Ang pagunita ng ika – 45 taon ng pagkakadiklara ng 1972 MARTIAL LAW na ngayon ay ginawang National Day of Protest. Kung maaalala noong nakalipas na taon tayo ay nagkaroon ng “shifting from mere remembering to moving on” sa pag gunita ng People People. Mula sa pag gunita ng nakaraan ay ginawang pag sulong tungo sa inaharap. Ang pagunita ng historic event na Martial Law ngayon sa Bansa ay sa pamamagitan ng PROTESTA, ito’y upang maibulalas mo ang lahat nang bagay na gusto mong iprotesta.
Hayaan ninyong balikan natin sumandali ang ating naging karanasan noon bilang isang mamamahayag. Upang makatulong sa mga kabataan at mga may edad na, na nakalimutan ang mga madilim na pangyayari ng lumipas. Hindi lang trivia, kung hindi totoong istorya ng ilang kaganapan sa nakalipas.
Bahagi ng ating experience bilang isang batang-batang mamamahayag noon, may 45 na taon na ang nakalilipas.
MY RECOLLECTION
September 21, 1972 nang lagdaan ni dating President Ferdinand E. Marcos ang Proclamation 1081 at diniklara ang batas militar o “martial law,” ang dahilan daw ay “communist threats” sa ating Bansa. Ako’y pioneer ng ABS-CBN Radyo Patrol, kami ang 1st generation, ang unang batch ng mga field reporters ng himpilang DZAQ. Ang aming himpilan noon ang kauna-unahang AM Radio Station na nag -sahimpapawid ng 24 hour Broadcast.
Bago pa man naidiklara ang martial law, sinuspend na muna ni dating Pangulong Marcos ang “privilege of the writ of habeas corpus.” Ang suspension ay naganap makalipas ng madugong August 1971 Plaza Miranda bombing, kung saan ang aming grupong Radyo Patrol ang nag sahimpapawid ng ditalyadong kaganapang ito.
PLAZA MIRANDA
Isa akong batang field reporter na na-assign sa Plaza Miranda upang i-cover ang Political Rally ng maganap ang malagim na pagsabog. Isang ganap na Chaos ang buong kaganapan, nasaksihan namin ang madugo at magulong pangyayari. Ganon pa man pinilit pa rin ng aming grupo na ihatid sa mga taga pakinig ang mga pangyayari sa Plaza Miranda sa harap ng kalituhan. Nanguna kami sa makasaysayan, o historical event na ito bilang ABS-CBN Radyo Patrol reporter.
WRIT OF HABEAS CORPUS
Tulad ng aming pinangambahan, ang suspension of the privilege of the writ of habeas corpus ang naging dahilan upang isa-isahin ang mga mamamahayag o journalists. Ang aming grupong Radyo Patrol ang isa sa mga naanyayahan na mag-report sa Camp Crame noong panahong yon. Nag mistulang crackdown sa mga mamamahayag ang suspension of the privilege of the writ of habeas corpus.
Ang mga naanyayahan sa Kampo Krame noon ay hindi na nakalabas, tulad nina Louie Beltran, Max Soliven. Ito ang dahilan kung kaya karamihan sa amin ay pansamantalang nagtago sa pangunguna ng aming team leader na si Orly Mercado.
OFF THE AIR
Ang ABS-CBN ang isa sa kauna unahang Broadcast Network na ipinasara ng Marcos regime. At bilang isa sa aktibong ABS-CBN Radyo Patrol member, hindi naging madali para sa akin ang makakita ng bagong mapapasukan. Taon ang binilang na wala akong hanap buhay.
Damang dama namin na restricted ang aming mga galaw at ang dating kalayaan sa pamamahayag ay nawala. At tulad nang marami ang karapatang pang tao o human rights ay klarong nabaliwala.
Bagamat marami kaming naririnig na masamang balita, hindi na namin ma-validate, wala na kaming paraan para ma-verify ang mga ito, restricted na ang aming mga galaw, wala na kaming access sa himpapawid. May mangilan ngilan pang himpilan ang hindi isinara, ngunit ipinag bawal ang ano mang uri ng media coverage, news report, wala na ang scoop at live interviews sa panahon ng Martial Law.
METRO MANILA BANAT
Kasagsagan pa rin ng Martial Law taong 1974, sarado pa rin ang ABS-CBN, ako’y naanyayahan ng Manila Broadcasting Company (MBC) upang maging News Director ng himpilang DZRH. At dito ko nabuo ang naging pamosong Programang “Metro Manila Banat.” Isang commentary program na may dalawang anchors, si Paring Rey at si Paring Caloy.
Ang synergy naming dalawa ni Caloy Castro ay naging susi upang umani ito nang tagumpay. Pinagkaloob ng mga taga pakinig ang tuloy-tuloy na suporta at pagtitiwala sa kaisa-isang commentary program sa panahon ng Martial Law.
NINOY ASSASSINATION
August 1983, ang tinig ng inyong lingkod ang umalingaw-ngaw ng maganap ang assassination ni Senator Benigno Aquino sa tarmac ng Manila International Airport (MIA). Araw nang Linggo alas dose nang tangahali. Day off ng mga news and program anchors ng mga himpilan ng Radyo. Ako ang nasa himpapawid noon, at sa aking palatuntunan lamang narinig ang buong kaganapan ng pagpaslang kay Senator Ninoy Aquino.
Exclusive Live coverage ang aking ginawa sa DZRH, bagamat ito’y mahigpit na pinagbabawal sa panahon ng Martial Law. Nakipag tulungan sa akin ang mga reporters ng DzRH na sina Jim Ferrer, Manny Bal, and Aya Yupangco. Ito ang tinawag kong “real-time account of the one of the most historically significant days in Philippine history.” Lalung nagtumibay ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa aming palatuntunan. At sa himpilang ito ng DZRH isinilang ang radio program na nagbigay ng napakahalagang contribution sa Philippine history.
ORIGIN OF PEOPLE POWER
Martial Law pa noon, Lunes hangang Sabado, umaalingangaw ang aking tinig sa DZRH at naririnig tuwing umaga ang mga katagang….. “Ito ang Palatuntunang walang kinatatakutan, sapagkat ang pangngahas nito ay kapangyarihan ng mamamayan… PEOPLE POWER !” Mid 70’s nang aking simulan ang Programang ito. Ang naging pagmamalabis ng nasa kapangyarihan noon ang nagsilbing daan upang lalong mabaling ang suporta nang mamamayan sa palatuntunan. Lalung lumaki ang pagtitiwala ng mga taga pakinig.
Panahon ng Batas Militar, maraming babala at bantang ipapasara ang aming himpilan, wala nang nakapigil pa sa umaalingawngaw naming tinig. Wala nang naging takot ang programa, dahil ang naging lakas at kapangyarihan nito ay nagmumula na sa mamamayan…. PEOPLE POWER! Pagsapit ng ika- 22 ng Pebrero 1986, ang unang mga katagang “People Power” na namutawi sa aking bibig na napakingan sa DZRH, ang umalingawngaw sa kahabahan ng EDSA, naging hudyat at instrumento upang magsama-sama ang mga mamamayan sa lansangan, at nagpatalsik sa rehiming Marcos.
BLOODLESS REVOLUTION
Ang People Power Revolution ay naganap February 22-25 1986. Nagpasimula ang serye ng mga demonstrasyon sa Pilipinas taong 1983 na umabot hangang Pebrero 1986. Ang walang humpay na demonstrasyon o civil resistance laban sa nakalipas na rehimen ay nagsimula makalipas maganap ang assassination ni Senator Benigno Ninoy Aquino. Nasundan pa ng electoral fraud at ang nonviolent revolution ay nag resulta sa paglisan ni Pangulong Fedinand Marcos patungong Honolulu Hawaii.
Kinilala ng ilang sektor ang ginawa ni Marcos na huwag nang atakihin ang mga nagpoprotesta upang hindi na dumanak pa ang dugo, bagkos lisanin na lamang ang bansa. Ito ay tinuring na victory sa mga mamayang Filipino makalipas ng dalawampung taong authoritarian. Ang revolution na naging surpresa sa buong Mundo. Ang triumph ng peaceful People Power Revolution ang nagluklok kay Corazon Aquino bilang 11th President ng Republica ng Pilipinas.
Malaki ang naging bahagi ng yumaong Jaime Cardinal Sin, Archbishop ng Manila sa kanyang naging panawagan sa mga mamamayan na makiisa sa People Power. Gayon din ang naging role ng himpilang DZRJ, ang tinaguriang “Radyo Bandido” na pagmamay-ari ni Presidential adviser on Economic Affairs at Information Technology na si Secretary Ramon Jacinto.
Sa ngayon ay dito sa DZRJ natin ipinagpapatuloy ang ating advocacy, ang ating commitment sa bayan at pagsa sahimpapawid ng programang “KASANGGA MO ANG LANGIT,” lunes hangang biyernes, 10-11am. Ang phrase na PEOPLE POWER! ay lumaganap hindi lamang sa buong kapuluan na parang wildfire, narinig ito ng buong daigdig. Ito ang People Power na nagpatalsik hindi lamang kay Marcos, kung hindi pati sa diktador na si Slobadan Milosevic ng Yugoslavia. Ito rin ang PEOPLE POWER na nagpabago sa buhay ng mga mamamayan ng Nepal, Myanmar, Romania, Czech Republic, Korea, Germany, at Egypt.
Bagamat namayapa na ang aking partner na si Paring Caloy, ang mumunting contribution namin sa national at global history ay hindi na malilimutan kaylanman.
RECOGNITION
Ito rin ang naging daan upang isa-isa kong tangapin ang pinakamataas na karangalan at pagkilala mula sa mga prestigious na Award giving bodies:
- KBP – Golden Dove Awards, Hall of Fame
- CMMA – Hall of Fame Award
- ROTARY CLUB of Manila, Journalism
- Awards – Hall of Fame
- PMPC – Award of Excellence/Hall of Fame
Ayonsa kasabihan:
“Our legacy of PEOPLE POWER, remains.” And the rest is HISTORY!