Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Jailbreak New Year Welcome

$
0
0

Big event ang pagsalubong ng buong daigdig sa New Year 2015. Kadalasan, ito’y sinasamantala, at sa ganitong pagkakataon rin naisasakatuparan ang iba’t-ibang plano at modus tulad ng pangyayari sa Quezon City Jail. Habang nakatuon ang pansin ng lahat sa isang direksiyon at sumandaling nalingat, nagawang makatakas ng may 16 na mga bilanggo sa pagdaan sa isang maliit na bintana at masikip na nilagaring rehas na bakal.

Rey Langit, Jailbreak New Year Welcome, Escape, January 4 2015

Nakapanayam namin si QCPD Director Senior Supt. Joel D. Pagdilao sa aming pang-umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit (6-7am) sa DWIZ 882Khz na sabayang naririnig sa mga provincial stations ng RPN nationwide.

IMMEDIATE RECOVERY

REY: Nais ko po sanang kumustahin, ano na ang update sa mga inmates na pumoga at sumalubong ng bagong taon sa labas ng bilangguan?

DIR. PAGDILAO: Mula po kaninang madaling araw, mayroon na po tayong siyam na nare-arrest out of the 16. So mayroon na po tayong natitira pang pito. Ito po yung hinahanap pa rin ng ating mga tracker teams na binuo para po maibalik natin sila sa kanilang mga selda.

REY: Ang galing naman pala ng recovery natin. Majority dun sa 16 na nakatakas ay narecover agad. Paano natin nakuha ang 9 at saan-saan nakita ang mga ito?

DIR. PAGDILAO: Noong nalaman po natin ang pagtakas ay bumuo na tayo ng mga iba’t ibang mga tracker teams. Kasama po dito ang mga station commanders, kasama din po dito yung mga operating units po natin, may kanya kanya na silang pangalan ng mga nakatakas at saka mga mukha. Nakisangguni rin po tayo sa mg barangay officials, sa mga kamag-anak, sa mga media na nakatulong po sa paghuli, at iba po rito ay nag-volunteer.

HOME SICK

REY: Siguro, ilan sa kanila, talagang umuwi sa kanilang mga bahay para doon salubungin ang bagong taon kasama ang mga relatives.

DIR. PAGDILAO: Nakausap ko itong mga nahuli ulit at yung mga nag-surrender at yun po ang mga dahilan nila. Ang iba nga ay isinurender ng kanilang mga kamag-anak. Ang iba po dito ay maliliit lang po yung kaso, mga violation of city ordinances. Pero binabanggit ko sa kanila na itong pagtakas nila ay nakadagdag sa kanilang kaso. Ito rin po ang ginawa nating pagsangguni through media. Nakatulong din po na magsurrender na imbes na madagdagan yung kaso at makapagpabigat pa sa kanilang problemang hinaharap.

PRISON BREAK 

REY: Alam natin na mayroong pananagutan dito ang ilang mga bantay kapag napatunayang nagpabaya sila. Pero paano nga ba sila nakatakas? Anong istilo ang ginawa nila?

DIR. PAGDILAO: Batay sa initial investigation, madaling araw, mga alas dos, maingay po itong mga preso. Mga 53 po yung mga detainees po natin doon at nagkakantahan sila, nagkukwentuhan at maingay. Ito po siguro yung ginawa nilang diversion para po lagariin yung rehas dun sa may ceiling, bandang CR, na naging passageway nila para makatakas. Ito namang mga gwardiya ay sinasabi natin dapat lagi-lagi, oras-oras, ini-inspect yung kanilang mga selda para maiwasan po yung ganitong mga pagtakas.

LAUNCH MANHUNT

REY: So, sa may 53 inmates na nasa isang selda, 16 lang talaga ang nakatakas?

DIR. PAGDILAO: Opo, dahil nung may narinig po na kalabog yung ating gwardiya sa may bubong, napigilan na po yung iba. Kaya nung nagkaroon po ng headcount, out of the 53 naiwan nalang dun po is 37, kaya po 16 po yung unaccounted during that time kaya ni-launch
po yung manhunt para ma-re arrest. So sa ngayon po ay siyam na po ang ating nabalik sa kanilang mga kulungan sa Cubao Police Station.

APPEAL

REY: Kung sakaling nakikinig po ngayon sa atin yung pitong hindi pa nare-recover, ano po yung mensahe na gusto niyong ipaabot sa kanila?

DIR. PAGDILAO: Magagaan naman yung mga kaso ninyo. Huwag na ninyong dagdagan pa dahil lalong mapapabigat ang inyong kaso sa pagtakas. Dahil yung pagtakas po nila ay pwede po silang kasuhan ng obstruction of justice, madadagdagan ang pagkakakulong sa kanila ng limang taon.

Kung city ordinance lang po ang kanilang kaso eh mga buwan lamang po ang kulong nito. Kaya hinihikayat ko na yung kanilang mga kamag-anak, yung mga barangay officials na nakakasakop sa lugar na nagkaroon na rin ng coordinations sa amin, sa tulong din po ng media, katulad po ninyo sir, ay maibalik po sila at masurrender dito po sa Cubao Police Station, dito po sa Quezon City Police District.

IDENTITIES 

Kinilala ang mga nakasama sa 16 na bilanggo na nakasuhan ng possession of deadly weapons sina:

Benedict Guinto, 18

Miguel Glino, 22

Rene Flores, 31

Jeremy Llena, 25

Dennis Natividad, 27

Thomas Evan, 25

 

Samantalang robbery suspects sina:

Roberto Valdez, 30

Roland Araneta, 18

Wilmar Morales, 38,

CJ Nuque, 19

 

Si Emerson Castro, 20, ay kinasuhan ng frustrated homicide.

Theft suspect si Rigor Alejandrino, 30.

Si Alvin Lorensaga, 27, nakasuhan ng estafa.

Si John Patrick Dionido, ay akusado ng rape at robbery-holdup.

Si John Sicat, 30, ay akusado ng physical injuries.

NO SHOOT TO KILL

REY: And one last po, i-klaro ko lang sa ganitong sitwasyon, ano po ang kalakaran? Hindi naman shoot to kill sa mga takas na inmate na ito, ano po?

DIR. PAGDILAO:  Ay hindi naman po Sir. Wala po tayong shoot to kill order. Basta nag-e-effort po tayo na makausap ang kanilang mga magulang, mga kamag-anak, mga asawa, na maibalik po yung kanilang tumakas na mahal sa buhay, para hindi na po madagdagan ang kanilang mga kaso. Maraming salamat po sa pagkakataon na binigay niyo po sa amin.

SUMMATION 

Ang ibang mga takas ay may iba’t-ibang kaso tulad ng possession of deadly weapons, illegal gambling, theft, robbery, frustrated homicide o murder, at rape.

Hindi naman kaila sa marami na ang pagsalubong sa bagong taon ay isang magandang oportunidad upang maisagawa ang isang krimen na hindi madaling mapuna. Sa ingay ng kapaligiran, sa makulay na atraksiyon ng fireworks sa himpapawid, sa pagiging abala ng lahat sa festivities, walang rason para hindi malaman ng mga tagabantay ang lahat ng modus na ito.

Ngayon, ang lahat ng may kinalaman sa pagbabantay sa mga bilanggo sa detention cell na ito sa may Cubao Police Station sa panulukan ng P. Tuazon Ave. at Edsa ay dap at seryosong imbestigahan. Ito’y serious neglect of duty at kaso ng infidelity in the custody of detainees.

QUOTABLE QUOTES

“If you want to know who your friends are, get yourself a jail sentence.” —Charles Bukowski

“I don’t like jail. They got the wrong kind of bars in there.” —Charles Bukowski


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles