Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa ay samahan niyo kaming bisitahin sila, ito po si Pareng Rey at ang Kasangga ninyong si JR Langit. Tampok natin ngayon ay ang Shedd Aquarium ng Chicago.
Minsan pa nating silipin ang isa sa pinakamalaking indoor aquarium sa buong mundo, na matatagpuan lamang sa Chicago, U.S.A.
Yamang dagat ng Pilipinas, tampok sa sikat na aquarium sa Amerika na Shedd Aquarium. Kakikitaan ito ng mahigit sa 32,000 marine animals, at nabibilang na isa sa pinaka-malaki at pinaka-magandang indoor aquarium sa buong mundo. Halina’t pasyalan natin ang binansagang “most visited aquarium” sa buong Amerika.
MARINE DIVERSITY
May 30, 1930 nang magbukas ang kauna-unahang public indoor aquarium sa bahagi ng Chicago, Illinois.
Ang Shedd ay isang non-profitable organization na naglalayong magbigay kaalaman ukol sa kahalagahan ng mga yamang dagat sa ating buhay. Ipinatayo ito ni John Graves Shedd, isa sa tinitingalang negosyante sa siyudad noong panahong iyon.
Maraming tema sa loob ng Shedd Aquarium at isa sa nakakuha ng aming atensyon ay ang exhibit nila ukol sa nakatagong yamang dagat ng bansang Pilipinas.
Aming nakausap ang isa sa mga taga pamahala ng Aquarium na si Tracy Adler:
Tracy: You probably know that the Philippines is the center of the marines diversity. There is more diversity of marine life here than anywhere else in the planet.
DISCOVERY FROM PHILIPPINES
Isang grupo ang inatasang magsaliksik sa indo-pacific area, at ilan sa kanila ay nagtungo ng Pilipinas. Dito nila nadiskubre ang nakatagong kayamanan ng ating karagatan…
Tracy: So we are literally bringing you to the shores of Apo island. The sand here and even the floor was made by the sand from Philippines. We have imported 17 tons of sand from the Philippines.
Hanggang ngayon marami sa atin ang may hindi alam na sa karagatan ng Pilipinas matatagpuan ang pinaka-magagandang coral reefs at ibang yamang dagat sa buong mundo.
MEMORIES
Ang sumagi sa aking ala-ala ay ang Philippine Rise, ang mga coral marines species nito at ang aming challenging experience.
Buhay na saksi ang “Kasangga Team” sa makasaysayang “takeover ng Benham Rise” ang underwater plateau na nasa layong 250 km east ng northern coastline ng Dinapigue, Isabela ang diklaradong bahagi ng ating continental shelf. Ang yamang dagat na ating nasaksihan.
Kakakaibang experience ang aming sinuong noong May 15-16, 2018 ng aming tahakin ang karagatan ng Benham Rise na ngayon ay Philippine Rise.
JOURNEY
Mula sa Villamor Air base, Pasay City lulan ng C130 kami ay lumipad patungong Casiguran, Aurora sa Central Luzon. Pagkatapos ay sinakay kami sa Navy boat at inihatid sa gitna ng karagatan at pinalipat sa isang dambuhalang barko.
Mahigit sa sampung oras na paglalayag ang aming ginawa mula Casiguran patungong Benham Plateau lulan ng BRP DAVAO DEL SUR.
Makapigil hininga, magkahalong excitment, may kasamang agam-agam at pangamba ang aming nadarama. Hindi namin alintana kung may dumating mang unos o sama ng panahon sa Pacific Ocean. Kahit pa pigilan ng kalapit na bansang nag nanasang angkinin rin ang Benham Rise. Hindi naging hadlang ang dominant role ng ating kalapit na bansa, ang kanilang Sea power o lakas sa karagatan dahil sa mga makabagong sasakyang pandagat na kanilang taglay, tulad ng mga giant warships na type 075 amphibious vessels na may aircraft carrier.
COMPETING NEIGBORING COUNTRIES
Ilang mga bansa sa Asia na nagka interest rito, hindi lamang ang China kung hindi pati ng bansang Japan, Malaysia, Indonesia at Viatnam.
Ilan lamang ito sa mga makasaysayang challenges na naging bahagi ang Kasangga Team na maabot ang malawak na Philippines Rise na dating kinilala sa tawag na Benham Rise, na deklaradong exclusive zone ng Pilipinas sa pamamagitan ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
GAS, OIL, MINERAL and CORAL MARINES SPECIES
Ang ating Philippine Rise ay may lawak na 24 Million hectares o katubas na laki ng buong Luzon.
Ayon sa initial research nang ilang dalubhasa ang karagatang ito nang Philippine Rise ay mayaman sa gas, oil, mineral at coral marines species. 50 Filipino na pawang mga UP Scientists ang nagsakatuparan ng kanilang masusing pag aaral, scientific research tungkol sa marine resources o yaman ng Philippine Rise.
IRONICALLY
Samantala, May 30, 1930 nang magbukas ang kauna-unahang public indoor aquarium sa bahagi ng Chicago Illinois.
Ang Shedd ay isang non-profitable organization na naglalayong magbigay kaalaman ukol sa kahalagahan ng mga yamang dagat sa ating buhay.
Maraming tema sa loob ng Shedd Aquarium at isa sa nakakuha ng aming atensyon ay ang exhibit nila ukol sa nakatagong yamang dagat ng bansang Pilipinas. Sabi nga nila “ironically” ibang bansa pa ang nagbibigay nang ganitong pagpapahalaga at nagpro propagate sa yamang dagat ng Pilipinas.
CHICAGO HISTORIC LANDMARK
Hanggang ngayon marami sa atin ang may hindi alam na sa karagatan ng Pilipinas matatagpuan ang pinaka-magagandang coral reefs at ibang yamang dagat sa buong mundo.
Tracy: you can see the number of coral marines species here from the Philippines.
Napakaraming maaring makita sa loob ng aquarium. Dahil dito umaabot sa mahigit isang milyong turista ang dumadalaw dito kada-taon. Ito na nga ang itinuturing na “most visited aquarium” sa buong Amerika. Taong 1987 nang hirangin itong National historic landmark ng bansa.
Roger: In behalf of the Shedd Aquarium I would like to encourage everybody to come here and see a little bit of your homeland here in Chicago.










SUMMATION
Tulad ng aking ibinahagi sa inyo, ang sense of fulfillment sa pakikibahagi sa makasaysayang Benham Rise takeover, na ngayon ay Philippine Rise na, ito’y once in a life time na event/pangyayari sa buhay ng isang tao. At ang pagbisita sa Shedd Aquarium ay kakaibang karanasan. Kikilabutan ka na matuklasan na ang attraction ng isang katulad ng International Aquarium ng Chicago ay mga marine resources o yamang dagat na mula sa Pilipinas.
Ang ating taos pusong pasasalamat sa kind assistance na binahagi ni brother-in-law Ramon Dino at Cherry sa ginawa naming pag suyod sa City of Chicago at China town nito. Hanggang sa susunod na pag lalakbay siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may istoryang Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.