Quantcast
Channel: Kasangga Mo Ang Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

PASIG RIVER: 1ST ASIA RIVERPRIZE AWARD

$
0
0

Taong 1990 na idiklarang biologically dead ang Pasig River. Makalipas ang dalawampu’t walong taon (28 yrs) ito ay tinanghal at nagkamit ng “1st Asia Riverprize award.” Ang parangal ay ginanap sa Inaugural 2018 Asia Riverprize, pinagkaloob ng International River Foundation sa kanilang 21st International River Symposium sa Sydney noong Oct. 16, 2018.

Na feature namin ang Pasig River sa aming programang pang telebisyong “KASANGGA MO ANG LANGIT” na napapanood tuwing Biyernes ng alas diyes ng gabi (10pm) sa PTV4.

Mula sa orihinal na piso para sa Pasig program ni dating first lady Ming Ramos hanggang sa takbo para sa ilog Pasig ni dating DENR secretary Gina Lopez at ngayon sa pangangalaga ni Pasig River Rehabilitation Commission Executive Director Jose Antonio “Pepeton” E. Goitia.

REVISITED

Balikan natin ang mga naging ugat ng pang aabuso sa Pasig River at kung ano ang ginawang aksyon dito ng pamahalaan. Ang problema ay hindi lamang sa solid waste, pati na sa liquid waste. Halimbawa kapag nag lalaba ang ating mga residente direcho nilang tinatapon ito sa ilog. Kaya importante ang self awareness. Napakalawak ng sakop ng Pasig River system pero sa kabila nito, halos ikamatay ng ilog ang dami ng mga basura at polusyon na itinapon dito.

Ang naging problema rin sa Ilog Pasig ay ang walang habas na pagtatapon ng toxic waster ng mga industriyang nakapaligid dito at ang napabayaang pagdami ng informal settlers sa tabi ng ilog.

Kasama ang ating KASANGGA Team sa pangunguna ni JR Langit aming inalam ang ginawang pagsisikap na linisin at buhayin ang Pasig River.

May mga bagay na hindi dapat pinapasukan ng pulitika tulad ng pangangalaga sa ating kapaligiran. Kung paano pinilit na manumbalik ang ganda at linis ng Pasig River, ito ang aming inalam.

HISTORICALLY PRISTINE CONDITION

Aming kinausap si George Oliver Dela Rama ang Head ng Public Information Advocacy and tourism Division na samahan kaming ikutin ang ilog Pasig.

George: Kailangan din namin ng tulong at suporta ninyong lahat tayoy mag tutulungan at ibibigay natin ang ating puso para sa ilog Pasig muli nating masasaksihan ang napaka gandang Pasig River.

Isang programang nagpatuloy kahit nagpa-palit palit na ang administrasyon. Nabuo ang Pasig River rehabilitation commission taong 1999. Nabuo ang PRC sa ilalim ng executive order #54 at amended order number 65 ang goal ay ibalik ang historically prestine condition ng Pasig River.

Mga pagsisikap na linisin ang Pasig River, mga programang epektibong naipatupad sa pagbuhay sa Pasig River, aming inalam.

MULTI SECTORAL APPROACH

JR Langit: Ano yung mga guidelines o mga protocols na inyong ginagawa para mas mapabilis pa ang pag rere habilitate ng ilog Pasig?

George: Ang pag rehabilitate kasi ng Pasig River is not just one step approach its a multi sectoral approach so we are following a management framework rivers storation and management framework which includes eastment recovery, riverbank development, introduction of water quality improvement technologies and public awareness so tulong-tulong itong mga programang ito para ma mabuo ang isang action plan to revive and restore the Pasig River.

Mula sa deklarasyong biologically dead na ang Pasig River nuong 1990’s malayo na ang narating ng Pasig rehabilitation program.

JR Langit: Gaano kalaki sa tingin ninyo ang kapakinabangan sa tuluyang pag papaganda ng Pasig River.

George: Sa problema na lang natin sa traffic, kase wala naman traffic sa Pasig wala namang mga stop lights, wala namang kung anong mga balakid. ganda nitong maging alternatibong transportasyon at the same time kung maibabalik ang aquatic life and resources dito tulad ng sa ibang bansa talagang ano talagang masasabi nating ano napaka kaganda ng ating likas na yaman.

RIVER WARRIOR PROGRAM

Ang mga warriors ng Pasig River ay walang pagod sa araw araw na paglilinis sa dati ay patay nang ilog. Amin rin kinapanayam si Cassandra Lee Macapagal ang Engineer ng Environmental Management Division.

Cassandra: Mga ginagawang situational assesment unang una po titignan namin kung merong solid waste management program yung bawat barangay po tapos pagka tapos nun iniispect din namin yung mga industries commercial establishment, tska yung mga domestic na mga bahay po kung meron po silang proper sanitation facilities. Pagka tapos meron din po kami napaka importante yon river warrior program, dito po meron po kami as of now 47 na personel na tumutulong po sa pag linis at pag iiwas po sa pagkasira ng ilog ang ginagawa po nila ay nagki clean up po sila sa rivers and sa eastments. Ang goal po talaga ng river warrior program ihanda po yung mga barangay para po sila mismo mag kusa na mag linis ng kani kanilang areas so after po na maacieve ito sa isang barangay pwede na po kaming mag move on sa ibang barangay para sila naman po ang matulungan namin.

Hindi naputol ng pagpapalit ng administrasyon ang mga pagsisikap na mabuhay ang Pasig River, isang pagsisikap na kinikilala ng international community.

21st INTERNATIONAL RIVER SYMPOSIUM IN SYDNEY

Noong una sa may 31 mga bansa o countries around the world hindi gawang biro na makapasok ang Pilipinas, ang Pasig River sa top 4 ng mga finalist. Dahil ang ating ka konpitensya nun ay united states at united kingdom, bigtime 1st world countries sila at tayo ay 3rd world country lamang. Pero noon pa lang ay naka pasok na tayo sa finals.
Ang contest ay hindi pagandahan ng river, kung hindi more on what a certain organization or agency is doing to restore our river system.
At na appreciate naman ng international community ang efforts ng Philippine goverment in restoring the Pasig River kaya nakamit nito ang “1st Asia Riverprize award” sa parangal na ginanap sa Inaugural 2018 Asia Riverprize, na pinagkaloob ng International River Foundation sa kanilang 21st International River Symposium sa Sydney.

Pangarap ng mga warriors ng Pasig River na dumating ang panahong maihanay ang Ilog Pasig sa mga ilog sa ibang bansa na nakaranas ng parehong pang aabuso.

INFORMAL SETTLERS

Gumawa kami ng pakikipanayam kay Ryan Monceda – Head, Easement recovery housing and resettlement Division.

JR Langit: Papaano nyo namomonitor yung mga basurang nang gagaling dito sa mga informal settlers?

Mr. Monceda: actually sila po ay 60% sa contributor natin is the informal settlers living along the water ways especially yung mga esteros in the main river po natin we already identified them kasi we have already sensus way back when we are establishing the PRRC during the 1999 as of today we have relocated 18 thousand 200 na mga ISF already, settled sa resettlement area ng NHA. We have bulacan, we have in Cavite, we have in Rizal and we have in Pandi Bulacan. We have also in Cavite Naic and trece martirez dun po natin dinadala ang mga informal settlers to have a decent at yung talagang maayos na pamumuhay para matanggal natin sila indangered areas.

Sa pagdaan ng mga taon, unti unting nabawasan na nga ng Pasig River rehabilitation commission ang mga informal settlers. Sa mga illegal settlers na ilipat maliban sa kanilang tirahan na pinagkaloob mayroon silang oplan likas, collective effort nang national government way back, as of now they adopt this, ang pagbibigay nang 18 thousand financial assistance maliban sa decent houses na ipinamamahagi sa kanila, sa mga informal settlers.

7th FLOOR @ 728 UNITS

JR Langit: Saan saan sa Pasig River may pinaka maraming illegal settlers?

Mr. Monceda: Before we have from the manila area and as well sa approach ng Sta ana area, but during the 2008 we already established in the city ang Adb project we have the mrb along the Pasig River, dito rin sila nakatira sa along the Pasig River hindi po sila nalayo sa kanilang pamumuhay sa kanilang trabaho sa eskwelahan. So we have 728 units its like a 24 square meter like a flat or a condominium unit hanggang 7th floor po yon so we can view, makikita naman po natin yon dun natin sila nilipat thats why we call them 728 housing project under the PRRC program.

Ang kakaiba sa Pasig River rehabilitation commission, hindi nila binibitiwan ang mga inilipat nilang illegal settlers.

IN TIMES OF NATURAL DISASTER

JR Langit: Sa panahon ng Bagyo at baha… paano? sila rin yung mga malapit sa disgrasya sa panahon ng kalamidad.

Mr. Monceda: Yes mga baha kalamidad tama kayo, kaya kung di natin i aadress ang mga yan bumabalik din ho sa gobyerno yung problema. So iniiwasan po natin na magkaroon ng tulad ng ondoy, so eto po yung programa ng gobyerno na ang PRRC ang katuwang po. We have the local inter agency, each local government units, sila po yung mga collective body na nag tulong tulong para masagawa ng rellocation. We have to be balanced kasi along the water ways meron din mga formal instructures we call it titled property, mga tituladong lupa na nag kakaroon din sila ng encroachment along the banks so they have to set back 10 meters kagaya po ng Pasig River we have to alot 10 meters na hindi sila maglalagay ng permanent structures or even temporary structures, we should not allow it should be free way thats why we develope EPA-environmental preservation areas and then we develope liniar parks, consume naman po ng community para ma develope natin.

SUMMATION

May mga bagay na hindi dapat pinapasukan ng pulitika tulad ng pangangalaga sa ating kapaligiran. Malaking bagay para sa pagbuhay ng ilog Pasig ang tuloy tuloy na programa para linisin ito kahit magpalit pa ang administrasyon.

Sana kung ang Pasig River ay magiging katulad ng ibang rivers sa ibang bansa na sobrang progresibo na isang sentro ng komersyo at ng turismo napaka laking effect nito sa ating mga mamamayan lalo na sa ating bansa dadami ang mga investments at itoy magiging alternate mode of transport na makakatulong sa pag dicongest ng traffic sa metro manila.

Higit sa lahat, matutupad lamang ang pangarap na maibalik ang mutya ng Pasig kung makiki isa ang lahat at aalamin ng bawat mamamayang nasa paligid ng ilog ang kanilang responsibilidad sa patuloy na bagbuhay nito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 323

Trending Articles