Ayon sa Senator at Chair ng Senate Committee on Health, Christopher Lawrence “Bong” Go, “Health authorities are doing their best to prevent local transmission of COVID-19.” Ginagawa naman ang lahat ng ating health officials. “Sa ngayon, hindi locals ang tinamaan kundi tatlong foreign nationals. Hopefully po, walang locals na mahawa,” ayon pa kay Senator Go.
Ang statement ni Sen. Bong Go ay kanyang ipinahayag makalipas mag salita si DOH Undersecretary Eric Domingo sa isang press conference na ang lahat ng tatlong (3) confirmed cases sa Pilipinas ay pawang imported.
WISHFUL THINKING WITH PRAYERS
Ayon pa sa Undersecretary ang lahat nang preparasyon ay nakahanda na kung sakaling mag karoon man ng kaso sa local (huwag naman sana) ng COVID-19.
”Let us cross our fingers na hindi kumalat. Ang importante ay maging handa tayo,” ayon pa kay Sen. Bong Go.
Ang panawagan ni Senator Bong Go sa publiko na laging sundin ang mga paalala ng mga health authorities upang maiwasan ang pag laganap ng virus. Bilang chair ng Senate health committee, binabantayan niya ang mga kaganapan, ang developments ng isang global health concern. “Ako, bilang legislator at chairman ng Committee on Health, nakatutok ako rito na dapat ginagampanan ng ating health officials ang kanilang trabaho para sugpuin ang pagkalat nito.”
ADVISORY
Kanyang paalala sa publiko manatiling mahinahon at tulungan ang pamahalaan na ma-protektahan ang ating Bayan at mamamayan sa virus na ito.
“Sundin lang po ‘yung tama, magtulungan na lang po tayo. Huwag na tayong magsisihan, ito ang panahon na ipakita ng bawat isang Filipino ang “bayanihan spirit.” Upang maiwasan ang pagkalat ng diseases, at bilang pag ahanda sa mga kahalintulad na situwasyon sa hinaharap. Isinusulong ni Senador Bong Go ang establishment ng mga quarantine facilities sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
DRAFT BILL
“I’m planning to file a bill na maglalagay tayo ng separate quarantine facilities. Paghahanda ito hindi lang sa posibleng pagkalat ng COVID-19 kung saka-sakaling meron pang dumating na kahalintulad nito ay handa na po tayo at hindi na tayo magtuturuan sa ibang lugar upang magkaroon na rin po ng peace of mind ang bawat isang mamamayan natin sa kanya-kanyang lugar,” ayon pa kay Go.
Isang halimbawa rito ay ang mabilisang paghahanap ng ating Gobierno ng quarantine facilities para sa ating mga Filipino na nag desisyon na umuwi mula Hubei na lalawigan ng China. Sa ngayon sila ay tumutuloy sa Athletes’ Village, New Clark City sa Capas, Tarlac upang makumpleto ang kanilang fourteen-day quarantine. “Sa Ngayon ang ginagamit natin ay ang Athletes’ Village para sa mga atleta. Ginagamit nating quarantine sa ngayon. Kung meron na tayong hiwalay na quarantine area at facilities, hindi na tayo makikigamit, at ipa uubaya na natin ito sa ating mga athletes,” ayon pa kay Senator Go.
Inaprobahan ng Senate Health Committee ang hospital improvement bills; hangad ni Bong Go ang pag kakaroon ng mas maayos na hospital services para sa mga Filipino.
EXCLUSIVE INTERVIEW
Samantala, aa aking ginawang pakikipanayam kay Philippine Ambassador to China Chito Santa Romana sa ating RJ RadioVision Program na “Kasangga Mo Ang Langit” (10-11am) aming napag usapan ang flight mula Wuhan, China ng ating mga OFW na nag nanais na maka uwi na sa Pilipinas. 29 na Filipino ofw (adults at infant) ang nakasama sa Chartered flight. “Repatriated OFWs will be attended to and treated with utmost care. Regular monitoring will be conducted to ensure their health and safety,” ayon sa DOH.
49 na mga Filipino ang suma ilalim sa 2 weeks quarantine sa New Clark City Tarlac. Sila ay escorted ng team mula sa mga agencies ng Philippine Government tulad ng DOH at DFA. Sa 49 ay kasama na ang grupo ng OFW mula sa Wuhan China, staff ng DFA, ng DOH, at flight crew. 10-member team mula sa Pilipinas, dalawang opisyal mula Philippine consulate general sa Shanghai, tatlong personnel ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) at limang medical team members mula sa Department of Health.
Ang mga OFWs ay sumailalim sa screening bago sumakay sa eroplano. Ayon sa DOH ang mga repatriates ay walang signs o symptoms ng COVID-19.
Sila ngayon ay nasa Athletes’ Village in New Clark City (NCC) sa Tarlac para sa 14-day quarantine period.
Sa huling bahagi nang ating pakikipanyam (phone patch) kay Ambassador Santa Romana nahalata kona ang kanyang na-basag na tinig. Naging emotional na ang kanyang pamamaalam sa himpapawid, hangad niya ang safety/kaligtasan at panalangin para sa ng ating mga Kababayan na nananatili sa Wuhan China.





SONG, BANGON WUHAN!
Ibinahagi rin sa amin ni Ambassador Chito Santa Romana ang ginawang madamdaming awitin ng ating mga OFWs sa Wuhan city, Hubei province ng China na tinawag nilang “Bangon Wuhan!”
At sa pamamagitan ni JR Langit kinuha namin ang message ni Senator Christopher Bong Go, kasama ang mensahe ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa ating mga kababayang naroroon pa sa Wuhan China hangang sa mga panahong ito.
Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi at napapanood sa aming Programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.
Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit ay napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng facebook live.
MUST WATCH!
Father-and-son tandem, ako si Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT na simulcast at sabayang napapanood sa mga sumusunod:
- RJdigiTV via cable and satellite Television
- Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
- Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
- SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
- Cignal – Channel 28 – Nationwide
- RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox at FB Live worldwide.