Tinutulan ng Malaysian government ang planong pagsasama sa Sabah bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng Federalismo.
Sa isang press con, ipinahayag ni Malaysian Minister of Foreign Affairs YB Dato’ Sri Anifah Haji Aman, na hindi kikilalanin at papansinin ng Malaysia ang anumang planong pag-angkin ng kahit anong bansa sa Sabah. Iginiit ni Anifah na ang Sabah ay kinikilala ng United Nations at ng buong international community bilang bahagi ng Malaysia simula pa noong mabuo ang Malaysian Federation noong September 16, 1963. Inilabas ng Malaysia ang naturang pahayag matapos sabihin ni dating Senate President Aquilino Nene Pimentel na maghahain siya ng panukalang isama ang Sabah bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng Federalismo.
CONJECTURE
Sinabi ni dating Senate President Pimentel na maaaring maging 13th federal state ng bansa ang Sabah. Ang naturang mga pahayag, ayon kay Anifah, ay kawalan ng kaalaman sa kasaysayan at international law.
Princess Jacel: Payag akong gawin nating 13th federal state ang Sabah.
Kaugnay nito ay minarapat naming anyayahan si Princess Jacel Kiram ang anak ng yumaong Jamalul Kiram III, ang dating Sultan ng Sulu Sultanate of Sulu sa aming “INSIDER EXCLUSIVE” na palatuntunan ng PTV at DZRJ radio, na napapanood tuwing alas otso ng gabi (8pm), Miyerkoles, at napapakingan ng live sa radyo ng alas nuwebe ng umaga (9am).
REVISIT SABAH
Sa aking ginawang pakikipanayam kay Princess Jacel aming napag usapan ang mga nakaraang kaganapan tulad ng nangyaring standoff sa border ng Sabah, ang ginawang masusing pag aaral ng University of the Philippines, ang bayaran ng gold coins na nauwi sa Ringgit. RM5,000. na renta na naging 5,300. Ringgit na Malaysian money. Natanong ko sa kanya ang istorya ng Operation Merdeka na nauwi sa Jabidah massacre, gayon din ang sinasabing “dormant claim” natin sa Sabah.
Ang taonang kabayaran sa “Cession Money” ng Malaysian Embassy ay binibigay sa naging tagapagmana ng Sultanate of Sulu. Ang Bansang Pilipinas bilang successor state ng Sultanate of Sulu ay patuloy pa rin sa kanyang claim sa Sabah, tulad nang nakasaad sa kasaysayan na ito ay leased o pinahiram lamang sa British North Borneo Company noong 1878. Sovereignty ng Sultanate ang teretoryo na sumunod na sinalin sa Republica ng Pilipinas.


SABAH DELIVERS $72 BILLION
Bagamat pinaggigiitan pa rin ng Bansang Malaysia na base sa kanilang pagkaka unawa sa 1878 agreement sa cession, na ibinibigay na ang karapatan ng mga residents ng Sabah sa Malaysia ang kanilang karapatan sa self-determination ng sumali silang mabuo ang Malaysian federation noong taong 1963.
Princess Jacel: Ang 23% ng gross domestic product o GDP ng Maylasia ay dahil sa Sabah. $72 Billion kada taon ang kinikita ng Malaysia sa Sabah. Noong taong 2016 tinatayang umaabot sa 296.4 billion USD ang kinita ng Malaysia. Halos abot na sa kinita ng Singapore na 297 billion USD. At umahabol sa Thailand na may 406.8 billion USD.
FAVORATE DESTINATION
Sabi pa ni Sulu Princess Jacel Kiram ang Malaysia ay isa sa mga paborito niyang binibisitang bansa. Gandang ganda si Princess Jacel sa Malaysia, “ang Malaysia parang Europe ng Asia, maganda, maaaliw ka at masasabi mong para sa ating mga Asian ito.”
Gustuhin man niyang bumisita ngayon sa Malaysia ay hindi na niya magawa. Ito ang bagay na kinalungkot niya, mula ng pansagan siyang terrorista sa Malaysia ay nangamba na siya sa kanyang buhay at seguridad.
Princess Jacel: “Nakakalungkot lang kasi mukhang hindi na ako makakapunta doon. Pag suspected terrorist doon, pinapatay na agad. Wala ng due process.”
CONTROVERSIAL NA SELFIE
Nang dumalaw sa Pilipinas noong November 2015 si Narul Izzah Anwar, anak na babae ni dating Deputy Prime Minister Anwar Ibrahim ng Malaysia, dahil lamang sa pagpapakuha nila ng larawan ni Princess Jacel malaking kontrobersiya ang nangyari.
Sumunod na araw ay headline na sa Malaysia ang larawan nila sa pahayagan at nakalagay sa pahayagan: “Izzah Anwar Kasama-Sama Ang Isang Terorista.” Ayon pa raw kay Prime Minister Najib Razak, si Izzah Anwar ay mag ugnayan sa kasalukuyang terrorist ng Sulu at yan ang kinasasama ng loob ng mga Malaysiano.
Naganap ang kanilang pagkikita sa isang pagtitipon sa siudad ng Maynila, na pinangunahan at hosted ng Council on Philippine Affairs at Asian Institute for Democracy. Ang event na iyon ay may kaugnayan sa support ng United Nation Working Group sa posisyon na Arbitrary Detention ni Anwar Ibrahim upang mapakawalan na ito sa kanyang pag kakapiit.



ADVOCACY
Princess Jacel: Nataon lang na parehas ang naging paninindigan namin sa mga naging simulain at ipinaglaban ng aming mga magulang.
Si Princess Jacel Kiram ay anak ni Jamalul Kiram III, ang dating Sultan ng Sulu Sultanate of Sulu. Kinabigla ni Priness Jacel ang pinalabas na balitang yon sa Malaysia, ni wala namang pinag usapan sa issue ng Sabah sa kanilang pag kikitang iyon. Ayon kay Narul Izzah nalulungkot siya at ganoon ang naging reaction ng kanyang mga kababayan sa nalathalang larawa Dahil sa kontrobersiya, ang Sabah legislative assembly ay nag palabas ng kautusan na huwag nang muling bumalik si Nurul Izzah sa Maynila.
NOBLE INTENTIONS
Princess Jacel: Noon ngang taong 2013, nagnanais lamang na manirahan ng tahimik sa Sabah ang aming mga kababayan, kaya nagsilikas sila roon. Pero ano ginawa nila? Tinaboy sila gamit ang dahas. Bakit nila sasabihin na ang intensiyon ay para makidigma? Eighty plus na ang idad ng uncle ko. Gusto niya ay mamuhay na lang ng tahimik.
Ito ang napabalita noong Marso 2013 na may 200 armado mula sa Sulu ang pumasok sa border ng Sabah upang sakupin daw ang Lahad Datu.
SUMMATION
Kung ganito nga kalaki ang inaakyat na kita ng Sabah sa bansang Malaysia na umaabot sa $72 billion kada taon, malayong-malayong i-give up nila ito. Ni sa panaginip ay hindi sila papayag. Sa palasak na pananalita, ilalaban nila ito ng patayan. At kung usapan naman ng karapatan sa teritoryo, naririyan pa rin ang ating rights na malinawan at makuha ang tunay na katotohanan base sa mga factual na istorya at buhay na dokumento na nagpapatunay sa karapatan ng Pilipinas sa Sabah.
Hindi dapat manaig ang simbuyo ng damdamin dito. Walang may gustong magkasakitan sinuman sa ganitong usapin, na ang hangad ay malaman ang katotohanan. Kaya malaki ang maitutulong ng isang neutral na tagapamagitan. Nawa ang isang tulad ng International Court of Justice (ICJ) ay manindigan sa kanilang mandate na tumulong sa mga bansang gustong mabatid at malinawan ang katotohanan. Hanga’t hindi nalilinawan, ay magpapatuloy pa rin ang saling-lahi na mag tatanong at hangarin na malaman ng bawat isang Filipino ang katotohanan sa likod ng Sabah Claim.