Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

MIRACLE BABY

$
0
0

“Kita ko po yung mga doctor nakapalibot sa kanya. Ni rerevive po sya tapos sa awa ng Diyos naging ok naman na po sya. Nung pumasok na po sya after one hour yun na po yung ni revive po sya ulit. Doon na po sya ulit nilagyan ng tubo, talagang as in 0-0 na po yung monitor niya buong katawan niya nangigitim na. Sabi ayaw niyang mag respond kahit anong gawin ng doctor tapos umihiyaw. Na pasigaw ako ng “baby laban!” Tapos nagulat sya. Sabi ng doctor, “sige mam ituloy mo lang yan kasi nakakatulong sa kanya yan.”” Kaya sabi ng doctor talagang miracle baby siya talaga!”

FATHER AND SON TANDEM

Ang kwento ng miracle baby sa Pasay General Hospital, ating alamin, Ako po si Pareng Rey Langit. Paano lumapit sa malasakit center at gaano na kalawak ang natutulungan nito, ating busisiin. Ako naman ang inyong kasangga JR Langit.

Ang iba’t ibang istorya na ating ibinabahagi sa inyo ay napanood sa aming Programang pang telebisyong Kasangga Mo Ang Langit, Sumasainyo tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit

TRUE TO LIFE STORY

Maituturing na miracle baby si Prince Thyrone Roa. Anim na buwan at dalawang linggo lamang sya sa sinapupunan ng kanyang ina at isang kilo lamang ang kanyang timbang nang sya ay ipanganak.

Dahil sa pre mature baby, masyadong lapitin ng impeksyon si Prince. Sa katunayan, hindi lamang mi-minsan na muntik na syang bawian ng buhay. Kinapanayam ni JR Langit ang ama ng miracle baby na si Prince Thyrone Roa.

Jacob Roa: Malaking tulong po yun para samin kasi kung di po dahil po dun kasi hindi ko po alam kung saan po ako pupunta, hindi ko po alam kung saan po ako tatakbo hindi ko po alam kung saan kung sino lalapitan ko.

JR Langit: Matagal po ba ang proseso, matagal po ba ang pag ihintay?

Jacob Roa: Hindi naman po, Mga 30 minutes na interview, mahaba na yon. Mabilis po yung processing nila, yon proseso nila kasi iinterview ka tapos pipirma ka lang. Hindi kagaya ng iba na pupunta ka pa kung saan saan, hindi ka na kailangan pang pipirma ka pa kukuha ka pa ng endorsement letter, hindi na po kailangan nun basta papakilala ka lang bilang isang Pilipino bilang isang Pinoy, bigay mo lang yung bill mo tutulungan ka na agad nila.

TUNAY NA MALASAKIT!

Mabilis na natulungan ng Malasakit Center si Jacob Roa.

“Yun ipinag kaloob ko na po sa Diyos yung pag gabay para sa amin. Doon po ako humuhugot ng lakas kasi po yung anak ko hindi ko po alam kung sino mag aalaga sa kanya o yung baby ko kasi nga po nasa time sya na critical na kondisyon,
oh I kwento ko lang po yung nasa nursery apat na beses po syang na revive, apat na beses syang sinubukan irevive at yung kamatayan ay kanyang inilampasan.

JR Langit: So talaga pong blessing po pala ang mga pangyayari?

Jacob Roa: talaga po kasi yung time yung monitor niya is 0-0 na po talaga. Wla na syang hininga, kaya yun hindi po sya nag give up para sa amin.

PRINCE THYRONE, THE WARRIOR

JR Langit: Tama po yung na pili niyon pong pangalan na Prince Thyrone, ang warrior.

Jacob Roa: Yes po, opo warrior po sabi nga ng misis ko, yun po raw yung ibig sabihin ng Prince Thyrone.

Ganito naman ang salaysay ni Jennelyn Roa, ang Ina ng miracle baby na si Prince Thyrone.

“Kita ko po yung mga doctor nakapalibot sa kanya. Ni rerevive po sya tapos sa awa ng Diyos naging ok naman na po sya. Nung pumasok na po sya after one hour yun na po yung ni revive po sya ulit. Doon na po sya ulit nilagyan ng tubo, talagang as in 0-0 na po yung monitor niya buong katawan niya na ngigitim na. Sabi ayaw niyang mag respond kahit anong gawin ng doctor tapos umihiyaw. Na pasigaw ako ng “baby laban!” Tapos nagulat sya. Sabi ng doctor, “sige mam ituloy mo lang yan kasi nakakatulong sa kanya yan.”” Kaya sabi ng doctor talagang miracle baby siya talaga!”

IT’S A MIRACLE!

JR Langit: Nagising, nabuhay!

Jennelyn Roa: Talagang bigla po syang lumaban tapos yung monitor niya biglang nag kaano, umandar gumalaw,.

Maraming dahilan kung bakit ang maagang ipinapanganak ang isang sanggol. Isa na dito ang kakulangan ng maayos na kalusugan ng ina. Dahil sa kalagayan ni Prince Thyrone, inasahan na ng kanyang doktor na magtatagal ito sa ospital.

Teotimo Cesar C. Castro IV, Chief Resident Department of Pediatrics Pasay Gen Hospital.

Dr. Castro: Ah usually sa case ni Thyrone, he is a 30-week-old born, on June 16. There are no risk factor regarding premature birth, so it could be maternal health or previous premature birth or it could be any multifactorial, hindi natin matuturo kung ano yung cause.

PHP 135,000.00 FREE

Dalawang buwan namalagi sa Malasakit center ng Pasay General Hospital sina Jennelyn at ang anak na si Prince Thyrone dahil sa dami ng kumplikasyon ng sanggol. Hindi kataka taka na umabot sa halos dalawandaang-libong piso ang kanilang bill sa ospital. Saan kami mang hihingi hindi ko alam sang bulsa ako dudukot, hindi ko alam kung saan ako mag hahanap yun kasi sabi ko nung na tignan ko yung bill namin nasa kulang-kulang Php 135,000.00 po eh wala po akong ganun halaga eh nalaman ko po yung Go Malasakit sabi ko ay salamat naman kasi kasi nakikita po palagi sya. Subscriber ako ni Senator Bong Go at tsaka na kikita ko yung programa nila, yung Go Malasakit.

Jennelyn Roa: Sobrang malaki pong tulong kasi po hindi po namin akalain na ganun kasi yung bill po ni baby. Hindi na po na namin iniisip. Iniisip lang po namin maka survive sya kasi sabi namin kahit anong gawin namin basta si baby makaligtas, ok lang sa amin. Kahit saan kami humingi ng tulong, nakita namin yung Go Malasakit dun po kami lumapit tapos di naman po kami pinabayaan ng Diyos tapos di naman po kami pinabayaan ng Malasakit tinulungan po kami nag papasalamat po kami.

PLUS REGULAR CHECK UP

Hindi nagtatapos sa kanilang pagkaka ospital ang ibinibigay na tulong ng Malasakit Centers. Tulad na lamang ng kay Prince Thyrone, na kailangan ng regular na check up.

Jennelyn Roa: Every month naman po lagi po nila kaming inauupdate, maging update din po kami sa ano check up. Yung mga prone pa rin po sa kanya yung mga sakit na hindi namin kaya, kaya laman po kami ng Ospital, hindi kami makalabas labas.

Jennelyn Roa: Nung lumabas nga po ito super itim, pinanganak ko po sya 1.3 lang.

JR Langit: Yun lang po ang kanyang timbang?

Jennelyn Roa: Opo.

COKE LITRO

JR Langit: So kasing liit lang raw siya ng bote ng Coke?

Jennelyn Roa: Hindi yung Coke po na 1.5. Mas malaki pa yung Coke na 1.5. Yung diaper nga po hanggang dito niya yung new born tapos sobrang liit niya. At least naging 3.9 na po sya.

Alamin rin natin kung paano at gaano kabilis lumapit sa mga Malasakit Center.

Kinapanayam rin ni Kasanggang JR Langit si Ephraim Neal C. Orteza, MD, MHM, Hospital Director, Paranaque Hospital. Inalam rin natin kung paano at gaano kabilis lumapit sa mga Malasakit Center.

Dr. Orteza: “Pag dating sa Malasakit Center nandoon na yung mga desk. Nandoon na yung Philhealth, nandoon yung DSWD desk, nandoon yung PCSO, naroon din ung DOH map. Naroon na lahat. Kumpleto na.”

Umaabot na ngayon sa mahigit limampu ang naitatag na Malasakit Centers sa iba’t-ibang ospital sa bansa. Layon nito na mas mapadali ang pagbibigay ng tulong pang kalusugan sa mga mahihirap. Pinakahuli sa mga binuksang Malasakit center ni Senador Bong Go ang sa Valenzuela District Hospital.

Itinuturing na brain child ni Senador Bong Go ang Malasakit Centers sa mga ospital. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pang magpabalik-balik sa malalayong tanggapan ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan ang mga nangangailangan ng tulong medical.

50th MALASAKIT CENTER

Kamakailan ay muling pinangunahan ni Senador Bong Go ang pagbubukas ng ika limampung Malasakit center sa Baguio city. Ito ang kauna unahang Malasakit center sa Cordillera Administrative region at pang dalawamput dalawa na sa Luzon.

Ephraim Neal C. Orteza, MD, MHM, Hospital Director Paranaque Hospital;

“Gusto kong pasalamatan si Senator Bong Go for this wonderful project ng Malasakit Center. As you all know, siya ang nag pasimula nito. You made my job easier kasi mas madali nang makakuha ng funding para sa pasyente. It used to be na napaka hirap noon we tell to the patients to go to PCSO. Dati first thing in the morning 4 o’clock ng umaga, pinapapunta na namin sila para lang makakuha ng kaunting tulong. Now we have desk here in the hospital. When you go to the Malasakit Center, lahat ng health desk nandoon na. may desk for Phil Health may desk ang PCSO, may desk for map, lahat nandoon na. So thank you very much. It’s actually very easy now for us, kaya nag papasalamat po kami ng husto.”

SUMMATION

Inaasahasan na pagdating ng panahon, lahat ng ospital sa buong bansa ay mayroon nang Malasakit Centers. Ang Malasakit Centers ay one stop shop ng mga ahensya na tumutulong sa mga mahihirap. At hindi ito imposibleng makamit kung meron tayong mga opisya ng pamahalaan na hindi tumitigil sa pagtulong tulad ni Senador Bong Go.

Samantala, kami po ang Father and Son tandem, si Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay nasa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

Hanggang sa susunod na kuwentuhan natin siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy, sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming
Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles