Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Paliparang Pandaigdig

$
0
0

Kagagaling lang namin ni Jr Langit at ng team ng Biyaheng Langit sa Busan, Korea kung saan ginanap ang katatapos na ASEAN-ROK 25th Anniversary Commemorative Summit. Ang Busan ay ang ikalawang pangunahing siyudad ng Korea. Hindi man kasing moderno ng Seoul pero impressive na rin at maraming makabagong gusali na nag tataasan at mayroon malaki at modernong international airport.

Sa aming pagbabalik sa Pilipinas hindi mo maiaalis na maihambing ang ating sariling international airport sa kanilang makabagong Busan Airport.

Palirparang Pandaigdig, Rey Langit, December, 2014

Gimhae International Airport

Nakapanayam namin si Ms. Consuelo “Coney” Bungag ng Media Affairs Division ng NAIA Terminal 1 sa aming pang umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit sa DWIZ882Khz, na sabayang naririnig din sa mga himpilan ng RPN, broadcasting nationwide.

DECONGEST

REY: Mukhang matatagalan pa bago matapos ang ating Ninoy Aquino International Airport ano ho?

BUNGAG: Yung terminal one po natin, expected na matapos ‘yun by first quarter of 2015.

REY: Marahil isa ring rason itong construction kung bakit nakita kong napakahabang pila ng mga foreigners na parating. Sa haba halatang inip na inip ang mga foreign tourist sa pag ihintay sa masikip ng immigrantion area.

BUNGAG: Opo, Itong terminal one, ito rin po yung reason kung bakit hangga’t maaari, naglilipat na po tayo ng mga flights, maraming flying frequencies in a day , nililipat na po natin sila sa terminal three. Nauna na po yung limang airlines. So, we hope to be doing that this coming year kung mayroon pa pong mag signify na lilipat din sila sa terminal three dahil po yung ating terminal talagang overcapacity na po tayo doon, Ka Rey, at kailangan i-decongest na po natin doon.

SIMPLIFIED PROCEDURE

REY: Miss Connie, na notice ko, yung mga stub na galing sa airlines counter hindi na chine-check para ma reconcile sa mga check in Luggage ng mga pasahero.

BUNGAG: Inalis na po ng Bureau of Customs ‘yan. Kung napapansin ninyo kahit na customs lane po kayo pumipila gaya ng dati na talagang whether you have to declare something or not, you have to line up. Ngayon po, nag two-way lane na sila parang ‘yung sa abroad ‘pag wala kang idedeclare, direcho ka na. Kung meron kang idedeclare, pipili ka sa “booths to declare”. Mayroon na rin po tayong “baggage reconciliation booth” doon sa lobby na gaya ng dati, dahil naging punto din po yan nung mga reklamo ng pasahero dahil nakakaabala. Kapag pupunta silang exit, nasa toll fee na doon dahil doon nagreconcile yung mga security ng baggage again sa passenger. So as a procedure para bawasan po yung ating choke point.inalis na rin po yon, matagal na po.

MISSING BAGGAGE

REY: Na-raise ko lang itong concern na ito, Ma’am Connie. Dahil kagabi po yung kaibigan noong anak ni Amba. Tony Cabangon Chua na isang foreigner, galing po ito sa korea na naghintay ng napakahabang oras dahil yung bagahe niya, apparently nadampot by accident ng ibang pasahero. At nahirapan pong matrace ng mga personnel ng airport yon nawawalang baggage. Nakalabas na lahat ng pasahero ng flight na galing sa incheon Korea, siya’y hindi makalabas-labas dahil yung kanyang bagahe ay nawawala. So sabi ko nga kung mayroon pang checking ng mga stub para ma reconcile sa number ng bagahe sa labas, madaling maitrace yong laggage.

BUNGAG: Actually if we want to retain po yung baggage reconciliation after you exit the customs, sabi ko nga po talagang maliit na ‘yung ating terminal. And we don’t want to handle pa yung mga ganung klase choke point po kaya doon po sa ating..kung mapapansin niyo po, meron na po tayong mga t-vs n top of the carousel area . Doon po, may reminders po sa mga pasahero na be very careful and make sure na get your own bag. Ngayon po, kung saka-sakali po na mali, may nakadampot nung kanilang bag at sila naman po ay nawalan, all you have to do is approach the airline staff po na naka duty dahil meron pong mga airline staff na umiikot-ikot na po doon sa flight nila making sure that passengers concerns are addressed. So pwede po nilang ifile yun doon at yung airline na po ang may responsibilidad na magtrace kung saan napunta yung bagahe niya.

PRONE TO ACCIDENT

REY: Alam po namin na dinatnan na lang ninyo itong mga problemang ito. As compared sa ibang mga international airports na napupuntahan na po namin, walang katulad nitong nararanasan ng mga pasahero sa terminal 1 na kinakailangan na bumaba
ka pa habang tulak-tulak ang cart na puno ng bagahe sa isang daan na delikado, padahusdos ang kalsada para marating yon sundo mo sa next level, imbes na elevator. Paki recall lang po natin, ano po ba ang rationale bakit po hindi na natin ginagamit yung first level paglabas sa airport? Wala namang gumagamit ng level na iyon, at kinakailan pa nating pahirapan ang mga pasahero dumaan sa stiff na stiff na daan. Marami nang naaksidente dito.

Kagabi po eh pinagtulungan po namin yung isang matandang maraming bagahe na hindi niya macontrol yung cart niya dahil sa haba nung stretch na daan. Everytime na may arrival, marami daw pong nadidisgrasya at nag ii-slide doon.

BUNGAG: Tama po kayo dyan. Actually sa rationale nung pagkakalagay, ang tawag po natin doon sir rey ay arrival extention area andoon po yung kung saan yung nananalubong andoon na sila unlike before po na nasa taas, inilayo po natin sila dahil sabi ko nga po, overcapacity na po yung t-one sa pasahero at overcapacity na po tayo doon sa nananalubong lalo na’t tayong mga pilipino we’re so clannage po na
pag sumasalubong po tayo, minsan barangay. So want sana to as much as possible, accommodate lahat ng mga sumusundo kaya binigyan natin sila ng mas malaking area sa baba. Yun nga lang, you need to bring them down doon po sa mga kalevel na po ng parking area. Unfortunately, yung atin pong pababa, yun na po yung slope . Medyo stiff na yun but i understand kasama na rin po yung sa mga kinonsider dito sa rehab na ito. So we hope by next year, we address na po natin yang problema na iyan.

SUMMATION

Sadyang masikip na ang Ninoy Aquino International Airport, na siyang lapagan ng mga pasahero ng mga international flights.

Tuloy tuloy ang nagaganap na construction ngayon sa Terminal 1, may narinig tayong delay na delay ang dating ng mga materials, na maaaring maging dahilan ng pag kakabalam ng target completion ng construction nito sa susunod na taon. Umaasa tayo na magiging maayos na ang Airport na ito sa kanyang completion sa unang quarter ng taong 2015. Alalahanin natin na nasa mga international airport ang unang impression na naibibigay sa mga tourists, laluna sa mga banyaga. Ito ang tinatawag nating show window ng isang bansa.

Sa ibayong dagat tulad ng Singapore ang kanilang lumang mga international terminals ay kinumbert nalamang nila sa domestic. At ang iba na outdated na mga terminal na wala pang makabagong facility tulad ng escalator at moving sidewalk ay ginagamit na lamang nila sa mga budget fare o murang pasahe, upang pakinabangan parin na hindi napipintasan.

Sa Chicago O’Hare airport namin naranasan na maatraso na makarating on time o takdang oras sa pinaka gate ng sasakyan naming eroplano. Ito naman ang dis-advantage kung maituturing mong dis advantage ng sobrang laking airport na kinakailangan ng mahabang lakaran upang marating mo on time ang assigned gate ng yong eroplano. Kaya kami ay napag sarhan ng Gate ng Airline at kinailangang maghintay pa ng panibagong flight.

QUOTABLE QUOTE

“There is no other airport in the world which serves so many people and so many airplanes. This is an extraordinary airport. . . it could be classed as one of the wonders of the modern world.” — President John F. Kennedy, dedicating the Chicago O’Hare airport, 23 March 1963.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles