Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

PEACE AND PROSPERITY FOR ASIA-PACIFIC: PART 2

$
0
0

Nasa takipsilim na ng kanyang buhay si Lola Estelita subalit hanggang sa ngayon, malinaw sa kanyang pag iisip ang dinanas nyang dusa sa kamay ng mga hapon noong Ikalawang digmaang pandaigdig noong 1942.

Samahan nyo kaming alamin ang kwento ng isa sa mga natitira pang comfort women sa Pilipinas. Ako si Pareng Rey Langit.

Alamin ang sama-samang pagsisikap na matamo ang pandaigdigang pagkakaisa at kapayapaan. Ako naman ang inyong Kasangga JR Langit. Ang episode na ito ay hango sa aming Kasangga Mo Ang Langit TV Program ni JR Langit sa PTV4 na napapanood ganap na 10:30 tuwing Biyernes ng gabi. Ang weekly public affairs at public service program na ito ay nasa kanyang 21th year na sa national television.

Makabuluhang 21 taong na paglilingkod sa bayan. Ang tunay na public service ay naihahatid ng Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit na siyang nagbibigay nang pag-asa sa tao, na ultimate mission namin para sa inyo.

REAL LIFE STORY OF A VICTIM

Nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, nakauwi rin sa kanyang mga magulang si Lola Estelita at nakapagpatuloy ng kanyang pag-aaral. Lumuwas na rin sila sa Metro Manila at dito nagka-asawa si Lola Estelita at nagkaroon ng mga anak. At noon ngang 1993, nagpasya si Lola Estelita na ikuwento na sa publiko ang kanyang karanasan.

Sa ginawang pakikipanyam ni JR Langit kay Lola Estelita, ganito niya sinalaysay ang hindi malilimutang karanasan: “tinatapon ang pinapatay nilang tao pag katapos naman kami dinala sa garison pagdating ko noon sa garison pag baba namin dinala nila kami sa bahay na may kuwarto-kuwarto.”

Tubong Talisay, Negros Occidental si Lola Estelita. Mahirap subalit maayos ang kanilang pamumuhay sa isang hacienda sa Negros. Nagbago ang lahat nang dumating sa bansa at sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.

RAPE VICTIM STORIES

Lola Estelita: Ako’y nag titinda nung kinukuha na nila yung mga tao Na pinapipila dun sa plaza. ako naman nag kubli sa takot yun pala na mayroon palang isang hapon na nag babantay sa akin nakita pala ako na nag kubli ako sa takot ko bigla akong tumakbo mabilis eh nadapa ako inabutan niya ako tapos hinawakan ako sa buhok dito itinaas ako pag katapos inekis yung kamay ko pag katapos meron dun sa gilid ng plaza merong truck na may mga ilang babae na nakatayo doon sa truck may isang hapon na nag babantay may bayoneta ang dulo ng baril pag katapos pag akyat ko doon sa truck may mga tao pala na natapos na nilang patayin, mga pinupugutan nila ng ulo.

Isa lamang si Lola Estelita sa hindi mabilang na Pilipina na naging comfort women noong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas. Sa edad na katorse, masakit para kay Lola estelita na ilarawan ang sinapit nya sa kamay ng mga hapon.

Lola Estelita: tapos ginahasa ako, tapos may sumunod pa nararamdaman ko nasaktan ako nilabannan ko. Yung hapon nagalit sa akin hinawakan ako sa dalawang tainga ubod lakas na inuntog ako sa lamesa, na walan ako ng malay nagising ako wala na yung hapon may isang babaeng lumapit sa akin sabi sa uulitin wag ka nang lumaban kasi baka mamaya ikaw ang patayin pa. kaya ako pagna gahasa… ng hapon umiiyak nalang ako.

A SURVIVOR

Nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, nakauwi rin sa kanyang mga magulang si Lola Estelita at nakapagpatuloy ng kanyang pagaaral. Lumuwas sila ng Metro Manila at dito nagkapag asawa si Lola Estelita at nagkaroon ng mga anak. At noong 1993, nagpasya si Lola Estelita na ikuwento na sa publiko ang malupit niyang karanasan.

JR Langit: Papano po kayo na pag sama sama dito sa Lila Pilipina ?

Lola Estelita: Eh kasi lahat ng ano lahat ng mga naano ng mga hapon nag sasalita na, kasi si lola Rosa lumantad na para daw mabigyan ng hustisya ang kaapihan namin. eh ako nga eh lumabas si Lola Rosa 1992 nahiya pa ko sa sarili ko na bakit pa. Pero 1993 na isip isip ko siguro kako tama sila Lola Rosa para mabigyan ng katarungan ang aming kaapihan.

Nasa isandaan at pitumput apat ang comfort women na miyembro ng LILA Filipina na dating kilala sa tawag na Task Force On Filipino Comfort Women. Sa ngayon ay nasa anim na lamang ang natitirang buhay sa kanila kabilang si lola Estelita. Sa kabila ng kanilang edad, hindi sila tumitigil sa paghahanap ng katarungan para sa kanilang sinapit.

PAIN AND AGONY

Lola Estelita: yung mga comport woman hindi naman nila iniintindi matagal na kaming humingi ng hustisya wala ni isa sa kanilang mga presidente walang na itulong saamin. Ang konting tumulong lang samin yung mga ma mamayan ng hapon yun lang ang tumutulong samin.

Joana Salvador: Meron sa Korea yung mga tulong galing sa Korea naalala mo yung magkaibigan mula sa Korea.

Hustisya at kompensasyon para sa mga comfort women ang isa sa naging tema ng ikalawang International Convention for peace and Prosperity in the Asia Pacific. Sa bibihirang pagkakataon ay magkasama sa iisang entablado at nagkakaisa ng pahayag ang South at ang North Korea. Kasama rin sa komperensya ang mga opisyal ng Japan na inaakusahang nagpabaya sa mga comfort women.

Isang magandang pagkakataon ang mga ganitong komperensya upang maibahagi sa mundo ang kwento ng mga comfort women upang mabigyan sila ng hustisya at kompensasyon.

MESSAGES OF SYMPATHY

Ganito ang naging mensahe ni Vice Chairman Ri Jong Hyuk of Asia Pacific Exchange Association of North Korea o Democratic People’s Republic of Korea-DPRK. “In such a country, glorious country in Philippines we are very happy to open this kind of international Convention which displays and shows the other world crimes, the Japanese impurities and later in the future our country, with us hand to hand to do together the Philippines and DPRK all together to propelled the prosperity and peace. We just want to say highly thank you again and we wish there are good fruits and success in your struggle to achieve peace and stability and independence. Thank you.

Sa kanyang panig, binigyang diin naman ni Labor Secretary Silvestre Bello lll ang kahalagahan ng pagkakaisa upang matamo ang kapayapaan. Ganito ang naging speech ni Labor Secretary Silvestre Bello III: “Too many people who live and struggle in a world of devastated by war and violence, for those of us away from corrupt zone the storms and images from the fake news and comparison to the narratives from the communities expose to war while we refuse to accept conflict as a way of life what is a reality and this suffering is overwhelming peace is there for is form up to the recognition of the need everlasting peace by taking all stakeholders in the progress when we see the sorrows of war and the time who drives humanity to violence in the everyday news we must also remember we must never forget the promise of peace and It’s never too late to hope for peace.”

Ganito naman ang naging tema ng mensahe ni Major General Antonio Parlade jr. Deputy Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines: “at sana maging party sila makatulong sila sa pag palaganap ng katotohanan makita nila yung observation na nakikita nila sa Pilipinas at i-announce ito, iparating nila ito sa buong mundo na ang pilipinas ay nasa tamang landas tayo ay nagiging maayos na bansa at patungo tayo sa development na ating inaasam asam.”

SUMMATION

Isang napakagandang hakbang ang sama samang pagsusulong ng ibat ibang mga bansa ng katarungan at kapayapaan para maitama ang mga nakalipas na pagkakamali.

Mahalaga rin ang mga ganitong pagtitipon upang maipagbigay alam sa buong mundo ang kalagayan ng kapayapaan sa Pilipinas.

Ang mga kwentong katulad ng kay Lola Estelita kapag hindi nagkaroon ng resolusyon ay mananatiling hadlang sa pagtamo ng kapayapaan. May kasabihan na walang naghihintay na bukas para sa mga hindi marunong lumingon sa Kasaysayan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles