Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

UNDERSTANDING OF TAAL VOLCANO

$
0
0

“Ilang mga bayan sa Batangas ay mistulang ghost towns, ngunit makalipas lamang ng ikatlong araw, ang mga nag madaling lumisan ay nag pumilit na makabalik!” Bayanihan sa gitna ng kalamidad. Sitwasyon sa Batangas matapos na sumabog ang bulkang Taal, ating silipin. Ito si Pareng Rey Langit. Libo-libong kababayan nating Batangenyo ang ngayon ay nasa ibat ibang evacuation centers ating bisitahin. Ito naman ang inyong Kasangga JR Langit.

Ang mga istoryang tulad nito na aming ibinabahagi at napapanood sa aming Programang pang telebisyon na Kasangga Mo Ang Langit. Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit.

Linggo ng umaga (Enero 26, 2020) ibinaba ang status ng Taal Volcano sa Alert Level 3 mula sa level 4 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Ayon sa statement ng Phivolcs nag karoon ng “decreased tendency towards hazardous eruption” ng Bulkang Taal. Nabawasan ang nag babadyang panganib ng pag putok na una niyang pinaramdam.

Samantala matapos nang kanyang unang pag aalboroto, Linggo ng Enero 12, 2020 agaran naman ang naging pagtugon ng PAGCOR sa pangangailangan ng mga residente ng Batangas na lumikas. Sa pangunguna ni VP for Corporate Social responsibility group Jimmy Bondoc, namahagi ang PAGCOR ng mga non food packs tulad ng kumot, kulambo, toiletries at iba pa. Maging ang mga empleyado mismo ng PAGCOR ay nagbigay ng tulong sa
maliit nilang paraan sa pamamagitan ng mga donasyong damit para sa mga
evacuees.

Matapos silang ilikas dahil sa pagsabog ng bulkang Taal.
Ilang mga bayan sa Batangas ay mistulang ghost towns, dahil sa pag-alis nang mga residente upang umiwas sa disgrasya. Ngunit makalipas lamang ng ilang araw nais na nilang bumalik upang alamin ang kalagayan ng kanilang mga alagang hayop.

RECOVERY AND REHABILITATION

Sa lawak ng pinsalang dala ng ashfall mula sa sumabog na bulkan, hindi
magiging madali para sa mga batanguenio ang pagbangon.
At sa gitna ng mga ganitong sitwasyon, matinding bayanihan at
pagtutulungan ang umiral sa bawat Pilipino. Sa ginawang pakikipanayam ni Kasangga JR Langit kay VP Jimmy Bondoc ng PAGCOR.

VP Bondoc: recently meron kaming napaka gandang meeting kasama ni senator Bong Go kung saan pinag ugnay-ugnay niya talaga lahat ng mga ahensya tulad ng DSWD at tsaka ng PAGCOR ,PCSO, kaya kami ngayon medyo iisa yung galaw namin kaya were very happy now to be part of the relief operations hindi na kami nag kakakgulo ng mga linya kung hanggang saan lang kami, medyo malinaw na.

STATUS LEVEL 3

Sa ngayon (Enero 27, 2020) ay ibinababa ang status sa Level 3 ang alerto ng Bulkang Taal, habang nilalahad natin ngayon sa manilaspeak.com ang ating 1st account experience ng KASANGGA TEAM sa Ikaw-4 na araw (January 15, 2020) makalipas ang pag sabog nito noong araw na yon ng Linggo (Jan 12, 2020). Bagamat hindi pa rin total na inaalis ng Phivolcs na maaaring anumang oras o araw ay magkaruon pa ng mapanirang pagsabog.

Tiniyak naman ni PAGCOR VP for Corporate Social responsibility group-Jimmy Bondoc na tuloy tuloy ang gagawin nilang pag ayuda
sa mga apektadong residente ng Batangas. Bawat ahensya ng pamahalaan ay mayroong mandatong tumulong. Subalit iba ang sa PAGCOR dahil ito ang natatangi nilang mandato.

MANDATE SA PAGTULONG

Tuloy tuloy parin ang mga tulong.

VP Bondoc: We hope to accomplished the multi purpose evacuation center before the term of a Rodrigo Duterte ends, so that there is really concrete change that is palpable and visible that will change life immediately by the end of the term. Libo-libong kababayan nating mga Batanguenio ang ngayon ay nasa ibat ibang evacuation centers matapos silang ilikas dahil sa pagsabog ng bulkang Taal. Para sa mas epektibong relief operations, iisa na ngayon ang kilos at direksyon ng pamahalaan para sa mas maayos na pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

SITUATION SA EVACUATION CENTERS

JR Langit: Mukhang maayos naman ang kalagayan nila sa mga evacuation centers.

VP Bondoc: Maayos na maaayos really credited to the local government tsaka sa DSWD kasi they have really systematized noh mas naka sistema sya na centralized ng bagsakan, they do not deprived the agencies ah ano man from taking part from the distribution kasi it is also part of our obligation ah na I acknowledge yung mga ahensya namin, dahil ano yan COA regulation din yan, so napaka ganda magandang coordination.

Sa pangunguna ni VP for Corporate Social responsibility group Jimmy Bondoc, namahagi ang PAGCOR ng mga non food packs tulad ng kumot, kulambo, toiletries at iba pa.

JR Langit: Sa inyo pong pag iikot dito sa Batangas at Cavite para mamigay po ng tulong…. ano pa yung mga napansin niyong mga pangangailangan pa ng ating mga kababayan?

BASIC NEEDS AT GAMOT

VP Bondoc: Alam mo very basic ang pangangailang nila talagang food and non food, kasi in certain calamities minsan pagkain talaga, kung minsan naman non food items kumot, tsinelas, toiletries pero ngayon talagang pareho kasi because of the nature of the calamity displaced sila and sa experience namin pati dun sa pumutok noon nong Mayon , displacement ang pinaka mahirap kasi na lalayo sila sa lahat mula sa bahay basic needs nila sa kanilang ipon sa kanilang mga alagang hayop, sa hanap buhay nga as I said so pareho yung kailangan nila so kung may mag dodonate… wag niyo ng isipin kung ano from clothes to food kailangan nila.

Biglaan ang naging pagsabog nito. Nag umpisa ng alas 2 ng hapon, pero sa kabila nito, walang naitalang casualty sa pagsabog dahil sa mabilis na pagkilos ng gobyerno lalo na ng barangay at rescue teams. Hindi natatapos sa pamimigay ng relief goods at iba pang tulong ang proytekto ng PAGCOR para sa ating bansa na laging nahaharap sa kalamidad. Layunin rin nito na makapagtayo ng isang permanenteng evacuation centers na magagamit sa tuwing mayroong kalamidad.

COMMITMENT and RESPONSIBILITY

VP Bondoc: Yung ahensya naman namin di naman napuputol yung aming mga mandatory contributions to the government hindi mawawala yan lagi naman kaming may binibigay sa national Treasury lagi rin naman kaming may Financial Medical Assistance provided na sila’y nag daan na sa PCSO so hindi naman na puputol yan meron din kaming current special Project yung mga evacuation Centre na katulad sa mga gantong sitwasyon pag nangyari, yung mga eskwelahan ang nangyayari nabubugbog. We hope that by the end of this term pag na buo na namin yung Multi Purpose evacuation Centers hindi na mabubugbog yung mga eskwelahan may sarili na talagang lugar yung mga tao for the evacuation. Ito talaga lagi ang gingawa ng PAGCOR, im honoured, very honored to head it pero ang talagang ang punot dulo nito para sakin ang pangulo talaga.

Tuloy tuloy rin ang mga kwento ng mumunting kabayanihan sa mga evacuation centers na aming dinalaw. Katulad na lamang ng pagligtas ng isang ordinaryong mamamayan sa isang polio victim na naiwan sa kanilang bahay, nang matarantang maiwanan siya ng mabilis na magpanakbuhan ang lahat . Siya ay na iligtas makalipas na makita ang FB post nang siya ay hindi sinasadyang maiwanan.

REGULAR TV PROGRAM

Inyo itong napanood sa aming programang pang-telebisyon Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel. Ang pinalawak at pinagandang programang pang television nang father and son tandem, ako si Pareng Rey at Kasangga JR Langit na simulcast at sabayang napapanood sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

SUMMATION

Sa lawak ng pinsalang dala ng ashfall mula sa sumabog na bulkan, hindi magiging madali para sa mga batanguenio ang pagbangon.

Sa totoo lang alam ng mga matatandang naninirahan sa Isla kung kailan ito puputok. Ang behaviour ng mga isda, hipon o lamang dagat ang nag sisilbing hudyat ng pag aalboroto na ang bulkang Taal, kapag ang mga ito ay nag tatalunan sa pangpang o katihan. Tulad ng mga Paro-paro at mga nabubulabog na kulisap. Samantala sa makabagong panahon ay mayroon naman tayong makabagong technology na pamantayan.

Ano man ang ating pamantayan at paniniwala, sa gitna ng mga ganitong sitwasyon, matinding bayanihan at pagtutulungan ang dapat na umiral sa bawat Pilipino.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles