Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Ang ‘Di-mapigilang Hagupit ng Natural Disasters

$
0
0

STORM-DAMAGED TREES
Isa sa heavily hit na village sa Metro Manila ay ang Ayala Alabang sa Muntinlupa—hindi sa mga tahanang kongkreto kung hindi sa mga century-old acacia trees na nabunot at natumba dulot ng malakas na hangin ng Bagyong Glenda. Ito rin ang dahilan upang tumumba ang mga poste at mapatid ang kawad ng kuryente na naging sanhi upang lalong magtagal ang restoration ng power sa loob ng village na lubhang pin-roblema ng mga villagers.

Nakapanayam namin si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson sa aming back-to-back na palatuntunang “Kasangga Mo Ang Langit” at “IZ Balita Nationwide” 6-8AM sa DWIZ 882khz na naka hook-up sa mga ally stations ng RPN9, broadcasting nationwide.

LESS POWERFUL

REY: Kung ihahambing po natin si Glenda kina Ondoy, Pepeng, Pablo, Maring, at Yolanda?

SEC. SINGSON: Mas masahol ang mga yun.Except maybe for the specific sides. Halimbawa sa Bataan, nung dumaan si Glenda, paakyat na yung high tide. Katunayan, nung naroon ako sa Roxas Boulevard, nakikita ko pa yung buhangin. Ibig sabihin low tide siya habang dumarating yung bagsak ng ulan ni Glenda.

SanJuanGLENDA2

MORE ON RESTORATION OF POWER LINES

REY: So hindi naman ganoon kalaki at kabigat ang trabaho, Secretary?

SEC. SINGSON: As I said, ang mabigat ay ang restoration of the power lines. Kung sa kalye lang at mga tulay as far as DPWH is concerned, I would say minimal. A matter of clearing, a matter of removing the landslides, atsaka yung iba naman mga hindi madaanan sa kasagsagan ng flash floods. Pero kapag humupa na yung ulan, puwede na uli siyang daanan, lalung-lalo na yung tinatawag naming overflow bridges.

AERIAL INSPECTION
Nagsakatuparan ng aerial inspection sina Sec. Singson upang makita at ma-identify ang heavily damage ng bagyong si Glenda.

SEC. SINGSON: Actually, nung umaga, actual road inspection sa kalakhang Maynila. Nung hapon, aerial, to cover yung low-lying communities, all the way sa Bulacan, Valenzuela, and Cavite portions, atsaka dito sa Laguna Lake kahapon ng hapon.

EXTENT OF DAMAGE

REY: Kumusta naman po ang naging assessment ninyo, Secretary?

SEC. SINGSON: I would say natuwa na hindi naman naging ganun kalawak ang pinsala, at least yung sa mga napuntahanan namin. Ang hindi pa namin na-inspeksiyon yung portion ng Quezon atsaka yung portion ng Bataan. Doon tumagos, binaybay ang Quezon, pumasok ng Cavite, tumagos ng Bataan. Pero ang sabi ng PAGASA, yung 250-kilometer radius apektado rin. Ang mas nakikita naming dapat tutukan ay ang restoration ng power lines para magnormalize na ang ating buhay. Yung sa flooding, yun sa nakita namin hindi masyado. Hindi naman kasi nagsabay ang high tide at bagsak ng ulan.

SUPPORT TO CITY ROAD

Sa Calumpang, sakop ng Batangas City, ay may nasirang tulay bagamat ito’y city road na at hindi sakop ng national road ay ipapa-assess pa rin ng DPWH upang maibigay ang kinakailangang ayuda.

SEC. SINGSON: Sa Region 3, as of yesterday, tatlong road sections lang. Dito sa Region 4-A, limang road sections iyan, karamihan sa Batangas. But these are not main arterial roads. Halimbawa, yung Lobo Malabrigo papuntang coastal town, yun ‘di naman arterial road. Pinupuntahan ng mga turista ang Lobo.

NO LET-UP

Maliban sa mga naglalakihang punongkahoy na uprooted at tinumba, mga binakling kongkretong poste ng Meralco, naglaglagang kawad ng kuryente, tinuklap na bubong, pinabagsak na mga billboards, at binaluktot na mga antenna, pati na aspaltadong daan, ay tinuklap ni Glenda.

SEC. SINGSON: Well, ito na nga ang masama dito. Yung mga asphalt overlay, hindi pinatawad. If you remember, yung mga asphalt overlay atsaka yung mga patching jobs namin are really pothole operations. Di naman pang-permanente iyan. So kapag nababad ng tubig iyan, matutuklap uli yan. So kinakailangan naming balikan at ayusin ulit.

DIRECTIVE

Inamin ni Sec. Rogelio Singson na kapag ganyang may bagyo ay dapat balik-balikan ang mga drainage dahil ang mga ito ay lalong nagbabara, dahil sa daloy ng putik at basura lalo na sa unang bugso ng rainy season. Walang kapalit ang sipag sa hangarin na muling maibalik ang normal na buhay ng mga sinalanta ng kalamidad. Hindi natin kayang pigilan ang kalamidad, ngunit kaya nating iwasan ang anumang sakuna kung tayo ay may sandatang karunungan, kaalaman, at paghahanda.

QUOTABLE QUOTE

“We cannot stop natural disasters but we can arm ourselves with knowledge, so many lives wouldn’t have to be lost if there was enough disaster preparedness.”—Petra Nemcova

 

 

Photo credit: PIO, San Juan City


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles