Naririto ang pagpapatuloy ng ating EXCLUSIVE na pakikipanayam sa na-relieved na pinuno ng elite PNP-Special Action Force (SAF) na si Director Getulio Pascua Napeñas Jr. sa aming pang umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit (6-7am) sa DWIZ 882Khz, na sabayang naririnig sa mga provincial stations ng RPN nationwide.
ASSAULT SA BLOCKING FORCE
REY: General, saan nag simula ang unang putukansa panig ba ng BIFF, MILF o sa panig po ng ating PNP SAF?
DIR. NAPEÑAS: Unang putukan ay doon mismo sa compound, sa bahay na tinutuluyan ni Marwan at sa karatig na mga bahay, nandoon pa si Guzman yung security niya. Ang unang inatake ang tropa natin. Samantalang ang MILF na umatake sa tropa natin ay malayo doon sa lugar na pinangyarihan nong pagkakakuha kay Marwan. Yong containment o yung blocking force para mabigyan ng protection yung main assault team na palabas, yon ang inatake at hindi talaga binitiwan ng MILF despite na marami nang effort! Lalabas din yan sa Board of Inquiry, kung ano yung effort na ginawa ng ceasefire committee. Yung sinasabi nila na hindi MILF ang lumapit, malayo pa po yung lugar ng MILF na community at pinuntahan nila talaga yung ating Kapulisan na naroroon at nagbibigay ng Blocking force of protection dun sa magwi-withdraw na assaulting force.
DNA SAMPLE NI MARWAN
REY: So nangyari ang matinding palitan nang putok nang paalis na ang SAF sa compound na pinagtataguan ni Marwan at tapos na ang mission?
DIR. NAPEÑAS: Tama po yan, pa-withdraw na yung assault force nang mangyari yungputukan na ginawa duon sa blocking force o re containment force kung tawagin.
REY: Kung pa alis na ang SAF nang mga panahong iyon, nangangahulugan na bitbit na nila si Marwan?
DIR. NAPEÑAS: Ganoon na nga po, nakuha na nila si Marwan, napatay na nila si Marwan. Gusto nang ating kapulisan na isama yung bangkay ni Marwan kaya lang dahil sa heavy volume of fire hindi nila nakayanan na dalhin yung bangkay, instead kinunan na lamang nila ng picture at kumuha ng DNA sample sa kanya na magsisilbi o magco confirm sa tunay na identity ni Marwan.
PATAY NA SI MARWAN NOON PA?
REY: What about yung version na matagal nang patay si Marwan?
DIR. NAPEÑAS: Lumabas po ang balitang iyan noong 2011 noong binagsakan ng bomba yung grupo ni Marwan, kasama pa si Mauwiya at si Doc Abu somewhere sa Sulu, ang napatay noon talaga at na confirm ay si Doc Abu. Mayroon ngang agam-agam o haka haka na napatay na noon si Marwan. Yun yung dahilan kung bakit lumabas yung balita na iyan, but it turned out several months na confirmed na hindi namatay si Marwan sa pagbomba sa kanilang kuta sa Sulu.
DNA RESULT ANG MAGPAPATUNAY
REY: Paano naman ninyo na confirm na si Marwan nga ang nagtatago sa lugar na iyon na pinasok ng ating SAF?
DIR. NAPEÑAS: Mayroon kaming picture na hawak at katulad nang sinabi ko kung paghahanda bago pa man isakatuparan yung pag atake kay Marwan ay matagal na proseso ang ginawa nang intelligence group, bago ibinigay sa amin. Kailangan na iconfirm muna nila yon. Hindi nila basta basta ibibigay sa amin ang hindi siguradong impormasyon, kung hindi sila positibo na si Marwan nga ang naroroon sa compound hindi nila ibibigay sa amin ang impormasyon. At hindi rin kami pupunta sa lugar na napaka risky kung walang mataas na percentage na siya nga si Marwan. But to complete everything at 100% sure tayo na si Marwan ang napatay, hintayin natin ang resulta ng imbistigasyon at DNA para maniwala at ma confirm natin lahat.
NAGKAROON NG FIRE FIGHT
REY: Madali bang napasok ang compound na pinagkukutaan ni Marwan? Nagkaroon ba ng resistance kaya siya napatay?
DIR. NAPEÑAS: Ganun nga po Rey, ang unang nagpaputok actually ay si Marwan, natamaan pa nga yung tao natin. Nadaplisan sa balikat bago pinutukan ng ating kapulisan. Sa mapa doon ninyo makikita kung gaano kalayo yung nilakad ng ating PNP SAF, kung gaano kahirap yung trail, yong ilog na tinawid nila kung gaano kalapad na malakas na alon. Ganun ang ating dedikasyon para makuha lamang ang taong ito, upang hindi na makapag hasik pa ng lagim.
NAG-WITHDRAW BITBIT SI MARWAN
REY: Doon sa tinutuluyan ni Marwan mayroon bang sibilyan na nadamay o na crossfire?
DIR. NAPEÑAS: Walang sibilyan na tinamaan doon Rey, ang na confirm na patay ay siya lang talaga, walang collateral damage na sibilyan, si Marwan lang yung nakitang patay doon sa compound.
REY: What about yung si Basit Usman na kasama sa mission at target din ng ating SAF?
DIR. NAPEÑAS: Yun nga po Rey hindi na nagawang tignan ng ating kapulisan yung tatlong iba pang bahay na kasama sa assault, dahil sa grabe na yung volume ng putok at minabuti na ng ating kapulisan na mag withdraw for their safety habang bitbit nila si Marwan na patay na.
KANILANG PUGAD
REY: Si Basit Usman ba ay doon din nag kakanlong?
DIR. NAPEÑAS: Yes Rey, magkalapit lang sila, about 50 meters lang ang layo ng bahay ni Usman kay Marwan. Hindi naman dikit masyado yong bahay nang dalawa, 50 to 70 meters siguro ang distansiya.
REY: Pinipilit ko pong i-visualize kung ano po exactly ang naging scenario doon sa site. Paano po umabot ng 44 yung naging fatalities sa panig ng SAF?
DIR. NAPEÑAS: Yun pong SAF assault force habang nagwi-withdraw ay binabakbakan yon ating containment force ng kalaban. Daan daan ang dami po nilang bumabaril sa kapulisan, malalaman yan sa Board of Inquiry. Kung saan saan nanggaling, nangaling pa sa ibang Bayan para labanan ang ating kapulisan. At yung umatras na SAF ay hinabol pa ng mga armado, kaya yung sinasabi nila na misencounter o talagang dumipensa lang sila ay napaka imposibli. Yun assault force ay pa withdraw na nga, paatras na hinabol pa nang hinabol habang binabaril.
RELASYON NG BIFF AT MILF
REY: Sa pahayag niya, aminado naman itong si ginoong Iqbal ng MILF ng makapanayam Ko na mag kakamaganak ang mga BIFF at ilang MILF, kaya hindi malayong nakatira rin sila sa community na teretoryo ng MILF.
DIR. NAPEÑAS: Yung lugar na iyon, yung apat na bahay na iyon sa compound grupo lang iyon ni Marwan at Abdul Basit Usman. Ngayon kung yang statement na yan na nagsasabi na naroon din ang MILF, tanongin ninyo po si ginoong Iqbal kung bakit nandoon nga yung MILF na kasama ng dalawang notorious na leader ng Jemaah Islamiyah.
ALL OUT SUPPORT
REY: General, sa usaping peace process, pagdating sa Bangsamoro Basic Law na ngayon ay mukhang nasa balag ng alanganin pa, ilang mga reteradong pulis na ngayon ay nasa kongreso ang bumitaw ng suporta sa BBL at ilang mga Senador ang nagwithdraw din ng kanilang suporta. Mayroon ba kayong re action dito?
DIR. NAPEÑAS: Full support tayo sa pagpapatuloy ng peace process. Gusto po naming pumasa ang BBL, kami po gusto naming matuloy iyan dahil kami po yun unang unang napapasagupa at namamatayan. Ako, Rey, ang unang assignment ko since 1982 pa ay Mindanao. Ilang years na, 2015 na tayo kaya 33 years na ko sa Central Mindanao, sa Maguindanao. Kami yung unang unang gusto ng kapayapaan para sa katahimikan ng lugar na yan. There is nothing more people who would like peace kundi yung ating kapulisan at kasundaluhan na siyang unang nagiging biktima at namamatayan sa kaguluhan Rey, kaya kung pwede lang nga maski 1000% susuportahan natin yan.
SAAN ANG LAPSES?
REY: May ilang mataas na opisyal ng Malacanang na ang pangalan ay nakakaladkad, kayo po ba ay may communications kay Executive Secretary Jojo Ochoa?
DIR. NAPEÑAS: Ay wala po, wala po tayong komunikasyon kay executive secretary, wala po akong ganong linya duon sa ating executive secretary.
REY: Sa palagay ba ninyo ay may lapses sa panig ninyo?
DIR. NAPEÑAS: Hindi ko po maaaring sagutin yan, yung Board of Inquiry ang makasasagot po niyan, but one thing is for sure yung planning, preparation ay hindi isang linggo, isang buwan, kung hindi months and months ang ginawa po naming paghahanda individually, collectively. Communications, transportations, evacuations ng mga wounded at kung ano ano pa na kina kailangang tugunan sa tinatawag na mission planning.
ACCEPTANCE
REY: And lastly General, kayo po ba ay affected personally sa pagkakatangal sa inyo, paano po ang naging reaction ng inyong pamilya?
DIR. NAPEÑAS: (Garalgal ang kanyang tinig) Normal po sa tao na magkaroon ng reaction, it’s either positive or negative. But we always look forward positively and move on sa mga bagay na yan, yun ang naging prinsipyo ko sa buhay. Pagka natanggal ka o napunta ka sa isang lungga move on kaagad para sa ganoon life will continue and you should continue to be working also. Nasa serbisyo pa rin ako
and will continue working with utmost dedication and commitment para sa ikatutupad ng katahimikan at kapayapaan ng Pilipinas.
We have accepted that wholeheartedly at wala kaming agam agam o question cyan sa pagkaka relieve ko.
QUOTABLE QUOTES
“This nation will remain the land of the free only so long as it is the home of the brave.” – Elmer Davis
“There are no secrets to success. It is the result of preparation, hard work, learning from failure.” – Colin Powell
“If there is one thing you’ve got to hold on to, it’s the courage to fight!” – Bessie Delany