Nais naming ibahagi sa inyo ang ala-ala ng isang Kaibigan. Si Amelyn Veloso ay isang magaling na mamahayag, Broadcast Journalist na maagang namaalam. Pumanaw sa edad na 43 taong gulang. Siya ay malapit sa aming pamilya at matalik na kaibigan ng aking anak na si Reyster Langit. Si Amelyn ang naging partner ni JR Langit sa unang pagsabak niya sa telebisyon.
Hindi mabilang ang mga ala-ala namin kay Amelyn Veloso. Pati na ang mga kaalaman na naibahagi niya sa “Bayan ni Juan” tv show sa ilalim ng direction ni Reyster at produce ng HIP TV Inc. Nuong 2001, nakatrabaho nya ang ating Kasanggang si JR Langit sa Programang “Bayan ni Juan” sa IBC 13.
FLASHBACK
Magbalik tanaw tayo sa mga episodes ng Bayan ni Juan kung saan nagkasama sina Amelyn, Jr Langit at Reyster. Sa pamamagitan ng Trekking sinuyod nina Amelyn, Jr at Director Reyster ang kapaligiran ng Taal volcano.
Amelyn: hay naku Jr tara na nga, ipagpatuloy na natin ang paglilibot dito sa Taal.
JR: Yung lang pala eh, ikaw ba Amelyn handa kana ba sa tuloy tuloy na paglalakad, na non-stop?
Amelyn: Hahah, handang-handa na ako, hahahahhaha!
REYSTER: Cut Cut Cut! itong si Amelyn bungisngis talaga.
Si Amelyn ay isang masayahing tao, no dull moment para sa kanya. Ang malulutong na tawa ni Amelyn ay hindi na natin maririg pa. Nitong Agosto bente kwatro, sumakabilang buhay si Amelyn matapos ang tatlong taong pakikipaglaban sa karamdamang Cancer.




THE ORIGINAL BAYAN NI JUAN
Amelyn: Dito lamang sa IBC-13 para sa di pahuhuling hain at laging tandaan masarap mabuhay sa “Bayan ni Juan.”
JR: Talagang masarap mabuhay sa Bayan ni Juan!
May ilang dekada na rin nang aming ilunsad ang program. Umani ng tagumpay ang palatuntunang pang telebisyon na “Bayan ni Juan.” Halos nalibot nina Amelyn at Jr ang buong Pilipinas. Binigyan ng pagpapahalaga ng palatuntunang “Bayan ni Juan” ang bawat bayan na kanilang binisita. Ang magagandang tanawin, ang atraksyon sa bawat Bayan, delicacy ng lugar, kinagisnang Kultura at tradisyon.
CONTROVERSY
Naging usap usapan ang “Bayan ni Juan,” katunayan kinausap pa kami ng personal ng staff ni Senator Juan Ponce Enrile noon na kung maaari sila na lang daw ang gagamit nang titulong ito.
REY LANGIT: “Wala namang monopoly sa titulong BAYAN NI JUAN, generic yan. lahat puweding gumamit. Katunayan mayroon tayong 1,490 na bayan at 144 na siudad dito sa Pilipinas. Sa mga nakatira sa bawat Bayan na yan, sa kanila yan.
At sa Pangalang JUAN, million million ang may Pangalang Juan. Ano ba kayo! ”
Matapos ng aking maikling paliwanag, iniwan na lang ako at tinalikuran ng mga taong kausap ko.
MEDIA CARRIER
Nakilala si Amelyn hindi lamang sa mag lifestyle programs, naging aktibo rin ito sa mga balitaan lalo na nung malipat sa TV5.
Amelyn: Anong lagi naming tatandaan bago kami pumunta sa bulkan?
Tourist guide: Ang una nyo munang tandaan ho, ay alamin muna ang status ng bulkan, kung ito ba ay nasa live status o hindi.
Pinasok rin nya ang larangan ng radyo nuong 2005 sa DZXL at sa Radyo Singko mula 2011 hanggang 2012. Pinakahuling pinaglingkuran ni Amelyn ang CNN Philipines kung saan isa sya sa itinuturing na CNN original. Balikan natin ang masayang ala-ala ng Bayan ni Juan kasama si Amelyn Veloso.
Amelyn: Okay, I’m with Mr. & Mrs. Dave and Janice Guilan and they own the Log cabin and the same time they also manage other restaurant in Sagada named with St. Josh and Alfredos, so mag start po tayo sa ano dito sa Log cabin, how did this start?
Janice: The Log cabin started in 1990, and it was then tourist a pick of a kind of tourist begin to come in Sagada.



SENSE OF HUMOR
JR: Amelyn ang ganda nang view dito noh?
Amelyn: Oo nga eh, mamangha ka sa ganda ng view. JR anong gagawin mo kapag na stranded ka dito?
JR: Simple lang iikotin ang buong Isla.
Amelyn: Hahhahaaa!!
Direk REYSTER: CUT CUT CUT!!!!
JR: Mula sa pag explore ng kalikasan hanggang sa mga food trip ay nakasama ko si Amelyn.
Amelyn: Nakakapagud din palang maglakad at maglibot dito sa Taal.
JR: Oo nga eh, pero wag mong sabihin sa akin na uupo ka nalang dyan? Magandang exercise ang trekking natin dito.
Amelyn: Dito muna tayo. Hinto muna tayo
JR: Amelyn naka tikim ka na ba ng gourmet sa bundok?
Amelyn: Uhm, Parang alam ko na yang sinasabi mo haha.
Masaya at magaang kasama dahil likas syang palatawa.
Amelyn: ikaw Jr, may diterminasyon ka pa bang libutin ang lugar na ito?
JR: Ako pa! basta may nag i-inspire sakin, kayang-kaya yan.
Amelyn: Hahahha …..
Direk REYSTER: Amelyn, focus concentrate.
JR: Simple lang kasi ang lugar na ito na pinapalibutan ng limang bayan, at dalawang lunsod so wala na kong puproblemahin pa diba?
Amelyn: Okay ka rin ha! Sige na nga ipagpatuloy na natin ang trekking natin dito.
“FIRST LADY NG MASA”
Sa Tv program na ito sa ilalim nang Direction ni Reyster Langit ang kinuha niyang Host ay si Amelyn Veloso, Produce by HIP TV INC.
Minsan may dinaluhang pagtitipon sa lalawigan sina President Joseph “ERAP” Estrada nang siya pa ang Pangulo taong 1999. Ganoon na lamang ang pag tataka ni Erap ng magsigawan ang mga tao ng First Lady Ng Masa! Noon lamang natuklasan ni Erap na mas popular pala sa kanya si Dra. Loi Estrada, dahil sa kanyang TV program na “First Lady Ng Masa sa RPN 9.
MEETING OF THE MINDS
Minsan na anyayahan tayo ni Ginoong Jing Magsaysay ng CNN Philippines na mag-host ng Public Affairs Tv Show sa Channel 9. Makalipas ng series of meetings nalaman ko na si Amelyn Veloso ang aking magiging co-host sa show. Hindi na nag dalawang salita si Jing Magsaysay agad kong tinangap ang offer.
Malaking factor si Amelyn sa pagkakatangap ko sa invitation. At isa pa, hindi na rin iba sa akin ang Channel 9, dahil dito na rin kami nahasa nang hawakan namin ang Public Affairs Program na naging popular noon. Kaming tatlo nina Atty. Dong Puno, Mon Tulfo at ako sa TV Show na “Action 9.”
PROVIDENTIAL
Sa makasaysayang larawang ito, makikita kami ni Amelyn Veloso sa isang Pictorial at si Ginoong Jing Magsaysay, executive ng CNN Philippines ang kumukuha ng mga larawan sa loob ng bagong booth na pinagawa just in time sa launching ng television Show namin ni Amelyn.
Nai-post ang larawang ito sa facebook at nakarating sa kaalaman ni the late Ambassador Antonio Cabangon Chua ang may-ari ng Aliw Broadcasting Corp.- Station DWIZ na aking minamanage noon, ako ay kanyang pinaki usapang mag-withdraw na lang sa CNN Philippine tie up.
Bilang respeto sinunod ko ang kahilingan ng aking Boss bago pa formal na i-launch ang tv show. Kinalungkot ito ng masayahing si Amelyn.
SUPPORT FROM A FRIEND!
Minsan nabalitaan ni Amelyn na may paanyaya sa akin na tumakbo sa isang National Elections. Dagling nag tungo sa aking tangapan at dinala ang kanyang production staff at television crew ng CNN Philippines. Isang surprise interview ang kanyang ginawa para raw support sa aking Senatorial bid, bagamat wala pa akong disisyon kung ako nga ay tatakbo sa panahong yon. Isa siyang tunay na kaibigan, isang malaking kawalan sa industriya nang pamamahayag ang maagang pamamaalam sa atin ni Amelyn Veloso ng CNN Philippines.
Amelyn hindi ka namin kailanman malilimutan. Kaming mga kasamahan mo sa industriya ay lubhang nalulunkot sa iyong wala sa panahong paglisan. Mamimis ka namin Amelyn! Paalam kaibigang Amelyn Veloso. Please give my best regards to Reyster.
Farewell for now. Until we meet again!