Bahagi nang aming kakaibang Birthday episode sa “Kasangga Mo Ang Langit” na mapapanood sa darating na biernes Sept. 22, sa PTV sa ganap na alas-diyes ng gabi (10pm). Ako po ay kinapanayam nang ating kasanggang JR Langit.
JR Langit: Ngayong inyong kaarawan, ano pa ang wish ninyo na gusto ninyong magawa?
REY: Wish pang personal wala na siguro. Normally ang mga wish natin sa mga nagse-celebrate ng kanilang kaarawan ay Good Health, Success and Happiness.
Ako naman, as you know ay in tip-top condition up to now, lord blessings yan. Sa career, narating na naman natin ang itaas.
Lahat na naman ng mga prestigious and credible Award giving bodies ay nag-gawad na sa atin ng HALL OF FAME, modesty ang Catholic Mass Media Awards (CMMA), ang Rotary Club of Manila -Journalism Award, ang KBP Golden Dove Awards at Philippine Movie Press Club (PMPC) pinagkaloob na nila sa atin ang pinakamataas na antas ng pagkilala, ang Hall of Fame.
Kung happiness ang pag uusapan maligaya na ako sa inyo, sa pamilya ko, sa mga Apo ko. Wala na akong mahihiling pa na pansarili.
JR Langit: Siyempre marami pa rin ang nag tatanong kung bakit patuloy pa rin kayo sa pagbo Broadcast at ayaw ninyong paawat.
REY: Haha, ngayon kung tatanungin tayo kung bakit nagpapatuloy pa ako sa ating trabaho. Ang ating ginagawa sa ngayon ay advocacy na, matagal ko nang pinapangarap na mag karoon ng “highest standards of Broadcast Journalism” sa industry. Pero alam natin na long shot yan, hindi madali kaya nag papatuloy parin tayo upang kahit na papaano ay makatulong ang ating knowledge, experience at wisdom sa mga kabataan na next generation ng Industriya ng pamamahayag. Hindi available ito sa libro o text books sa kolehiyo. Kaya sa munti nating nakayanan ay naka gawa tayo ng libro na hindi for sale. Ito ay pinamamahagi natin ng libre kapag tayo ay naaanyayahan na mag-lecture, sa mga Seminar, at out reach programs na pinupuntahan natin, hindi lang sa Luzon, nakararating tyo sa Visayas, katunayan noong isang Linggo lang galing tayo nang dalawang beses sa Mindanao para mag salita.
Sa totoo lang ang broadcast ay “potent”, powerful, may malaking impluwensiya sa tao. Kaya kung mayroon kang gustong baguhin halimbawa sa mga nakikita mong kamalian, makatutulong ang broadcast media para maituwid ito. Sa mga pag mamalabis ng ilang opisyal sa gobyerno malaki ang maitutulong ng Broadcast.
JR Langit: Kung mayroon kang gustong balikan, baguhin sa lumipas o nakaraan, ano ito?
REY: Alam naman natin na ang nakaraan ay nakaraan na, hindi na puweding baguhin kong mayroon man tayong pag kakamali. Ngayon kung pag uusapan lang ang retrospect o pag babalik tanaw . Ang isang gusto kong mai-correct sana ay yon nangyari sa kuya mo, kay Reyster. Na ang gusto lamang niyang mangyari kaya nag tungo siya sa Singnapan Rizal Palawan ay upang makatulong sa mga bata. Malaman at idocument ang pag kakasakit at maagang kamatayan ng mga bata sa tribu ng Tao’t Bato. Kaya nag-sama pa sila ng ilang medical workers. At upang tawagan nila ng pansin ang DOH, ang kasalukuyang gobyerno noon at ibang mga dalubhasa sa medecina dahil hangga ngayon ay marami pa rin ang nabibiktima ng Malaria sa endemic areas dahil sa Lamok.
Alam natin na nai-send naman ng iyong kuya Reyster ang message across, bagamat “at the expense” ng kanilang buhay. Binuwis nila ang kanilang buhay, ito ang masakit na katotohanan na naganap at hindi na puweding mabago pa para maibalik ang nakaraan at ang kanilang buhay.
Samantala naririto ang ilan sa mga maagang nagparating nang kanilang mga pag bati at testimonies na nais nating pasalamatan. Sina Paring Mike Enriquez, Arnold Clavio at Orly Trinidad ng DZBB -GMA 7:
Mike Enriquez: Paring Rey, maligayang maligaya kaarawan at congratulations sa panibagong yugto na naman ng buhay mo, sana magkaroon kapa ng maraming maraming maligayang kaarawan at maraming maraming taon pa ng pagbibigay ligaya, aliw, balita, katotohanan sa maraming maraming pang Pilipino dito at sa buong mundo. Kami ni paring Rey di po kami mag-kakalimutan nyan, magpakaylan man sapagkat pareho po kaming pinagdaan di lang sa trabaho, higit dun mas na higit na higit sa personal kung hindi po dahil kay paring Rey hindi po, hindi ko po mapapang asawa yung asawa ko ngayon at kung hindi dahil sa akin, yabang oh. Hindi, pareho po kaming ng pinagdaanan sa aming mga dating girlfriend ni paring Rey. Kaya ang aming pong bond ika nga ni paring Rey ay babae oh, kita nyo naman babae, oh si maring Ester at si tita Babes, so paring Rey at maring Ester congratulations ha napaabot nang ganyan si paring Rey, mahusay kang mag alaga.
Arnold Clavio: Okay, bata palang ako, hehe di totoo yun bata palang ako eh listener na po ako ni Mr. Rey Langit, ang tawag ko nga ho dyan Mr. cool diba, cool lang po yan eh, pero talagang nagkaroon ako ng pagkakataong makilala po siya, talagang sinabi ko po sa kanya, pag gabi po kasi listener po ako nang programa nya sa DZRH, alam niyo mo kung bakit, kasi ang program po nya eh dipende doon sa taon eh, kunyare Rey Sky 77, Rey Sky 78, hanggang sa pinakamagandang rhyme eh Rey Sky 79 yan, kasi ho parang ano eh yung boses nya ang lamig, hanggang sa napanuod ko pa po siya sa pelikula, naku eh ewan ko ho kung magkano budget, kasi kailangan patayin nya si Fernando poe hehehe. Tapos pelikula ni Victor Wood diba, so sa matagal ay talaga hong kinilala ko ho siya bilang isang magaling po na broadcaster at nung nagkaroon ho ako ng pagkakataong pasukin ito eh alam niyo po una ko pong trabaho ay news writer ako sa DWIZ at sister company sila nun ng DZRH at lagi kong napapakinggan sa umaga kasi yun naman ang trabaho ko yung monitoring yung kanilang “metro manila banat” kasama si paring Caloy sila ang nag pasikat ng “People Power” diba, so sa matagal pong panahon ay talagang ah masaya hong nakasama ko po si paring Rey. Sa mga golf tournament ayan ho at ah talagang galing ho sa ilalim ng lupa yung boses nya eh pag sinabi nyang core, mga ganun ho haha moligan talagang maalala mo na iisa lang talaga ang ah ang Rey Langit at ah pati po personal na buhay ah nakarating narin ho ako sa kanilang bahay sa tagaytay at ah naging maganda ho yung ah pakikitungo nang pamilya ah dahil nag-overnight kami, actually may biro nga ho ako eh, nagkekwentohan kaming mga broadcasters yung paggising ba sa umaga ni Rey Langit ay para bang ah aba umaga na pala, asan na ang aking tsenelas (mimic), natural na natural ang boses. abay nag overnight kami, narinig ko ganong-ganun ho yun, ganun na ganun ho talaga eh nang magising siya, aba umaga na pala hahaha.. at handang handa po pati yung kanyang may bahay ay ah masarap pong magluto, kaya ayoko nang ah ika nga malaman pa kung ah ilang taon kana sa industriya yun mas ba, mas ano eh, pero paring Rey Happy happy birthday, salamat sa mga pagkakataon na mga itinuro mo sa akin para maging ah isang magaling din sa broadcasting at ah tatanawin ko pong malaking utang na loob yun ah kasi minsa ho talagang hong may, mahilig po siyang magbigay nang mga aral, turo gustong gusto po niya yun at ah ako naman eh mga sukli ko dun eh minsan mga joke na masarap pong mapatawa po si Rey Langit talagang Haha ikaw talaga (mimicking), mga ganun balik nya, kaya saludo po ako sa inyo ah, God bless ah nandito lang po ako at ah text text lang tyo. Happy birthday Paring Rey Langit yah. Thank you thank you.
Orly Trinidad: Okay, ahm. Three, two, one… Hindi ko na po matandaan anong year yung una kaming nagkasama ni kuya Rey Langit sa coverage, pero ah ako nakatitiyak na yun po ay isang coverage o isang pagbabantay sa biyahe ng isang pangulo sa ibang bansa, dating pangulong Fidel Ramos, maniwala ho kayo sa hindi lahat po yata ng lugar ng pinuntahan ng dating pangulo Ramos, lalo na ho Arabian country, mas maraming lumalapit kay kuya Rey kaysa sa dating pangulo, totoo po yun. Minsan nga nagugulat po kami dahil si pangulong Ramos nakikipag kamay sa mga opisyal ng mga embahada, ang mga kababayan natin nag papapicture kay kuya Rey Langit, ganyan po ka-tinde at sa tingin ko deserving po naman dahil alam naman po natin kung papano nakilala si kuya Rey sa pagtulong sa ating mga kababayan nag tatrabaho sa ibang bansa, kaya kuya Rey alam ko marami ka nang natulongan at marami ka pang tutulongan pa, isa narin sa natulongan mo yung mga tulad ko, syempre nag sisimula palang nun sa broadcast at ah marami pang pagkakataon na nagkasama tayo at marami din po akong natulongan dahil sa inyo lalo’t lalo na sa mga katulad din po ninyong senior na sa ganitong propisyon siyempre kuya Rey ang hangad namin humaba pa ang iyong taon sa broadcast at tumibay pa, ang iyong ah ika nga reputasyon at yung pananalig at tiwala saiyo nang ating mga kababayan kaya kung sakasakaling ikaw ay maging magisip na ah mag paparty ngayong birthday mo, wag mo akong kalimutan at syempre alam mo na kung sino makakasama ko, paring Rey Happy birthday ah diba.
Hindi rin naman siyempre mag papahuli ang ilan sa mga government officials na maagang nag paabot nang kanilang mga pagbati at sharing of experiences sa atin tulad nina Secretary Martin Andanar at Senator Dick Gordon:
JR Langit: Okay, rolling anytime sir.
Sec. Andanar: Alam niyo po si idol Rey Langit ay isang institusyon na sa larangan nang broadcasting. Siya po ay isang institusyon hindi lamang dahil sa kanyang talagang objective na komentaryo, malalim na komentaryo. Teka may dadaan ata. Ulitin natin. Si idol Rey po ay isang institusyon ng broadcasting siya po ay Idol ng mga radio broadcasters at yung mga estudyante na gusto palang maging broadcaster sapagkat malalim po yung kanyang komentaryo at laging objective. Pero para po sa akin hindi lang yun kaya idol ko si rey bukod po sa kanyang mga malalim na komentaryo ay bihira po kase na makakita ka ng isang magaling na radio broadcaster na magaling din sa management. So he is very good in managing radio sation, very good in managing he’s own business and good and also in managing ah yung mga press conferences lahat po so that’s why ah Rey is such an exemption he is really an outlier in what he does. So Rey I would like to greet you a very happy 70th birthday and may you have many more fruitful years to come. Para po mas marami pa ho kayong mainspire na mga kababayan natin at mga broadcaster. Mabuhay ka!
Senator Gordon: Happy happy birthday Rey! Ikaw talaga ang hari ng langit. Rey Langit. Hahaha hari ng langit . At ikaw talaga ang batikan na talagang media man na talagang hanggang ngayon hindi nawawala ang tiwala ng tao sayo sapagkat tapat ang sinasabe mo sa tao at itinataas mo ang moral ng tao sa iyong mga programa at nililinaw nililinaw mo ang mga issue at naiintindihan ng tao, so keep on plugging keep on ah talking in the media because that is your power. Sky is the limit!
Marami pa ang gustong humabol sa list of Well-Wishers…. marahil sa susunod naman. Minsan pa ang aking taos pusong pasasalamat una kay Lord, sa aking Family, sa aking anak na si Reyster, na nag sisilbing Inspiration namin ni JR Langit upang ipag patuloy ang kanyang sinimulang adhikain.
At sa INYONG LAHAT na nag papatuloy na sumusuporta at naniniwala sa aming mga adbokasiya at palatuntunan sa Telebisyon, Radyo at Social media.
Makakaasa kayo na lalupanaming pag iibayuhin ang aming commitment na makatulong sa sambayanang Pilipino.