Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

MILF Self-Defense

$
0
0

PROBE TEAMS

Mahabang usapin ang dulot ng paghuli at pagkakapaslang kay Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir alias Marwan.

Iba’t-ibang grupo at ahensiya ang bumuo ng kani-kanilang investigating group upang mabatid ang puno’t dulo ng pagkakapaslang sa PNP-SAF 44. Nariyan na ang PNP Board of Inquiry, AFP, at NBI sa pangunguna ng mga state prosecutors ng DOJ, sa inquiry ng Congress, sa In Aid Of Legislation ng Senate, Commission on Human Rights, ang ideyang Truth Commission at Special Investigative Commission ng MILF.

Rey Langit, MILF Self Defense, MILF emblem, February 9 2015

Nagkaroon tayo ng EKSKLUSIBONG pakikipanayam kay Ghadzali Jaafar, MILF vice chair for political affairs, sa aming pang-umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit (6-7AM) sa DWIZ 882Khz, na sabayang naririnig sa mga provincial stations ng RPN nationwide.

7-MAN TEAM

REY: Alam kong kayo ay nag-organisa din ng grupo na mag-i-imbestiga sa nangyari sa Fallen 44. Nagsimula na ba ang inyong inquiry?

JAAFAR: Opo, Rey, at nabuo na po ng mataas na kapulungan, o Central Committee ng MILF na binubuo ng pitong tao upang magsagawa ng imbestigasyon sa mga nangyari sa Mamasapano, doon sa field mismo.

MILF PROBE BODY

REY: Vice,  ano ang komposisyon o mga miyembro ng probe body? Sino-sino po ang involved dito sa binuong probe body ng MILF?

JAAFAR: Ang pinuno po, ang chief, o ang chairman ng task force Nedo, o ‘di kaya Adhoc investigating team na miyembro ng Unang Sentro Committee at ang mga kasapi nito na mga matataas na pinuno o opisyal ng Senior Staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces. Mayroon ding Imam o religious Muslim leader.

REY: Of course, Vice, hindi natin maaalis sa ating mga mamamayan na magduda. Paano natin maipapakita sa sambayanang Pilipino na independent po ang body na ito at walang biases?

JAAFAR: Opo. Alam po namin na maaring pagdudahan ng ibang mamamayang Pilipino ang resulta ng imbestigasyon na ito. Pero, isa sa layunin ng imbestigasyon ay para malaman namin sa panig ng MILF kung ano talaga ang nangyari doon sa field, at ang dahilan ay para sa internal purpose ng MILF. Maaaring sa resulta ng investigation team na ito ay doon namin ibabase ang official position ng MILF vis-a-vis the Mamasapano incident at mga tanong sa amin. Sa ngayon ay hindi namin mabigyan ng sagot sapagkat kailangang malaman muna namin ang kongkretong nangyari doon sa field. Ngayon, maaaring gawin ito sa pamamagitan ng mekanismong napagkasunduan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front par amabigyang-linaw ang mga pangyayari katulad ng sa Mamasapano. Tinutukoy ko yung ceasefire agreement, yung creation ng ceasefire committees ng MILF at ng GPH. Kasama na rito ang kasunduan ng AJAG o Ad hoc Joint Action Group sapagkat kabilang ito sa mga mekanismo na gagawin sa pamamagitan ng mga pag-uusap. Ito ang napagkasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at MILF para maging maayos ang pagpapatupad sa ceasefire agreement sa Mindanao.

MASSACRE NGA BA?

REY: Tama po ba ang understanding ko na hihintayin pa ninyo itong resulta ng inquiry bago po tumugon sa panawagan na i-surrender yung mga namaril sa PNP-SAF at isauli ang mga nakuhang baril at gamit ng mga pulis?

JAAFAR: Opo, tama po yun, sapagkat yung nangyari sa Mamasapano incident, magkabilaan po yun. Meron po sa panig ng PNP SAF at meron din po sa panig ng MILF combatant. Yung akusasyon sa amin na minassacre namin yung SAF, in ordinary massacre, ang ibig sabihin niyan ay namatay yung kabila nawalang armas. Kung ang mga napatay na PNP SAF ay walang mga armas at ang pumatay ay mga combatant ng MILF, maaaring yung tawagin na massacre. Pumasok doon ang SAF na may tungkulin sila. Inutusan sila ng gobyerno ng Pilipinas. Pero, mayroong agreement na dapat ding isaalang-alang sa pagitan ng GRP at GPH, at ng MILF. At yung mga SAF PNP, best equipped as far as Philippine security forces is concerned. Nabaril sila sapagakat mayroong engkwentro yung dinatnan nila doon sa ground na mga combatant ay meron din mga armas. Nagulat sila. So, hindi tama na pagbintangan kami na minassacre namin yung SAF, sapagkat in the first place, hindi po namin kayang gawin iyon. Sa ngayon, itinuturing po namin na ang SAF PNP ay kabilang sa puwersa at partner ng MILF para sa pagtatatag ng kapayapaan sa Mindanao.

TIME TABLE

REY: Vice Chairman Jaafar, siguro hindi muna natin dapat pag-usapan whether minassacre o hindi. Alalahanin natin, hindi pa lumalabas ang resulta ng inquiry ng inyong grupo. Debatable pa po iyan at this point in time. Now, i-pursue ko lang ang aking katanungan: ano po ang timetable po natin dito sa imbestigasyon? Kung tumagal halimbawa ng ilang buwan, hindi niyo po matutugunan yung panawagan na isurender ang mga nagpaputok sa panig ng MILF?

JAAFAR: Alam po ninyo, yung paggawa ng imbestigasyon ng MILF Adhoc team, kung kami ang masusunod, gusto namin eh sa lalong madaling panahon makapagsumite na sila ng resulta ng imbestigasyon sapagkat hindi naman kalayuan ito. Within Maguindanao ito at kung puwede pa eh kahit bukas. Makabubuti ito para sa ating lahat. At finally, kapag natanggap iyan, nalaman na ng leadership ng MILF ang totoong pangyayari, makakapagdecide ang Center of Committee kung ano ang nararapat na gawin niya.

CONTROL NG MILF

REY: Vice Jaafar, sa sinasabing wala naman pong kontrol ang pinuno ng MILF sa grupo ng nasa field na miyembro po ninyo, papaano natin maisasakatuparan, kung saka-sakali, ang pagsurrender?

JAAFAR: Yun ay ispekulasyon, yung sinasabing yon. Alam po ninyo, matagal nang inaakusa ito sa amin. Wala kaming kontrol doon sa mga tauhan namin sa field. Iyan po ay ispekulasyon. With due respect po doon sa mga tao na walang alam sa MILF, paano nila malalaman? Siguro sila ay taga-Luzon. Paano nila malalaman kung ano ang nangyayari sa MILF? At ang katotohanan, kung walang kontrol ang lider ng MILF sa iba’t-ibang command o di kaya grupo ng MILF combatants sa field, mantakin niyo, you can just imagine what will happen sa konting problema doon. Sumusunod yung mga combatant ng MILF. But no, that is not what is happening now. Ang nangyayari ngayon, solid ang leadership ng MILF. Sumusunod lahat kung ano ang policy ng MILF.

SELF DEFENSE BA?

REY: Nakausap ko ang na-relieve na hepe ng PNP SAF na si General Napeñas. Tapos na ang kanilang misyon ng paputukan ang blocking force ng SAF.

JAAFAR: But you must understand, Ginoong Rey Langit, na dito ay na-surprise sila. Binaril sila. At logical na kahit sinong babarilin, siyempre, kung may kakayahang magdepensa, kung minsan, kahit walang kakayahan magdepensa, is a right to self defense. Eh lalaban iyan at ganun ang nangyari doon sa Mamasapano. In this case, halimbawa natin yung isang pamilya na pinasok ang kanilang pamamahay. Walang paalam
yung pumasok at nabigla itong may-ari at nakita na ma baril siya. May baril din yung pinasok na mga tao. So, gumanti sila in self defense.

REY: Pero Vice…

JAAFAR: Pasensya na po kayo, sapagkat ito ay ipinaghalimbawa ko para magkaintidihan po tayo.

REY: Pero Vice, magkiba naman ang sitwasyon ng ehemplong iyan dahil alalahanin ho ninyo, ang SAF ay mag se-serve ng warrant sa isang terorista na foreigner na pinaghahanap hindi lang ng Pilipinas kundi ng buong mundo.

JAAFAR: Opo. Totoo po, naniniwala po ako riyan. You see, ang involved diyan ay issue of trust.

CONFIDENCE BUILDING

REY: At this point Vice Chairman, ngayon na kinukuwestiyon ng ilang legislators sa kongreso at senado ang BBL, kung trust at confidence building ang pag-uusapan, puwede niyo bang simulan ang clamor na i-turn over na lahat ng mga kinuhang baril at equipment sa mga pulis na napatay?

JAAFAR:  Puwede. Puwede po na pag-usapan namin iyan sa collegial body kasi no one decides alone for the MILF. Pinag-uusapan po dito yung mga major policies na ito. Dapat tinatalakay ito sa pulong ng centro committee . Kung ano man ang desisyon ng committee ng MILF, ipapatupad ito. We can discuss that possibility.

REY: Good!

NASAAN NA ANG MGA ARMAS?

REY: So intact pa rin ang mga equipment na kinuha sa ating kapulisan? Hindi tulad ng reaksiyon ng ilang mamamayan na baka naibenta na raw po ang mga iyan?

JAAFAR: Hindi ko po alam ang bagay na iyan sapagkat sa ground kung saan mayrong engkuwentro, hindi lang MILF ang may armas doon. Mayroong iba pang mga tao. Maaring ito’y walang grupo pero mayrong mga armas. Maaring yung ibang tao na may armas ay naroon sa lugar na iyon at nadamay sa bakbakan ay maaring napasama sa barilan na yun. At maaring kabilang sa mga taong nandoon ay mayron ding nakuhang armas na kabilang sa armas ng SAF PNP. Kaya nga kailangan ng ground investigastion dahil sa bagay na ito.

DNA TEST

Sa naging statement ng FBI kamakailan na ang biological sample (na nagmula sa index finger ni Marwan) ay tumutugma sa kanyang kapatid na nakakulong naman sa America, ang DNA test na ito ang magpapatunay na si Marwan ay patay na nga sana.

Bagamat may pasubali pa rin at nagsasabi na ang DNA examinations ay hindi na bibigay ng absolute identification. Ito ang pahayag ni FBI Los Angeles assistant director-in-charge David Bowdich. Ayon pa kay Bowdich, upang lubos ang katiyakan, kailangan pa ng masusing pag-aanalisa:”Further testing and analysis will be conducted by laboratory examiners in an effort to fully identify the subject of DNA provided to the FBI.”

TO BE CONTINUED…

QUOTABLE QUOTE

“The Main Obstacle To Peace Is Hate, Incitement and Terrorism.” -  Unknown


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles