Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

BIYAHENG LANGIT SA MOSCOW

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan ninyo kaming bisitahin sila. Ito po si Pareng Rey Langit. Tampok natin si Amerigo Tatel, dating Pinoy exchange scholar sa Russia.

Sa bawat biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte, hindi maaaring mawala sa eksena ang mga OFW, itampok rin natin sila ako naman ang inyong Kasangga JR Langit.

WORLD BIGGEST COUNTRY

Kinikilala bilang pinaka-malaking bansa sa mundo ang Russia. Ito ay matatagpuan mula sa Silangang bahagi ng Europa at Hilagang bahagi naman ng Asya. Dahil sa minsang naging komunista at itinuring bilang isang malakas na katunggali ng Estados Unidos, hindi maikakailang magpahanggang ngayon ay marami pa rin ang nangingilag dito. Sa aming pagbisita sa Russia kamakailan aming nakilala ang ilang Pinoy na dito ay nakipagsapalaran, isa na rito si Amerigo Tatel.

Sa panahon ng pananatili niya sa Russia ay maraming bagay na rin ang kanyang natutunan tungkol sa nasabing bansa, kung kaya’t ating kilalanin ang Russia mula sa kanya.

AMERIGO’S PERSPECTIVE

Russia – sa Mata ni Amerigo’ munting paraan niya upang magsilbing tulay para sa dalawang bansa, paano niya isinasagawa?

Amerigo: I think Russia will stay focus on their objective to reach good relationships with the other country. They do understand their commitment as a global leader.

Si Amerigo Tatel na dating Pinoy-exchange scholar sa Russia, ngayon ay negosyante na sa Moscow.

Amerigo: I was fortunate na nagkaroon ng scholarship program noon. Former soviet Union pa noon ito. Nag aral po ako sa MAPUA and then my father offered me this opportunity. I then took the exam then nakapasa po ako. 1 year binigyan po kami ng parang Russian language program para mag aral ng Russian it’s like a preparatory course and after 1 year dun na po mag sisimula yung regular classes niyo.

YOUNG ADVENTURER

Rey Langit: Mga ilang taon ang edad mo nang umalis ka sa Pilipinas?

Amerigo: I was that young man, 19 years old I left the country I thought it was just like a ah.. you know, just to know few things and you go back to the Philippines no, no you have to stay. Then walang mga Pilipino dun, ako lang so I have to survive and learn the language quickly. There are Pilipino pero kailangan pumunta ka sa ibang city o ibang place, make sure na be friendly you know kailangan mong be networking mag network ka talk to the people because you speak the language…. english, so we can speak with them , Malay, Pola, Cuba and Vietnamese so just be friendly. Pangalawa siguro din after the collapse of the Soviet Union that was the time na nag graduate na ko 1992. I was a Master’s degree graduate from another city at pumunta ako ng Moscow. There were no like guarantee na pwede kang bumalik sa Pilipinas kasi nag collapse yung system. We decided just to stay in Moscow.

Nagsimula ang pakikipagsapalaran niya roon noong siya ay isang estudyante pa lamang. Doon na siya nagkaroon ng pamilya, nakapagtrabaho at di kalaunan ay nakapag negosyo.

NO COLA … NO PEPSI!

JR Langit: Yung unang dating mo rito sa Russia papaano ka nka survive, papaano ka naka-adopt sa kanilang kultura?

Amerigo: Nung dumating kami dito I was the only Pilipino sa university. It was not easy. Wow, you know panahon ng Soviet Union walang mga Pepsi Cola, Coca Cola it just bread and milk and you know we Filipino were good on this, were flexible and then slowly we learn the language and then you fall love with the country, with the people and that’s it.

Ibinahagi rin ni Amerigo, ang kalagayan ng ilang kababayan natin na nakikipagsapalaran sa Russia.

6 to 8 THOUSAND FILIPINOS

Rey Langit: May mga datas na na kakarating samin umaabot ng something 6-8 thousands Filipinos

Amerigo: Yes

JR Langit: Kamusta po ang kanilang katatayuan dito sa Russia?

Amerigo: Yes, actually una sa lahat you know na its sad to know ah kung may mga problema tayo. Ano talaga it’s a reality na may mga issue tungkol sa mga ating mga brothers sisters, una sa lahat yung Visa. Well in-demand po sila, yung mga babae. Kasi yung mga Russian love to have a Filipino nanny , domestic workers. On the others side yung mga lalaki nahihirapan, kasi if you see if you noticed around mga karamihan dito ay mga former republics na sent, yung Asian na nag tatrabaho so yung competition talaga eh malakas hindi sila pwedeng…. then the language also the barrier problema din po yun. Pero nahihirapan nahihirapan po sila dito kasi nga po dahil sa Visa, pangalawa you know the embassy, the embassy is doing great talagang tinutulungan nila yung mga Filipino. Ang problema nga ay yung minsan, they are now on the process of negotiating with the Russian government na mag karoon ng Labor Agreement pero basta basta dumadami yung numbers nila syempre napapahiya sila so they just saying na please naman stop muna yung mga recruitment, but hopefully maayos yung agreement na yun and that will be the start na matulungan natin yung mga Filipino na nandito.

GENEROUS TO FILIPINOS

JR Langit: Sa inyong observation yung mga nag-migrate nating Kababayan hindi naman po sila masyadong arkapyado… are they treated well naman?

Amerigo: Ah well ang mga Russians they are very generous, to be honest tumutulong sila. Pag-they see that talagang you do care sa kanilang family, halimbawa meron isang Filipinang nanganganib and she take care of the kids naman na kanyang inaalagaan, they are very generous talagang tutulungan din nila yung Pilipina.

Sa Moscow, matatagpuan ang ilang lugar at gusali na may malaking bahagi sa kasaysayan ng Russia, gaya ng Red Square at ang sikat na St. Basil’s Cathedral.

Sa aming paglilibot dito, ay tunay ngang ‘feast for the eyes’ ang aming naranasan, dahil sa makukulay at magagandang arkitektura na matatagpuan sa City of Dome.

ASIAN MARKET OPPORTUNITY

Rey Langit: Sa palagay mo Amer tangap na tangap na tayo ng Russia, pati na mga produkto natin?

Amerigo: Russia is open now. They’re not just focusing on the European market but also Asian.

Rey Langit: Magandang development yan kung ganyan ang interest nila sa Asia.

Amerigo: 15 years ago siguro when I start promoting Philippines products, sabi nila what Philipines, wow ang layo niyan.

Rey Langit: Oo nga, kung sabagay malayo talaga tayo dito sa kanila.

Amerigo: ah I can just buy that in Germany, sabi pa. Now they’re looking for us. Looking for other sources so it’s also opportunity for the Philippines and Philippine products.

Sa ginawang pagbisita ng Pangulong Duterte sa Russia, ay tiyak na isang magandang bukas at oportunidad ang ibubungang resulta.

CITY OF MOSCOW

Mula sa siyudad na kung tawagin ay ‘City of Dome’ (Moscow), na nagbigay ng inspirasyon sa maraming manunulat at makata. Sama-sama nating libutin ang capital ng bansang Russia habang sinasariwa ang makulay na kasaysayan at mayamang kultura nito. Makulay, agaw-pansin at tunay na nakamamangha ang angking ganda ng Moscow, na siyang capital ng Russsia. Binisita namin ang mga kilalang bahagi ng lugar na kung tawagin ay Red Square. Malaking bahagi ang ginampanan nitong papel para sa bansang Russia noong unang bahagi ng 20th century, sapagkat dito karaniwang isinasagawa ang mga demonstrasyon at parada ng hukbong militar ng bansa na sumisimbolo at nagpapahayag ng lakas militar nito.

Maraming kasunduan o bilateral agreement ang nalagdaan sa pagbisita ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawa nitong pagbisita sa Russia.

RUSSIAN PUSONG FILIPINO

Sa aming pag iikot sa Moscow, mayroon din kaming nakilalang Russian Lady, siya si Maria Plume na talagang nakapukaw sa aming pansin dahil sa galing niyang mag-tagalog. Ilang beses na rin syang bumisita sa Pilipinas at nagbabalak pang bumalik sa susunod na taon, gusto niya ang Pilipinas at may pusong Filipino.

SUMMATION

Sa bawat biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte, laging prayoridad ang pakikipag kita sa ating mga kababayang nagtra trabaho sa ibang bansa. Ito’y isang pagkilala sa napakalaking kontribusyon ng ating mga OFW’s sa ekonomiya ng Pilipinas at upang matiyak na hindi sila dehado sa pananatili nila sa Bansang yon.

‘Ika nga- ‘No man is an Island’, isang kasabihan na hindi lamang para sa tao, kundi maging sa bawat bansa. Ang pakikipagkasundo at pakikipagkaisa ay may malaking maibubunga hindi lamang sa katahimikan at kapayapaan, kundi maging sa pag-unlad ng isang bansa. Kung maganda ang relasyon ng ating bansa sa mga bansang maraming mga Pilipino, makakatiyak tayo sa magandang kalagayan nila kung saan man sila naruong bansa.

Malinaw na hindi nagkamali ang ating mga OFW’s nang piliin ng mas nakararami sa kanila ang Pangulong Rodrigo Duterte nuong 2016.

FATHER AND SON TANDEM

Ang iba’t ibang istorya na ating ibinabahagi sa inyo ay hango sa aming Programang pang telebisyong KASANGGA MO ANG LANGIT. Napapanood tuwing Sabado ganap na alas dos hangang alas tres ng hapon (2:00-3:00pm) sa RJ-digital-TV 29 UHF free TV-Channel.

Ang pinalawak at pinagandang programang pang television, KMAL at Biyaheng Langit. Ang father and son tandem namin, ako na si Pareng REY at Kasangga-JR LANGIT ay mapapanood na sa mga sumusunod:

  1. RJdigiTV via cable and satellite Television
  2. Cablelink – Channel 2 – Metro Manila Coverage
  3. Destiny Cable – Channel 30 – Metro Manila Coverage
  4. SkyCable – Channel 19 – Metro Manila Coverage
  5. Cignal – Channel 28 – Nationwide
  6. RJdigiTV on ABS-CBN, 5M TV Plus Blackbox

Hanggang sa susunod na kuwentuhan natin siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy, sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles