagpaparamdam?

MASTER HANZ: Sa August 10 ang mga hungry ghost ay mas malakas ang powers o mas maraming araw o time na mararamdaman mo sila.

HUNGRY GHOSTS CAN CAUSE PAIN

JR LANGIT: Puwede bang manakit ang hungry ghosts?

MASTER HANZ: Yes. Not physically mananakit ang hungry ghost sa atin pero puwede silang bumulong. Puwede silang magbigay sa mga taong nabubuhay ng mga bulong para guluhin ang kanilang mind at mag-cause ng pain, harm, even mag-cause ng death sa ibang tao. Ang mga taong namatay ay posibleng maging hungry ghosts para makasama din nila ang ibang mga hungry ghost.

HUNGRY GHOST

JR LANGIT: Mayroon din naman sigurong mababait na hungry ghosts.

MASTER HANZ: Ang mga hungry ghosts ay yung mga naiwan na hindi nare-reincarnate o naghihintay sila ng parang timing kung kailan matatapos ang karma nila para ma-reincarnate ulit sila bilang tao. So usually ang mga hungry ghost na ito ay unhappy, yung mga ghosts na kailangan ng prayer, alay o ng mga food.

BAD LUCK?

Nakagawian na sa mga Filipino-Chinese o sa mga pure Chinese sa bansa sa panahon ng Hungry Ghost Month na umiwas sa mga bagong investments. Ayaw nilang magbukas o magstart ng negosyo, ayaw nilang magstart ng construction. Hindi rin daw magandang maglipat ng bahay, hindi rin daw magandang mag-asawa, hindi rin daw magandang mag-enter into contract or contract signing.  Kapag nasimulan ang negosyo o construction bago mag-Ghost Month, tuloy-tuloy lang. Puwede mo naman i-continue. Pero kapag magsisimula ka during the Ghost Month, ang advise is to prevent o hintayin mo munang matapos ang Ghost Month bago mo i-pursue kung ano ang gusto mong simulan.

GHOST MONTH
Ngayong taong 2014, mula nang nagsimula ang Ghost Month ay nagkaroon na ng mga lindol na nangyari sa China, sa atin naman ay maraming namatay, at may leakage sa Taiwan dahil sa  sumabog na LPG. Bago pa pumasok ang Ghost Month ay kapunapuna ang dami ng mga plane crash. Bago pa pumasok ang Ghost Month ay nagparamdam na raw ang mga ghost, kaya raw medyo bawas-bawasan ang paglalakbay sa panahong ito. Traveling is not advisable daw during the Ghost Month.

HARNESS POSITIVE ENERGY

JR LANGIT: Paano makaka-attract ng wealth or opposite para yung malas ay maging masuwerte?

MASTER HANZ: Again, sa Feng Shui, we can make our life lucky depending on our hard work. Feng Shui is just a guide to position and harness the energy sa bahay para maging mas masuwerte, mas maging lucky ang business mo, mas maging happy ang family mo including yourself, mas maganda ang energy mo with your colleagues and coworkers. Tayo pa din ang humahawak ng ating galing, our own luck at suwerte.

Paano ba maging wealthy ang Ghost Month natin? Kapag ang ghost ay nabigyan natin ng pagkain, naalayan natin ng prayers, nasunugan natin ng mga paper money, nagkaroon tayo ng mga incensed prayer sa kanila, they become happy. These happy ghosts bring us wealth or bring us luck.

GUIDANCE 

JR LANGIT: Ano po yung inyong mensahe sa mga televiewers at sa mga nagbabasa sa column ng ating Kasanggang Pareng Rey?

MASTER HANZ: Ang aking mensahe sa ating televiewers at mga nagbabasa sa  column ni Ginoong Rey Langit, mayroon dapat tayong mga prayers para sa mga loved ones natin. Kailangan natin silang dasalan, kailangan natin silang alayan, bisitahin natin sa sementeryo, or just light a candle for them.

Tayo pa rin ang humahawak ng ating success.Nakasalalay pa rin sa ating hard work, pagsisikap, and determination. Prayers pa rin ang number one formula para sa sting success, at number two dito ang ating hard work.

Number three lang dito ang Feng Shui. Ang Feng Shui, ang astrology, o ang tarot reading is dagdag suwerte or dagdag path para malaman natin how to attack a situation from that perspective. Malalaman natin how to deal with our obstacles and how to grab our opportunities. Ang mga lucky charms are also effective to add up ingredients, pandagdag swerte.

PROTECTION STONE

Ipinaliwanag din ni Master Hanz ang hinggil sa black tourmaline. Ito daw ay isang mabisang stone o crystal upang maging pananggalang at labanan ang negative energy sa bahay natin.

Ang mga crystals ay may energy. Mayroon tinatawag na crystal for wealth, may crystal for love. Ito ang black tourmaline, black onyx. Ang mga kulay itim na nato ay gamit upang bugawin ang masamang energy sa paligid. Protection stone ang tawag sa black crystal or black tourmaline.

QUOTABLE QUOTES

“Now I know what a ghost is, unfinished business, that’s what.” — Salman Rushdie

“The people you love become ghosts inside of you, and like this you keep them alive.”  ― Rob Montgomery

Photo credit: periwinkle17


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles